bc

The One I Love the Most

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Lumaki sa hirap na buhay si Elisha, labing tatlong taong gulang palang siya ngunit araw-araw sinusuyod nila ng kanyang ina ang lungsod upang maipagbili ang iba't- ibang uri ng kakanin. "Di mo dapat dinaranas ang hirap na ito Eli" wika ng kanyang ina na kita ang lungkot sa mga mata. "Wala kang dapat ipag-alala Nay, basta kasama kita kahit gano pa kahirap ang buhay natin titiisin ko basta nandyan ka lang" wika niya na pilit pinasigla ang boses upang maibsan ang lungkot ng ina.

Ngunit isang di inaaasahang pangyayare sa buhay nila ang magdadala sa kanya upang makilala ang nag-iisang matalik na kaibigan ng kanyang Ina. Si Donya Anabelle na ubod ng bait at si Dylan Greco, ang nag-iisang anak ng Donya na kung gaano kabait at kagaan na pagtanggap sa kanila ng kaibigan ng kanyang ina ay ganoon naman ang nararamdaman nitong disgusto sa kanila. O mas dapat sabihin na disgusto sa kanya lang? Dahil sa tuwing magkikita sila nito ay mataman siyang titigan nito at ni di siya kinakausap. Kahit anong gawin niya ay di siya mapalapit dito.

Pero kahit na ganoon ang pakitungo nito sa kanya, ang kanyang batang puso ay naglaan na ng espasyo para sa binata na. Para sa kanya ito ang langit na di niya maabot kailanman kahit abot tanaw mo na. Lalo pa at mas nalalapit na ng pagkakalayo nila sa nakatakda nitong pag-alis.

Sa paglipas ng panahon ay mawala kaya ang nararamdaman ng kanyang musmos na puso? Sa paglipas ng panahon at matanggap ba siya nito?.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Nay tara na po, alis na po tayo at baka mahuli na naman po tayo kay Aling Tising" wika ng batang si Elisha na nagmamadaling sinukbit ang bag at lumabas ng kanilang munting tahanan. "Mauubusan na naman po tayo ng kakanin kay aling Tising" dagdag na wika pa niya. "Nako anak, saglit lang at biglang sumakit ang tiyan ko" wika ng ina niya na nakukunot ang noo habang hawak ang tiyan nitong humihilab,malamang ay may nakain ito dahilan upang sumakit ang tiyan nito. Sinundan niya ito hanggang sa pinto ng kanilang munting palikuran at kinausap. "Pano na yan Nay baka maubusan na naman po tayo pag hinintay ko pa po ikaw". Wika niya na nakakunot ang noo at napapabuntong hininga. "Ang mabuti pa anak ay ikaw na muna ang mauna kay Nanang Tising mo para di tayo maubusan" wika ng nanay niya na nasa loob ng banyo. " Sige po Nay, magiging maayos lang po ba kayo dyan?" wika niya ng may pag-aalala. "Oo naman anak, mukang may di maganda lang ako nakain kagabi kaya ganito ang tiyan ko. Hintayin mo na lamang ako sa 7eleven, nandoon na ko bago mag ala sais. "Opo" sabi na lamang niya na bagaman nag-aalala sa ina ay umalis na din. "Papunta ka kay Aling Tising? tanong nito na ikinatango ko. "Sama ako!" sabi pa nito na mas excited pa sa kanya. Napairap siya, alam niya kung bakit masayang masaya ito. Makikita nito ang crush nito na anak ni Aling Tising. "Yan ka na naman, sasama ka sakin para masilayan mo si Kuya Dexter. Wika niya na kunwa'y nagtatampo. "Akala ko pa naman sasama ka kase gusto mo talaga ako samahan" dagdag pa niya habang mabilis na naglalakad. "Ano ka ba bestie, syempre gusto talaga kita samahan pero syempre gusto ko din makita si Papa Dex, para naman makumpleto ang araw ko" Wika nito na pinagsalikop pa ang kamay at parang ma-iihi habang nag-lalakad. Tinawanan niya ito sa kalokohan nito. Di tulad niya mas nakaka-angat sa buhay ang bestfriend niya. Di rin ito nakatira malapit sa mga barong barong na bahay. Mas maganda ang bahay nito na di hamak, kung sa kanila ay pinagtapi-taping kahoy at yero, sa kanila ay masasabi mo talagang bahay. Parehas silang nasa grade 7 sa darating na pasukan, pero mukang di siya makakapag-enroll dahil kulang sila sa pinansyal. Kaya labis ang pagsisipag nilang mag-ina para makahabol sa darating na pasukan. " Kailangan mo makapagtapos ng pag-aaral anak, ayoko na matulad ka sa akin na walang alam. Hangga't kaya ko itataguyod ko ang pag-aaral mo kaya mag aral ka mabuti anak, yan lang ang kaya kong ipamana para sa iyo". Ang laging bilin sa akin ng aking ina. Kaya talagang gina-galingan at sinisipagan ko ang pag-aaral ko. Gusto ko na balang araw ay mabigyan ng kaginhawaan ang aking ina. Marami pa silang pinag-usapan ni Georgia habang papunta kay Nanang Tising. Walang tigil ang bibig nito sa kung ano anong kwento, siya naman ay masaya lamang na nakikinig at kung minsan ay nakikipagharutan din. Nabigla na lamang siya na halos madapa siya sa paghila nito sa kanya palapit kay Nanang Tising na nakatayo sa labas at may kinakausap. "Hi kuya Dexter!" wika ni Jeorge na medyo pinalambot ang boses at bigla na lamang siya binitiwan. "Hello mga bata" wika nito na hinawakan sila sa ulo. Mabait ito kagaya ni Nanang Tising at kung titignan ay talagang gwapo ito, dangan nga lamang ay hindi naman niya ito napagtutuunan ng pansin di gaya ni Jeorge na sobra ang pagkaka - crush dito. Ngumiti lamang siya at napapailing na tinignan ang kaibigan na di na yata halos humihinga at di na yata pumipikit habang nakatingin kay Dexter. Hinatak pa niya ito para samahan kay Nanang Tising pero binulungan siya nito. "Girl hayaan mo muna ako kay Papa". Kaya wala siya nagawa kundi ang lumapit kay Nanang Tising mag-isa. "Nanang Tising magandang umaga po. Ano po ba ang pwede ko pa makuha? Tanong niya habang tinitignan isa-isang nakahantad na kakanin sa lamesa. "Nako, kamuntikan ka ng maubusan ineng, kanina ay mayroong gustong kumuha ng lahat ng iyan, lamang ay sinabi ko na mayroong may-ari na". Wika nito habang ipinapaabot ang basket na paglalagyan ng paninda niya. "Ang natira na lamang ay itong kutsinta na may yema, 10 nilupak na kamote, bibingka, palitaw at itong buchi buchi" Napabuntong hinga siya, naiisip niya na kulang ang mga iyon pero dahil nalate siya ay wala siyang magagawa. "Sige po Nanang Tising maraming salamat po dahil pinagtabi niyo po ako". wika niya na nginitian ang matandang babae. "O siya sige, walang anuman. At inaalala ko nga na nung isang araw ay walang natira para sa inyo kaya tinira ko talaga ito para sa iyo. Aba'y nasaan ba ang iyong Ina?" Tanong nito na lumilinga sa paligid. "Nanakit po ang tiyan kanina kaya po ako na lang po ang pinapunta, pero magkikita po kami sa tapat ng 7eleven nana Tising" Wika niya habang nagbibilang ng perang pambayad niya dito. Bata pa lang siya ay makikitaan na siya ng galing sa pagkakalkula at pagtitinda. Siya lagi ang nag-aalok ng tinda nila, kadalasan ang iba ay natutuwa sa kanya. Madami ang nagsasabi sa kanya na maganda siyang bata. Kahit na siya ay nabibilad sa araw ay di gaanong nangingitim ang kanyang balat. Matangos din ang kanyang ilong sa pang karaniwan at malalantik ang pilik mata niya na may pagkabilugan. Ang kanyang buhok na pag nasisikatan ng araw ay makikita mong kulay bukayo. Ang kanyang pisngi ay namumula mula kahit wala siyang ilagay ganun din ang kanyang labi. Madalas na ipang asar sa kanya ng mga kalaro niya na siya ay anak araw na nung una ay kinaiinis niya pero sa katagalan ay di na lang niya pinapansin. Madalas sinasabi din sa kanya na di siya anak ng Nanay niya. Kung titignan ang nanay niya ay maganda rin ito sa kabila ng kahirapan ay di matatago ng ganda nito, ngunit malaki ang pagkakaiba nila. Ang Ina niya ay kulay bukayo ang balat dala na marahil ng pagbibilad sa araw, itim na itim din ang buhok nito na madalas ay nakatali patalikod. Balingkinitan ang katawan nito na laging nakamaong at T-shirt. Katamtaman ang tangos ng ilong nito na bumagay naman dito. Ang mga mata nito ay malalantik din at bilugan na sa tingin niya ay namana niya dito. Tuwing sasabihin ko sa kanya ang sinasabi ng mga nagiging kalaro ko na nakakaaway ko ang lagi niyang sinasabi ay "Nakuha mo ang itsura ng iyong Ama. Ikaw ang tanging ala-ala niya sa akin. Tuwing titignan kita, siya ang nakikita ko kaya nababawasan ang lungkot ko". wika nito na ikinasasaya niya. "Sakto na ito ineng, mag-iingat ka, kayo ng Nanay mo". Wika ni nanang Tising na nagpabalik sa aking pag-iisip. "Maraming salamat po" wika ko na tumalikod na at hinila si Jeorge na halos madapa dahil nakatingin pa din ito kay Dexter habang paalis. "Bye kuya Dex, see you again" wika nito na kumaway sa malanding paraan. Narinig pa niya ang pagtawa ni Nana Tising at ng anak niya. Napapailing na lang ako na mabilis na naglalakad. "Sizt! wait lang! Hulas na ako sa paghila mo sakin" wika nito na pilit kinuha ang kamay sabay labas ng maliit na salamin nito sa bulsa at naglagay ng foundation at liptint. Napairap siya. " anong hulas e konti palang nilalakad natin? Kanina ka pa hulas habang natitig ka dun sa crush mo'. wika niya na nginisihan ito. Nagdadabog naman ito na naupo. "Nako sizt, gusto ko pa nga magtagal doon kaso hinila mo na ako. Malapit ko na siyang masungkit at maging papa" anito na naghawi pa ng buhok palikod ng tenga na feeling mahaba kahit na sobrang ikli naman ng buhok nito. "Kung di pa kita hinila paalis doon e baka kahit sa labas ng bahay ka nila tumira okay lang sayo". Pangbubuska pa niya dito. "E ano pa nga ba bestie?, sa malamang nga ay ganon mangyare. Malay mo naman maawa siya sakin at asawahin niya ako agad" wika nito na sabay naming tinawanan. "Wish mo lang bestie" wika niya na naglakad na ulit patungo sa lugar kung saan sila magkikita ng Ina. Tumayo na rin ito at sumunod sa kanya. Makaraan lamang ang ilang minuto pa ay natanawan na niya ang kanyang Ina na nagmamadali. Mag alas sais treinta na kase at para sa kanila ay tanghali na iyon. "Nay!" sabi niya na kumaway dito at ng makita sila ay dali daling lumapit sa kanila. "Magandang umaga Aling Dolly" wika ni Jeorge na nagmano pa sa nanay ko. " Maganda ka pa sa umaga Georgia". tugon naman nito habang nakangiti. "Ay bongga! Kaya gustong gusto kita Nanay Dolly e! Di ka marunong magsinungaling!. Wika nito na wari mong bulate na di mapirmi sa kinatatayuan. "E sino ba si Nanay Dolly? Dolores ang pangalan ko" wika ng ina niya na natutuwa sa kaibigan niya. " Di po bagay sa iyo ang pangalan mo mas bagay ang Dolly Tita!" wika pa ulit nito na pinipilantik ang mga daliri. "Nako, talaga itong batang ito o. Sasama ka ba sa amin maglako? tanong nito. "Nay di sasama yan, kaya lang andito yan dahil gusto makita ang crush niyang si Kuya Dex. Diba? sabi niya na nilingon ito. Maluwang naman na ngumiti ito at sadyang hinampas siya at pinagdikit ang dulo ng dalawang hintuturo. Nilakihan ko naman siya ng mata. "Ang totoo niyan Tita Dolly, may inutos po ang mama sa akin. Tumakas lang po ako para masilayan ko angv irog ko" wika nito na kumislap pa ang mga mata at ngumiti ng kay tamis. "Kuu! Talagang batang ito o. O siya sige, maiwan ka na namin dyan at kami ay mahuhuli na ha. Kaya mo naman na siguro umuwi no? Sabi pa nito pagkaraan. "Ay opo naman tita!" Ako pa ba e ako na yata pinakagala sa lugar na ito". Sabi nito na tumatawa. Pagkaraay pakembot kembot ito na naglakad pauwi. Napapailing na lamang siya sa kaibigan habang natatawa. Chapter 2 Matagal na sila naglalakad sa kahabaan ng lungsod ng Maynila. Mag aalas Otso na at malapit na din maubos ang paninda nila. Huminto sila saglit para mag-umagahan sa karinderya na kanilang nadaanan. Umorder ang ina niya ng isang order ng gulay. Mas mura kase iyon kesa sa mga karne na nakikita nila. Umorder din ito ng 2 dalawang kanin at isang botelya ng mineral water. Kasya na sa kanilang dalawa iyon dahil kailangan din nila talaga magtipid para sa kanyang pag-aaral. Siya naman ay paulit ulit na pinupunasan ang pawis na tumutulo sa kanya dala ng matagal na paglalakad. Napatitig sa kanya ang kanyang ina. " Pasensya ka na anak, masyado ka napapagod kakasama sa akin sa paglalako ng kakanin. Sabi ko naman sayo kaya ko na ito mag-isa". wika nito na mababakas ang lungkot sa tinig. "Nay, alam mo naman diba na di ako sanay ng walang ginagawa, mas gusto ko po na samahan kayo sa paglalako kesa tumambay mag-isa sa bahay o kaya ay makipaglaro sa mga bata". tugon niya sa masiglang tinig. "Kahit na Eli. Bata ka pa, mas dapat na nageenjoy ka kesa naghihirap. Di mo dapat nararanasan ang hirap na ito Eli" wika pa nito na mababakas ang kalungkutan sa mga mata habang nakatitig sa kanya. "Wala kang dapat ipag-alala Nay, basta kasama kita kahit gano pa kahirap ang buhay natin titiisin ko basta nandyan ka lang" wika niya na pilit pinasigla ang boses upang maibsan ang lungkot ng ina. Sa loob loob niya ay gusto na niyang maiyak pero ayaw niyang mas lalong palungkutin ito. Nasa ganoong sitwasyon sila ng biglang dumating ang serbidora at hinain ang kanilang pagkain. Napatingin ito sa kanilang basket na naglalaman ng paninda nila. " Buchi ba iyong nakikita ko?" Napatingin ako sa nginunguso nito at matamis na ngumuti dito. "Opo Ate! Meron din kutsinta na may Yema" wika niya habang nilalabas ang paninda upag ipakita dito. "masasarap po ang lahat ng ito ate" Dagdag pang sabi niya. "Talaga ba?" Sige nga ibigay mo na sa akin lahat ng iyan at paborita ng anak ko ang mga yan tamang tama at binanggit niya kanina iyan" wika nito na umalis saglit upang marahil siguro kumuha ng pera. Nagtinginan silang mag ina sa saya na nakaubos sila ng paninda. "O eto ineng" Nagabot ito ng isang daang piso na sinuklian naman niya ng sisenta pesos. Ngumiti siya dito at nagpasalamat. Bago kumaen ay nag usal muna sila ng dasal ng pasasalamat dahil sa naubos ang kanilang paninda at syempre dahil sa pagkaing nakahain sa harapan nila. Pagkatapos ay magiliw at masaya silang kumaen habang nakukuwentuhan. Pagkauwi sa kanilang tahanan mag aalas nuebe ng umaga ay nagpahinga muna siya. Nagbasa siya ng magazine na hiningi pa niya kay Aling Tonya. Ang kapitbahay nila na may tindahan. Mabait ito sa kanya. Kaya ibinigay nito ang magazine. Alam nitong mahilig siyang magbasa. Ang nanay niya ay may pinuntahan pa ulit. Malamang ay isa sa trabaho nito. Ganoon palagi ito tuwing pagkatapos nila magtinda. Di niya alam kung saan ang punta nito. Di na siya nag-uusisa pa dahil laging ang sinasabi nito ay trabaho. Pero tuwing ito ay uuwi nakikita niya ang lungkot at pagod. Kaya naman palagi niya din itong minamasahe. Isa isa niyang binubuklt ang pahina, pawang mga sikat na artista ang nakikita niya nung una. Kung ano anong issue na hindi naman siya interesado. Nageenjoy lang siya magbasa at tumingin sa nag gagandahang mga tao. Sa isang pahina napansin niya na tungkol naman sa mga negosyante. Nung bata pa siya pangarap niya na maging negosyante, ang sabi pa niya sa kaniyang Ina, maglalako siya ng mga bibingka na siya mismo nagluto. Tinatawanan lamang siya nito. Nang siya ay lumaki na at naranasan ang pag aalok. Napagtanto niya na di pala madali ito at mas dapat na taasan pa niya ang kanyang pangarap. Kaya naman nagbago na ang kanyang mithiin. Nang paglipat niya sa susunod na pahina ay napadako ang tingin niya sa isang larawan ng lalaki na nakaasuot ng itim na mahaba ang manggas. Sa pagkakaala niya at Tuxedo ang tawag doon. Tinitigan niya ito at biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Wala sa sariling kinapa niya ang kaliwang dibdib habang tinititigan ito. Makikita sa larawan ang lalaki may hawak na baso kung saan ay may lamang alak na kulay pula. Sa wati ba niya ay wine kung tawagin. May mga kasama ito na ganoon din ang ginagawa. Kapansin pansin ang itsura nito dahil para itong artista sa kagwapuhan, mas masasabi pa na higit pa itong kaakit akit kesa sa mga nakikita niyang sikat na celebrities. Bigla siyang napailing at mahinang binatukan ang kanyang sarili. "Ano ba yang pumapasok sa utak mo!, ang bata bata mo pa". wika niya na binalikan ng tingin ang litrato at masugid na tinignan. Makikita sa lalaki na hindi ito isang buong Pilipino, kung titignan ito ay nangingibabaw ang spanish features. Malaki ang pangangatawan nito na hindi naitago ng suit na suot nito. Maganda ang hugis ng mukha nito na medyo pangahan, maganda ang mga ipin nito na kay puputi na wari mo ay modelo ng isang toothpaste brand. Matangos ang ilong nito na bumagay sa mga mata nito na kung sa wari mo ay matutunaw pag ikaw ay natitigan. Ang buhok naman nito ay halos umabot na sa batok at balikat nito. "Dylan Greco" basa niya sa pangalan na nasulat sa litrato nito. Sa kanang bahagi nito ay napatingin siya. May babae siyang na kita na kagaya nito ay ubod ng ganda, nakakapit ang kamay nito sa bewang ng lalaki na sa tingin niya ay magkarelasyon. Di niya maipaliwanag ng biglang ang munting puso niya ay may naramdamang kirot. Agad naman niyang pinalis ang isipin at sa huling pagkakataon ay tinignan ito at itinigil na ang pagbabasa. Tumayo siya paupo ng katreng higaan at maya maya pa ay tinungo ang banyo para maligo. Paglabas niya ng banyo ay nakita niya si Jeorge na nakaupo sa labas ng bahay nila at sadyang hinihintay siya. "Bestie! Ang tagal mo naman maligo kanina pa ako naghihintay dito, nilamok na ang makinis kong balat. Baka mamaya niyan di na ko magustuhan ng Papa Dex ko" wika nito habang kunwaring may pinapatay ng lamok at nangangati. "Sino ba kase nagsabi na dyan ka maghintay sa labas?" wika niya habang binubuksan ang pinto ng kanila bahay. " E kase naman bestie ang hina ng signal dyan sa loob ng bahay niyo" sabi nito habang nakasunod sa kanya. "Bilisan mo na at mahuhuli na tayo dun sa birthday ni Jana" wika pa nito. " Bakit ba kase kailangan mo pa ako isama. Di nga ako inimbitahan sa bday nun. Baka mamaya awayin pa ko nun at masira ang araw niya" aniya habang nakakunot ang noong nakatingin sa kaibigan niya. "Ay nako, ayoko nga din magpunta doon, kung di lang nakapangako si Mama dun sa kumare niya mas gugustuhin ko pang tumambay sa tindahan ni aling Tising para masilayan ko si Papa Dex. Umiikot na matang wika nito. "pag di mo ko sinamahan di na ako pupunta" dagdag pa nito. Sa narinig ay napahinuhod naman siyang samahan ito. Ayaw niyang mapagalitan ito ng dahil sa kanya. Bahala na kung ano ang mangyare. Papasok na sila sa tahanan ni Jana kung saan gaganapin ang handaan. Madaming mga bata ang nandoon. Pati ang mga batang sa una pa lang ay ayaw na sa kanya. Lumapit ang isa sa kanila. "Anong ginagawa mo dito Anak araw?" wika ng batang babae na nakasubamgot ang mukha sa pagkakatingin sa kanya. " O bakit Betchay? May problema ba tayo dito?" Birthday mo, birthday mo?" wika naman ng kaibigan niya na to the rescue. Naglaban ng titigan ang dalawa pero sa huli ay padaskol na umalis si Betchay. "Bobitang to, kala mo kagandahan wala ka pa sa kalingkingan ng bestie ko!" habol pa nito na akmang lalapitan pa nito pero pinigilan na niya. "Hayaan mo na bestie, sabi sayo di magandang ideya na nagpunta ako dito". wika niya na yumuko. " Nako, kung ako sayo nilabanan mo mga yan, di ka nila dapat ginaganyan, hayaan mo at ako ang bahala sa iyo, tara na". wika nito na hinila siya papunta sa hilera ng mga pagkain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.7K
bc

The Lone Alpha

read
125.4K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.6K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook