Magarbo ang event na iyon. Isang business gala para sa mga malalaking pangalan sa industriya ng luxury brands. Lahat ng bisita ay nakasuot ng magagarang kasuotan. May halong amoy ng mamahaling alak at pabango ang buong bulwagan. Sa gitna ng liwanag ng mga chandeliers, maayos na nakatayo si Valerian. Maganda ang suit ngunit may lungkot ang mga mata. Ilang araw na rin mula nang hindi siya makausap ni Alorna. Hindi pa rin siya nagkakaroon ng lakas ng loob na muling lumapit. Alam niyang nasasaktan pa rin ito at ayaw niyang pilitin. Pero sa mga sandaling ito, sa dami ng tao sa paligid ang utak niya’y abala pa rin sa iisang tanong. “Kaya pa ba akong patawarin ni Alorna?” “Val.” Isang pamilyar na boses ang biglang sumingit sa kalagitnaan ng kanyang iniisip. Nang lingunin niya, naroon si Jeff

