Magaan ang pakiramdam ni Alorna pagkagising kinabukasan. Parang lumilipad ang puso niya habang nakahiga pa sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame habang iniisip ang lahat ng nangyari kagab. Ang hapunan nilang magkasabay, ang mga halik at ang mga salitang binitawan ni Valerian. “Lorna, I’ll never leave you again.” Napangiti siya ng mag-isa. Damang-dama pa rin niya ang init ng mga yakap ni Valerian. Hindi niya akalaing mararamdaman ulit niya ang ganitong kasiyahan matapos ang mga taon ng sakit at tampuhan. 'Kainis talaga ang lalaking iyon! Masyado akong pinapakilig! Wala na! Mahal ko na naman talaga siya! Argh!' Nagulat siya nang maramdaman ang mga braso ni Valerian na biglang yumakap mula sa likod. Mainit, masarap sa pakiramdam at nakakakilig. “Good morning,” bulong nito sa tainga niya

