Mabilis lumipas ang maghapon. Buong araw ay hindi halos umalis si Valerian sa tabi ni Alorna. Nagpahinga siya ng maayos, nagpagaling at halos wala ng lagnat pagsapit ng gabi. Nakahiga lang si Alorna habang nanonood ng TV nang bigla siyang makarinig ng mga kalansing mula sa kusina. Napakunot ang noo niya. 'Ano na naman bang ginagawa ng lalaking ’yon doon?' Tumayo siya kahit medyo mabigat pa ang katawan. Maingat siyang naglakad papunta sa kusina at halos malaglag ang panga niya sa nakita. Si Valerian ay naka-rolled up ang sleeves at nakatayo sa harap ng kalan. May hawak itong sandok at abala sa paghalo ng niluluto. Amoy na amoy ang ginisang bawang at sibuyas, halong matinding aroma ng sabaw at karne. “Val?” tawag niya na parang hindi makapaniwala. Napalingon ang dating asawa at saka ng

