Seryoso ang mukha at umiigting ang panga ni Valerian habang nagmamaneho pauwi. Kanina pa siya parang hindi mapakali dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ni Sanya. "Ikaw ang pumatay sa matalik na kaibigan ni Alorna…" Napahigpit siya ng kapit sa manibela. Ayaw niyang alalahanin iyon. Ayaw niyang bumalik ang bangungot ng nakaraan. Pero ngayong hawak na ni Sanya ang sikreto niyang iyon ay nakaramdam siya ng matinding takot. Higit sa lahat, iniisip niya si Alorna. Ang magiging reaksyon nito. Ang matinding galit na kailangan niyang harapin. 'Paano kung malaman niya? Paano kung talikuran niya ako?' "Bullshït," sambit ni Valerian bago muling umigting ang kanyang panga sa galit. Napakagat siya ng labi habang pilit na inaalis sa isip ang lahat ng iyon. Ang mahalaga ngayon

