Mainit ang sikat ng araw na pumapasok sa bintana ng opisina niya pero mas mainit ang ulo niya sa presensiya ni Sanya. Tatlong araw na itong araw-araw na dumadayo roon na parang ito ang may-ari ng kumpanya. At wala siyang magawa kun'di ang tiisin. Ngayon nga ay nakasandal pa ito sa sofa, naka-cross legs habang abala sa cellphone pero panay sulyap sa kanya na parang inaakit. Nakasuot ito ng fitted na dress. Kulay pula na halatang pinaghandaan para lang manggulo. “Val…” tawag nito sa malambing pero nakaka-irita niyang boses. “Coffee, please.” Napakunot-noo siya. “Hindi ako ang assistant mo.” Ngumiti lang si Sanya at parang lalo pang nainis si Val. "Eh ‘di tawagin mo assistant mo. Pero make sure ikaw ang magdala sa akin. Gusto ko, ikaw.” Mariing pumikit si Valerian at pilit pinakalma

