Maaga pa lang ay masigla na ang kilos ni Alorna. Kahit kulang sa tulog, parang may kakaibang glow ang mukha niya habang nagbibihis papunta sa opisina. Kahapon ay hindi siya nakapasok. Hindi dahil sa trabaho kun'di dahil kay Valerian. Napangiti siya nang maalala kung paano siya inalagaan nito buong magdamag, kung paanong paulit-ulit siyang sinuyo hanggang sa tuluyang bumigay ang puso’t katawan niya. Umalis si Valerian ng maaga dahil may kailangan lang itong asikasuhin. “Good morning, Ms. Mosanto!” bati ng ilang empleyado nang dumating siya sa kumpanya. Sagot lang niya ay simpleng ngiti pero hindi maitago ang saya sa mga mata niya. Pag-upo niya sa mesa, agad na lumapit si Jefferson, may dala pang kape. Medyo seryoso ang mukha nito. “Alorna…” maingat na simula nito. “Bakit hindi ka nagr

