CHAPTER 9

2812 Words
“DITO dumadaan ang mga produkto ng Valencia Furnitures bago ideliver sa customer o sa mga show rooms para sa last insepction. Sa ibang lugar ginagawa ang mga furnitures pagkatapos dinedeliver dito upang siguruhing walang sira ang mga ito,” paliwanag ni Aya kay Brett nang makarating sila sa factory. Sinulyapan niya ito habang inililibot nito ang tingin sa paligid. Dapat ay siya lamang ang pupunta sa factory nila sa araw na iyon. Ngunit nang paalis na siya ay bigla nitong sinabi kay Mrs. Ramos na gusto daw nitong makita ang factory. Hindi naman nagdalawang isip si Mrs. Ramos at pinasama sa kaniya si Brett. Noon una akala niya ay baka may naiisip itong kalokohan pero habang nasa biyahe sila ay normal lang naman ang ikinilos nito. “Okay, let’s start the inspection para matapos na tayo kaagad,” sabi nito at hinawakan pa siya sa siko upang alalayan sa paglalakad. Napatingala siya rito. Yumuko ito sa kaniya at bahagyang kumunot ang noo, pero hindi iyong normal na kunot noo nito kapag naiinis ito. “Why?” tanong nito. Pati tono ng boses nito ay may iba. In fact, ang ekspresyon sa mukha nito ngayon ay iba rin. Hindi niya tuloy mapigilang titigan ito dahil hindi niya mabigyan ng pangalan ang nakikita niyang kakaiba rito. “Aya, don’t look at me like that or else...” pabiting saway nito sa kaniya.  Napakurap naman siya at inalis ang tingin dito. “Well, mukha kasing may nagbago sa iyo. Hindi ko lang maexplain kung ano,” aniya rito. “I thought so too,” sagot nito. Pagkuwa’y naramdaman niyang bahagya nitong pinisil ang siko niya. Muli siyang napatingala rito. Nakatingin ito sa kaniya at ngumiti. “Bilisan na natin ang trabaho para makasingit tayo ng merienda somewhere. I’ve been dying to go out with you,” nakangiting sabi nito. Natawa siya. “So, may hidden agenda ka pala talaga kaya ka sumama?” He grinned. Her heart melted. “Of course,” aroganteng sagot nito. Napailing siya ngunit nakangiti. Hindi pa rin ito nagbabago. Pero at the same time ay may nabago dito. Ang g**o pero ganoon ang tingin niya rito. But still the fact remains that she was deeply in love with him.   NAGHIWALAY si Brett at Aya upang mas mapadali ang pagiinsepeksiyon sa mga furnitures na kailangan ng ideliver sa mga kliyente ng Valencia Furnitures. Ngunit tuwing may natatapos inspeksuynin si Brett ay hindi niya mapigilang igala ang paningin upang hanapin si Aya at alamin kung kamusta na ito. Sa tuwina ay napapakunot noo siya tuwing nakikita niyang may mga trabahador na kumakausap dito. Lalaki rin siya kaya alam niya ang itsura ng lalaki kapag interesado ito sa isang babae. Ang nakakapagpainis sa kaniya ay ang katotohanang lahat ng nagtatrabaho doon ay lalaki at lahat ng mga ito ay nakatingin kay Aya. He did his best to control himself from running to Aya and drag her out of that place at one. At isiping palaging nagpupunta roon si Aya at tinititigan ng ganoon ng mga lalaki roon ay nakakapagpakulo ng dugo niya.  Ngunit pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil natatakot siyang magalit sa kaniya si Aya. Sa totoo lang, bukod sa lolo niya ay ito pa lang ang nag-iisang tao na ayaw niyang magalit sa kaniya. “Sir, okay na ho ba ito?” untag sa kaniya ng isang trabahador na noon lang ulit niya naalalang kausap nga pala niya. Inalis niya ang tingin kay Aya at ibinaling ang atensyon sa lalaki. Muli niyang tiningnan ang sofa na nasa harapan niya bago nagsalita. “Yeah, okay na iyan.” Pagkatapos ay muli niyang sinulyapan si Aya na lumipat na rin ng pwesto. Naningkit na naman ang mga mata niya nang makitang ibang mga lalaki na naman ang nakatitig dito at halatang nagpapacute dito. “So you are really here.” Napalingon siya nang marinig ang tinig na iyon. Nasalubong niya ang tingin ng lolo niya. Nagulat siya na makita ito roon. Mukhang napansin na rin ito ng mga tao doon dahil isa-isang bumati ang mga ito sa matanda na nakangiti namang ginantihan ng lolo niya. Halatang gusto ito ng mga trabahador. Muli siyang napalingon kay Aya. Mukhang nakita na rin nito ang lolo niya dahil tangkang lalapit ito sa kanila ngunit nagmuwestra ang lolo niya rito na huwag na itong lumapit. Bumakas ang pagtataka sa mukha nito pero tumango naman. Pagkuwa’y sumulyap ito sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti dito. Gumanti ito ng ngiti bago ipinagpatuloy ang ginagawa nito. Siya naman ay muli ng bumaling sa lolo niya. Mataman itong nakamasid sa kaniya na may kakaibang ngiti sa mga labi. He held his guard up. “What are you doing here grandpa? I thought retirado ka na,” aniya rito. Lumapit ito sa kaniya at lumawak ang ngiti. “Ginagawa ko pa rin ito paminsan-minsan. Ano na lang ang pagkakaabalahan ko kung hindi ko ito gagawin? Pero ikaw, narinig ko na ikaw ang kusang sumama sa factory inspection ngayon. Dumaan ako sa kumpanya kanina at sinilip kita pero wala ka,” sabi nito. Bahagya siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Na para bang may pilit itong binabasa. “I just got tired of being inside the office the whole day. Wala akong ibang intensyon. Why are you looking at me like that grandpa?” defensive na tanong niya. Lumawak ang ngiti nito. “May nagiba sa iyo Brett.” Hindi siya nakapagsalita. Wala sa loob na napasulyap siya sa panig ni Aya. Nagtatrabaho pa rin ito pero nakita niyang sumulyap din ito sa kanila. Nang magtama ang mga mata nila ay nakita niyang may bahid ng pag-aalala ang mga mata nito. He felt as if a warm hand touched his chest when he realized that worried look is for him. Bahagya niya itong tinanguan upang ipaalam ditong ayos lang siya bago muling tiningnan ang lolo niyang nakamasid lang sa kaniya. “I guess so,” non-commital na sagot niya. Tumango-tango ito. “That’s good. So, what do you think of this place? Katulad ng isinuhestiyon mo noon ay hindi nag ma-mass produce ang kumpanya ng mga furnitures. Katunayan, sa ngayon ay halos personalized na ang mga binebentang furnitures ngayon para sa mga VIP clients. And as you predicted, Valencia Furnitures is now the best in this industry,” kaswal na sabi nito. Napatitig siya rito. Bigla siyang nanibago sa sarili niya. Dati kapag nabubuksan ang usapang iyon ay nakakaramdam siya ng pait at pagrerebelde. Pakiramdam niya kasi dati ay pinagtatawanan siya tuwing nababanggit iyon. Dahil siya sa proposal lang magaling. Si Damon pa rin ang mas dapat hangaan dahil ito ang naghandle ng lahat para sa kumpanya. He knew, along with everyone else, even his parents, that his cousin deserves his position. Ngunit ngayon ay wala siyang nararamdamang kahit alin man sa mga iyon. “Yeah. But I still think Damon did most of the work why the company is as it is now,” nasabi na lamang niya habang iginagala ang paningin sa paligid. Hindi niya napigilang mapangiti. “It’s exactly how I pictured it,” aniya mas sa sarili kaysa dito. Nang hindi niya ito narinig magsalita ay nilingon niya ang lolo niya. Bahagya siyang natigilan nang makita niya ang ngiti nito. It was as if his grandfather is telling him he was proud of him. “Iyan ang rason kung bakit ginamit ko ang paper mo para baguhin ang marketing strategy ng Valencia kahit na ayaw ng mga board. Dahil may tiwala ako sa vision mo Brett. I bet if you worked for the company baka sa buong asia na tayo number one,” proud na sabi nito. Hindi siya nakapagsalita at napahawak sa batok. Geez, was he actually that timid? Napuri lang siya ng lolo niya ay bigla nang tila may init na lumukob sa kaniya. Tinapik siya nito sa balikat. “Well, I have to go now. Magpapaalam lang ako sandali kay Aya,” sabi nito at naglakad na patungo sa babae nang bigla itong huminto at lumingon na tila may naalala. “Oo nga pala. Ipinaalam ko kay Mrs. Ramos na hindi na kayo babalik ni Aya sa opisina dahil may pupuntahan tayong tatlo. But I lied of course. Pwede niyo ng gawin ang gusto niyong gawin pagkatapos niyo rito,” nakangising sabi nito. Napasunod na lang siya ng tingin dito. Pagkuwa’y bahagya siyang napangiti at napailing nang mapagtanto niya na iyon ang unang beses na nakapagusap sila ng ganoon ng lolo niya mula nang makagraduate siya ng kolehiyo. Hindi niya akalaing magagawa pa nilang makapagusap ng ganoon matapos ang mahabang taon. Kung ganoon ay totoo nga, na sa kabila ng unang balak niya na sasakyan lang niya ang pakulong iyon ng lolo niya para mapatawad siya nito, ay nagbago siya. For real. At ang rason ay.… “Nakakagulat si lolo Mel bigla biglang sumusulpot.” Napakurap siya nang magsalita si Aya habang papalapit sa kaniya. Napatitig siya rito. Nang tumingin ito sa kaniya ay napahinga siya ng malalalim. Yeah, she is the reason. “Brett? Bakit parang ang layo ng nararating ng isip mo?” takang pukaw nito sa kaniya. Ngumiti siya at magaan na hinaplos ang buhok nito. “Iniisip ko kung saan tayo pwedeng pumunta pagkatapos dito. Ang sabi ni Grandpa pwede na raw tayong hindi bumalik sa opisina. Tell me where you want to go and I’ll take you there,” aniya ritong hindi napigilang maging masuyo. Ngumiti ito. “Okay, pag-iisipan ko. Sasabihin ko sa iyo mamaya,” sagot nito. Ah, he was in heaven.    GABI na at naglalakad si Aya kaagapay si Brett patungo sa compound ng bahay nila. Hawak nito ang kamay niya. Sa gabing iyon, out of whim ay napagkasunduan nilang bumaba ng taxi kahit malayo pa ang bahay nila. Hindi na niya masyadong napansin kung sino ang nag-aya kanino na maglakad sila. Basta tila may iisang isip na bumaba sila, ginagap nito ang kamay niya at mabagal silang naglakad. “Too bad, I wasn’t able to bring you to my favorite restaurant. Wala nga pala sa akin ang cards ko,” sabi ni Brett na ikinatingala niya rito. Nakatingin ito sa kaniya at may bakas ng panghihinayang sa mukha nito. Kanina pa ito tila sising sisi na hindi siya nito nadala sa gusto nitong pagdalhan sa kaniya. Sa huli ay inaya na lang niya ito sa Greenwich. Pinisil niya ang kamay nito. “Okay lang ano ka ba? Nagenjoy naman ako dahil kasama kita. Cheer up okay?” nakangiting sabi niya rito. Nagbuga ito ng hangin. Binitiwan nito ang kamay niya at inakbayan siya. “Still, it’s frustrating. Dati, I can throw away money kahit kanino. Pero ngayong sa iyo wala akong mailabas. I want to give you a lot of things, go with you to a lot of places but the way I am now, hindi ko iyon magagawa.” Yumakap siya sa baywang nito. “Brett, I said it’s okay. Ang kaligayahan hindi naman nadadaan lang sa luxury eh. Kahit sa simpleng bagay magiging masaya tayo.” Bahagya itong ngumiti sa kaniya at ginawaran siya ng mabilis na halik sa mga labi. “I know.” Napangiti rin siya. Nang makarating sila sa compound nila ay natigilan si Aya nang makita ang dalawang magarang sasakyan na nakaparada doon. Ang isa ay isang BMW sports car habang ang isa naman ay mercedez na kulay berde. Iba iyon sa mercedes na gamit ni lolo Mel noong huli itong bumisita sa kanila. May bisita na naman ba sila? Napatingala siya kay Brett nang tumigil din ito. Nakita niyang bumakas ang pagkagulat sa mukha nito na napalitan ng seryosong ekspresyon.  “That’s my car,” sabi nito na nakatingin sa BMW. “And that one is…” Hindi na nito tinapos ang sinasabi nito. Bumitaw ito sa kaniya at mabilis na nagpatiuna sa bahay nila. Litong napasunod na lang si Aya dito. Nang makarating siya sa bahay nila ay nakapasok na si Brett sa loob. Ang una niyang nabungaran ay ang nakatalikod na si Brett habang yakap ito ng isang may edad na babae na may luha sa gilid ng mga mata. “Brett, hijo, I’m glad you are okay. I can’t believe papa made you do this,” sabi pa ng babae.  “What are you doing here mama?” may kalamigang tanong ni Brett sa babae. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Aya. Ang mama ni Brett ang bisita nila. Nagpunta ba ito upang kamustahin si Brett? “Sinusundo na kita anak. I talked to your grandfather. Nakiusap ako sa kaniya na pabalikin ka na. It doesn’t matter if you are not the president of the company as long as you come back Brett. Kahit ang papa mo ay iyon ang gusto. We realized we are wrong to pressure you to do what we want. With that we are sorry. Kaya nakiusap kami sa lolo mo na bigyan ka ng isa pang pagkakataon. Pinapatawad ka na niya hijo. Kaya nga pinadala na niya sa akin ang kotse mo. Nandito na rin ang susi ng sasakyan at unit mo. Ibinalik na rin niya lahat ng cards mo. You can come back now son,” mahabang sabi ng mama nito. Napako siya sa kinatatayuan. Aalis na si Brett? Babalik na ito sa dati nitong mundo. Tila may sumipa sa sikmura niya sa nalaman. Napahawak siya sa pinakamalapit na dingding upang manatiling nakatayo dahil biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Hindi nagsasalita si Brett. Kahit ang mga magulang niya na naroon ay tahimik lamang at wari’y hinihintay na magsalita ang binata. Noon ito lumingon sa kaniya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niyang may kislap ng pagkalito ang mga iyon. Tila hindi nito alam kung matutuwa ba ito o hindi. Parang may pumipiga sa puso niya nang mabasa niya ang paghingi nito ng opinyon niya. Kung magiging makasarili siya ay mas gugustuhin niyang manatili doon si Brett para lagi pa rin niya itong makakasama. Pero alam niya na hindi ito para sa lugar nila. He was born a prince and he will always be one. Mas bagay dito ang dati nitong buhay. Hindi nga ba kanina ay nagsasabi ito sa kaniya na nahihirapan ito na wala ang dating luho nito? Sino siya para pigilan itong bumalik sa nakasanayan nito? Isa pa alam naman niya sa umpisa pa lang na hindi naman permanente ang pananatili ni Brett sa kanila. Na pasasaan pa ay babalik din ito sa dati nitong buhay. Hindi lang niya masyadong inalala kasi alam niya na kapag nangyari iyon ay mahihirapan na siyang makita at makasama ito. Sa kabila nang pagsisikip ng dibdib niya ay nagawa niyang ngumiti. “Isn’t that great? Tapos na ang punishment mo. I know you’ve been dying to go back. Hindi ka para dito,” aniya rito. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Nahigit niya ang hininga nang makita niyang naging malamig ang mga mata nito. “Ah, you are right,” walang emosyong sabi nito. Tila patalim na sumaksak sa dibdib niya ang sinabi nito. See? Kahit ito ay iyon ang opinyon. Naramdaman niya ang pagiinit ng gilid ng mga mata niya pero ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga ito. Hindi niya inalis ang ngiti sa mga labi niya. “Yeah. Okay, pupunta na ako sa kuwarto ko. Congratulations sa pagbalik mo sa normal na buhay mo,” aniya ritong hindi nakatingin. Mabilis siyang naglakad at pumasok sa kuwarto niya. Hindi niya inabalang buksan ang ilaw. Napadausdos siya sa sahig at napasandal sa nakapinid na pinto. Naririnig pa niya ang paguusap ng mga magulang niya at ng ina ni Brett. Hanggang sa marinig niya ang pagaalburoto ng makina ng mga sasakyan at ang paglayo ng mga iyon sa lugar nila. Saglit lamang ay tahimik na ang paligid. Nakarinig siya ng yabag na huminto sa tapat ng pinto niya. “Anak, nakaalis na sila,” malumanay na sabi ng mama niya. Hindi siya nagsalita at isinubsob ang mukha sa mga tuhod niya. Hinayaan niyang dumaloy ang mga luha niya habang pigil ang sariling makagawa ng ingay. Umalis na si Brett. Bukas paggising niya, hindi na niya ito maabutan sa kusina nila na umiinom ng kape. Hindi na niya ito makakasabay pumasok. Hindi na niya ito makikita sa opisina nila. Kapag dumadaan siya sa apartment nila ay hindi na niya ito makikita dahil wala na ito doon. He left just as fast as he came. Dapat ay bumalik na rin siya sa dati niyang normal na buhay. Pero alam niyang imposible iyon. Dahil nang umalis ito ay may nadala itong isang bahagi niya. And she knew she will never be complete again without it, without him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD