SUMIMSIM si Aya sa juice niya habang nakikinig siya sa masayang pagkukuwento ni Lettie tungkol sa mga bilin dito ng doktor nito upang masigurong malusog ang magiging baby nito. Ikinukwento rin nito kung paano ito alagaan ni Damon na mas worrywart pa daw kaysa dito.
Si Jena naman ay ina-update sila tungkol sa preparasyon ng kasal nito at ni Woody. Ibinabalita rin nito sa kanila ang naging lakad ng mga ito sa amerika. Ayon dito ay gusto raw nito ang mga future parents-in- law nito. Katulad ng dati ay halatang masaya ang mga kaibigan niya.
One month ago ay nagagawa niya pang ibulalas ang pagkainggit niya sa mga ito noong naguusap rin sila ng ganoon. Pero ngayon ay wala siyang ibang magawa kung hindi ang ngumiti lang sa mga kwento ng mga ito. Oo at masaya siya para sa mga ito. Ngunit kasabay ng tuwang iyon ay ang lumbay na kumakain sa dibdib niya. Dahil tuwing naririnig niya ang mga itong ganoon ay napupunta ang isip niya sa isang taong ilang linggo na niyang hindi nakikita.
“Aya, okay ka lang?” untag sa kaniya ni Jena.
Napakurap siya at bumalik sa mga ito ang tingin niya. Ngumiti siya. “Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?” nakangiting tanong niya sa mga ito.
Nagtinginan ang mga ito bago muling tumingin sa kaniya. Si Lettie ang unang nagsalita. “Gusto mo bang… hingin ko kay Damon ang address ng unit ni Brett? Kausapin mo kaya siya? Malay mo humahanap lang din siya ng tiyempo para makausap ka,” sabi nito.
“Oo nga. Kasi I am sure that he loves you Aya. Kitang kita naman noong magkasama pa kayo palagi. Kahit itanong mo sa mga officemates natin na madalas makakita sa inyong magkasama dati napapansin iyon,” sabi naman ni Jena.
Kumirot ang dibdib niya. “Alam niya kung saan ako nakatira. Alam din niya kung saan ako nagtatrabaho. Alam niyo at alam ko na hindi siya ang tipong humahanap ng tiyempo. Siya ang tipo ng lalaking gagawin ang una niyang maisip gawin. Kung totoo ang sinasabi ninyo na nararamdaman niya para sa akin madali naman niya akong mahahanap. But he never did,” mapait ng sagot niya.
Muli ay natahimik ang mga ito. “Pero sigurado akong mahal ka niya,” giit pa ni Jena.
Lalo lang bumigat ang pakiramdam niya sa sinabi nito. “He never told me he loves me.”
“Bakit ikaw ba sinabi mo sa kaniya na mahal mo siya? Sinabi mo ba sa kaniya na gusto mo siyang makasama?” tanong naman ni Lettie.
Siya naman ang hindi nakapagsalita. Biglang rumehistro sa kaniya ang mukha ni Brett noong gabing dumating ang mama nito. Naalala niya ang kislap sa mga mata nito noon. Kung sinabi ba niya rito ng gabing iyon na mahal niya ito at kahit na umalis ito ay gusto pa rin niya itong makita, may nabago kaya? Marahil ay mayroon.
“Besides, bakit mo hinihintay na siya ang lumapit sa iyo Aya? Hindi ikaw iyan. Hindi ba assertive ka? Mula noon palaging ikaw ang gumagawa ng paraan para mangyari ang gusto mo. Hindi ka naman insecure dati ah,” sabi naman ni Jena na bahagya ng nakangiti.
Napahinga siya ng malalim at napangiti na rin. Tama ang mga kaibigan niya. Ano ang ginagawa niya at nagmumukmok siya ng ganoon? E ano kung malayo ang agwat nila ni Brett? Hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay mahal niya ito at mahal siya nito. Oo nga at hindi nito sinabi iyon sa kaniya kahit kailan pero naramdaman naman niya iyon. “Okay, hahanapin ko siya at kakausapin,” desidido ng sabi niya.
Ngumiti na ang mga ito. “That’s our Aya,” sabay pang sabi ng mga ito.
Mataas na ang self esteem niya nang mapatingin siya sa labas ng kainan kung nasaan sila. Nawala ang ngiti niya at tila may sumuntok sa sikmura niya nang sa isang panig ay nakita niya ang sigurado siyang si Brett. Naglalakad ito papasok sa isang bar doon at hindi ito nag-iisa. May isang magandang babaeng nakakapit sa braso nito.
“Huy Aya ano na namang nangyayari sa iyo?” tanong ni Jena ngunit hindi naalis ang tingin niya kay Brett at sa kasama nitong babae. She feel like throwing up.
“Mali tayo,” garalgal na nausal niya. Narinig niya ang pagsinghap ng mga kaibigan niya kaya kahit hindi siya nakatingin sa mga ito ay alam niyang nakita na ng mga ito ang tinitingnan niya. Mapait siyang napangiti. “See? Hindi niya ako pinuntahan hindi dahil humahanap lang siya ng tiyempo o kung ano pa man. Iyon ay dahil bumalik na talaga siya sa buhay niya. Habang nagpapakalunod ako sa kalungkutan dahil wala na siya sa tabi ko nagpapakasaya siya ng ganiyan. For him, pampalipas oras lang ako. H-he doesn’t love me.”
“Aya,” tawag sa kaniya ni Lettie.
Inalis niya ang tingin kila Brett at napakurap siya. May tumulong luha sa mga mata niya. Bakas ang simpatya sa mukha ng mga ito. Lalo lang nagsikip ang dibdib niya. Napahikbi siya. Naitakip niya ang kamay sa bibig niya at napayuko. Lumapit ang mga ito sa kaniya at niyakap siya. Nawalan na siya ng pakielam sa mga taong nakatingin sa kanila. Gusto niyang ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Baka sakaling pagkatapos niyon ay mawala na iyon at makalimutan na niya ang lalaking dahilan ng pagluha niya.
“GET OFF me,” iritableng asik ni Brett kay Nina na nakakapit sa braso niya. Nasa loob sila ng isang bar dahil inimbita siya ni Hendrick. Pero kabababa lamang niya ng kotse niya ay nakita kaagad siya ni Nina at nang lumapit sa kaniya ay akala mo close sila. Ito pa naman ang huli niyang gustong makita. Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nitong panggagapang sa kaniya noong una silang magkita. Kanina pa niya ito tinataboy pero talo pa nito ang linta kung makadikit sa kaniya.
“Come on Brett ang tagal kitang hindi nakita. Hindi namin alam kung saan ka nagtago but I missed you you know. Why don’t we ditch this party and go somewhere else,” giit pa nito na hindi siya binibitawan.
Naningkit ang mga mata niya at malamig na tinitigan ito. “Woman huwag mong ubusin ang pasensiya ko. I have an ability to hurt you,” malamig na banta niya rito.
Bumakas naman ang pagkagulat sa mukha nito at lumuwag ang hawak sa kaniya. Ginamit niya ang pagkakataong iyon upang tuluyang makalayo rito. Inis na lumakad siya patungo sa VIP couch kung nasaan ang mga kabigan niya. Pabagsak na umupo siya roon.
“Brett pare, what’s with that face? It’s been so long since you went out with us pero ganiyan ang itsura mo,” natatawang sabi ni Hendrick sa kaniya. Inabutan siya nito ng isang baso ng brandy.
Hindi siya sumagot at tinanggap ang alak. Masyadong maingay sa paligid at sumasakit ang tainga niya. Weird, dati sanay siya sa ganoong ingay. Pero ngayon ay nagpapasakit iyon sa ulo niya. Maging ang amoy ng alak at sigarilyo, ang mga kuwento ng mga barkada niya tungkol sa mga bansang napuntahan ng mga ito o mga babaeng naikama nito ay nagpapasakit sa ulo niya.
Katunayan, sa loob ng ilang linggong nakabalik na siya sa dati niyang buhay, narealize niya na nawalan na siya ng interes sa mga dati niyang ginagawa. Everything seems to bore him. Sa tuwina ay bumabalik ang isip niya sa naging buhay niya sa loob lamang ng dalawang linggo, partikular sa nag-iisang babaeng nagawang bulabugin ang mundo niya, kay Aya. Hindi iilang beses niyang naiisip na puntahan ito pero sa tuwina ay napipigilan siya ng mga salitang binitiwan nito sa kaniya nang gabing sumulpot ang mama niya at sunduin siya. Noong mga oras na hinihintay niyang sabihin nito sa kaniya na huwag siyang umalis. Dahil iyon mismo ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Sa halip iba ang narinig niya sa mga labi nito. Hindi ka para dito. Those words hit him to the core. Para na nitong sinabing ayaw na nito sa kaniya. Na hindi sila bagay. Kaya umalis siya doon na puno ng sama ng loob dito. How could she say that to him after all that happened between them? She was ruthless.
“Pare, hindi ko talaga matiis iyang itsura mong iyan ha. Pagkatapos mong mawala ng hindi kami kinocontact nagkakaganyan ka. Ah, alam ko na, kulang ka sa babae no? Wait I’ll call someone for you,” sabi na naman ni Hendrick.
Napabuga siya ng hangin. “No need. I’m going home,” sabi niya at tumayo na. That place is boring him to the core.
Palakad pa lang siya palayo sa mga barkada niya nang matigilan siya sa babaeng naglalakad palapit sa kaniya. Kung hindi siya maaring magkamali ay kaibigan iyon ni Aya. “Jena right?” kunot noong tanong niya sa babae nang makalapit ito.
Himbis na sumagot ay bigla siya nitong sinampal. Gulat na napatingin siya rito. Bakas ang galit sa mukha nito. “That’s for making Aya cry. Hindi niya kayang gawin iyan sa iyo kaya ako na ang gumawa jerk!” sigaw nito at akmang tatalikod na ng marealize niya ang sinabi nito. Nahawakan niya ito sa braso.
“Wait, what are you saying?” tanong niya. Mabilis ang tambol ng dibdib niya.
Lumingon ito sa kaniya. “Bakit hindi mo alam na pinapaiyak mo si Aya? Para sabihin ko sa iyo ngayon lang namin siya nakitang umiyak at dahil iyon sa iyo! How could you? Akala ko pa naman mahal mo ang kaibigan namin. Na at last nagmahal na rin siya ng totoo at tiyak na mahal din siya ng lalaking mahal niya. But what did you do? Umalis ka at hindi na siya kinontact. She was waiting for you you know. Hinihintay ka niyang bumalik at magpakita sa kaniya. At kung kailan nagdesisyon siya na siya na ang lalapit sa iyo nakita ka naming may kasamang ibang babae? I hate you for hurting my friend like that,” galit na bulyaw nito sa kaniya.
Nabitawan niya ito at napamaang. Sa haba ng sinabi nito ay dalawa lang ang rumehistro sa utak niya. Mahal din siya ni Aya. At naroon lang ito sa malapit, umiiyak dahil nakita siya nitong kasama si Nina. She might be thinking that he had already forgotten about her. Na isang malaking kalokohan dahil walang sandaling hindi niya ito naalala. “Where is she?” tarantang tanong niya.
Natigilan si Jena pero sinabi naman nito kung nasaan. Hindi na siya nagdalawang isip. Tumakbo siya.
“AYA, sigurado kang okay ka na?” nag-aalalang tanong ni Lettie sa kaniya. Nakalabas na sila ng kainan matapos niyang patigilin ang sarili sa pag-iyak. Nahihiya siya rito dahil ito ang buntis pero ito ang umaalalay sa kaniya.
Nginitian niya ito. “Okay na ako. Pasensya ka na Lettie.”
“Ano ka ba? Kaya nga tayo magkaibigan diba?”
Muli ay ngiti ang iginanti niya rito. Pagkuwa’y bahagya niyang iginala ang tingin. “Nasaan si Jena?” takang tanong niya. Hindi na niya namalayang umalis si Jena.
Naging alanganin ang ngiti ni Lettie. “Err, nagpunta ng cr. Hintayin na lang natin.”
Tumango na lamang siya at nanatiling nakatayo roon. Gustong gusto na talaga niyang umuwi. “Aya,” tawag sa kaniya ni Lettie na tinapik pa siya sa balikat.
Nilingon niya ito. May itinuro ito sa kaniya. Sinundan niya iyon ng tingin. Kumabog ang dibdib niya nang makita niya si Brett na tumatakbo patungo sa kaniya. Hinihingal pa ito nang huminto ito sa mismong harapan niya. Napansin niyang namumula ang isang pisngi nito. “Aya,” tawag nito sa kaniya. Bago pa siya makapagsalita ay hinigit na siya nito at niyakap siya ng mahigpit. “I’m sorry. I’m sorry for making you cry. I’m sorry for not coming back to you no matter how much I missed you,” hinihingal pa ring sabi nito.
Sa sinabi nito at sa init ng yakap nito sa kaniya ay naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. “Sinungaling. Mukha namang okay ka eh. May kasama ka na ngang ibang babae,” garalgal na sabi niya.
Bahagya siya nitong pinakawalan. Ikinulong nito sa mga palad nito ang mukha niya. “It’s not what you think. She was practically throwing herself on me. Kanina ko pa nga siya tinataboy pero makulit siya. There is no way I will be okay without you Aya. When I came back to my previous life, I realized how boring it was. Bigla nawalan ako ng interes sa mga bagay na dati ko namang ginagawa. Lagi na lang bumabalik ang isip ko sa iyo at sa mga simpleng bagay na naranasan ko habang nasa inyo ako. Suddenly, all I want to do is go back to where you are.”
“Pero hindi ka bumalik.”
Huminga ito ng malalim. “Dahil sabi mo hindi ako para doon. It hurt me when you said that to me you know. I was staring at you, asking you to tell me not to go because that was what I feel, pero iyon ang sinabi mo. Pakiramdam ko itinataboy mo ako. I thought you don’t feel the same way I do,” paliwanag nito.
Tuluyan nang tumulo ang luha niya. “Ano bang nararamdaman mo para sa akin?” tanong niya habang pigil ang paghikbi. Puputok na yata ang puso niya sa halu-halong emosyon.
Masuyo itong ngumiti, pagkuwa’y bumaba ang mukha nito sa kaniya at magaan siyang hinalikan. A soft and sweet kiss is out of his character but that’s the kiss he was giving her that moment. Hindi pa man ito nagsasalita ay alam na niya ang sagot nito. “I love you. You know, I never thought I will ever feel this way for anyone. Dati, akala ko wala ng mas iimportante pa sa sarili ko at sa pera. Pero ng makilala kita, nalaman ko na wala ng mas iimportante pa para sa akin kung hindi ikaw. You thought me a lot of things, you made me feel a lot of new emotions. Mas gugustuhin kong mabuhay ng simple basta kasama kita. Ganiyan ka kaimportante sa akin Aya Mendez,” pahayag nito.
Nayakap niya ito sa labis na saya. “Brett, mahal din kita. Hindi ba iyon obvious sa iyo?” aniya rito.
Gumanti ito ng yakap. “Sorry. Pagdating sa iyo naiinsecure ako. I’m pathetic right?”
Tiningnan niya ang mukha nito at ngumiti. “You are not. You are great,” aniya rito.
Ngumiti ito. “Alam mo ba na sa mismong mga salitang iyan ako na-in love sa iyo?” tanong nito.
Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila sa stockroom. Lumawak ang ngiti niya. “Kung ganoon sasabihin ko sa iyo iyan ng paulit-ulit habambuhay.”
Ngumisi ito. “That’s a promise okay? You will be with me forever.” Tumango siya. Bumaling ito kay Lettie at kay Jena na hindi na naman niya namalayang naroon na. “You heard that?” Nangiting tumango ang mga ito.
“At ikaw, huwag mo na ulit paiiyakin si Aya ha?” sabi ni Jena.
Ngumiti si Brett. “I know. Pero kung sakaling mapaiyak ko siya ng hindi ko namamalayan, feel free to slap me again,” pabirong sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “Kaya ba namumula ang pisngi mo? Jena?”
Umismid si Jena. “Alam ko kasing hindi mo siya sasampalin.”
Napangiti siya. Kumalas siya kay Brett at niyakap ang mga kaibigan niya. “Thank you.”
“Basta masaya ka okay na kami,” sagot ni Lettie.
Muli ay nilingon niya si Brett. Nakatitig din ito sa kaniya na may ngiti sa mga labi. “I am happy,” taos pusong sagot niya.
“And I am too,” sangayon ni Brett.