Garlic's POV Halos araw-araw ang pagpapahirap sa akin ni Maam Vanilla. Hindi naman ako maaaring lumaban ng harapan sa kaniya dahil hindi ko sigurado ang aking kaligtasan sa mansiong ito. Kahit nandiyan si Atoy para ipagtanggol ako, alam kong hindi sapat ang kaniyang kakayahan dahil mismong sarili niya ay hindi rin niya maipagtanggol nang lubusan lalo na kina Maam Kittie at kay Sir Peanut. Hindi na rin madalas ang pakikipagkuwentuhan ko sa aking mga Ateng, hindi katulad dati nang wala pa rito si Maam Vanilla. Lagi siyang nauunang umuwi at tila sinasadya niyang mauna kay Sir Peanut para pahirapan ako. Si Ate Sparkle naman ay lumipat na ng kuwarto at ipinalit si Ate Tinola ayon sa kagustuhan nina Maam Kittie at Maam Vanilla. Wala naman akong mapapala kay Ate Tinola dahil obvious naman na ka

