Minsang nasa tindahan kami ni Tiya Sonita at abala ako sa mga kustomer ay biglang pumaroon si Atoy.
“Magandang araw po, Aling Sonita,” bati niya sa tiyahin ko. Bumaling din siya sa akin habang abala ako sa pakikipag-usap sa isang kustomer na porener. “Garlic, galingan mo para maparami ang bili niyan.”
“Ikaw pala, Atoy. Siyempre naman, expert ako riyan.”
“How much this one?” tanong ng matangkad na porener. Mamula-mula pa ang pisngi niya at ang ilong ay kasinghaba yata ng talong na nilalako namin. Itinuturo niya ang tumpok ng pipino.
“This one, Sir?” tanong ko naman. Ayos, tama ang pagkakasabi ko.
“Yes.”
“Only twenty-five is kilo, Sir. You buy the kilo?”
“The kilow? Oh, you mean, twenty-five pesos per kilow?” pa-slang niyang pagkakasabi.
Ano ba naman ang pinagsasabi ng porener na ‘to. Nasobrahan naman sa pagka-slang.
Binalingan ko si Atoy na pangiti-ngiti sa akin. “Psst, you understand he slang talk?”
“Ha?” maang naman na tanong ni Atoy sa tanong ko. Ang hirap naman ng mga kausap ko, simple English not understand.
“Sir, twenty-five pesos, keyda kilo,” baling ko sa porener. Patango-tango pa siya.
“Okay, give me three kilows.”
“Three kilo, Sir?” pag-uulit ko at tumango naman siya.
“How about these tomatoews? How much per kilow?”
“Po?” Hindi ko na talaga maintindihan ang mga tinatanong niya nasobrahan na talaga sa slang.
Tumayo na si Atoy at saka binulungan ako. “Ang sabi niya magkano raw ang kada kilo ng kamatis.”
“Ah…’yon pala?” Hinarap ko siyang muli. “Sir, keyda kilo of tomatoe, pepty pesos.”
“Give me two kilows.”
“Aregladow, Sir.” Lumapit ako sa kaniya at mariing tiningnan ang kaniyang mahabang ilong. “How much you sell your taylong, Sir?”
“What? What is taylong?” Muntikan na akong mapahagikhik nang lumuwang ang buho ng mahaba niyang ilong sa tanong ko.
“No not yet, Sir. You forget my question and answer portion. You another vegetables buy?”
Nakita kong kumunot na ang noo ng porener. Masyado na yatang malalim ang aking pagkaka-English at halos hindi na niya ma-gets.
“Sir, she means that, do you want to buy other vegetables aside from cucumbers and tomatoes?” salo naman ni Atoy. Ang galing naman. Lamang lang ako sa kaniya nang kunti.
“Oh, no, no. These are enough. How much these all?”
"We not have owl, Sir. This is market and not zoo. We not sell any animal like owl."
Napaigik naman si Atoy nang marinig ang sinabi ko. Pinasuma-total naman ng porener ang lahat ng kaniyang binili.
Nang makaalis na ang porener ay parang nakahinga ako nang maluwag. Tinakpan ko pa ang ilong ko dahil tila may umagos na mainit na likido.
“Okay ka lang ba, Garlic?” Tinapik ako ni Atoy sa balikat. Hindi ako sumagot. Kinuha niya ang kamay kong nakatakip sa ilong ko.
“Hala, bakit ba dumugo ang ilong mo, Garlic?” Nabahala na siya. Pati si Tiyay Sonita na nagbibigkis ng mga kangkong ay napahinto at saka bumaling din sa akin.
“Atoy, dumugo ba?” tanong ko naman.
“Oo, sandali, kukuha ako ng basang bimpo at saka ilalagay sa noo mo.”
“Huwag na. Normal lang iyan. Dumugo lang ang ilong ko sa pakikipag-usap sa porener na ‘yon. Hanep ang slang na salita. Nabingi ako. Hindi kaya ng bokabularyo ko, kaya ang ilong ko ay dumugo.”
Napatawa na lamang si Atoy at saka kinuha ang nakasampay na bimpo sa bangkito at saka binasa. Inilagay pa niya iyon sa noo ko.
“Ikaw talaga. Marami ka talagang alam.”
Naging masaya si Tiya Sonita dahil malakas na naman ang kita niya sa palengke. Wala na talaga akong hiya sa mga kostumer na dumadaan sa tapat ng tindahan ng Tiya Sonita.
"Mama, ang guwapo po ninyo, bagay na bagay ang polo ninyong abuhin," puri ko sa may edad na lalaki na palinga-linga at tila may hinahanap.
“Ako ba ang tinutukoy mo, Ineng?” Itinuro niya ang kaniyang sarili na nag-alinlangan.
“Opo, ikaw po. Wala namang gwapong dumaan dito, kayo lang po,” nakangiti ko namang saad.
"Talaga ba, Ineng?"
"Oo, kamukha po ninyo si Fernando Foe. Ano po nga pala ang hinahanap ninyo?"
"Aba, gusto ko ang batang ito nagsasabi talaga ng totoo. Alam na alam na paborito ko talaga iyang artista. Sayang nga lang kasi namatay na," tugon naman niya na nakangiti.
"Kayo na po ang susunod," dagli ko namang nasabi.
"Ano? Anong ako ang susunod?"
"Ay ang ibig ko pong sabihin, ano na po ang hinahanap ninyo?" Matabil lang talaga itong dila ko.
"Naghahanap ako ng niyog kasi gagawin kong gata."
"Ay 'yon lang pala, eh. Maraming niyog sa paninda namin. Ilan ba ang gusto mo, Mamang pogi?" sabi ko sa kaniya na idiniin ang salitang 'pogi' para lalo siyang maengganyo.
"Gusto ko talaga ang mga batang katulad mo. Sige bigyan mo ako ng sampu."
“Sige po.”
Binigyan niya ako ng limandaan. At ibinalik ko sa kaniya ang sukli.
"Ay huwag na, Ineng, sa iyo na ang sukli," turan niya na pinigilan ang aking kamay para ibigay sa kaniya ang sukli.
"Po? Ang laki naman ng sukli po ninyo, hindi po ba ninyo kukunin?" tanong ko na natutuwa na rin.
"Ah, malaki ba? Eh..." Nagkamot siya ng ulo.
"Ay sige po akin na lang po ang sukli, ang pogi-pogi mo talaga, Manong Mama at saka ang cute-cute ng iyong mukha." Agad kong inilagay ang pera sa bentahan at inunat ang kaniyang mukha na para bang naku-cute-an ako kunwari sa kaniya.
"Ang bait na batang, ere. O siya sige, magiging regular costumer mo na ako sa iyong tindahan. Salamat sa niyog, ha."
"Ay wala pong problema, Katsupoy, este Fernando Foe. Pogi po ninyo. Salamat po, ha. Ingat!"
"Naku, ikaw talagang bata ka. Baka kung mapaano ka sa ginagawa mo, ha," saway agad ni Tiya Sonita nang lumisan na ang mama.
"Bakit naman po, Tiya, ‘di ba malaki ang benta natin sa kaniya? You imagine, sampung niyog lang limandaan pa ang ibinigay," sagot ko naman sa kaniya na nagkukumpas pa ang aking mga kamay.
"Eh, hindi naman kamukha ni Fernando Foe 'yong mukha ng mama. At saka bakit hindi mo ibinalik ang sukli?"
"Hala, eh siya ang nagsabi na huwag nang suklian, ah. Grasya na iyon, Tiya at hindi na maaaring tanggihan."
"O siya, sige bahala ka na ngang bata ka. Magligpit ka na at mamaya isasarado na natin ang tindahan. Uuwi tayo nang maaga para naman makapagluto pa tayo ng hapunan," saad na niya at nagsimula na nga kaming magligpit at isinirado na ang kaniyang puwesto.
Habang lumalakad kami para mag-abang ng jeep pauwi ay kinausap ko ang Tiya Sonita tungkol sa sinabi sa akin ni Atoy.
"Tiya, payagan mo naman po sana akong makapagtrabaho sa mansion."
"Ha? Saang mansion naman ang gusto mong pagtrabahuhan?"
"Doon po sa inay-inayan ni Atoy. Sinabi niya sa akin na umuwi raw ng probinsiya ang isa nilang kasamang maid dahil nagkasakit ang nanay nito. Naghahanap daw ang amo ng kapalit kaya inalok ako ni Atoy kung gusto ko raw," saad ko sa kaniya.
"Ay naku Garlic, maraming trabaho ang pagiging isang maid sa isang mansion baka hindi mo kakayanin," wika niya na parang nagtututol.
"Tiya naman, eh. Ako po ito, si Garlic Habonito, labinsiyam na taong gulang, industrious, ambitious and diskartious. Wala po ba kayong tiwala sa akin?"
"Anong diskartious? Ngayon ko lang narinig iyan, ah. You are so escandalous." Wow, ha nag-English na rin si Tiya at ayaw talagang magpapalugi sa akin.
"Diskartious po? Eh di...madiskarte! Kayo naman mahina talaga kayo sa bokabularyo.” Humagalpak pa ako nang tawa.
"Naku, nagsabi ang matalino sa bokabularyo. Ewan ko nga sa iyo. Halika ka na sumakay na tayo sa jeep pauwi," sabi ni Tiya sabay hila sa aking kamay para sumakay na sa jeep na huminto sa aming harapan.
Makalipas ang tatlong araw at dahil araw ng Linggo ay hindi nagbukas ng tindahan si Tiya Sonita sa palengke. Siya namang dating ni Atoy mga bandang alas onse na ng tanghali.
"Magandang tanghali po, Tiya Sonita!" sigaw niya sa labas ng bahay ng Tiya.
Nang marinig ko ang kaniyang boses ay agad akong lumabas ng bedroom, naks, bedroom talaga. Nagpa-practice na kasi ako dahil kapag nasa mansion na ako bedroom na ang tawag doon at hindi na maliit na kuwarto. Kitam, ang galing ko 'di ba?
"O, Atoy...saan ba ang punta natin? Tila nakabihis ka, ah. Naks, naman ampogi natin ngayon, ah!" bulalas ko sa kaniya dahil nakasuot ito ng puting T-shirt na may imprinta sa harapan at pinarisan ng maong na pantalon at saka suot na sneakers.
"Aakyat sana ako ng ligaw, Garlic," bigla namang sagot niya sa akin.
"Aakyat ng ligaw? Bakit nasa itaas ba ng punong kahoy ang ligaw at aakyatin mo? At sino naman ang liligawan mo, aber?" nakapameywang kong tanong sa kaniya.
"Sa iyo sana, Miss Garlic Habonito," sagot niya at lumapit talaga siya sa akin at malapit na ang kaniyang mukha sa aking mukha.
Nalanghap ko ang kaniyang amoy.
"Hoy Atoy, huwag masyadong malapit ha. Naamoy ko ang baby oil na ipinahid mo sa iyong buhok. At anong ako ang sinasabi mong aakyatan nang ligaw, ha? Sus 'wag mo akong biru-biruin nang ganiyan talagang sasapakin kita!" Tinaasan ko siya ng boses.
Nagkamot naman siya ng kaniyang ulo. "Ikaw talaga hindi ka na mabiro. Ah, siya nga pala, nasaan na si Tiya Sonita? Pumayag na ba siya na magtatrabaho ka sa mansion?"
"Oo, pumayag na siya. Nailigpit ko na nga ang mga gamit ko para anytime now if you visit here, everything is final and we will go quick the mansion," mabilis kong sagot sa kaniya at alam kong lihim siyang napapahanga na naman sa galing kong magspokening dollars.
"Wow lalong lumalalim ang English mo, Garlic, ah. Tsskk," palatak niya sa narinig mula sa akin.
"Ob course, I am a deep well.”
“Anong deep well ang pinagsasabi mo?” napatawa na naman siya.
"Sabi mo kasi lalong lumalalim ang english ko eh, kaya deep well."
"Ah...ganoon pala." Tumango-tango siya na napapabilib. "Ibang klase ka talaga."
"O, Atoy andito ka na pala. Ang guwapo natin ngayon, ah. Alanganin namang magkolekta ka ng basura sa ayos mong iyan," sabad naman ni Tiya Sonita na nanggaling sa tindahan ni Aling Dory upang bumili ng karne, este karnenas. Aw, sardinas na nga lang.
"Magandang tanghali po, Aling Sonita. Salamat naman po sa papuri ninyo. Matagal na po akong guwapo kahit noon pa pong wala rito si Garlic," sagot naman niya na nakangiti at sa akin pa nakatingin. Nagpapa-cute yata ang basurerong ito.
"Sus...Kulas dumaan ka yata!" sigaw ko naman na parinig sa kaniya at tumawa na rin silang dalawa.
"Ah, Tiya kung pahihintulutan po ninyo, isasama ko po si Garlic sa mansion para magtrabaho po roon, kung okay po sa inyo."
"Ay okay na okay na, Atoy kay Tiya Sonita," salo ko kaagad sa sinabi niya.
"A sus, ikaw talagang bata ka, ata na atat ka. Sigurado ka ba sa desisyon mong iyan ha, Garlic?" tanong naman ni Tiya.
"Tiya naman, eh. Ulyanin ka na talaga. Kakayanin ko po. Eh...kung hindi maganda ang trato nila sa akin doon, puwede naman ako sigurong bumalik dito sa inyo."
"Hay, wala talaga akong magawa sa iyo. O sige basta mag-ingat ka roon, ha. Kailan ba ang alis ninyo?"
"Wow talaga, Tiya..." Niyakap ko si Tiya Sonita. "Ang bait talaga ng ulyanin kong tiyahin. Thank you po."
"Ulyanin talaga ha, babawiin ko ang sinabi ko. Hindi na kita papayagan," nakatawa niyang sabi dahil alam naman niyang binibiro ko lang siya.
"Bukas po susunduin ko ulit dito si Garlic. Pero sa ngayon po mamasyal muna kami sa Mall of Asia. Ipinangako ko kasi kay Garlic na ipapasyal ko siya roon para naman makikita niya kung gaano kaganda ang mall na iyon."
"Gusto mo bang sumama, Tiya?" tanong ko sa kaniya.
"Ay huwag na, Garlic. Masakit na ang beywang ko sa kalalakad nang malayo. Kayo na lang ni Atoy, alam ko namang hindi ka niya pababayaan. O sige na mag-ayos ka na at nang makaalis na kayo habang maaga pa."
Dali-dali naman akong naligo at nagbihis. Naghintay naman si Atoy sa akin habang nakipagkuwentuhan kay Tiya Sonita.
Isinuot ko rin ang puting T-shirt na may imprinta na 'ILOILO HALA BIRA!'. Bigay ito noon ng aking kaklase na si Vanie nang minsang pumunta sila sa siyudad para manood ng Dinagyang Festival at binigyan niya ako nito. Pinarisan ko ng hapit na maong at saka puting tennis na binili namin ni Tiya Sonita sa ukay-ukay.
"I finish. So, are we walk to the Mall of Asia now?" sabi kong nakadipa pa ang kamay kay Atoy nang lumabas ako sa bedroom. Aw, sarap talaga pakinggan ang bedroom
"Wow, you're so beautiful, Garlic. You look like we made it, and you're closer baby..." sambit naman niya.
"Aba, nanggagaya ka yata. Wala kang original flavor," sabi ko naman sa kaniya. Parang malulugi ako sa pa-english niya.
“Maganda nga talaga itong pamangkin ko. May saltik lang din minsan,” sabi naman ni Tiya kaya napanguso ako nang marinig iyon.
“Nagmana nga po siguro sa iyo, Tiya.”
“Nakatutuwa kayong dalawa. Pareho kayong maganda ni Garlic, Aling Sonita. O sige na, alis na tayo, Saltik, este Garlic pala.”
Binatukan ko siya sa sinabi niyang iyon. Alam ko namang binibiro niya ako.
"Aray, ang sakit naman."
"Kaya nga umayos ka, no!"
"Biro lang naman 'yon."
"Nakailang biro ka na at sa susunod sisisngilin na talaga kita."
Napangiti naman siya sa sinabi kong iyon.