Chapter 7

4136 Words
Winter Pov. Sa lahat ng studyanteng nakikita ko ay mas tanaw ko pa ang pagmumukha ng lalakeng 'yon. Ultimong nakataas niyang kilay ay hindi pinatakas ng paningin ko. Alam ko ang kanyang iniisip, mali na naman. Sa lahat ng mahangin ay siya ang pinakamalakas, ihanda ang makapal na balabal kung siya'y babanat. Pinagtatawanan siya ng kasama nito, kalaunan ay ngumisi iyon. Sa lahat ng ngisi ay iyon ang nakikita ko'ng delikado, ang kaibigan nito ay certified playboy base sa'kin. At itong ashong na'to ay kinulang sa buwan, hindi sapat ang kaisipan niya sa bawat aktong ginagawa nito, isip bata kumbaga. ”She made a letter..” giovanni commented while scanning the whole paper, tsk. Hindi ko ginawa 'yan. At sana'y hindi ko na lang pinulot at hinayaang nakadikit sa sapatos ko. ”Absolutely, yes. She made a s*ck letter..” umirap ako, nagpatuloy sila sa paglalakad at ewan ko nga ba kung bakit hangga ngayon ay hindi pa ako lumilisan, nakuha na nitong makalapit sa'kin na may malakas na kumpyana sa ngisi niya. What should i expect? Siguradong iisipin niyan na sa akin nagmula ang sulat na'yon, natural sa 'kin iyon nagmula bago dumapo sa asungot niyang mukha. ”Are you a fun of love letter, i didn't expect this, four eyes..” umismid ako, hindi ko rin naman inaasahan ito, mangarap ka lang sa abot ng 'yong mararating. ”I'm not the owner of that letter..” Umarko lamang ang kanyang nguso. ”And i don't like you..” giovanni laugh while covering his mouth, tila'y sa ganoong paraan naasar ang kaibigan niya. Easy to say, ashong had a very short patience. ”I know you will deny it, sino ba ang aamin na may gusto ang isang tao sa kaaway niya?” ”Hindi ko alam, ngunit kung iyan ang gusto 'mong paniwalaan wala na akong magagawa..” tumalikod na ako, Hindi ko alam kung naroon na ba ang susunod ko'ng professor dahil sa oras na nagugol ko rito. Mahuhuli pa yata ako. ”Alam ko'ng gusto mo ako, wala namang masama doon dahil sa anyo ko pa lang ay mahuhumaling ka na..” natigilan ako sa sinabi niya, ashong screaming that words. Hindi maiwasang mapatingin sa'kin ng ilang studyante kaya't napapikit ako. ”H'wag mo ng itanggi, four eyes. Huli ka na sa akto..” dinig ko ang boses niya sa gilid ko, naroon na ito at bawat pag-ngisi niya ay may tunog. Nakaka-irita lang. ”Iyon naman din ang sinabi ko, ashong. Kung nais 'mong paniwalaan ang nililikha ng 'yong kakarampot na isip ay bahala ka, libre lang naman mangarap ng dilat..” ”Fvck!” giovanni laugh automatically, napahampas siya sa kanyang kaibigan na madali kung mag-init ang ulo. ”I like you, babe. You're really incredible brave woman..” wala akong nasagot sa kaibigan niya, gwapo sana ngunit hindi ko siya nanaisin. Mas handa akong magpaka-lunod sa feelings ko kay calix. H'wag lang sa kanila. ”Your getting on my nerves, four eyes. Just spill the reality that you really had a feelings on me..” ”Paano ba ako magkaka-gusto sa katulad mo?” kunot ang kanyang noo sa katungan ko. ”Hindi angkop ng personalidad mo ang matitipuhan ko, hindi ka man lang nangalahati sa lalakeng hinahangaan ko..” Tuluyan ng nalukot ang pagmumukha niya, hindi na ito maipinta at inaasahan ko ng may sasabihin siya ngunit ni isa'y wala, nag-tiim bagang ito bago lumisan at iwanan ang kanyang kaibigan. ”You hit him by using your words..” nilingon ko ang nakangisi nitong kaibigan. ”Just don't mind him, maybe you can ignore my friend for your own sake..” tinapik nito ang balikat ko, bago siya lumisan ay hindi nito pinalampas ang aking pisngi upang pisilin. Sa huli ay halos maghimaktol ang mga kababaihang nakakita sa ginawa niya. Ngunit kalaunan ay hindi ko na lamang sila pinansin, I know them. They judge you based on your looks, hindi ka nila kilala ngunit may nalalaman na sila tungkol sa'yo. Mga gawa-gawa na hindi naman totoo, they're rich. Mayaman sa pera, but when it comes on brain. There not, they're poor maturity and knowledge. Sa maghapong klase ay tungkol sa historical halos ang topic, about science dahil nasa unang sem na kami ng taon. Today is full of learning history about science, May ilan na akong nabasa tungkol doon dahil sa hilig ko sa mga libro. I'm not use to bar or parties, mas gugustuhin ko'ng manatili sa bahay dahil wala naman talaga akong kaibigan, some of my high school friends invite me last time, noong nasa probinsya pa ako. But i declined it, simula noon ay hindi na sila nagyaya, they find it that i'm boring. But for me, being booklovers. It's more than heaven than alcohols. ”Nagka-ayos na pala kayo ni philip?” nilingon ko si calix ng sandaling naglalakad kami, our class is time of dismissal. Naglalakad akong mag-isa ng makita niya ako at nilapitan. Tumango ako, isang simpleng sagot habang diretso ang tingin sa dinaraanan. ”Nalaman ko kay stanlee, madalas silang magpractice ng bola..” "Ikaw ba? Hindi kita nakikitang nag-eensayo..” ”Marami kaming outputs today, baka sa august na lang dahil september pa naman ang enter high..” Napabuntong hininga ako, naaalala ko na naman ang foundation day. We need to cooperate on any club, kung anong nais 'mong salihan for fatima day. May isang school ang dadalo dito upang maglaban, and it's a holycross. Ang public university din dito sa manila. ”Your joining in singing?” Tipid akong ngumiti. ”I want to joined in theater too, sa mga poems sana..” ”Then, why not?” ”Nag-iisip pa ako kung sa music o sa theatro..” Tumango rin siya, nasa parkinglot na kami bago nito hugutin ang susi sa bulsa. Sa simpleng galaw niyang iyon ay napaka-swabe sa aking paningin, ang astig niya at ang gwapo. Matangkad siya kaya't nahilig din sa pagbobola, siya yata ang varsity player na kumuha ng puso ko. ”Gusto mo bang magkape na muna?” muntik ko pang nakalimutan ang pag-sang ayon ko kaninang umaga, But i have lot things to do and study. Baka naghihintay na rin si lola sa pag-uwi ko, I want to come and make some time for him, kaso wala akong chooice kundi umiling. ”Baka naghihintay na kasi si lola sa bahay, kung gusto mo doon na muna tayo..” ”Sure..” he answered so fast, hindi na pinag-isipan at pinagbuksan na niya agad ako ng pinto. Napakurap ako ng balingan niya ako ng nakakaliyong ngiti, okay puso. Kumalma ka lamang at h'wag ng mag-indayog sa loob. ”Let's go, I miss your cook..” ”Wow, ha. M-magluluto pala ako..” i'm trying to resist my feelings to enhance the mood, but the way calix smirked, it's that the end of being strong. I'm certified weak if he's around. ”Kumusta na ang ama mo hijo, mukhang gumaganda yata ang bussines niyo rito..” dinig ko ang boses ni lola habang nasa kusina ako, naghahanda ako ng hapunan para sa aming tatlo. I'm use to cook when we're in province, madalas tambay si calix sa bahay at doon sa farm. Ipinagluluto ko siya madalas noon, our hobby is foodtrip while talking back on our past. ”Ayos lang po, maganda ang bussiness ni daddy dito dahil nasa syudad..” tito ysmael is a bar owner, hindi ko alam kung ilang branch na ba ang meron sila. Retired officer din ito sa nueva ecija, kaya't itong si calix ay ini-idolo talaga ang kanyang ama. They're have a family related on army and being officer, but his mother. Tita luciana is an bussiness woman, siya ang nag-alok sa kanyang asawa na magpundar ng negosyo dito sa manila, and luckily. It's click and famous now. ”Kaya pala't naging abala ka na rin, naku. Alam mo itong apo ko'y miss ka na niyan..” "LOLA!” hindi ko maiwasang sumilip sa hamba ng pinto, alam ni lola na gusto ko si calix. Si ermats rin lalo na si erpats, ngunit hindi naman yata wasto na ibuking ako ni lola. ”Namiss ko rin po si wen, naging busy lang talaga ako but now, i can spend my time with her..” Ayan na at ngumingiti na ang baboy na niluluto ko. Kumukulo na at ready ng ihain sa lamesa. Pakiramdam ko'y nagsasalita ang mga gulay na nasa kare-kare, nakangiti at inaasar ako dahil sa sinabi ni calix. Kinagat ko ang labi, I turned off the gas stove before i get the medium size of bowl, isinalin ko roon lahat ng niluto ko. At nang maihapag iyon ay madaling nilanghap ni calix ang usok na nagmumula sa ulam. ”Paborito ko talaga ang mga luto ni wen, lola..” ngumuso ako habang kinakalas ang tali ng apron sa likuran, matapos ay hinubad ko ang salamin at inilapag sa mesa. ”Iyong luto ba o 'yung nagluto?” patuloy na nang-asar si lola, sigurado'y suportado na ng kapulahan ang mukha ko ngayon sa pag-upo malapit kay calix. ”Pareho po, la..” sinimangutan ko si calix. ”Kumain ka na, cal..” ”Bakit, totoo naman. Paborito din naman kita..” ”Oo na't tumigil ka na..” umirap ako, ngunit sa kabila ng inakto ko ay nagkukumahog ang puso ko. ”Ako ba, hindi?” ”Calix!” ”Okay, kakain na..” Doon nangiti si lola, our dinner is full of conversation. Masaya ang ngiti ni lola na nagbibigay galak maging sa akin. Calix is my definition of best guy, he's my ideal man. Kaya't ng magpa-alam itong uuwi na ay tila'y ayaw ko pa siyang lumisan. But it's already 8;00 o clock in the evening, baka hinahanap na siya. ”Sabay tayo bukas?” nasa tapat ako ng bahay habang ito'y nakasakay na sa kanyang kotse, kahit hindi sigurado ay tumango ako, gusto ko rin naman. ”Alas siete ako bukas..” ”Alright, 7;00am sharp..” nginitian niya ako bago buhayin ang makina, humarap pa muna siya sa'kin at saka nagpa-alam. ”See you when i see you..” BUONG gabi yata akong kinikilig dahil sa araw na'to, nawala lahat ng pagod at isipin ko ng dahil kay calix. Ang munting puso ko'y kumakabog ng malakas sa sobrang excitement dahil muli kaming magkikita bukas, Hindi na ako mapakali. Kaya imbes na matulog ng umaga ay hindi iyon nangyari, hindi kasi ako pinatulog ng kilig na namumutawi sa akin. ALAS SAIS ng magising ako, lumabas ako ng kwarto upang tumungo ng banyo. Naghilamos ako at bago tumungo ng kusina ay sinilip ko muna ang kwarto ni lola. Mahimbing pa ang kanyang tulog kaya't pumaroon na ako sa kusina, isang simpleng sala ang meron sa ibaba. May dining at maliit na kusina, may sarili din na banyo sa ibaba kung sakaling may bisita. Luma na itong bahay, ngunit ng mapinturahan ay muling pumuslaw ang ganda ng haligi sa kremang pintura. Naghanda ako ng simpleng almusal sa hapag, nilagang itlog at hotdog ang inihain ko dahil iyon ang nasa ref, ang pagkain na natira kagabi ay inihain ko'ng muli bago igawa ng gatas si lola. Saktong nailapag ko ang tasa nito sa pwesto niya ay siyang pagbaba naman niya sa hagdan, madali akong lumapit upang hawakan ang kanyang kamay. Bihis ito ng bagong kasuotan at basa ang gilid nitong buhok senyales na galing ito ng banyo. ”Ang aga mo yatang nagising?” umiling ako, pinaghila ko siya ng upuan at inilalayang maupo. Tumungo ako sa aking pwesto at nilagyan ng pagkain ang kanyang plato. ”Alas sais po, susunduin kasi ako ni calix kaya't nagluto ako ng maaga..” nakangiti agad sa'kin si lola, wala pa man siyang sinasabi ngunit ang kanyang ngiti'y nagbibigay kahulugan. ”Hindi ka ba't nililigawan ni calix?” ”Hala, si lola. Hindi nga ako nito gusto, ligawan pa kaya?” ”Paano mo nasabing hindi ka niya gusto?” Ngumuso ako, kinuha ko ang plato at kumuha ng sariling pagkain. ”Ang gwapo ni calix, paano siya magkaka-gusto sa gaya ko?” ”Anong meron sa'yo?” naka-titig sa'kin si lola ng nagtataka. ”Ang ganda 'mong babae, hawig ka ng iyong ina at walang dudang magugustuhan ka ni calix..” ”Si lola talaga, malabo na nga po ang mga mata niyo..” ”Mas gusto ko ang iyong ganda kesa kay trixie, hindi ka lang madalas mag-ayos ngunit nakikitaan na kita ng kagandahan..” ”Ang aga naman niyan, lola. Sige na nga po, maganda na kung maganda, mana lang ako sa inyo ni mama..” malawak ang ngiti ni lola, mas hawig si lola kay tita raquel, magulang ni trixie. Si mama elena ay pinagbiyak ni lola't lola. Kaya ang resulta ay mas maganda nga si mama kesa kay tita raquel na siyang ate niya. Minadali ko ang aking kilos ng matapos kumain, nasa sala si lola at doon ay nanunuod na ng tv habang papaakyat ako sa taas. Alas sais 'y media na ng maligo ako, hindi ko alam kung ilang minuto ang ginugol ko dahil pagbaba ko ng hagdan ay nasa sala na si calix kausap ang aking lola. ”Tapos na pala ang apo ko..” basa pa ang aking buhok ng lumapit sa kanila, dala ang bag ay hindi ko alam kung mangingiti ako sa lalakeng naghihintay na pala sa'kin. ”Kanina ka pa ba?” tanong ko. ”Hindi, halos kakaupo ko pa lang..” nahihiya akong tumango, hindi naman na ito ang unang beses na maghintay si calix sa'kin. Madalas niya itong gawin noong nag-aaral pa lang kami ng elementarya hangga sa umapak ng highschool. Ngunit hangga ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay, tila'y bago pa ang lahat sa akin. ”Mauuna na ho kami..” si calix ang nagpa-alam, nginitian ko si lola na hindi mawala ang ngisi sa labi. Gaya ng nakagawian ay may stock sa ref na pagkain, sinabi ni lola kanina na siya na lang ang bahala sa tanghalian nito. ”Hindi ba kayo nagsasabay ni trixie minsan?” umiling ako kay calix habang abala siya sa pagmamaneho. ”Hindi, namamasahe siya. At ako naman ay naglalakad kung minsan..” ”Nilalakad mo talaga?” Medyo natawa ako. ”Sanay ako sa lakaran, calix. Baka nakakalimutan 'mong nililibot ko ang flower farm sa isang araw lang” ”Oo nga pala, ngunit maaari naman tayong magsabay araw-araw. Nadaraanan ko rin naman ang bahay niyo..” ”Hindi naman ako tumatanggi sa grasya..” iyon ang sagot ko na nagpalingon sa kanya, hindi ko alam kung bakit tila tumitig siya sa'kin. Nabahala pa nga ako dahil nagmamaneho siya. ”H-huy..” kumurap siya bago ilihis ang mata pabalik sa daan, medyo alinlangan siyang ngumiti at unti-unting binabawi ang sarili sa nangyari. ”M-may gusto sana akong sabihin sa'yo..” sa daan na ito nakatingin, hindi mabaling ang ulo sa'kin habang naghihintay ako ng susunod niyang sasabihin. Ngunit ilang segundo ng hindi na siya magsalita pa, naiwan akong nakatitig habang tila'y umaasa sa maaari niyang sabihin. ”A-anong gusto 'mong sabihin?” Lumingon siya, pilit akong nginitian. ”Nevermind..” kinagat niya ang labi at nagpatuloy muli sa pagmamaneho, napanguso ako sa inakto niya. Hangga sa huminto ang kotse sa parkinglot ay pala-isipan ang nais nitong sabihin. ”Siguro'y makakasabay na kita mamaya..” agaran akong tumango dahil pareho kami ng schedule today. Ang swerte ko. ”Libre kita..” ”Wow, mapera yata si mr montemayor?” ”Yes, always.” Nangisi ako. ”Yabang ha, gusto ko 'yung c4 mamaya!” walang pag-aalinlangan itong tumango sa sinabi ko, at ang setC4 na 'yon ay paniguradong swak ang lunch break ko. Gaya ng nakagawian ay lihis ang daan naming dalawa, sa kabila ako at doon siya sa gitnang pasilyo. Sinalubong siya ni stanlee at ilang kaibigan nito, inakbayan siya ng isang matangkad na lalake bago muling lumakad palayo. At iyon ang huli bago ako tumuloy sa unang klase namin. Our topic is for national geographic series, about wild animals who lives for a fullest. Our professor discuss more about the most dangerous life of them, sa dami ng kanyang sinabi ay isang wild animals lang ang pumapasok sa isip ko. Kung ikukumpara ko siya sa wild animals ay isa siyang gorilya, tsked. Bakit nasama na naman ang lalakeng iyon? Sana nga lang ay hindi na kami magkita today, panira ng mood. ALAS DIYES ang breaktime ngayong martes, natapos ang buong subject ngayong umaga at may bakante kami hanggang alas dose. At iyon ang gusto ko dahil na rin curious ako bigla sa topic namin kanina, gusto ko'ng tumungo ng library at doon gugululin ang oras habang hinihintay ang lunch. Ngunit tumuloy na muna ako ng cafeteria at doon um-order ng pasta upang makakain lang saglit, balak ko'ng umupo sa dulong pwesto kung saan tanaw ko ang hardin malapit sa library. Ngunit kamalas-malasan lang na bigla akong binunggo ng isang babaeng nasalubong ko. Pabagsak akong napaupo at halos sa akin natapon ang dala ko'ng pasta, ilang ulit akong nagmura bago marinig ang tinig ng babaeng may kasalanan nito. ”Look what have you done!” nag-angat ako sa babaeng pamilyar sa akin, at tama nga ako. Siya iyong babae kahapon na kung tumahol dahil naagawan ko siya ng pwesto. Bahagya akong umismid, hindi ko lang alam kung nakita niya dahil namumula ito sa galit. ”Are you blind, nerdy girl!” dinuro nito ang noo ko ng hindi ako sumagot, kontrolado ko ang aking sarili dahil ayokong gumawa ng eksena kahit na ako ang agrabyado. ”I'm talking to you!” ”Sorry.” humingi na agad ako ng paumanhin kahit hindi ko naman na talaga kasalanan, dinig ko ang tawa niya, halatang hindi makapaniwala. ”Stand up.” I sighed for her attitude, kulang ba siya sa aruga? "I said stand up!” tinulak niya ako ng bahagya, lumapad ang palad ko sa sahig na naging sanhi ng pag-agos ng sauce sa kinauupuan ko. ”I don't have any idea why are you studying here, ang pangit mo, mukha kang basura!” nagtawanan ang kampon ng asong ul*l, nauul*l iyan dahil nadampian na kakaramput na sauce ang skirt niya, ganun na lang siguro kamahal ang uniform dito kaya't eto ay ang bangis niya. Tumayo ako, wala na akong balak maki-satsatan pa sa kanya dahil gaya ng iba lamang ang ugali niya. ”Hindi mo ba ako naririnig?!” hinigit nito ang braso ko ng balakin ko'ng pulutin ang tray, nahulog muli iyon at tuluyan ng nagkalat. ”Humingi na ako ng sorry.” tipid ang pagkakasagot ko, hindi marahas at sarkastiko. ”Ikaw ang may kasalanan, hindi ako..” binawi ko ang kamay na mahigpit niyang hawak, yumuko ako at balak sanang pulutin ang tray ng bigla ko'ng maramdaman ang malamig na bagay sa aking ulo. Unti-unti iyong umagos sa kasuotan ko na nagbigay mantsa sa aking damit, kinagat ko ang labi. Sobra sobra ang pagtitimpi ko dahil lamang sa kaisipang ayokong tumapak muli sa dean office. ”Hoy!” Isang tinig ng babae ang sumigaw sa paligid, nilingon ko iyon. Ang magandang babae na palapit sa akin ay nakaduro sa lider ng dog club. ”Mali 'yang ginawa mo!” pinag-krus lang ng dog lider ang kamay niya, nakataas ang kilay sa may maputing kutis na babae. ”Sino ka ba para punain ang ginagawa ko?” the dog leader had an answer, pero hindi iyon pinansin ng magandang babae kundi nilapitan niya ako bago maglahad ng panyo. Sa ganda nito'y hindi ko alam kung kukunin ko ba 'yon, ngunit bakit niya ako tinutulungan? ”Wow, the both loser are here..” nagtawanan ang kampon ng aso dahil sa sinabi nito, kulang na lang ay tumahol sila sa kagalakan. Tsk. ”Ayos ka lang ba?” tinatanong ako ng babae, ngunit hindi ko na nais pang pag-initan siya nito kaya't hindi ko tinanggap ang panyong hawak niya, ang ganda niya't nakakahiya kung kunin ko iyon. ”Hindi ka na dapat nangialam..” marahas man ang pagkakasabi ko ngunit nagpapasalamat ako sa isip na may malakas ang loob na tulungan ako. ”Alam mo kasi nerdygirl, mahilig makisawsaw ang isang 'yan. Mahilig din mag-agaw atensyon dahil gusto niya siya lang ang napapansin..” muling tumahol ang babae, alam ko'ng samantha ang pangalan niya ngunit hindi bagay ang magandang pangalan na iyon sa ugali niya. ”Parang iyong pag-agaw niya kay jacob, pilit nitong isinawsaw ang sarili upang masapawan ako..” ”Alam ko ang buong kwento..” sumagot ang babaeng tila'y manika sa aking paningin, matapang siya habang may lalakeng nakatayo sa likuran nito. ”Hindi mo alam, at dahil dumating ka ay hindi na ako pinakinggan ni jacob, isa kang dakilang mang-aagaw!” iyon ang sagot ni samantha, ngunit bumuntong hininga lang ang magandang babae bago ako nito lingunin. ”May extra akong damit sa locker, ipapahiram ko sayo..” ”Meron ako..” iyon na lamang ang sinabi ko bago lumakad paalis, bahala na sila sa kalat na'yon. Naglalagkit na ang katawan ko at nais ko ng umuwi, wala akong extrang damit kahit pa na may locker ako, wala akong nilalagay doon dahil dala ko ang mga libro ko. Sa paglabas ko'y nasalubong ko ang grupo ni ashong, mula sa entrance ay tanaw din ako ng ilang studyante na tila pinagtatawanan pa ako. "Oh, babe. Anong nangyari?” giovanni asked me, tumaas ang kilay ni ashong habang nakatingin sa'kin. Hindi ako sumagot, kunot ang noo ng isa niyang kasama bago may sumigaw na lalake sa gilid ko. ”Jacob si shaira!” base sa tingin ko'y nasa first year ang lalakeng nagbigay balita, tinawag niya na jacob ang lalakeng na nasa likuran ni ashong na agad napukaw ang interes. ”What happen!” ”Nag-aaway sila ni samantha!” Madaling lumakad ang tinawag na jacob, ang tangkad niya at halos lumubog ako ng lagpasan niya ang kinatatayuan ko, kung ganon. Shaira ang pangalan ng babaeng tumulong sa'kin. ”Karma hits you today..” ngumisi si ashong, nais ko siyang sipain ngunit wala na akong oras. Kailangan ko ng umuwi at umalis na dito. ”Pinagtripan ka ni samantha?” it's giovanni again, hindi ako sumagot sa kanila. Kunwari'y concern pero batid ko'ng natatawa talaga yan ngunit pinipigilan niya lamang. ”Maybe i'm not the only who annoyed on you, marami pala kami..” ashong still had a low brain, isip bata. Umirap ako. ”Hindi na ako magtataka na marami kayo, iisa lang yata kayo ng pag-iisip..” nilagpasan ko na siya, wala akong oras aksayin ang laway ko sa mga katulad nilang tao. Hindi ko alam kung anong klaseng pagpapalaki ba ang meron sila't hindi nila alam ang salitang respeto? Binalak ko'ng lumiko palihis sa mga studyanteng nagkukumpulan sa daan, ngunit sa ginawa ko'ng iyon ay barkada naman na ni calix ang siyang nakaharap ko. At doon nakita ko si calix na bakas ang gulat na nakatingin sa'kin. ”Anong nangyari!” he's mad, kunot ang noo habang tiim ang bagang. ”Sinong may gawa nito!” ”W-wala..” natatakot ako sa reaskyon niya, alam ko kung paano siya magalit. Nakasama ko na ito ng matagal na panahon at sisiguraduhin ko'ng hindi makakalagpas ang sino mang mag-aapi sa'kin. ”Tell me, wen. Who did this to you?” ”N-natapunan ko lang ang sarili ko, walang ibang may gawa nito..” nakatitig siya sa'kin, tila sa paraan nito ay binabasa niya ang nasa isip ko kung nagsasabi man ako ng totoo. Nagbaba ako ng tingin, ayokong tumingin sa mga kaibigan niya na gaya nito'y gwapo rin. ”Let's go, Fixed yourself..” Hinawakan niya ang kamay ko, wala siyang sinabi sa mga kaibigan niya kundi ay nilagpasan namin sila hangga sa ipasok ako nito sa kanyang kotse. Napapikit ito bago ako niya lingunin. ”Can you just take a care for yourself, winter?” hindi ako nakasagot, nagbaba ng tingin at ngumuso. ”I'd treasured you more than anything else, i don't want you to hurt in anybody, physical or emotionally. Because your pain, is my pain too..” sobra ang galit nito sa tinig niya, kulang na lang ay suntukin nito ang manubela dahil sa galit na nakikita ko dito. ”C-calix..” wala akong makapang sasabihin, ayokong magsumbong dahil ayoko rin naman ng gulo. ”Just do what i've said, winter. Protect yourself and don't you ever let them to do this again, alam mo ang kaya ko'ng gawin sa kanila pag naulit pa ito..” Napalunok na lamang ako, naalala ko bigla ang lalakeng humampas sa kamay ko ng badminton racket noong highschool. Ilang araw lang naman siyang tulog sa ospital.. **** to be continued. Sana all protektado kay calix montemayor. Kailan kaya suntukan nila ni ashong? HAHA. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD