Chapter 8

3811 Words
Winter Pov. (First kiss) Inihatid ako ni calix matapos naming tumungo ng mall upang magpalit ng masusuot. Siya ang nagpasyang magbihis na muna ako bago i-uwi sa bahay. Nahihiya nga ako dahil suot ko ang mahaba niyang longsleeve ng pumasok ng mall, ultimong susuotin ko ay siya ang pumili. Hindi na ako umangal pa, sa t'wing ganito kainit ang ulo niya ay wala rin akong magagawa. I know him very well, pag galit siya. Galit talaga 'yan, lalo na kung nasaktan at naapi ako. Iyon ang kinakatakot ko kung minsan sa kanya, wala siyang kontrol sa sarili at masisiguro ko'ng malalagot ang sino mang taong makita niyang nanakit sa akin. ”Ang aga mo naman naka-uwi ngayon?” malamang ay nagtaka si lola sa pag-uwi ko ng maaga, alas onse pa lang ngunit heto ako at nasa bahay na. Iba pa ang suot ko ngayon na kung kanina'y paldang floral na kulay white. Ngayon ay isang pantalon na at simpleng tshirt, nginitian ko ng pilit si lola. Hindi nais ipakita na may nangyaring hindi inaasahan sa akin kaya't maganda ang aking ngiti kahit pilit. ”Half day lang po ang klase.” ”Talaga, mabuti naman at makakapag-pahinga ka ng maaga.” tumango ako, hindi na nagtagal si calix ng maihatid niya ako. Nag-aalala ako na baka bumalik iyon ng fatima at hagilapin ang totoong nangyari sa akin. Napapikit ako bago hilutin ang noo, napansin agad iyon ni lola kaya't lumapit siya. ”Masakit ba ang ulo mo?” Muli ay ngumiti ako, umiiling. ”Hindi po la, kumain na po ba kayo?” ”Oo, nakapag-luto ako ng gulay kanina. ikaw ba?” Tumango ako. ”Opo..” iyon ang sagot ko kahit hindi, wala naman na akong nararamdamang gutom dahil sa nangyari. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang maapi sa kapwa ko babae. Nais ko siyang labanan, nais ko rin itong buhusan ng malamig na tubig ngunit iniisip ko ang pag-aaral ko. Ang mahal na nga ng tuition fee at baka ma-suspend na naman ako. Ayokong madismaya ang mga magulang ko sa'kin. Kaya't kahit gaano sila kasakit magsalita at hindi nila ako tratuhin ng mabuti ay titiisin ko na lang. May ibang paraan naman para makaganti. At ang karma ang siyang gagawa nito. NANG araw na 'yon ay naglaba ako buong maghapon, inabala ko ang sarili sa gawaing bahay upang mawaglit sa isipan ko ang eksenang iyon. Hindi naman na maaaring isipin ko'yun ng isipin palagi, siguro dapat ay masanay na ako sa kanilang ugali. Magkikita pa kami bukas, makakasalamuha ko pa sila at ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano sila iiwasan. Napabuntong hininga ako habang namamahinga na, ginabi na ako sa gawaing bahay at ngayon ay kakatapos lang sa isang review. Hindi ko alam kung may quiz ba kami sa mga subject bukas, pero heto ako at nag-advance review dahil lumiban ako. Mahal na mahal ko ang grado ko, ngunit naghihinayang ako sa pag-absent ngayong araw. Kasalanan ito ng babaeng iyon. Nakikisawsaw pa ang asungot na ashong na iyon na talagang ikinatuwa pa ang nangyari sa akin. Hayss! Gumulong ako sa kama at dumapa, napapabuntong hininga pa rin ako bago ipikit ang mga mata. Sa pagbalot ng kadiliman sa aking paningin ay ayun na naman ang mga studyanteng nangingiti sa sinapit ko. Mga studyanteng walang alam kundi ang manlait at hilain pababa ang kanilang kapwa studyante. GAYA ng nakagawian ay alas sais muli ang gising ko, bumangon na si lola na may nakahandang almusal. Matapos iyon ay madali akong naligo at nagbihis dahil alam ko'ng naghihintay na si calix sa ibaba. Mula sa kwarto ko'y dinig ko ang kanyang tinig, sinusuklay ko ang buhok na hindi na tugma sa pagkakapantay. Makapal ang buhok ko at may gyera bawat hiblang magkakatabi, nagkabuhol-buhol kaya't ang nangyari ay itinali ko na lamang kahit basa pa ito. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan, at doon sa sofa ay muling nakaupo si calix habang naghihintay sa akin. Ngumiti ito bago tumayo, hindi gaya kahapon na hindi maipinta ang mukha sa pagkaka-busangot. ”Mauuna na kami, la..” humalik ako sa pisngi ni lola bago sabayan si calix na papalabas na ng bahay, maging ito ay kumaway kay lola na nakatayo sa pintuan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at madaling umikot sa driverseat. Muli ko pang kinawayan si lola bago tuluyang lumisan ang kotse ni calix sa harapang bahay. ”Basa pa ang buhok mo, bakit mo itinali?” nilingon ko siya, bahagya akong nakangiti habang hawak ang pabilog na buhok sa itaas. ”H-hindi ko kasi masuklayan ng maayos..” lumingon ito sa 'kin, nagtama ang aming mata at doon panandaliang nagtitigan. Hindi ko alam kung bakit madalas ang akto ni calix na ganito, matitigilan ngunit iiwas rin kaagaran. ”I-ibaba mo na lang ang b-buhok mo, s-sasakit lang ang ulo mo..” nag-aalala ang tinig niya ngunit nagkanda-utal sa pagsasalita. Napanguso ako, hinawakan ko ang tali at madaling kinalas iyon. Wala akong dalang suklay kaya't ang mga daliri ko ang siyang ginawa ko'ng pag-susuklay. Hangga sa marating ang parkinglot ng fatima ay inaayos ko ang aking buhok, nagmamadali pa akong lumabas ng bumaba si calix. Balak niya akong pagbuksan ng pinto ngunit kusa na akong bumaba. Suklay ko pa rin ang buhok dahil feeling ko ay hindi pa maayos tingnan, medyo blured pa ang salamin ko dahil sa kaonting basa na nagmula sa aking bangs. ”Tsk, dito..” hinawakan ni calix ang balikat ko at pwersahang iniharap sa kanya, nanliit ako bigla sa aking sarili. Ang tangkad niya na halos dibdib niya lamang ang nakikita ko dito, siguro'y nasa balikat lang ang taas ko dahil na rin sa tangkad niya. Ang bango pa. ”Kailangan na ng iron nito, hindi na maayos..” umismid ako kahit namumula, tumatawa iyan. At alam ko'ng pinagtatawanan niya ang buhok ko. ”Makapag-lait ka rin!” lumayo ako at naglakad na, ngunit dahil mahaba ang kanyang biyas ay madali lamang siyang nakasunod sa kakaramput ko'ng hakbang. ”Maganda ka pa naman, wen..” kung may buntot lang ako siguradong kanina pa iyon nawasiwas dahil sa sinabi niya, ngunit dahil may tenga ako ay sila na lamang ay may kakayahang pumalakpak. Maganda daw ako. Saan banda? ”Tigilan mo ako, calix. Masamang nagsasabi ng kasinungalingan..” ”Hindi iyon kasinungalingan, wen. Ang nega mo..” ”Masyado ka kasing bolero..” sabay na ang aming paglalakad patungo sa hallway kung saan kami magkakahiwalay, huminto siya. Nakataas ang kilay sa akin ng humarap ako. ”Hindi kita binobola, maganda ka nga.” ”Oo na't late ka na.” "Tsk..” umismid siya, tumingin ito sa gilid na nagbigay tangos lalo ng sa kanyang ilong. ”Sa araw na ito, ayokong makita kitang marumi..” muli siyang tumingin sa akin, napalunok ako ngunit kalaunan din ay tumango. ”Do you understand me?” ”Oo na..” ”Don't let them to hurt you, wen. Hindi ako marunong makipag-biruan sa kanila, kilala mo ako..” ”Sige na nga, aksidente nga lamang ang nangyari kahapon. Hindi ako nagpapa-api, kilala mo rin naman na ako.” he sighed while looking at me intently fierce, sa huli ay nag-iwas siya ng tingin bago ipaglapat ang labi. ”Papasok na ako, doon mo ako sa garden hintayin mamayang break at lunch, magdadala ako ng pagkain..” Hindi na ako nakapalag ng talikuran na niya ako, mag-isa siyang naglakad ngayon patungo sa kumpulan ng mga studyante na bumabati sa kanya. Nagbaba ako ng tingin, marami akong librong dala na nasa bag ko kaya't medyo mabigat ito. At dahil hindi pa ako nahuhuli sa klase ay tinungo ko muna ang locker upang doon ay ilagay muna ang ilang librong dala ko. Sa pagbukas ko ng locker ay may tumambad na puting bagay doon na maayos ang pagkakatupi. Hindi ko alam kung ano iyon ngunit kung titingnan ay isang tarpulin. Bukod tanging iyon pa lang ang laman ng locker ko, hindi ako mahilig mag-iwan ng gamit at ngayon pa lang sana. Kinuha ko iyon dahil sa pagtataka, locker ko ito at wala namang ibang maliligaw na gamit dahil malawak ang locker dito sa fatima at lahat kami'y meron. Ipinasok ko ang librong nasa bag ko at madaling isinara ang locker, hawak ko pa rin ang tarpulin habang naglalakad ako sa hallway. At dahil puno ng kuryusidad ang isip ko'y sinilip ko iyon, dahan-dahan na halos hindi ko makita kung anong meron sa hawak ko. At ng sandaling makita ang litratong naroon ay madaling nangunot ang noo ko. It's ashong. The asungot always. Ibinalik ko iyon sa pagkakatupi, gwapo sana ngunit binigyan niya ako ng tarpulin na wala siyang damit. Nakapantalon at nakahiga sa mahabang upuan katabi ng pool. Tsk. At talagang ginawa nga niya ang kanyang sinabi? Ano sa tingin niya ang kanyang ginagawa? Malakas pa rin ang kumpyansa niyang may gusto ako sa kanya. ”Isip bata!” napailing ako habang tinatahak ang daan pataas, nasa ikawalang palapag ako ng gusali kung saan ay inihagis ko ang tarpulin ni ashong sa basura. Nababagay talaga siya sa basura! SAKTONG alas siete ng makapasok ako ng silid, hindi pa nag-uumpisa ang klase ngunit naroon na ang masungit na professor habang pinapanuod ang pag-upo ko sa aking pwesto. ”Your late!” nagtataka ko itong tiningnan, hindi pa ako late dahil saktong alas siete pa lang naman. Ngunit dahil sadyang mainit ang ulo ng professor na ito sa akin ay malamang ganito niya ako tratuhin. Siya lang naman ang binabae ko'ng professor na may gusto kay ashong. At dahil siya ang nakakita noon sa amin ng aksidenteng mapasampa ako kay ashong ay madali siyang gumawa ng eksena sa dean office. Alam ko'ng may gusto ito sa lalakeng iyon, iba kasi ang haplos niya sa dibdib ni ashong matapos ng sermonan. ”At dahil late ka, dadagdagan ko ng sampo ang question sa quiz mo!” Napabuntong hininga ako, wala na akong balak sagutin siya ngunit sumabat ang babaeng katabi ko. ”Sakto lamang siya sa oras, prof. Hindi pa po siya nahuli sa klase..” tumaas ang kilay ng professor, hindi inaasahang may sasabat sa kanya. ”Okay, ms millari. Daragdagan ko rin ng sampo ang katanungan sa'yo..” tinuldukan na iyon ng professor, sa huli ay wala akong nagawa kundi lingunin siya. ”Hinayaan muna lang sana..” Nilingon niya ako. ”Hindi mo dapat hinahayaan ang ganoong bagay..” ”Wala naman tayong magagawa, pero salamat..” Nag-iwas siya ng tingin, hindi sumagot ng mag-umpisang magsalita ang professor sa harapan. ”Sino pa ang gustong madagdagan ang katanungan nila, magtaas lamang ng tamad na kamay!” Ngiwi ang tingin ko sa aming professor, tinagurian ngang ikalawang magulang sa unibersidad ngunit ganitong asal ang meron siya. Dapat nag-janitor na lamang siya. O baka naman, mas maganda pa ang ugali ng janitor kesa dito. BUONG subject ay nagsilabasan ang short quiz, ngunit naiiba ang kay mr guilermo dahil long quiz ang kanya. Over 50 ngunit plus ten sa aming dalawa ni deborah kaya't naiwan kami sa silid. Kaya ng matapos ang klase hanggang alas nuebe ay nakahinga ako ng maluwang, karamihan sa katanungan nito ay hindi naman nasali sa discussion, mabuti na lang talaga at advance reader ako sa mga lessons. ”Anong nangyari sa'yo kahapon?” nilingon ko si deborah ng magtanong sa akin, himala lang na hindi siya lumihis ng daan kundi ay nakisabay ito sa aking pagbaba. Ngumiti ako. ”Nadapa ako..” alam ko ang tinutukoy nito, siguro'y nakita niya ako kahapon na puno ng sauce. Napalaban talaga ako sa paglalaba kahapon dahil sa lintek na spaghetti sauce. ”Ang tinutukoy ko ay kung bakit hindi ka pumasok sa tatlong subject..” medyo nangiti ako ng akward, akala ko ay nakita niya ako kahapon. Ganun pala, ay hindi naman. ”I-iyon nga, n-nadapa ako at n-natapunan ng sauce ang suot ko..” tumango tango siya, diretso na ang tingin sa daan ng makababa kami ng hagdan. Ngunit sa gilid kung saan may maalwalas na espasyo ay nagkukumpulan ang mga studyante, hindi ko alam kung anong tinitingnan nila sa itaas. Kinukuhanan nila iyon ng litraro at halos magtilian sila na sobrang ingay. ”Ang hot niya!” ”Bakit nakasabit 'yan diyan, malalagot ang may gawa nito!” ”Oo nga, pero ang pogi ni philip diyan!” Samu't-saring tilian at papuri pa ang naririnig namin ni deborah, hindi sana ako makiki-usyoso ngunit itong kasama ko'y lumapit sa kanila at nakitingala rin kung saan sila tumitingin. Pansin ko'ng napamaang siya, napakurap bago ako tingnan. At dahil nagtataka ako sa kanyang inakto ay lumapit ako, gaya nila ay tiningnan ko ang bagay na pinagkakaguluhan nila at doon bumungad sa akin ang tarpulin ni ashong na nakasabit sa second floor. Namilog ang aking mata, napalunok bago magbaba ng tingin. Paano napunta 'yon doon? Hindi ba at tinapon ko iyon sa basurahan. Napasapo ako sa aking noo, napapikit dahil siguradong ako na naman ang pagbibintangan ng lalakeng 'yon. Nakahubad pa naman ang lok*. ”Si philip 'yon, hindi ba?” tumango ako kay deborah, ang dami ng studyante kaya't lumisan na ako doon. Hindi ko rin naman alam na susunod ito sa akin dahil balak ko'ng tumungo na muna sa garden. ”Hindi ba't hawak mo iyon kanina?” nilingon ko si deborah, natigilan ako dahil paano niya iyon nalaman? ”Nakita kita kanina bago ako pumasok ng silid, dala mo iyon..” ”Oo, sa akin nga iyon. Ngunit si philip mismo ang nag-bigay ng bagay na 'yon..” ”Bakit ka niya bibigyan ng tarpulin?” ”Dahil sir* ang ulo niya, may damage ang utak niya at kulang sa pansin!” napapikit ako, hinahagod ko pa rin ang pawisan ko'ng noo habang itinataas ang bangs ko. Tanaw ko pa ang ilang studyante na pinagpapantasyahan ang litrato ni ashong sa itaas. Tsk, kasalanan naman niya 'yon. Kung hindi lang sana siya nagpagawa ng tarpulin ay hindi lalantad ang katawan niya sa unibersidad, hindi ko na kasalanan 'yon. ”Pag nakita niya iyon malamang na malalagot ka sa kanya..” wala akong naging imik sa sinabi ni deborah, hindi ko rin naman alam na kakausapin niya ako ng ganito sa ganda niyang ito. Pero hindi na iyon ang focus ko, mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko na ang kaibigan ni ashong. Nangunguna ang lalakeng may salubong ang kilay na kung titingnan ay nakakasindak na, siya yata si jacob. Sa tabi nito ay isang lalake rin na bago sa aking mata, gwapo rin siya at may hawak na libro sa kanang kamay. At doon sa kanilang likuran ay si ashong, dinig ko ang boses niya hangga dito habang may sinasabi kay giovanni. ”Halika na, umalis na tayo!” hinila ako ni deborah dahil mukha na akong napako sa aking kinatatayuan, hindi ko alam kung saan siya patungo ngunit lumusot kami sa exit ng cafeteria. ”Bakit mo ba ako hinila?” nasa likuran kami ng cafeteria habang hinihingal, hindi naman na ako takot kay ashong dahil hindi rin ako ang naglagay ng tarpulin na 'yon. Kahit tingnan niya pa ang CCTV banda 'don ay hindi talaga ako! ”H'wag ka na munang lumapit sa grupong 'yon, hindi safe..” Tumaas ang kilay. ”Hindi naman ako lumalapit sa kanila, at wala akong balak na mapalapit..” tumango tango siya. ”Hintayin mo lang ako dito, ako na ang magtatanggal sa tarpulin na 'yon..” ”Ha, ano. Teka!” hindi ko na siya napigilan ng tumakbo ito, iniwan na akong mag-isa habang naguguluhan sa kanyang ginawa. Paano niya iyon tatanggalin kung pinagpi-fiestahan na? Napapailing ako at nais sana siyang sundan ngunit tanaw ko ang kampon ni samantha kung saan siya dumaan, napamura ako. No chooice ako kung hindi pumasok sa cafeteria at maupo sa bakanteng lamesa. Nakaka-ubos ng lakas ang araw na'to. Idagdag mo pa na simot ang laman ng utak ko dahil sa sunod-sunod na quiz. Ngunit ang sigawan ng mga lalake sa kabilang mesa ay dinig ko, nagtaka pa ako ng makitang narito na agad sila habang may pinag-uusapan na hindi ko naman maintindihan. Bumuntong hininga ako, nanatili akong nakaupo doon habang hinihintay ang pagbabalik ni deborah. At habang naghihintay ako ay dinukot ko ang lumang cellphone sa bag at doon binuksan ang f*******: ko na iilan lamang ang friends. Ngunit may isang notification akong natanggap kay trixie, she invite me to join on fatima group. Hindi naman na ako snober, inimbitahan na nga niya ako kaya't bakit pa ba ako aayaw? I joined the group of student on fatima University. Nagtitingin ako doon at puro mga famous student lang ang nakikita ko kasama ang litraro ni ashong sa tarpulin. Nakagat ko ang labi at nais matawa, but someone put a bottle of soda on my table. Nag-angat ako ng tingin rito at pinagtaasan siya ng kilay. ”You can't afford to buy your own drinks?” umirap ako kay ashong, ano na naman bang kalokohan ito? Pagtitripan niya ba ako? Mukha yatang pagti-tripan ako nito dahil nakatingin sa akin si giovanni maging ang isang lalake, samantalang si jacob ay abala lamang sa kanyang cellphone. ”Sa'yo na yan, hindi ako umiinom ng soda..” ”Ang arte mo, binibigyan ka na nga, umaayaw ka pa..” ”Malay ko bang baka may lason 'yan..” alam ko'ng nainsulto siya sa sinabi ko, pero hindi ako maaaring uminom ng soda ngayon. I have period today at ayoko namang sabihin ang tungkol doon sa lalakeng ito. "Why don't you just accept it, nerdy?!" tumaas ang boses niya, hindi ko gusto ang inakto nito at baka masuntok na naman siya sa'kin. ”Hindi nga ako maaaring uminom ng soda ngayon, saang parte mo ba hindi maintindihan?” ”At bakit hindi special ka ba?” ”Leave me alone!” umismid ako, wala akong time para makipag-bangayan sa kanya. Doble na nga ang sakit ng ulo ko at hindi niya pa ako tinatantanan. ”Just accept this..” inilahad niyang muli ang soda, hindi ko alam kung bakit bigdeal sa kanya ang pagtanggi ko. Malaki ba ang ipinusta niya sa kanyang bardaka na kukunin ko itong soda na dala niya? ”I don't accept anything from you, your j*rk!" umakma akong aalis ng bigla ay higitin nito ang braso ko, sinamaan niya ako ng tingin. "Your just nothing, why your so choosy!" ”Let me go!” mahigpit ang hawak niya na tila hindi ako nais paalisin, ngunit kahit anong gawin nito ay hindi ko tatanggapin ang bagay na inaalok niya. Alam ko'ng isa lang ito sa kanyang pakulo. Childish is still immatured. ”Why you're always getting my attention, ikaw yata ang may gusto sa'kin..” nabitawan niya ang aking kamay dahil sa kanyang pagtawa, malakas at walang pakialam sa paligid kahit may nakakarinig. Tsk. ”Ako?” nakaturo siya sa kanyang sarili. "Masyado mo naman yatang binabaligtad ang sitwasyon, kung hindi ko lang alam. Baka nasa kwarto mo na ang tarpulin ko..” nag-iwas ako ng tingin, kung ganon. Hindi na niya nakita ang litraro niyang nakasabit? O baka naman wala pa siyang balita doon? ”Hindi ako magkakagusto sa katulad mo..” ngumisi siya, yumuko ito sa akin at todo kung ilapit ang kanyang mukha. Ngunit hindi ako nagpatinag, nilabanan ko ang kanyang titig at nais ko na lamang siyang suntukin. Ang lapit ng distansya namin sa isa't isa habang nagtititigan, hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip niya. Pero laking gulat ko na lamang ng lumapit siya ng tuluyan sa akin at dampian ako ng halik sa labi. Dahil sa gulat na natamo, ay malakas ko siyang nasampal. Ramdam ko ang init sa aking palad dahil sa lakas nito, ngunit ayun siya at nakangisi sa akin kaya't tumakbo ako upang lumisan sa kanyang harapan. Gag* talaga siya! Bakit niya ako hinalikan! Hindi dapat ako mahahalikan ng taong gaya niya! He kissed me, he stoled my first kiss. Dapat kay calix 'yon! Sapo ko ang aking noo at hindi na tinungo ang susunod na klase, hindi ako makapag-concentrate habang nakaupo sa gilid ng hallway kung saan may bakanteng pwesto. Hindi ako makapag-move on sa ginawa niya, hindi naman gaanong nagdampi ang labi namin dahil magaan lang iyon, pero atleast. Hinalikan pa rin ako ng sigarilyo na 'yon! Pinahid ko ng matindi ang aking labi, pero wala na akong magagawa pa. Nahalikan na ako ng asungot na 'yon, at eto ay hindi ako mapakali habang tinitingnan ang labi sa camera ng cellphone ko. Kamalas-malasan pa na lowbat ako dahil nakalimutan ko'ng patayin ang data ng cellphone ko, nakakapagtaka pa nga dahil hindi tumigil sa kakatunog ang cellphone ko na tila'y ang daming pumapasok na notifications. Napabuga ako ng hangin bago tingnan ang f*******: na sandamakmak bigla ang notifications ko, nanlaki ang aking mata at tiningnan ang kaguluhuhan sa newsfeed ko na ako ang laman at si ashong. May video kami! At mas worst pa ay 'yung mismong naghahalikan kami habang naka-tag ako! Marahas akong tumayo, nanlalaki ang aking mata dahil baka makita ni erpats ito at malalagot ako. Iniisip ko pa lang ang reaksyon niya ay ngayon pa lang ay pinapatay ko na si ashong sa isip ko. Idagdag mo pa na baka makita ito ni calix at tuluyan ng masira ang future ko. Ginulo ko ng matindi ang aking buhok, napapasabunot hangga sa matulala sa kawalan. Ngunit ng matanawan ko'ng muli ang grupo ni ashong ay tila nag-usok bigla ang ilong ko, nagtataas baba ang aking dibdib dahil sa galit. At sisiguraduhin ko'ng magbabayad siya sa ginawa niya. ”ASHONG!!” malakas ang aking pagkakasigaw upang matigilan sila, ikinuyom ko ang aking kamao habang masama ang tingin sa kanya. At ng handa na akong sumugod ay naging mabilis ang aking pagtakbo dahilan upang magmurahan ang mga magkakaibigan at iwanan si ashong na may nanlalaking mata. Tumakbo ito at aakmang tatakas sa akin ng may pagmumura din sa bibig. Ngunit hindi ko palalagpasin ang araw na'to na hindi man lang makaganti sa kanya. Mabilis ang paglukso ko at sumampa sa kanyang likuran at doon kinagat ko ang kanyang tenga. ”F*ck!” he was curssing hardly, pero wala akong pakialam. ”Aray, let go. Stop that!!” Dahil sa pagpupumiglas niya ay naibaba ako nito, hawak niya ang kanyang tenga habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin. ”Bakit mo ako kinagat!” ”Hinalikan mo ako, kulang pa 'yan!” ”Sh*t..” lumapit ako ngunit umatras siya. ”H'wag mo akong lalapitan, aswang ka!” ”Do you want to see a literal choronicles?” humakbang ako palapit, naalarma siya at sinigaw ang pangalan ni jacob. But he's alone left dumbfounded with his friend. ”Subukan 'mong lumapit, h-hahalikan uli kita!” natigilan ako, ilang hakbang na lang ngunit hindi ko na nagawang lumapit pa. Sa huli ay kusa siyang tumakbo na akala mo'y aswang talaga ako. S*raulong ashong. **** to be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD