Chapter 9

3867 Words
Ashton Philip Pov. (The bully) It was 7:00 o clock in the morning when yaya corazon knock on my room, i'm finishing fixing my shoes and immediately open the door after i tied up. Nakangiting labi ang bumungad sa'kin bago siya magsalita. ”Nakahanda na ang agahan, hijo..” tumango ako, kinuha ko ang bag sa gilid bago lumabas ng kwarto. ”Sabayan niyo na ako..” ”Naroon si richard at ang mommy mo..” nagtataka ko'ng tiningnan si yaya corazon, hindi makapaniwala sa narinig. Do we have special day to celebrate? Pero it's a normal day, wala namang okasyon. O baka naman may himala lang at magsasabay kami sa almusal ngayong umaga. ”Kanina pa sila naghihintay at mukhang hindi maganda ang kanilang umaga..” I sighed while walking down with yaya, I know. Lagi namang ganito sa t'wing may pagkakataong magkakasama kami, it's either about my grades or school performance and hobbies on painting that my mommy would like i do and look forward for my future. She really wants to make me a company owner on that art museum, It's kinda boring and frustating. Hindi ako nahilig sa art gaya nilang dalawa ni daddy, mga painting at iba't ibang poem na binibigyan ng meaning ang kanilang ginagawa. It's about cultural and wild animals, nature and so on. I hate art and educational background, kung sa race, basketball at babae pa ay baka nangunguna ako. Do i blame myself about my behavior? Kasalanan nila ito, they trained me alone. Kaya't eto ay masaya pa akong kasama ang mga kaibigan ko. ”Sitdown..” daddy command me to sit on his side, kumakain si mommy ng tahimik at hindi man lang ako nilingon. She's mad. I don't know what's the reason. Naupo ako sa tabi ni daddy, habang si yaya corazon ay agad na may itinabing gatas sa harapan ko. I grab it and swip a little, hindi maganda ang pakiramdam ko kaya nawawalan ako ng ganang kumain. ”How's your grade?” it's daddy again, they're starting eating while i'm drinking the hot milk. Inilapag ko ang tasa bago sumagot, hindi interesado. ”The first sem is not done yet..” ”I'm looking a highly grade for you, ashton. I don't want a three, just make it higher and improve your skills about bussiness..” I glanced at yaya corazon who will listen silently on my side, doon ko lang nadinigan ang pagbaba ng kubyertos na hawak ni mommy bago magpunas ng tissue sa kanyang labi. ”How can he maintain good grades if he won't stop that attitude, nakakahiya sa mga costumer ko..” ”About what mommy?” nag-angat siya ng tingin sa'kin. ”I saw your photos on fatima, it's trending and making a thousands likes. Ano na naman bang kalokohan ito?” I don't know what her pointing, photos? Hindi yata ako updated. ”Hindi mo pa ba nakikita, you have photos on fatima second floor. On the top of library, ashton..” kunot ang noo ko kay daddy ng sabihin niya 'yon, hindi ko iyon alam. Hindi pa ako gumamit ng cellphone dahil hindi rin naman nag-memessage si trixie. ”And your video with newly student, ano bang ginagawa mo sa pag-aaral mo, your the only falcon's son, ashton. Ayokong masira ang reputasyon ng lolo mo sa fatima..” Nagbaba ako ng tingin, wala akong alam sa kanilang sinasabi. Anong video? Photos, darn. Ngayon pa lang ay kating-kati na akong lumisan at tingnan ang kanilang sinasabi, tungkol ba ito sa akin, sa bagong studyante na si winter? ”I don't want to go back and talk to dean martinez, ashton. Just make sure you won't suspend again, hindi na kita pagbibigyan pa..” Napahilot ako sa aking noo. ”Wala akong alam sa mga sinabi niyo..” ”Just make your study good and cleared, philip. Gayahin mo naman si jacob na kahit nag-aaral ay nakakatulong sa kanilang kumpanya!” It's mommy again, She always compaired me in any body else. Pero sanay na ako, i study bussiness even i won't take that course. Pero dahil sa kanila ay wala akong nagawa, I followed my mothers want. But technically, i really want to be an engineer like giovanni. ”I'm doing my best, mom. But still i can't do what you want me to do, hindi naman ako ganoon kabihasa sa hilig niyo..” ”Because you don't trained yourself as a painter, pwedi mo namang pag-aralan. But you always declained my offer, paano ka matututo..” ”Dipende iyon sa hilig ng tao, mommy..” ”Ang hilig mo ay ang pagbobola!” ”Sports iyon, mom. Libangan lang at hindi hilig, it's just a game to take my time passed and forget about poor attention for us!” ”How can i give my attention if i'm busy improving the art museum, did you ever ask about us. If how was the company situation, we're reaching the lowest rank, philip!” ”It's not my problem anymore, mom..” tumayo ako, masama ang loob at kita ko ang nais na pagtutol sa mata ni daddy ngunit hindi ko na siya pinansin pa. ”I'm leaving..” tumalikod na ako at naglakad palabas, salubong ang aking kilay bago salubungin ng driver na maghahatid sa akin. Isang mabigat na umagang muli sa tulad ko. I didn't even wanted that museum, much better if that art company will bankrupt. I'll would never dissapoint if that surely happen. It's making me more violent, and i can't help not to be a beast today. Galit ako sa buong paligid, mainit ang ulo ko habang nag-uumpisa ng buksan ang cellphone na nasa bag ko. Pasado alas siete na, malamang na mag-uumpisa na ang klase ngunit eto ako at patungo pa lang ng unibersidad. Ang dami pa kasing sermonan na nangyari, nais ba talaga nilang magdamdam ako at lalong mawalan ng gana sa kanila. They even not asked if how was my day alone with yaya corazon, it's making me s*ck! Huminto ang sinasakyan ko'ng kotse dahil red light sa dinaanan namin, i'm still keeping scrolling and trying to look what the photos of mind trending today. But no more photos appeared on my timeline, ngunit may message si giovanni sa'kin na agad ko'ng binuksan, at doon ay bumungad sa akin ang hinahanap ko'ng picture at sinasabi ni mommy na trending at inulan lang naman ng likes. Imbes na matuwa ay lalong nagdilim ang paningin ko, hindi ako natutuwa na pinagkakatuwaan ang litratong ito na nasa railings ng second floor. Napahilot ako sa aking noo bago mapahilamos, namimihasa na talaga ang babaeng iyon na guluhin ang mundo ko. She's trying to ruin my reputation, ginawa niya ito upang mapahiya ako sa buong fatima. D*mn. ”Your really a famous, ashong..” It's giovanni message, hindi ko gusto ang tinawag niya sa'kin dahil iyon lang naman ang binansag ni four eyes na pangalan ko. ”I have a video of yours..” He sent me a message again, wala ako sa mood magreply at tamang hintay lang ako sa sinasabi niyang video. After a minutes, he send the video with me and winter. This is took yesterday on cafeteria, nanlaki na lamang ang aking mata ng makita iyon. Sh*t! ”Where did you get this!” I replied on giovanni, nagpatuloy sa pag-andar ang kotseng sinasakyang ko patungong fatima. Naiinis at nag-iinit ang ulo ko sa nakikita, I don't like that kiss. Gusto ko lang namang patunayan na may gusto sa'kin ang babaeng iyon, bat hindi na lang niya aminin at hahayaan ko na lang siyang pag-pantasyahan ako, pero sa ginawa niyang ito. Hindi ko siya palalagpasin. Giovanni sent me a pictures again, isang post iyon na si winter ang nasa profile. Kung ganon, siya ang nagpost nito? Ang tapang niya talagang babae. Lumiko ang kotse patungong unibersidad, atat na akong bumaba habang nalalagpasan namin ang ilang studyante. Huminto ang kotse sa tapat ng gate, hindi na ako nagpasalamat o nagpaalaman man lang sa driver dahil nagmamadali na akong pumasok sa loob upang hanapin ang babaeng ito. Kailangan niyang burahin ang video na 'to upang tumigil na sa pagkalat, ano na lang ang mangyayari kung makita ito ni trixie, f*ck! Baka hindi na niya ako sagutin kung nagkatoon. Lumiko ako sa hallway kung saan tinatahak ang gusali ng mga education, madaming babaeng nasa labas na patungo na sa kanilang silid. Napapalingon sila sa'kin ngunit hindi ko sila pinapansin, umakyat ako sa second floor upang isa-isahin ang silid kung naroon ba si four eyes. Pero ni hindi ko siya nakita hangga sa makababa ako ng gusali. Where did that woman go? Nagtatago na ba siya at natatakot? Lumakad ako palabas ng hallway palihis sa daan ng cafeteria, lumiko ako patungong library dahil iyon ang naiisip ko'ng lugar kung nasaan siya ngayon. Luckily i saw her, naglalakad na siya sa dulo kung saan ay paliko na siya. I walked fast to grab her hand, naabutan ko siya at agad hinawakan ang pulsuhan at isinandal sa pader kung saan ako huminto. ”I got you!” kunot ang kanyang noo habang nakatingin sa'kin, as usual. She's ugly duckling on her glasses and bangs. I can't see her eyes, hindi ko makita ng maayos ang pagmumukha niya. ”Ano na naman ba ang problema mo?” ”May lakas ng loob ka pang itanong iyan matapos mo akong pahiyain sa buong fatima?” diretso ang tingin niya sa'kin, walang gana at tamad kung makinig sa sinabi ko. And it's making me more annoyed. Nakakatakot siya kahapon ngunit hindi na ngayon, naiinis ako sa kanya at kung hindi lang siya babae ay kanina pa basag ang mukha nito sa'kin. ”Where is the video?” i asked her while handed my hand, pero wala siyang pakialam. "I said where is the video!” "Bat mo ba sa'kin hinahanap?!” ”Sigurado akong ikaw ang may kopya 'non! kaya ibigay muna!” ”Tss, bakit naman ako mag-aaksaya ng oras upang kopyahin iyon, maghanap ka nga ng kausap mo ashong!” itinulak niya ang aking dibdib, ngunit wala akong panahong patakasin siya at nais ko'ng burahin niya ang video na 'yon sa mismong harapan ko. ”Ang tigas mo namang babae, ha..” ”Hindi ako nagmamatigas, Wala din akong oras kopyahin ang lintek na video na 'yon!” Kumuyom ang kamao ko'ng nakasandal sa kanyang gilid. ”Ikaw ang uploader ng video na 'yon, four eyes. H'wag mo ng ipagkaila..” Umirap ito at tumingin sa kanyang gilid. ”Hindi ako mag-aaksaya ng oras doon, ashong. Kung alam mo lang kung gaano ako nagtitimping suntukin ka dahil sa ginawa mo, hindi mo lang sisirain ang future ko, pati lalakeng magugustuhan ko ay tinanggalan mo ng karapatan!” Kunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. "Gumagamit ako ng f*******: ngunit hindi ako iyon, my official account it's not that stolen pictures, wala akong litrato sa facebook..” Malakas na ang pagkakatulak nito sa'kin, may pagkakataon siyang umalis ngunit hindi ko siya hinayaang lumisan ng walang naririnig na salita sa'kin. ”This is the start of your h*ll life, four eyes. You won't scape me..” ”Hindi ako takot sa'yo, ashong. Wag mo akong subukan..” Tumalikod na siya, iniwan akong nangangalaiti sa galit habang tinatanawan ang bulto niyang lumilisan. Sisiguraduhin ko'ng magsisisi siyang inumpisan niya ang larong ito. LUNCH BREAK ng mabalitaan ko'ng deleted na ang video at mga pictures sa f*******:, giovanni informed me that his friend apollo help him, hindi na ako nagtanong pa dahil medyo nakahinga na ako ng maayos. Pero hindi iyon ang dahilan upang makalimutan ko na ang ginawa ni four eyes. Hindi ko siya titigilan hangga sa siya naman ang mapahiya. I'm with trixie on that lunch break, hindi na kami gaanong nagsasabay dahil may excuse siya lagi about her friends. Hindi naman ako tumututol sa t'wing sasabay siya sa kanyang kaibigan, pero ayos na dahil nakausap ko siya ngayon at medyo hindi na rin ako nabahala na umabot sa kanya ang video na 'yon. Pasalamat na lang talaga at maagang naagapan. ”Anong club ang nasalihan mo?” i asked her while walking into the hallway, ihahatid ko lang naman siyang muli sa kanyang silid habang nangunguna ang kanyang dalawang kaibigan. ”Busy ako, baka hindi na ako magjojoin sa club dahil hindi ako confident sa gusto ko, baka magtatayo na lang kami ng booth..” ”Ano ba ang gusto mong salihan?” ”About sa sports sana, gusto ko'ng maging player ng volleyball..” ”Then why don't you try?” Nanguso ito ng lingunin ko siyang nakangiti, she's cute at gustong gusto ko ang bawat reaksyon niya. ”Next next week na ang foundation, may isang lingo ka pa para mag-practice..” i convince her again, tumango ito bago sumulyap sa'kin. "Susubukan ko'ng mag-registered mamaya.. ”That's my girl, just brace yourself, walang bagay na hindi malulusutan pag gusto mo ito..” ngumiti ito, tikom ang labi bago kami huminto sa tapat ng kanilang silid. ”Susunduin kita mamaya dito, tutulungan kitang tumungo ng gym para magpalista..” Muli ay tumango siya. ”Thankyou..” ”No problem, basta ikaw..” Dinig ko ang hagikgikan ng kanyang kaibigan sa tabi ng pinto, nginitian ko sila bago magpa-alam kay trixie. I can't wait to kiss her to say goodbye, hindi ko alam kung kailan mangyayari iyon pero willing naman na akong mag-hintay. Matapos ko'ng bumaba sa gusaling iyon ay lumiko na ako upang tumungo sa aking susunod na klase, pero natigilan din ng makitang naglalakad ang babaeng akala mo'y kung sinong umasta. Nakatalikod siya sa'kin at base sa nakikita ko ay tutungo na naman ito ng library, Bakit lagi siyang doon pumupunta? Mahal niya ba ang mga libro, tsk. I don't like books, specially readings nonsense topics. Napapailing ako bago magpatuloy sa paglalakad, but suddenly i stop. Muli ko siyang sinipat at may naiisip na gagawin. I grab the longpad on my bag, kumuha ako ng isa at doon at may isinulat na talagang magdadala ng kahihiyan sa kanya. Matapos isulat ang nais ay sumunod ako rito at doon ay nakita ko siyang pumasok ng library. I followed her and enter the library with silent walked. Nilingon pa ako ng librarian bago ko siya ngitian. ”Can i have a tape?” matagal ang titig nito sa'kin bago kunin ang tape sa kanyang drawer, Kumuha ako ng dalawang pirasong punit bago muling ibalik iyon sa librarian na naghihintay sa'kin. Muli ay lumakad ako habang idinikit ang tape sa likurang papel na sinulatan ko, at nang makita si winter na binabalik ang libro ay madali akong lumapit sa kanya at pasimpleng tinulungan ito. Nagtataka siya sa akin ng lingunin niya ako, ngunit hindi ko ito tiningnan dahil banayad ko'ng idinidikit ang papel sa kanyang likod. At ng magtagumpay ay doon lang ako umalis matapos mailagay sa ayos ang librong iniaakyat niya. And that's her price for making me mad today. “Saang club ka sasali?” i asked giovanni when we meet on the hallway, tapos na ang klase at lahat ng kurso ay hanggang alas kwatro lang dahil registration ngayon ng mga club at sports sa gym. Umiling si giovanni. ”I won't participate in any club, baka manonood lang ako..” ”Tsk, malaki ang points na mapapasok sa grades mo kung sasali ka, why don't you join with us, basketball?” ”Passed, hindi naman ako marunong mag shoot ng bola..” ”Ang lamya mo..” naiiling ako sa sinabi niya. ”Sa ibang bagay ako marunong mag-shoot, walang sablay at daplis..” nakangisi ito na parang nakakatuwa ang kanyang sinabi, and why should i expect. Girls na naman ang nasa isip niya, pero ako. Hindi na gaanong lumalabas, minsan lang pero sulit pag nagkakasama kami ni giovanni. ”Susunduin mo na naman si trixie?” tumango ako, hindi nakatingin sa kanya. ”Nagmumukha ka ng alalay niya, napaka-hard to get naman yata nito, pwersahin mo kaya..” ”Shut up, vans!” ”Ikaw pala ang malamya, hindi mo siya mapasagot agad?” ”Trixie likes me too, kung hindi niya ako gusto bat pa siya magpapaligaw?” ”Kung gusto ka ni trixie sinagot ka na nito, palibhasa mas magaling manligaw si apollo sa'yo..” nilingon ko siya, masama ang tingin. ”Namumuro na yang rievas na yan sa'kin!” ”Dalhan mo kasi ng chocolates, gusto yata niya ng mga letters gaya ng pinapadala ni apollo..” ”Tsk, i'm not that clingy suitor, sapat na sa'kin ang nakakasama ko siya, sasagutin ako ni trixie, magiging kami!” Naiiling siya bago sumunod sa pagpapatuloy ko ng lakad. ”Kung si winter na lang ang ligawan mo, matalino 'yon. Tutulungan ka pa niya sa mga lessons mo..” ”Ayokong magkaroon ng manang na girlfriend, giovanni. Bakit hindi ikaw, type mo naman yata!” ”Mukhang ayaw mo e..” ”What the f*ck are you saying!” Natatawa siya sa reaskyon ko, bakit hindi niya ligawan 'yon! Pakialam ko sa babaeng iyon na may old fashion wear at mukhang aswang! Kulang na lang ay magkaroon siya ng pakpak para lumipad! ”Galit na galit gustong manakit?” giovanni keep teasing me, ewan ko ba kung bakit madali akong naaasar sa t'wing ang babaeng iyon ang sinasabi niya. I really hate her. Makita ko lang siya sira na ang araw ko. Kasama ko si giovanni na tumungo ng architect building, sakto at swerteng palabas na sila trixie ng makita ko siya. Nakangiti siya sa mga kaibigan habang nagtatawanan ang kasama niya, at nang makita niya ako ay tuluyan na siyang nangiti. Agaran ang tuksunan ng kanyang dalawang kaibigan, at ayun si giovanni ay kasama na ang kaibigan ni trixie na biglaan ang pamumula. ”We're going to registered today..” ibinalita iyon ni trixie habang pababa kami ng hagdan, tumango ako, nakangiti sa kanya at ipinapakitang suportado ko ito. ”Sasamahan kita, kakausapin ko rin si coach para sa uniform namin..” "Kailan ba ang practice niyo?” ”Baka next week na, morning and after class siguro..” ”Magiging busy tayong pareho..” pinisil ko ang pisngi niya na may pagkamalambot na natural. ”Ayos lang iyan, husayan mo hm?” ”Ofcourse, I will..” nangunguna kaming naglalakad patungong gym, at nais ko man hawakan si trixie sa kamay ay hindi ko magawa. Feel ko wala akong karapatan, at baka bigla itong magalit sa akin kaya't sinabayan ko na lamang ang kanyang paglalakad. MAINGAY sa gym dahil sa dami ng studyante, maalwalas naman at maraming volunteer na kumukuha ng form sa kanilang sasalihan, and before we go on the line of volleyball. I saw four eyes again in the side of corner. Abala siya sa pagsusulat, nakaupo itong mag-isa at pinagtatawanan ng ilang nasa likuran niya. Hindi niya iyon pinapansin, napapailing ako bago mag-iwas ng tingin at mag focus kay trixie. ”Magfi-fill up lang kami..” nagpa-alam si trixie sa akin kasama ang kanyang kaibigan, I nod as a answer before she leave. Muli ko'ng napansin si four eyes na patungo na sa isang pila. It's a theater club, walang gaanong interesado ngunit nasa sampo naman ang naroroon. Nangingiwi ako habang pinagmamasdan siya, pero natawa rin dahil sa sulat na nasa likuran niya. Wala man lang bang magandang loob na alisin iyon? Natatawa ang karamihan sa t'wing napapadaan si winter, gumawi pa ang paningin nito sa pwesto ko ngunit hindi man lang niya ako napansin. ”It's winter..” giovanni murmured in my side, hindi ko siya nilingon. Hindi ako nagsalita kundi lumakad lang sa mga form malapit sa kinatatayuan ni winter. Wala pa rin itong ideya kung bakit nagtatawanan ang mga studyante sa paligid niya, isa na doon si giovanni na talagang humagalpak ng mabasa iyon. ”Your single, babe..” winter notice us when giovanni speak, wala muling emosyon ang kanyang mata ng tumingin sa'kin. Boring. ”Your single and virgin?” siniko ko si giovanni ng sabihin niya iyon, that's the word on her back. Pero may isang babeng extra na lumapit kay winter at kinalas iyon. Pansin ko ang pagkagulat ni four eyes sa isang babae, nag-uusap sila na tila kilala nila ang isa't isa. At ngayon lang nakita ni winter ang papel na nasa likuran niya. I bit my lips and looked away, i saw her cheeks how to make it blush. Nahihiya dahil sa papel na nasa likuran niya. ”Napaka-isip bata naman ng may gawa nito, walang magawa sa buhay at kulang yata sa aruga ng mga magulang..” nilingon ko ito ng magsalita siya, sa akin ito nakatingin habang nilulukot ang hawak na papel. ”Ako ba ang tinutukoy mo?” ”Ikaw ba ang may gawa nito at natamaan ka?” ”Hindi ako!” malakas ang aking tinig dahil sa pagdedepensa sa sarili. ”Hindi kita pag-iinteresan!” "Kung ganon umilag ka kung natatamaan ka..” umirap siya, itinapon nito ang papel na tinodo ang pagkakatupi. Matapos ay lumisan din siya kasama ng isang babae. ”Wow, your still lose when she speak against you..” natatawa pa rin si giovanni, magaling nga siyang sumagot. Napapadali ang pag-iinit ng ulo ko dahil sa mga sinabi niya. "May araw din yan sa'kin..” binasa ko ang labi habang nakatingin sa paglabas nito sa gym, doon lang nawala ang init ng ulo ko sa paglisan niya. Ngunit ng dumapo ang tingin ko sa puting kahon kung nasaan ang form niya ay biglang lumiwanag ang mata ko. Winter Domingues Villapania. ”Ow, it's that her full name?” pansin rin ni giovanni ang tinitingnan ko, at oo maganda ang pangalan niya. She had a same surname with trixie domingues atienza. Pero baka nagkataon lang na magka-apelyido sila, hindi naman sila magkamukha para maging magka-anak. Kinuha ko ang form nito ng umalis ang nakaupo sa front sit, she's joining in theater club? Tsk, hilig ni mommy na hindi ko binigyang interest. Matapos basahin iyon ay inilapag ko na lang kung saan, wala akong pakialam sa form niya at ang sarap itago at itapon. Pero hindi na yata dapat itapon ito. Kinuha ko'ng muli iyon ng maging abala ang mga volunteer, inilapag ko iyon sa kahon ng cheering squad bago lumisan at lapitan si giovanni na nasa gilid. ”What did you do?” he asked me, a little smiled form in my lips. Let's see what will happen next. ”Your babe is joining in cheering squad club..” ”Si winter?” "Yes, this is exciting right?” ”Paano kung hindi siya marunong?” nagkibit balikat ako. ”This is not a joke, philip..” ”I know, hindi rin naman ako nakikipag-biruan sa kanya, pero. Nagkamali siya ng taong kinakalaban, hindi ako patas..” Tinalikuran ko na siya, he's still concern on that four eyes. Pero hindi pa ako tapos, Kasalanan naman niya lahat kung anong natatamo ko'ng kamalasan ngayon. Goodluck na lang sa newly member ng cheering. *** to be continued.. Hindi niyo ba alam na sa cheering nag glow up si winter, nasa series 1 iyon ng panahong may booth sila ni shaira, if na read niyo na. ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD