Winter Pov.
(Cheering squad)
Maagang nagtungo si calix ng kinaumagahan, gaya ng mga nakagawiang gawain ay nakahanda na ang lahat bago ako pumasok ng unibersidad.
Medyo nananabik ako ngayong araw dahil sa gaganaping poetry mamaya, marami na akong nalalaman dahil sa sinalihang theatro. Hindi ako sigurado kung paano ang kanilang talento ngunit naglaan ako ng oras upang magbasa ng ilang makakasaysayang kwento at ilang tula.
Nakangiti ako ng lapitan si calix, malaki ang pasasalamat ko na hindi umabot sa kanilang ang video na naglalaman ng eksenang hinalikan ako ni ashong.
Hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakaling mapanuod niya iyon, mabuti na lang at deleted na iyon sa f*******:.
”Halfday lang ang pasok today hindi ba?” tumango ako kay calix ng magpa-alam kami kay lola, inalalayan niya akong sumakay ng kotse bago ito umikot sa driverseat.
”Nakapag-registered ka na ba?”
Muli akong tumango ng makaupo siya sa tabi ko. ”Nakapag-fill up na ako ng form at naipasa na kahapon pa..” nginitian niya ako, binuhay nito ang makina bago muling sumulyap sa'kin.
”Mag-eensayo kami sa sabado, gusto mo bang sumama?”
"Huh, a-ako?”
”Yes..” nagmamaneho na siya at focus na ang paningin sa daan, samantalang ako'y hindi makasagot.
”Sa fatima lang ang ensayo, hindi ka ba pwedi?”
”Titingnan ko kung hindi ako abala sa sabado..”
”Okay, much better if you're there. Gaganahan pa akong maglaro..” nag-iwas ako ng tingin sa pagbaling nito sa'kin, ang sinabi niyang iyon ay nagbibigay kabog sa aking dibdib.
Medyo naging tahimik ako dahil hinahayaan ko ang kilig na umusbong bigla sa puso ko.
Hindi ko napag-handaan ang banat niya.
”Dalawang araw kitang hinihintay sa garden, hindi ka dumarating..” nilingon ko siya at doon pansin ko ang bahagya nitong pagkakanguso.
Nakagat ko ang aking labi.
Ang dami kasing nangyari, iyong mga classmate ko ay nagagalit sa'kin dahil sa video na nakita, isa daw akong maland*ng babae na inaagawan si trixie.
Pasalamat na rin ako na hindi rin iyon umabot sa pinsan ko, ang daming kalokohan ni ashong na pinagpapasensyahan ko na lamang.
Lalo na ang ginawa niyang kahihiyan sa'kin kahapon, ano ba ang pumapasok sa kakarampot niyang isip?
Sa tingin ba nito'y ipagkakalat ko ang sariling video namin, tsk. Immature talaga.
”Wen..” nalingon ako kay calix ng tawagin niya ako, masyado na yata akong out of place dahil sa lalakeng iyon, wala kasing araw na hindi nagkukrus ang landas namin.
Napaka-malas.
”May sinasabi ka ba?” i asked him.
Bumuntong hininga ito. ”Wala, nevermind. Magsasabay pa ba tayo mamaya?”
”Ite-text na lang kita kung wala akong gagawin..”
”Sure..” ngumiti ito bago iliko ang kotse patungo sa daan ng fatima, ilang minuto lang ang nagdaan ng huminto siya sa parkinglot at nagmadaling bumaba ng kotse.
Inayos ko ang aking bag at kinalas ang seatbelt, ganun na lamang ang bilis ng pagkilos ni calix na madali akong pinagbuksan ng pinto.
”Sana pwedi ka sa sabado, iimbitahan sana kita sa bahay..”
Hawak ko ang strap ng aking bag habang nakatingala rito, medyo naiilang ako ngunit nais pumayag. Ang kaso lang ay baka may emergency practice din sa nasalihan ko'ng club.
”Hindi pa ako sigurado, cal. Pero kung hindi ako abala bakit hindi?”
”Really?” ang lapad ng kanyang ngiti, hindi ko pa man sinasabing papayag ako ay nakangiti na.
”Sasabihin ko agad sa'yo kung wala akong gagawin..”
”Yes!” tikom din ang labi ko'ng nakangiti, hindi nais ipakitang kinikilig kaya't kinagat ko ang aking labi.
”Ihahatid kita sa silid mo..”
”Huh, h'wag na. May klase ka rin naman..”
”Mamaya pang alas otso, vaccant ko ngayon, tara na..” hinawakan nito ang likuran ko at iginaya sa paglalakad, kaya ang karamihan na nakasaksi sa ginawa niya ay umiirap.
Kung hindi ko lang alam ay naiinggit lang sila dahil isang calix ang kasama ko.
Hindi ko na lamang sila pinansin, hinayaan ko'ng ihatid ako ni calix na lalong nagpapakabog sa'king dibdib. Todo ang kilig na namutahi sa'kin ng huminto siya sa tapat ng pinto.
Pansin ko ang mga classmate ko na humaba ang leeg ng makita siya, nag-uumpisa na silang magbulungan ngunit ni isa ay wala akong naiintindihan.
Yung utak ko kasi ay na kay calix pa, ang gwapo niya lalo today kaya walang magpapasira ng mood ko. Wag ko lang sanang makita ang asungot na ashong.
”I-text mo ako mamaya, hm?” nakakatitig ako malamang sa kanyang mukha, tumango ako. Sigurado'y nagniningning ang aking mga mata ng ngumiti siya.
”Mamaya na lang tayo uli mag-usap..”
”Sige, salamat sa paghatid..” ngumiti na muna siya sa'kin bago lumisan, nang sandaling mawala siya sa paningin ko ay doon lamang ako nagtungo sa aking pwesto.
Naroon na si deborah na may isinusulat sa kanyang notebook, hindi ko alam kung ano iyon ngunit hindi na ako nagtanong pa. Umiingay na kasi sa paligid at ang ilang claasmate ko na madalas akong pagsalitaan ng masasama ay narito na naman sa harapan ng upuan ko.
”Boyfriend mo ba si calix?” nakataas ang kilay ng isang babae, may lolipop siya sa labi habang nasa gilid naman nito ang dalawa pang babae.
”Mag-kaibigan lang kami..”
”Mabuti naman..” sumabat ang isang babae na nasa gilid. ”Crush ko 'yon, dapat lang na h'wag mo siyang landiin gaya ng ginagawa mo kay philip!”
”Hindi ko iyon ginagawa kay philip..”
”Talaga lang? Sinong maniniwala sa gaya mo, pasimpleng baguhan pero nasa loob naman pala ang baho..”
”Ano bang problema niyo!” sumabat bigla si deborah sa usapan, sa kanya nabaling ang paningin ng tatlo na hindi bumaba ang mga kilay.
”H'wag kang makisawsaw kung hindi ka kabilang, millari!”
”Kaibigan ko si winter, sa ayaw at sa gusto niyo didipensahan ko siya sa mga paratang niyo!”
”Edi magsama kayong dalawa!”
"Talaga!”
Hinawakan ko ang kamay ni deborah, pinapakalma bago umiling. ”Hayaan mo na..”
”Ganyan ka naman lagi, sinabi ko na sayong hindi maaari na hayaan mo na lang..”
”Wag mo ng patulan dahil mas malawak ang pag-iisip natin kesa sa kanila..”
Bumuntong hininga ito, doon lang siya nag-iwas ng tingin bago lingunin ang mga babaeng tila nainsulto sa sinabi ko, umirap pa sila sa'kin bago tuluyang lisanin ang pwesto ko.
”Kung hinahayaan mo ang pagtrato nila sa'yo ng ganito, mamimihasa ang mga 'yan..”
”Magsasawa rin sila, ang importante hindi madamay ang pag-aaral ko, hindi na ako papayag doon..”
Nakatitig ito sa'kin na tila'y hindi sang-ayon, kalaunan rin ay nag-iwas ng tingin at naiiling na nagpatuloy sa ginagawa.
All i can do is to ignore them, hindi na sila dapat pag-aksayahan ng oras or should i say, hindi sapat na patulan sila.
If they happy for insulting me, or pulling me down. I let them do, sa kanila din naman babalik ang karmang hindi nila inaasahan.
ALAS ONSE natapos lahat ng klase, ngunit sa huling subject namin ay nagbibigay ito ng xerox paper tungkol sa isang reviewer.
Next next week na ang foundation pero eto siya't mamimigay ng reviewer, matapos naming makipag-participate sa foundation ay exam agad ang haharapin namin matapos.
Maraming nagreklamo ngunit wala silang nagawa kundi manahimik na lamang, ganun rin ang ginawa ko bago may kumatok sa pinto ng silid namin bago matapos ang pamimigay ng reviewer paper.
”Bakit?” our professor asked the student wearing an nursing uniform, ngumiti ito bago sumagot.
”Dito po ba ang section ni winter villapania?”
Nilingon ako ng advicer namin, kilala na ako nito at madalas niyang purihin ang nakukuha ko'ng score sa kanyang quiz.
”Naroon siya..”
”Ipinapatawag siya ng D.I para magtungo sa gym..”
”D.I?”
”Yes po, dance instructor para makuha ang kanyang sukat..”
Medyo hindi ko makuha ang sinasabi ng studyanteng iyon, D.I? Sukat, para saan.
”Okay, class dismissed. And you ms villapania, you can proceed on gymnasium..”
Nilingon rin ako ni deborah, nagtataka rin siya siguro kung bakit ganoon ang nangyari.
”Bakit ka nila kukuhanan ng sukat?” wala din itong ideya ng magtanong, nagkibit balikat din ako bago lapitan ng babaeng naghanap sa akin.
”Ikaw ba si winter?” nakataas ang kanyang kilay ng magtanong.
"Ako nga..”
”Pumunta ka na ng gym ngayon, aasikasuhin nila ang grupo at kailangan naroon ka na bago mag-umpisa..” tumalikod na siya matapos sabihin iyon, wala pa rin akong alam sa nangyayari pero tumayo ako at madaling iniligpit ang aking gamit.
”Mauuna na ako..” naguguluhan na tumango si deborah, paano ba naman. Parehas lang naman kami ng club na nasalihan at balak sana naming tumungo ngayon ng theatro, pero naalintana dahil sa hindi ko mainitindihang pangyayari.
Mag-isa akong bumaba ng gusali upang tumungo ng gym, nagmamadali ako at lumiko patungo sa art department ngunit may ilang studyanteng nakatayo roon na hinaharangan ang magandang babae.
Siya si shaira, Siya yung babaeng tumulong sa akin noong isang araw.
Balak ko sanang lumapit sa kanila ng lapitan ako ng babaeng naghahanap sa akin, nakataas na naman ang kilay.
”Hindi ka pa ba tutungo sa gym, hinihintay ka na doon..”
"Papunta na nga ako..” nilingon ko pa muna si shaira ng magpatuloy sila sa pagpasok ng art department. Kahit walang ideya kung bakit ako tutungo sa gym ay minadali ko na lamang ang paglalakad upang malaman kung anong pakay nila sa akin.
Sampung minuto yata bago ko marating ang gym, maraming studyante at pinapagrte-parte ang gym bawat sports member, pansin ko pa ang grupo ni samantha na napatingin sa akin, nakataas ang kanilang kilay ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin sa paglapit muli ng babaeng humanap sa akin kanina.
”Naroon ang grupo mo, I am a volunteer lister on cheering squad, doon ka na pumwesto para makumpleto na..”
”W-what?”
”Doon ka sa cheering squad..” dalawang beses akong napakurap, hindi malaman ang dahilan kung bakit niya ako pinapatungo roon sa grupo ng cheering.
”Hindi 'bat sayo ang form na ito?” may ipinakita siyang papel na kanina niya pa hawak, at ng makita ang form ko ay tumango ako ng walang pag-aalinlangan.
”May nakapag-sabi kahapon na magaling kang sumayaw, he's an BSBA student, kaya doon ka na at makinig sa instructor..”
”P-pero hindi ako sumali sa cheering!”
”Pinagloloko mo ba ako?” kunot ang kanyang noo na may masamang tingin sa akin.
”Hindi kita niloloko, ayokong sumayaw, hindi ako sumali riyan!”
”Hindi na maaaring bawiin ang mga pangalan niyo, kung hindi ka pala sasali dito edi sana'y hindi ka na nagpasa pa!”
”Hindi ako ang nagpasa nito..” masamang masama ang tingin ng babae sa akin, at doon pa lang sa sinabi niyang BSBA student ay tila nahuhulaan ko na kung sino ang may gawa nito.
Walang hiya talaga ang ashong na 'yon!
”If you won't participate in this squad, you will disqualified, hindi lang pala ikaw. Pati ang grupo niyo dahil naka-submit na ang pangalan mo..”
Napapikit ako, napahilamos kasabay ng paghubad ko sa aking salamin. Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni ashong, oo at alam ko'ng may pagkaloko at isip bata siya. Pero below the belt na itong ginagawa niya, hindi patas!
”Sumunod ka sa'kin!” napamura ako ng ilang beses, hindi ko alam ang gagawin ngunit sumunod na lamang ako sa kanya.
Nilapitan nito ang ilang babaeng naroon na may kasamang tatlong lalake, they're looking at me like i'm not belong on they're group. Pero talagang hindi naman, hindi ko alam ang gagawin lalo na ng magsalita ang may buong boses na binabae sa aking gilid.
”Kumpleto na ba ang CS1?” sumagot ang mga babaeng naka-upo, samantalang ako'y nakatayo lang at may panginginig sa aking kamay.
Itong mga kamay ko ay nais suntukin si ashong, gusto ko siyang puruhan hangga sa makatulog ito.
”Okay, Sa susunod na buwan na ang foundation day, two weeks na lang at kailangan natin mag-ensayo dahil tatlo kayong grupo na maglalaban..”
Napapabuga ako ng hangin, hindi ako marunong sumayaw. Hindi ko pa rin naman sinubukan dahil mas hilig ko talaga ang magbasa at mag-aral lamang.
Kung kumanta pa sana ay baka pwedi pa, pero ito. Wala akong ideya kung paano ko ito malulusutan.
”Kukuhanan kayo ng sukat para sa uniform niyo ngayon, at sa sabado gaganapin ang una nating practice dito mismo..”
Natutuwa ang mga kasamahan ko samantalang ako ay hindi mapakali, susubukan kung muling kausapin ang volunteer na iyon mamaya, makiki-usap ako na sana'y tanggalin na lamang ako sa kanilang listahan.
Kaya ng may mag-assist sa amin ay nagpahuli ako, ayoko na munang masukatan dahil hindi naman talaga ako kabilang dito.
Mapapahiya lang ako.
”Kung makikiusap ka na alisin ang pangalan mo, ay hindi na iyon pwedi..” hindi pa man ako nakakapagsalita ay may sinabi na siya, kitang kita yata sa mukha ko ang matinding pag-aalinlangan kaya't nabasa niya ito.
”Sa theater po ako, hindi ako ang naglagay ng form sa cheering squad na 'to, hindi po ako nakakapag-sayaw..”
"Wala na tayong magagawa pa, naka-submit na ang iyong pangalan at hindi ka na maaari pang mag-back out..” napapabuntong hininga siya, masama pa rin ang tingin sa akin. "Pumila ka na roon at ng makuhanan ka na ng sukat, wala na tayong chooice kundi isali ka..”
Napapakamot ako sa aking ulo, ang sakit ng sintido ko at wala akong magawa kundi makisali sa pila.
Sa huli ay nakuhanan rin ako ng sukat na nagbibigay ngiti sa babaeng gumagawa nito.
”Maganda ang iyong katawan, siguradong bagay sa'yo ang uniform natin..” hindi ako umimik, inayos ko ang aking salamin bago lamang tumango.
”Siguradong nasa unahang parte ka dahil maliit ka, ngunit wag kang mag-alala. Magaling na dance instructor ang napili para sa squad niyo..”
Muli ay nanahimik lamang ako, hindi niya iyon pinansin bagkus ay nagsulat lamang sa hawak niyang notebook bago kausapin ang DI.
Napabuntong hininga ako, naglalabasan na ang ilang sports member sa gym ng magsalita muli ang baklang instructor. Hindi ako nakikinig, lutang ako dahil sa sitwasyon ko'ng ito.
Kung nais nila akong isali dito at hindi gustong tanggalin ay bahala sila, matalo na kung matalo.
Lumisan akong mag-isa matapos mag-anunsyong uwian na, sa sabado ang unang practice at hindi ko akalaing makakasali ako sa ganitong grupo.
Hindi ko alam kung kailan ako huling sumayaw, pero tanda ko pa ang araw na 'yon. Elementary pa ako ngunit napahiya ako kaya't ni hindi na ako sumayaw muli.
Lalo na kung nanonood si calix.
Wala yata akong kumpyansa sa aking sarili.
Lumiko ako habang nagtitipa sa aking cellphone, nabasa ko ang message ni calix na maghintay daw ako sa garden malapit sa music room. Nag-reply ako habang naglalakad, ang daming studyante at ang ilang ay suot na ang uniform na gamit nila sa kanilang sports.
Pansin ko pa ang mga kaibigan ni trixie na nasa gilid na nag-uusap, naroon din ang pinsan ko. Ngunit may kausap siyang lalake na hindi naman si ashong, sumulyap siya sa'kin. Bahagya siyang ngumiti kaya nginitian ko rin ito, ngunit siya rin ang unang nag-iwas ng tingin sa pagsasalita ng lalakeng katabi niya.
Pamilyar ang lalakeng iyon, Nakita ko na siyang kasama ni calix noon ngunit hindi ko lang matandaan ang kanyang pangalan.
Nagtungo ako sa garden na maraming nakatambay na studyante, ang dami ko pang dala dahil nawalan ako ng oras para tumungo ng locker, ang layo na ng nilakad ko at pagod na pagod ako sa lintek na cheering na 'yan.
Lumakad ako patungo sana sa may shed ngunit nahinto rin ng makita si ashong, nakikipag-usap siya sa magandang babae na kinilala ko'ng shaira.
Magkakilala sila, paano niya nakilala ang magandang babaeng iyon kung ang pangit ng ugali niya.
"ASHONG!” lumingon silang lahat sa akin ng tawagin ko ito, mabilis ang aking paglalakad at hindi ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob.
”Ano na naman?” nakataas ang kilay niya na animoy walang ginawang kasalanan.
Nagmamaang-maangan.
”Hindi mo dapat ginawa 'yon! hindi ako nakikipag-laruan sayo!”
"Sino bang gustong makipaglaro sayo?” kumuyom ang kamao ko, hindi talaga siya aamin na siya ang may gawa sa kasalanang iyon.
Ano bang gusto niya!
”Bakit ba ang hilig mong magpapansin? kulang ka ba sa pansin?” natawa ang katabi niyang lalake na may singkit ang mata, maging ang dalawang babae ay nangingiti rin dahil sa aking tinuran.
”Will you please leave, four eyes!” hindi natigil sa pagtawa ang kaibigan nito, pero naiinis talaga ako ngunit hindi ko alam kung anong gagawin.
”Nakakainis ka talaga, ashong!”
Sobra ang galit na namumuo sa akin, hindi ko siya magantihan at parang nawawalan ako ng ganang makipag-usap sa kanya.
Paano ko na lang pakikisamahan ang grupong iyon kung hindi naman na ako nasayaw.
Dinig na dinig ko ang pag-uusap nila ng magtungo ako sa isang pwesto, naghihintay pa ako sa pagdating ni calix ng makitang may hawak na sobre si shaira.
It's art department booth.
Kung sana'y doon na lang ako magpaparticipate ay pwedi pa, ngunit alam ko'ng kabilang si ashong sa booth na 'yon.
Napapailing ako, gusto niya ba talaga akong subukan? Kung ganon magkainisan kaming pareho at makikita niya talagang hindi ako magpapatalo sa isip bata na tulad niya.
Tumayo akong muli, naka-receive ako ng reply kay calix na nasa gym pa ito ay biglang nagkaroon ng meeting ang kanilang grupo, hindi na ako nagreply pa, lumakad ako sa pwesto nila shaira at muli silang natigilan sa pagsasalita.
"Nakita ko kayo sa art department kanina..” ani ko, na kay shaira ang tingin. "Sasali ako sa booth niyo..”
”Hey!” dinuro ako ni ashong na lalong nagpapakulo ng dugo ko, nilingon ko siya at hinawi ang aking bangs, nanlalabo ang tingin ko kaya't hinubad ko ang aking salamin.
”Are you affraid if i join your team?” pinagtaasan ko siya ng kilay, nakangisi habang nakatingin ng diretso dito. Hindi ko lang alam kung anong nangyari at nag-iwas siya ng tingin. "Ako si Winter Villapania, makikipag-cooperate ako sa darating na biyernes..” muli ko'ng nilingon si ashong, hindi siya makapagsalita at tila napipi na ito.
Nginitian ko siya bago tapikin ang kanyang balikat.
”Sh*t..” dinig ko pa ang pagmumura niya ng talikuran ko ito matapos gawin iyon, mukha siyang nawalan ng dugo sa hindi ko malaman na dahilan.
NAGTUNGO ako ng oras na iyon sa library, nagbasa ng ilang libro bago muling kausapin ang volunteer sa cheering squad na hindi talaga ako kasali doon, ngunit gaya ng paki-usap ko noong una ay hindi niya man lang ako pinayagan, nalulungkot ako habang naglalakad papalayo ng gym. Naroon pa sila ashong dahil ka-grupo pala siya ni calix, hindi naman din ako napansin ni calix dahil bigla na lang siyang hinila ni shaira palabas kanina.
Napapanguso ako habang naglalakad, anong meron sa kanila ni shaira? May gusto ba siya sa babaeng iyon.
Nagbaba ako ng tingin, tuluyan na akong nalayo at nananakit na ng todo ang aking paa. Sasakay na lang yata ako ng jeep pauwi o tricycle.
”Wen!” nag-angat ako ng tingin dahil narinig ko ang boses ni calix, nasa parking na ako at hindi ko man lang iyon napansin. ”Sabay ka na!” umiling ako, pilit ang ngiti.
”Maghihintay na lang ako ng jeep.” sumulyap ako kay shaira na nakatingin sa akin, ihahatid niya ba si shaira pauwi?
Nililigawan ba nito si shaira?
Nag-iwas ako ng tingin sa dalaga, nagpatuloy ako sa paglalakad dahil nakakaramdam ako ng selos.
Nagseselos ako dahil sa naiisip ko.
Maganda si shaira samantalang ako ay mukha hindi mapangalanan.
”Wen!” mabilis ang aking paglalakad at hindi na pinansin pa ang pagtawag ni calix, parang nawalan bigla ako ng pag-asa na may gusto siya sa'kin.
Nagkakamali lang yata si lola.
Naging mabait lang yata si calix sa'kin dahil kaibigan na niya ako noon pa man.
Sumilong ako sa shed upang hindi mainitan, nag-aabang ng masasakyan habang sumasakit ang aking paa, ngunit ilang minuto lang ng huminto ang kotse sa aking harapan.
”Sakay na wen, ihahatid kita.” bahagyang umawang ang aking labi dahil balak pa sanang magsalita, ngunit wala na akong masabi pa. "Wag ng tumanggi, sakay na.” nilingon ko si shaira na nasa passengerseat, nakangiti ito sa'kin pero hindi ko siya magawang ngitian, nag-iwas ako ng tingin at doon sa back seat naupo.
"Saang club ka sumali ngayon?” agaran ang tanong ni calix sa aking ng makasakay ako, hindi ko pa tuluyan nasabi sa kanya kung ano nga ba ang napili ko, pero dahil nasa CS1 na ako ay wala na akong magagawa pa.
”Sa cheering ako.”
”What?!” nagulat siya at tumaas ang boses, nasa salamin ang tingin niya kahit pa na nagmamaneho ito. ”Bakit doon!”
”Iyon ang nasalihan ko.” hindi ko nais sabihin na si ashong ay may pakana nito, ayokong magtalo sila lalo na't nasa iisang grupo sila ngayon.
”Akala ko ba sa theater ka?”
"G-gusto ko kasing sumayaw.” natawa si calix bigla, naiiling sa aking sinabi.
”Hindi ka mahilig sumayaw wen, simula bata kilala na kita..”
”Hindi mo pa alam ang hilig ko, cal..” nawala ang ngiti nito sa labi, hindi na lang ako kumibo at dinibdib na ng tuluyan ang nangyari sa akin ngayong araw.
****
to be continued.