Winter Pov
Hindi na ako nagkaroon ng kibo matapos maihatid ni calix sa bahay, nagtatampo ako ngunit alam ko namang hindi ko ito dapat maramdaman, calix and i are just friends. Hindi yata required na magselos kung mapalapit man siya kay shaira.
Sino ba naman ako?
Isa lang naman akong certified bff from chilhood until now, ako lang yata ang nag-level up ng feelings from friends to crush.
Samantalang si calix ay kaibigan lang talaga ang turing sa akin, it hurts to feel that you fall for him, but he really only thinks of you as a friend. Pero hindi naman kailangan isipin pa iyon, kung iyon ang gusto niya siguro'y hangga kaibigan na lang talaga kami.
KINABUKASAN.. Maaga akong naghanda dahil sa isang message na nabasa ko. Dahil nakasaad ang numero ko sa form ay hindi sila nahirapang tawagan ako.
Kaya't madali akong kumilos para ipaghanda ng makakain si lola, gaya dati. Ay nakahapag na ang pagkain ng bumaba si lola, nagtataka pa ito dahil bihis ako ng makita niya.
”May pasok ka?” i shook my head, pilit ang aking ngiti habang pinagmamasdan siyang maupo.
”May practice kasi kami ngayo, la. Tutungo ako ng fatima ngayon..”
”Practice?” lola glanced at me with a frown, nagtataka siguro kung saan tungkol ang ensayong sinabi ko.
”Pumasok po kasi ako sa cheering squad, yung volunteer ng grupo ay tumawag na sa akin kaninang umaga..”
”Tungkol saan yan?”
”Sa foundation po ng fatima, cheering po kami..” lola still doesn't seem to understand what I'm talking about, pero hindi na ito nagtanong pa. Tumango siya bago ako yayaing kumain.
”Kumain ka muna bago umalis..” tumango ako, I accompanied grandma to eat while thinking that cheering squad. Medyo hindi ako kumbinsidong pumunta ngunit naiisip ko ang mga grupong sumali ng kusa ang loob.
Ngunit paano naman akong nasali lang?
Kumbaga ay nadawit lang ako doon at hindi naman kusang sumali, naiinis pa rin ako hangga ngayon kay ashong.
Iniisip ba nitong matatalo niya ako sa ganito lang? He really wants to tease me, masyadong isip bata ngunit hindi na ito tama.
Napabuga ako ng hangin habang pinupunasan ang mesa, nakaupo na muli si lola doon sa sala. Nanunuod ng balita habang may ginagansilyo.
Matapos iyon ay lumapit ako sa kanya. "Aalis na po ako, la..” she looked up at me, halatang may nais sabihin ngunit ipinagsawalang bahala na lamang.
”Anong oras ka uuwi?”
”Hindi pa po ako sigurado, pero meron pong mga frozen food sa ref, wag na po kayong magluto ng marami..”
”Sa labas ka ba kakain?”
”Siguro, la. Sige po, mauuna na ako..” tumango itong muli, hindi na nag-usisa pa kaya't naisipan ko ng lumisan, ngunit sa bungad pa lang ng daan ay nakita ko na si trixie na naglalakad.
Medyo nagulat ako dahil mas gusto niyang sumasakay ng tricycle or grab, basta h'wag lang maglakad patungo rito. O kaya naman mainitin, nasa alas siete y'media na rin. Mainit init na ang araw.
”Hi!” trixie greeted me with a beautiful smile, napaka-ayos niya at todo kung pomorma. Hindi ito naka-uniform, highwaisted 'yung pants niya at croptop ang damit nito, samantalang ako ay simpleng blouse lang at pantalon.
”Are you going to school?” tumango ako, bahagyang nakangiti.
”O-oo..”
”Let's go together, I'm about to go to school too. it's pretty boring if I walk alone..” pilit ang aking ngiti, yung pagsasalita niya ay ang lambot. At medyo nakakahiya kung tumanggi pa ako.
”S-sige..” sabay naming tinahak ang daan papalabas ng villaga, medyo akward sa feeling ko dahil hindi ako sanay na makasabay siya, hindi ko maiwasang lingunin ito habang naglalakad kami sa kalsada.
”Which club did you join?” nakalingon ito sa akin habang pantay ang aming paglalakad, I smiled before i answer.
”Cheering..”
”What!” medyo namimilog ang mata niya at tumigil sa paglalakad, maging ako'y nahinto habang titig pa rin sa kanyang reaksyon. ”Are you really in the cheering group?”
"O-oo, p-pe--” natigilan din ako dahil sa kaisipang 'yung manliligaw niya ang nagpasok sa akin doon sa grupong 'yon. Ngunit hindi naman ako masamang tao katulad ni ashong, may chance ako para siraan siya kay trixie, pero hindi ko ginawa.
”I would also like to join, but I don't have confidence. So I chose more volleyball..” bahagya siyang nakanguso habang sinasabi iyon, sa totoo lang ay pinagkamalan ko siyang mataray noon. Mukha kasi itong masungit, pero hindi naman pala.
”I will handle you if you don't know how to make up.” nakangiti pa rin ito sa akin, hindi naman talaga ako marunong. Malay ko sa make-up na 'yan? Kung pagkain pa ang pag-uusapan ay baka number one ako.
”Salamat..”
”Don't worry, it's okay. We're cousin..”
Maganda pa rin ang kanyang ngiti ng magpatuloy sa paglalakad, at hindi ko akalaing mararating namin ang fatima na nilalakad lang talaga niya. Hindi kasi ako sanay na makita siyang naglalakad, pero baka nais niyang magkaroon ng kaonting ensayo bago sumabak sa volleyball practice.
”Where is your practice place?” nasa gitna kami ng flagpole, medyo mainit pero ayos lang sa kanya.
”Sa gym kami..”
”Ow, really. I'm going to meet my friends sa field, mauuna na ako..”
”Sige..”
”See you later..”
Tumalikod na siya at nagpatuloy muli sa paglalakad, habang ako ay ibang landas ang tinahak patungong gym. Ngunit sa paglalakad ko sa hallway ay may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
”Wen!” it was calix, kita ko itong papalapit sa akin kasama si shaira, tuluyan ng nasira ang araw ko dahil sa view. ”Magpapratice ka na?” kay shaira ako nakatingin dahil kahit simple lang ang ayos niya ay ang ganda na nito.
Samantalang ako'y walang sinabi.
”Oo..” ani ko, medyo badmood ako sa katawan ni calix. Wala kasi itong pang-itaas at siguro'y nagmula sila sa banyo kung saan ang kanilang bihisan.
Pero bakit niya kasama si shaira?
Nilingon kung muli si shaira, nakatingin ito sa akin at hindi ko alam kung bakit nag-iba ang reaksyon nito
”Wala kaming ginagawang masama ni calix..” nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ko type si calix, tinulungan niya lang ako upang makatakas kay jacob, yun lang..”
Napamaang na lamang ako habang nakatitig rito, halata ba akong magselos? Nababasa niya ba ang nasa isip ko, medyo straight forward siya.
”Alam kong may lihim kayong relasyon..”
Nilingon ko si calix, nagkatinginan kami at kapwa naguguluhan kay shaira.
”Kaya stay strong sa inyong dalawa.” tumalikod ang dalaga matapos niyang sabihin iyon, kumaripas siya ng takbo habang pinakikiramdaman ko ang aking katabi.
Kung ganon, wala talaga siyang pagtingin kay calix?
”I saw her in the bathroom earlier.” nilingon ko si calix ng magsalita siya, bahagya itong nakangiti. ”She's running away from jacob..” tumango akong nag-iwas ng tingin.
”H-hindi mo naman kailangan mag-explain..” i glanced at him, bahagyang nakangiti kahit medyo nagkaroon ako ng ginhawa sa dibdib.
”I don't want you to think about me and shaira, shaira is not my type..”
Nanguso ako. ”Ayos lang naman kung magustuhan mo siya, akala ko nga nililigawan mo ito..”
Natawa ito bago niya guluhin ang aking buhok na talaga namang magulo na. ”If I'm going to court anyone, it's not her..”
Yumuko ito sa akin na nagpapakabog ng puso ko, inilapit niya ang kanyang mukha habang nakangiti. ”I really want to court the woman i liked the most, and she's adorable cute..” pinisil nito ang pisngi ko bago muling dumistansya, sino ba iyong babaeng gusto niya?
”We have practice today, shall we go to the gym together?”
”Paano mo nalaman sa gym ako?”
”I asked your group members earlier..”
”Talaga?” tumango ito, nakangiti pa rin bago ko hagurin ang kanyang katawan. ”Pwedi ba na magbihis ka muna?”
”All right, wait me here, i'll be quick..”
Pumaroon muli siya sa nilabasan nila ni shaira kanina, medyo madami ang studyanteng napapadaan dito at karamihan sa kanila ay nagdadala ng raketa at bola, may ilang studyante rin na naglalakad lang at pachill-chill.
Samantalang ako ay hindi ko na mapangalanan ang nararamdaman ko, medyo kabado ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Iniisip ko pa lang ang kahihiyan ay nagagalit na ako kay ashong ngayon pa lang.
”What are you thinking?” nagulat ako sa pagsulpot ni calix, bihis na siya at suot na nito ang kanyang jersey, ang gwapo nga naman.
”W-wala, tara na?”
”I know your thinking something, wen. Just spill it to me..”
Nilingon ko ito, umiiling. ”Wala akong iniisip, excited lang ako.” pinagtaasan niya ako ng kilay.
”I didn't still get your point about joining that squad, sigurado ka ba?”
Nanguso ako. ”H-hindi naman ako sasali kung hindi..”
”Yeah, your not good in dancing. Kailan ba ng makita kitang huling sumayaw?”
”Bata pa ako noon calix..” umirap ako, medyo na-offend ako dahil naalala ko na naman ang araw na 'yon. It's elementary days, may program lang sa school at nasali kami para mag-perform sa stage, I was 8years old that time, hindi naman ako palpak, natisod lang at napahiga sa suot ko'ng sandals.
”So, your telling that you must be great this time?”
”Bakit hindi ka na lang manuod?” hindi ko pa rin ito nililingon, nagpatuloy ako sa paglalakad at tinahak ang daan patungong gym na nangunguna sa kanya.
”I'm excited you know that?” napantayan niya ang aking lakad habang nakamasid sa akin. ”Your really had a confidence wen, Kaya gusto kita..” muntik pa akong madapa sa huling sinabi nito, natigilan ako at namimilog ang matang tiningnan siya.
”A-anong sabi mo?”
He looked away while having a tension reaction, ngunit kalaunan ay nangiti rin at muli akong tiningnan.
”I really adore you a lot, wen. Gusto ko ang ugali mo at kumpyansa sa sarili..”
Parang kay bilis humupa ng kagalakang umusbong sa dibdib ko, binawi agad ang saya sa loob ng ilang segundo. Nag-iwas ako ng tingin, nakanguso.
”Ang dami mong alam..”
”Ofcourse, i'm your bestfriend. A bestfriend who always loyal and concern to you..”
”Ang layo ng sinabi mo..” umirap ako, ngunit nakangiti at muling lumakad. Dinig ko ang matunog niyang pag-ngisi na hindi ko na lamang pinansin. Masyadong pa-fall pero pag nahulog na iiwan na lang at hahayaang bumagsak.
Sino ba kasi ang may kasalanan?
Dapat ba na hindi ko na lang siya gustuhin? At panatiliin na lamang mag-kaibigan kami.
Naghiwalay din kami ni calix ng makapasok sa gym, agad siyang dinaluhan ni stanlee na ngumiti pa sa'kin bago hilain si calix, samantalang ako ay tanaw ko na ang mga grupo ko'ng makakasama.
Bumuntong hininga ako atsaka marahan na lumakad palapit sa kanila, nakatayo sila sa gilid habang nagsasalita ang baklang instructor.
”Aba't VIP ka ba, nahuli ka na sa lahat ng sinabi ko!” napapitlag pa ako ng singhalan niya ako, medyo malakas ang kanyang boses at siguradong dinig iyon sa looban ng gym.
”Naku, na-stress na nga ako dumagdag ka pa, hindi ka man lang nag-short para makapag-practice ka ng maayos!”
Napahilamos ito sa mukha bago lumapit sa babaeng volunteer, kinuha niya ang papel na hawak at saka binasa iyon ng kunot ang noo.
”Kung ganon, ikaw si winter?” tumango ako, walang balak magsalita. ”Maganda ang timbang at height mo, maaari kang manguna at ikaw ang ihahagis sa ere..”
”PO!”
”May reklamo ka!”
”H-hindi ako s-sanay sa hagisan, b-baka hindi ko m-magawa iyon ng m-maayos..”
”Kaya nga narito tayo para mag-ensayo, hindi rin naman ikaw ang first timer dito, dalawa kayo!” nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga habang pinagmamasdan siyang magbasa sa gitna, kinausap niya ang volunteer officer at nais nitong i-play ang sayaw na aaralin namin.
Ngunit dahil maraming tao sa gym, at kailangan mag-ensayo ng mga basketball player ay inatasan kaming tumungo muna doon sa field para doon mag-ensayo.
Sa huli ay lumakad kami patungong field at doon na nga gagawin ang unang practice.
”Okay, I am carla Buenaventura, The D.I of cheering in holycross, volunteer din ako at nais ko'ng matuto kayo sa darating na foundation!” hindi kumibo ang grupong nakikinig, nasa sampo yata kami. limang lalake at limang babae, ngunit gayun pa man ay wala akong ideya sa sayawang ito.
Pero dahil naisip ko bigla ang sinabi ni calix na hindi ako marunong sumayaw ay tila nagkaroon ako ng motivation para aralin ito, lalo na 'yang ashong na yan! Gusto ko'ng maramdaman nito na nagkamali siya, nais ko'ng ipamukha sa kanya na mananalo ako dito!
Dahil sa mga naiisip ay bigla akong nabuhayan ng loob, iniisip ko na dapat galingan ko para hindi mabigo si calix, at nais ko'ng mapahiya si ashong sa kanyang sarili.
At kahit mahirap ang unang practice ay talaga namang inaral ko, ilang beses akong nagkamali, napagalitan na talaga namang pasigaw halos.
”Mga hindi ba kayo kumain!” binulyawan kami ng baklang instructor, pawisan ito at nakataas ang kilay sa. ”Aba't kaonting gilas naman! lambotan niya ang mga bewang niyo!” sa akin ito nakatingin, para bang doon sa tingin niyang iyon ay ako ang sinisigawan niya.
”One and two, right! Three and four left!” ang hirap ng nais niyang gawin, hindi ako makasabay kaya madalas ay nahuhuli sa step.
”Ikaw babae! Bat ba sumali ka dito, dapat nag fun run ka na lang!” kumibot ang labi ko dahil sa sinabi niya, nais ko sanang umangal ngunit halatang pagod siya at todo sayaw para lamang matulungan kami, siguro'y nais niya lang talaga na gumaling ako.
"P-pasensya na po, u-uulitin ko na lang.."
Yumuko ako, hindi ko nakita ang reaksyon nito ngunit dinig ko ang kanyang pagmamaktol, sa huli. Ay muli naming sinayaw ang kanta na tumutugtog sa speaker. Sinanay rin nila akong tumayo sa kamay ng mga lalakeng hahawak sa akin at talaga namang bumilib ako ng magawa ko'ng makatayo, hindi ko iyon akalain. Sanay ang mga lalakeng nakahawak sa akin at kusa na lamang akong nagulat ng ihagis at saluhin nila akong muli.
Nagawa ko'ng makumpleto ang practice na 'yon ngayong araw, ngunit ang sabi ng ilang kasamahan ko ay dapat lambutan ko pa ang aking katawan na hindi ko alam kung may ilalambot pa.
"Ayos ka lang ba?” nilapitan ako nila shaira na kanina pa nanunuod sa gilid, medyo pawisan ako at ngayon ko pa lang isinuot ang aking salamin, nakakapagod pero nakakatuwa rin pala.
"O-oo..”
”Pasensya ka na kay philip, dahil sa kanya isa ka sa mga grupong narito..” hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman, ngunit baka nabanggit iyon ni ashong sa kanila.
Lalo akong nainis, talagang pinangalandakan niya pa ang kanyang kabalastugan.
”May araw din ang ashong na yon sakin..” ani ko, inis na inis sa lalakeng iyon.
”Mas maiging pagbutihan muna lang..”ang kasama ni shaira ang siyang nagsalita, hindi ko siya kilala ngunit tila nahahawig ito sa babaeng may pangalan na samantha.
”You need to improve yourself on dancing, maganda naman ang katawan mo..” hindi ako ready sa lalakeng singkit na nagsalita sa gilid ni shaira, medyo nahiya ako kaya't nakatanggap ito ng siko kay shaira.
”Mamimili kami bukas ng paninda, may idea ka ba kung ano pa ang mabenta sa booth?” iyong babae muling kasama ni shaira ang nagtanong, nanguso ako at agad naisip ang nais ko'ng kainin.
"Mas maiging streetfood ang ibenta natin, like siomai or siopao..” sagot ko, bahagyang natatakam.
"Mabenta ba yon?”
”Iyon kasi yung mahilig kong kainin..” biglang natawa si shaira sa sinabi ko.
"Sige, isasama ko yon..” anang shaira habang nangingiti, ngunit nalingon rin kami ng marinig ang isang pito na nagmumula sa hindi kalayuan.
At doon ay tanaw ko agad ang grupo ni calix na naglalakad patungo sa kinatatayuan namin, siya ang unang napansin ko kahit ang dami nila. Kasama niya ang kanyang team mates na tila binagsakan ng langit.
"Mag-eensayo kayo dito?” nagtanong ang may singkit na mata sa gilid, samantalang si calix at stanlee ay naupo sa bench kung saan ako nakaupo.
”Tapos na kayo?” nakangiting nag-usisa si calix, tumango akong nakangiti bago marinig ang nakaka-malas na tinig.
”50 Laps run ang p*ta!” boses iyon ni ashong na nasa harapan na ni shaira, katabi nito si jacob na nakatitig lamang sa dalaga.
"Wow, congrats!” sumama ang tingin nila sa lalakeng singkit ang mata, ngunit agad rin itong tumawa. ”Bibilhan ko kayo ng mineral water, si jacob ang magbabayad syempre!” napailing ang ilang team mates ni ashong, ngayon ko lang napansin na nawawala bigla ang atensyon ko kay calix na nakatingin pala sa akin.
”You look tired..” pilit ang aking ngiti bago tumango, ngunit eto na naman ang boses ni ashong na umaagaw ng eksena.
”Hi, wanda. Kumusta ang practice ng mga cheering?” pasimpleng sumulyap sa akin si ashong, madali akong nag-iwas ng tingin at kunwari'y nginitian si calix.
”Napagod ka rin hindi ba?” tanong ko, tumango ito at bumuntong hininga.
”We need to run 50 laps..”
Umayos siya ng upo at itinuwid ang kanyang kamay sa aking sandalan, ngunit nawala ang atensyon ko sa kanya ng magsalita si shaira.
”Mahusay, napaka-husay sumaway ni winter, hindi mo nakita sayang..” hindi ko inabalang lumingon at naging abala sa pag ngiti kay calix, ngunit pumaparoon ang tenga ko at nakikinig.
"Tss, pagka-usap niya si calix ngumingiti ito, pag ako laging galit? nakakainis..” dinig ko si ashong, medyo kumurba ang nguso ko dahil sa kanyang sinabi, naiinis siya dahil lagi akong galit sa kanya? Sino ba ang matutuwa sa pinag-gagawa niyang isip bata!
"May sinasabi ka?” pansin ko ang pag-iling ni ashong ng magtanong si shaira, medyo hindi ko na feel ang eksena dahil narito ang asungot.
Kumukulo ang dugo ko.
"Teka sayo sapatos yan?” nilingon ni calix ang pwestong tinitingnan ko, naroon kay shaira ang paningin ko na tiningnan ang kanyang sapatos.
"Oo, sakin nga..” sagot ni shaira, nagtataka.
"Talaga?”
”Huh, bakit ba?”
”Kung ganon ikaw ang nasa banyo kanina!” dinuro ni ashong si shaira na mabilis nitong tinampal, nanlalaki ang kanyang mata na tila pinipigilan itong magsalita.
"H-hindi a-ahh, h-hindi pa ako nagbabanyo!”
”Kahawig talaga ng sapatos kanina..” napapakamot ng ulo si ashong bago ito lumingon sa pwesto namin. ”Hoy calix, sino ba yong babaeng kasama mo sa banyo kanina!” napailing ako bago umirap, napaka-isip bata talaga. Pero alam ko naman na si shaira nga iyon, tinataguan niya nga daw si jacob kaya napunta siya sa banyo ng mga lalake.
"T-teka may girlfriend yang si calix!” nanlaki ang mata ko kay shaira, wag niyang sabihin na ibubulgar nito ang kanyang maling akala sa aming dalawa ni calix, straight forward pa naman. ”B-baka yung girlfriend niya yung kasama!”
"Kung ganon hawig ng girlfriend niya ang sapatos mo?” hindi talaga tumitigil si ashong sa kakatanong, kung hindi lang sumabat si jacob ay baka dumating na ang kanilang coach ay nagtatanong pa siya.
"Tsk..” si jacob iyon, naiiling na nakangisi. ”That shoes is unique one, that's the only design because its personalized shoe..” nilingon lahat si jacob ng taong narito, ang mga team mates at cheering squad at nakikinig pala sa usapan.
"I am the only one who sell that shoes, that footwear have a name on side corner, look at it..” tumayo ako at sinipat ang sapatos ni shaira, at doon nga sa ilalim ay nakatatak doon ang apelyidong monteclaro.
”S-sinasabi mo bang sayo galing 'to!” sumigaw si shaira, nanlalaki ang mata kahit bakas ang kahihiyan.
”Do i need to tell it to prove that your mine?” naghiyawan ang kasamahan niya sa sinabi ni jacob, sa huli ay nag-walkout si shaira na madaling hinabol ng babaeng kasama niya.
Pero nakakainggit lang dahil ang sweet pala ni jacob kahit nakakatakot ang dating.
”May uniform na ba kayo?” calix speak on my side, doon lang ako muling umupo bago umiling.
”Wala pa..”
Tumango-tango ito. ”You need to wear a cheering uniform, that uniform is too short more than fatima attire..”
”K-kailangan ba iyon?”
”Ofcourse, winter..” nanguso ako sa pagbanggit niya ng buo ko'ng pangalan, hindi iyon madalas. Alam na alam ko talaga pag may hindi ito gusto. ”But still, I'm going to support you, wag ka lang nilang bastusin!”
”H-hindi naman siguro..”
”It should be, winter.”
Bumuntong hininga ako at hindi na nagsalita pa, doon lang tumayo si stanlee kaya't nalingat ang paningin ni calix sa ibang bagay, napaka-protected niya talaga. Sino ang hindi mahuhulog sa bestfriend na todo kung protektahan ka?
Lumapit ang coach sa pwesto ng mga basketball player, may sinabi ito na tila paalala sa mga grupo. Ngunit ang asungot na lalake ay hindi nakikinig, nakatingin sa akin at ngini-ngisian ako.
Para siyang timang.
Natutuwa ba ito dahil iniisip niya na palpak ako sa ensayo, sana lang ay gumulong siya sa buhangin at makakain ng alikabok!
Umirap ako sa kanya, hindi ito nakikinig sa coach niya hangga sa lumakad ito sa pwesto ko, nakangisi pa rin.
”How was the practice?”
”It's good, maganda naman ang kinalabasan, nag-effort ka pa para isali ako sa grupo..” ako ngayon ang ngumisi bago tumayo upang harapin siya, ang kaso lang ay ang tangkad niya pala kaya nakatingala ako sa bandang huli.
”Nais ko talagang mapabilang ka doon, para naman magkabuhay ka..”
”Talaga? Mato-touch na sana ako ngunit di bale na, mas mabuting unawain na lamang ang mga batang gaya mo..”
Ngumisi ito. ”You should be patient at me, you look like old lady on your passion..”
”Isip bata nga..” nag-iwas ako ng tingin, natatawa.
”Boyfriend mo si calix?” nilingon ko ito, nakataas ang kilay.
”Ano ngayon sa'yo?”
”Wala siyang taste, ginayuma mo ba?”
”Naniniwala ka sa gayuma?” natawa ako, medyo kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
”Your using love spell right?”
”No, ashong. He should be fall for me intentionally, hindi katulad ng iba na mahuhulog na di nila nalalaman..”
”Your weird..”
”Why are you always making up with me?” nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko. ”Ang sabi mo kinukuha ko ang atensyon mo, pero etong si ikaw ay nag-abala pang kunin ang form ko, binigyan mo pa ako ng litrato mo, what's that for?”
”Are you implying that I like you?” he was half smiling with a pair of teasing look, pero hindi ko na siya sinagot pa.
Hindi na dapat patulan.
”Wag mo na akong pansinin pa..” naupo akong muli, ngunit eto siya ay nakatayo pa rin na tila hindi kumbinsido sa sagot ko.
”Ang yabang mo talaga..”
”Mayabang talaga ako, ashong. Kaya kitang patulugin ng isang minuto lang gamit ang aking kamay..” umatras siya, namimilog ang mata kaya't natawa ako sa aking isip.
Duwag ba?
”You can't beat me, four eyes. Your just a nerdy girl..”
Ngumisi na lamang ako sa kanyang sinabi, ngunit alam ko'ng hindi sapat na patulan siya. Mas mahaba pa naman ang pasensya ko sa mga isip batang gaya niya.
”FALCON!”
”F*cksh*t!” he was shocked when his coach shout hes name, natawa pa ako dahil mukhang mapapagalitan ang lalakeng 'to.
”Goodluck ashong, Galingan mo sa pagtakbo baka mahulog ka..” nanlilisik ang mata nito sa akin bago ako umalis sa pwestong 'yon, masyado siyang over reacting. Nakakatuwa ang reaksyon niya na hangga ngayon ay nginingitian ko.
Napailing ako at inayos ang aking salamin, why im still smiling?
***
to be continued.