Winter Pov.
(Make over)
Tatlong araw ang sunod-sunod na ensayong ginanap sa field ng fatima, aaminin ko'ng naging mahirap sa akin ang pagsasayaw. Medyo kabado ako sa t'wing ako na ang ihahagis sa ere at isisigaw ang pangalan ng grupo namin.
Napag-alaman ko'ng tatlong squad sa cheering ang maglalaban sa darating na biyernes.
Ngayong araw na ito, ay abala ang mga studyante sa darating na anibersaryo. Miyerkules ngayon, ilang araw na lang ay dudumugin na ang fatima ng kabilang unibersidad.
Kabado man ngunit ayos lang dahil sa ilang grupo ko na talagang sinuportahan ako, akala ko'y mamalaitin rin nila ako gaya ng iba, ngunit napag-alaman ko'ng hindi naman lahat ay may masamang ugali gaya ng iba.
”What time is your rehearsal later?” binalingan ko ng tingin si calix ng magtanong ito, kasalukuyan kaming nasa cafeteria habang kumakain. Alas dose na, hindi rin naman gaanong active sa pagtuturo ang mga professor dahil gaya namin ay abala rin sila.
”Mga alas kwatro, sa gym kami..” He nodded twice while staring at me, umiinom ito sa kanyang milk shake at hindi talaga inaalis ang tingin sa akin.
Medyo nakakailang lang.
”I will watch you later..”
”W-wala ba kayong practice?” medyo nagulat ako.
”Maybe there's no practice today, we'll rest for tomorrow..” inilapag nito ang hawak sa mesa at muli ay nagpatuloy sa pagkain, medyo nakakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib dahil na rin manunuod siya.
Ilang araw din naman ang practice nila sa basketball, kapwa kami abala at hindi masyadong nagkikita. At sa isiping manunuod siya mamaya ay todo kabado na ang aking dibdib.
”Do your best huh?”
Nangiti na lang ako bago tumango. ”Sure, hindi naman gaanong big deal sa akin..” pinilit ko'ng ngumiti kahit na nag-aalburoto ang aking puso. At dahil nalaman ko'ng manonood ito ay hindi na ako nakakain ng maayos, maging ng lapitan ako ni deborah upang sabay kaming umakyat sa silid ay hindi na ako nakapag-paalam ng maayos kay calix.
”Boyfriend mo ba si calix?” nilingon ko si deborah habang tinatahak namin ang pasilyo patungo sa silid, nagkanda-kurap kurap ako dahil feeling ko'y namumula ang aking mukha.
”Mukha ba kaming mag-boyfriend kung titingnan?”
”Hm..” tumango siya. ”Dahil masyado siyang maalaga sa'yo, napapansin ko lang na malapit pala kayo sa isa't isa kahit na bago ka palang dito..”
”Kababata ko kasi si calix..”
”Talaga ba?” umaliwalas bigla ang maamo nitong mukha, medyo matangkad siya sa akin at maayos naman kumpara sa pananamit ko.
”Oo..” pilit ang aking ngiti samantalang siya'y todo ningning ang mata.
”Kung ganon, magkaibigan lang pala kayo?”
Palihim akong napanguso, isang katotohanang napakahirap tanggapin. Alam ko'ng hindi rin naman ako ang nakakaranas ng ganito, meron din namang iba riyan na tiyak ay nahulog ang loob sa kanilang bestfriend. Ngunit one sided love nga lang.
”O-oo, kaibigan ko lang si calix..” kinagat nito ang labi bago mag-iwas ng tingin, tila nahiya at hindi na muling nagtanong pa. Naninibago ako rito dahil usually ay hindi naman siya nagtatanong tungkol kay calix.
May gusto ba siya kay calix?
Tatlong klase pa ang pinasukan namin na nagbigay ng short quizes. Ang ilang professor naman ay hindi makakapasok bukas at hinayaan kaming magkaroon ng libreng oras para sa pag-eensayo.
Naroon na si calix sa pinto ng lumabas ang huling professor, medyo maingay sa loob dahil nag-aabang lang naman ang grupo niya. At dahil sikat sila rito ay malamang kilala ko na sila, ang varsity ng fatima.
Si stanlee, mark at apollo. Medyo kilala ko rin naman ang ilang grupo nila na kinabibilangan ni ashong.
”Swerte naman talaga ni winter, sinusundo pa..” ang ilang classmate ko na hindi bitter sa akin ay ayun at bumubulong sa likuran, ngunit yung mga apat na magkakasama sa harapan ay masama na ang tingin sa akin, may gusto lang naman sila sa taga-sundo ko.
”Pwedi ba akong sumama sa'yo?” binalingan ko ng tingin si deborah, maayos na ang kanyang gamit at nakasuot na ang kanyang bag.
Tumango ako, hindi na nag-alinlangan pa dahil nais ko rin naman ng may kasama. Medyo nakakahiya naman kung kasama ko iyang apat at ako lang mag-isa.
”Salamat, manonood lang din ako dahil bukas pa ng umaga ang meeting..”
”Sige, ayos lang. Halika na..” lumakad na kami palabas, todo irap ang apat na babae sa akin ng madaanan ko sila.
Ang apat na yon lang naman ang madalas na maglait sa akin, nilamangan lang naman sila ng make-up at kaonting ayos. Pero hindi sila maganda, ang totoong maganda ay si shaira.
”Are you out of class?” tumango ako kay calix ng salubungin niya ako, samantalang ang kasamahan niya ay may mapang-asar na ngiti sa aming dalawa.
”Kailan kaya mauuso ang aminan?” si apollo iyon, hindi ko malaman kung ano ang sinasabi niya dahil hindi na rin ito nakatingin sa akin.
”I don't know, men are so secretive now, especially our friend..” sumama ang tingin ni calix kay stanlee.
”Will you shut up!”
”You won't admit it yet, maybe someone else will get ahead of you”
”That won't never happen..” nilingon akong muli ni calix, hindi na nakangiti at tila'y napikon kay stanlee. Ngunit, anong aaminin?
”Let's go?”
”Sigurado bang wala kayong practice?” tanong ko, naninigurado.
”Yes..” tumango tango na lamang ako bago lingunin ang kanyang mga kaibigan, todo pormado sila at hiyang hiya ang aking kasuotan dahil simpleng pantalon at blouse muli ang akin.
Wala pa akong uniporme.
”Tara na..” nauna kami ni calix maglakad habang nasa gilid ko si deborah, naging tahimik ito habang sumasabay sa aking paglalakad. Hinayaan ko na lamang siya dahil baka nahihiya pa ito sa mga kasama ko.
”You didn't say that your crush was in cheering..” masama muli ang tingin ni calix kay stanlee, crush? May crush si calix sa cheering?
”Do i told you to shut your mouth?”
”Tsk, if I were you. I will admit that I like her..” nag-angat ako ng tingin kay calix, naglalakad kami ngunit hindi naging sagabal upang hindi magkasalubong ang aming mga mata.
Siya ang unang nag-iwas ng tingin, nagfocus ito sa daan habang tumutungo ako sa aking dinadaanan. Kung ganon, ka-grupo ko ba ang crush ni calix?
Medyo masakit na naman ang dibdib ko dahil sa nalamang ito. Umaasa pa naman ako na magkakaroon ng kami, ngunit kailangan ng itigil ang kakaasang iyan upang hindi na masaktan pa.
Nauna kami ni deborah na pumasok ng gym, hindi karamihan ang studyanteng naroon dahil ang ilan ay nasa oval at doon nagkaroon ng space. Ngunit hindi ko maiwasang libutin ang paningin ko sa dami ng manonood na nakaupo, manonood ba sila sa ensayo?
”Apollo, ayun si trixie oh!” nilingon ko ang katabi ni stanlee na nag-ngangalang mark, nakaturo ito sa bandang harapan kaya doon bumaling ang aking paningin.
At ang trixie na sinasabi niya ay ang aking pinsan, nakangiti si trixie habang katabi si ashong. Napangiwi ako bago ayusin ang aking salamin, naisip ko bigla kung sasagutin ba iyan ni trixie o hindi. Mas mabuting hindi na lang upang hindi kami magkaroon ng ugnayan sa isa't isa.
Ikakasama pa ng loob ko kung mapabilang man siya sa pamilya namin.
”Are you feeling nervous?” ngumiti ako kay calix, doon lang nawala ang paningin ko kay ashong na masayang nakikipag-usap kay trixie.
”Ayos lang, hindi naman ako kinakabahan..”
”Talaga?”
”Hm..” tumango akong nakangiti, nagpaalam ang kanyang kaibigan na mauupo kasama ng ilang kakilala, siguradong manonood ang ilang studyanteng narito sa ensayo ng cheering.
”Mauupo kami roon, just relax huh?” todo ang ngiti ko kay calix, hindi naman na ako kabado dahil sa hindi ko alam ang step, sa totoo lang ay kabisado ko na at ang inaaral na lang namin talaga ay ang final ending ng sayaw.
Medyo mahirap sa part na iyon dahil nagiging mabagal ang pagtayo ko sa t'wing aapak ako sa kamay ng mga lalakeng bubuhat sa akin, bukod doon ay alam ko naman na ang lahat.
”Sige na, manood ka na lang..”
”Okay..” nakangiti pa rin ito sa akin at hindi umaalis, kung hindi ko pa sinabihang maupo siya kasama ni deborah sa gilid ay hindi siya aalis.
Nagtataka pa ako kung sino ang crush ni calix dito, wala naman na siyang tinitingnan bukod sa akin. Yes, He was starring me at the whole time when i place the front group. Ako na lang pala ang hininhintay ng mga members, nakakahiya lang na lagi pa akong late. Plus pa na kailangan nilang itali ang buhok ko dahil lagi ko itong nilulugay, ayoko kasing naka-expose ang mukha ko. Pero ngayon, No chooise ako dahil ako rin ang mahihirapan kung hindi ko itatali iyon.
”We need to improve our steps as a hyper and powerful cheering!” nasa harapan na D.I at roon ay palakad-lakad habang inaayos ang music sa gilid.
It's a dance music.
Hindi ako mahilig sa music kaya't hindi ko alam noong una ang mga titulo ng kantang ito, ngayon lang talaga.
”Two days to go, don't let your confidence killed your talent, be confident. Just do your best!”
Huminga ako ng malalim habang naghihiyawan ang mga kagrupo ko, noong una ay hindi ko akalaing mapapabilang ako sa kanila. Hindi sila gaya ng iba, maayos nila akong kinakausap at tinuturing na kaibigan.
Hindi ko lubos maisip na magkakaroon pa ako ng kaibigan sa cheering group na ito.
”Okay, Let's start!” tumunog ang unang lyrics ng kanta habang pumu-pwesto na ito sa harapan, unti-unting nabubuhay ang magandang musika na nagpapa-indak ng husto sa aking katawan.
Hindi ko pansin ang mga matang nanonood, wala akong pakialam dahil iniisip ko'ng ako lamang ang narito.
Kung papansinin ko sila ay malamang mahihiya at baka magkamali pa ako kung nagkataon.
”Right left, turn around and shake your body!” iginiling ko ng sapat ang aking katawan matapos umikot, ang ganda ng kantang umeere sa kabuuan ng gym at halos lahat ay namamangha. Hindi ko alam na ganito ang feeling, sa field kasi ay bilang lamang ang nanood dahil na rin narito lahat ang studyante. Hindi ko inaasahan ang araw na'to.
”Turn your back again!” masaya na ang grupo sa pag-sasayaw, tuluyan na akong nanguna dahil nasa likuran na ang mga lalake, ilang steps na lang ay bibigkasin na namin ang pangalan ng unibersidad. At iyon din ang umpisa upang buhatin ako pataas at ihagis papunta sa tatlong lalake.
Ilang beses ko ng inulit ito, ngunit hindi ko maiwasang kabahan sa dami ng nanunuod. Idagdag mo pa na tanaw ko si calix sa gilid habang sumasayaw ako, it's a little bit pleasured pero pinilit ko'ng maging kalmante.
Ilang steps pa ng sayaw ang ginawa namin bago akong tumungtong sa dalawang lalakeng bubuhatin ang aking paa, upang makatayo sa itaas. Matapos iyon ay may sasalong tatlong lalake sa aking likuran habang sumasayaw ang apat na kababaihan. Tagumpay sa umpisa ang step na iyon, ngunit hindi doon nagtatapos ang sayaw dahil ilang beses akong tatayo at ihahagis sa ere.
”Go winter!” dinig ko ang boses ni calix habang nakasampa ang dalawang paa ko sa lalakeng nakahawak sa akin, binalingan ko iyon ng tingin at hindi inaasahang naroon si ashong.
Mariin ang tingin nito sa akin at ni wala akong mabasang reaksyon sa kanya, basta ang titig nito ang siyang nagpahinto sa dapat na sana'y gagawin ko.
“Winter!” muntik pa akong mahulog ng sumigaw ang D.I
Nakalimutan ko'ng bigkasin ang dapat sana'y sasabihin bago itaas ang aking kamay, ngunit dahil nawala ako sa focus ay ibinaba ako ng dalawang lalakeng may hawak sa akin.
”Anong nangyari!”
”Sorry po, pasensya na. Uulitin ko na lang..”
”Ilang beses mo ng ginawa 'yan hindi ba! Aba't dapat lang na h'wag ka ng magkamali pa, huwebes na bukas at iyon na ang huling ensayo natin!” napatungo ako sa lakas ng kanyang boses, pinatay nila ang speaker at sumenyas ang DI na tumungo muna sila sa gilid. At bago siya lumisan sa aking harapan ay nasermonan pa ako.
”Perpekto na ang mga ensayo ng grupo mo! Ayusin mo naman at ng hindi masayang ang effort nila!”
"Opo, pasensya na..” umirap siyang tinalikuran ako, wala akong magawa kundi bumuntong hininga bago muling tumingin sa pwesto nila calix.
Nakatingin siya sa akin bago ito tumayo upang lapitan ako.
”Ayos ka lang?” ngumiti ako ng pilit, nag-aalala na naman siya base sa mukha nito at tinig. Pero ayos lang naman ako, medyo na-distract lang ng konti.
”Don't pay too much attention to the audience, you're good and I know everything will be fine on friday..” tikom ang aking labi ng ngitian ko ito, medyo nagpipigil at hindi nais ipakita ng todo ang aking pagkagalak sa sinabi niya.
siya talaga ang unang susuporta sa akin, nagpapalakas ng loob ko kahit pa na hindi ako kumpyansang magaling ako.
”Salamat..”
”Uminom ka muna..” hinawakan nito ang aking pulsuhan, hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha bago ako nito igaya palapit sa grupo niya.
Agad ang pag-aasar ni stanlee sa kaibigan nito, ngunit ang mata ko'y na kay ashong at trixie na nag-uusap sa gilid. Hindi ako nito napansin, abala sila na animoy napaka-importante ng kanilang pinag-uusapan.
”On Friday, pick up your uniform and cheering clothes” nawala muli ang atensyon ko sa dalawa ng magsalita si calix, hindi nito pansin ang pag-aasar ng kaibigan tungkol sa crush niya. Kuryos tuloy ako kung sino iyon.
”Wala pa akong pera para sa uniform, next week pa. Baka 'yung sa cheering na muna ang kukunin ko..”
”Don't worry, I paid everything earlier..” nilingon ko siya ng may namimilog na mata.
”Binayaran mo?”
”Yes, You can no longer wear civilian clothes at the end of the anniversary.”
”Pero, w-wala pa akong maipagbabayad e. Pwedi ba sa susunod na linggo na lang?” ngumiti siya na lalong nagpapagandang lalake sa aking paningin, he is always my super hero when I need him, how can't i fall in love with someone like him? ang bait niya, ideal boyfriend and most woman fantasize about him.
”I don't want next week, wen. I want you to be paid by next Friday.”
”Ha?” nalukot ang aking mukha. ”Wala pa akong pera sa biyernes, sa lunes pa magpapadala si erpats..”
”Well, let's talk about it on Friday. if you can't pay, you can give it in another way.” hindi mawala-wala ang pagkakakunot ng aking noo, hindi ko siya maintindihan ngunit hindi na rin nakapagtanong ng tumalikod ito upang kumuha ng maiinom sa kanilang pwesto.
Napakamot ako sa aking sintido habang tinitingnan siya, makakapagbayad ako kahit hindi pera kundi sa ibang paraan?
Anong gusto niya?
”Hi, sis!” bigla akong nalingon sa babaeng bumati sa'kin, si trixie ang nasa gilid ko. Nakangiti ito habang may hawak na fortable chair. ”You really did well, ang galing mo..” nahihiya akong ngumiti.
”S-salamat..”
”I will visit you tomorrow afternoon, ako ang bahala sa'yo..”
”Huh, hehe. H-hindi ko naman kailangan mag-ayos..” naiiling itong ngumiti.
”That's not possible, winter. You need to improve yourself so that the others group does not underestimate you for this coming Friday. even if you say no, I will still force you..” bumuntong hininga ako sa sinabi niya, wala din naman akong pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao. Basta ang akin lang, nais ko ng matapos ang larong ito na idinawit pa talaga ako ni ashong.
”You're beautiful winter, I can see it. Just trust me and believe yourself, okay?”
”Okay..” Her smile was gentle again when I agreed, but if ashong hadn't suddenly appeared, I might have been able to borrow money to pay Calix. Ngunit heto siya at seryoso kung tumingin sa akin.
”Anong ginagawa mo?” he was aking me, but i ignore him before calix came up. Nilahad niya sa akin ang inumin at talagang natagalan dahil bigla itong kinausap ng kanyang coach kanina.
”Hi trixie!” binati ni calix si trixie, at dahil asungot itong ashong na'to ay madali siyang bumakod sa aking pinsan.
Lihim akong napangiti, hindi niya ba alam na magkababata sila ni calix at magpinsan kami? he doesn't seem know anything, if he had idea what we're relationship he definitely wouldn't be acting like this. Nakakatawa lang na parang walang panahong sabihin iyon ni trixie, pero ayos lang. it's better that he has no idea.
”Stay away from trixie!” nag-iwas ako ng tingin sa sinabi ni ashong, natatawa ako ngunit hindi na nais ipakita pa. ”Asikasuhin mo na lang yan!” nilingon ako nito bago hagurin ang aking kabuuan, hindi ko alam kung anong ipapangalan sa mukha niya. Pero dahil natatawa ako ay hinayaan ko na lamang at binalingan si calix.
”Babalik na ako sa grupo..”
”Sure..” deadma si ashong ng sumagot ito, hindi rin naman masyadong close si calix at trixie ngunit nagpapansinan naman. ”Galingan mo..”
”Syempre..” ngumisi ako bago sulyapan si ashong, nais ko'ng siya mismo ang makasaksi sa katarantad*han nito, siya ang dahilan kung bakit ako narito. and I want to prove that he was wrong for what he did.
Gagantihan ko siya sa paraan na mapapahiya siya sa kanyang sarili.
NANG araw na iyon ay apat na beses naming inulit ang sayaw, tuluyan ko ng nakabisado ang steps at bawat pag-apak sa lalakeng hahawak at sasalo sa akin. This game is really a challenge for me, ngunit dahil pinagsikapan ko'ng matutunan ay tagumpay akong nakabisado lahat.
Dumating ang araw ng huwebes, hapon na at nasa bahay na ako. Today is our last practice, kaya't pagod akong nakasandal sa mesa habang kaharap ang juice na ginawa ko.
Si lola ay naroon sa sala at nanonod ng balita, alam nitong medyo pagod ako sa ensayo kaya't hinahayaan niya akong mamahinga.
Ngunit may narinig akong kotseng huminto sa harapan ng bahay, inaasahan ko ng si calix iyon ngunit nagkamali ako ng makitang si trixe ang pumasok sa sala. Lumapit siya kay lola at nagmano, agaran naman ang pag-ngiti ni lola dahil nalaman nitong nag-uusap na kami ni trixie, iyon lang din naman pala ang inaayawan niya noon.
Buong akala nito'y masama ang trato sakin ni trixe kaya't mabigat ang loob nito sa isa niyang apo, ngunit dahil nasabi ko noong isang araw na madalas kaming magkita at magusap ay tila nag-iba na ang trato nito kay trixie.
”Napadaan ka..” naupo si trixie sa tabi ni lola, balak ko sanang lumapit ngunit natigilan rin ng makita kung sino ang pumasok sa sala namin.
Napamaang ako at namilog ang aking mata, hindi ko alam kung bakit nataranta ako at nagtago bigla sa gilid ng ref namin.
”Pinuntahan ko po ang pinsan ko, is she here po ba?” hindi ko alam kung ano ng nangyayari, pero dahil kuryos ako ay bahagya akong sumilip.
”Naroon si--” natigilan si lola ng makitang wala na ako sa kinauupuan ko kanina, nagtataka ito bago lingunin si trixie. ”Naroon lang siya kanina, baka umakyat ito sa taas..”
”Oh, ganun po ba..” tumango tango si trixie bago niya maisipang ipakilala si ashong. ”Siya po pala si philip..”
”Goodafternoon..” umikot ang mata ko sa pagbati niya sa aking lola, nais kong lumabas at sabihing huwag itong magmano kay lola dahil isa siyang masamang ispirito, dapat yatang ma-bless ang bahay dahil nakapasok siya rito.
”Manliligaw mo?”
”Opo, la..”
”Alam ba ito ni raquel?” humalukipkip ako habang nakasandal sa ref, malamang hindi alam ni tita. Bawal pa kasiyang magkaroon ng boyfriend kung hindi pa ito nakakapagtapos, iyon ang kundisyon nila dahil hindi education ang kinuha ni trixie.
Isa siyang architect.
”A-alam niya po..” umarko ang nguso ko sa sinabi ni trixie, alam talaga ni tita? Hindi ako kumbinsido. ”Nais ni mommy na magkita sila sa darating na december..”
”Dapat lang na makilala niya ang manliligaw mo, ngunit. Importanteng makapagtapos ka muna sa pag-aaral, hindi naman nagmamadali ang pag-aasawa..” kinagat ko ang labi sa pagpipigil ng tawa, si lola talaga. Pag-aasawa na agad, e hindi nga buo ang kumpyansa ko'ng sasagutin iyan ni trixie, tsk!
”Ofcourse no, grandma. Hindi ko pa madadaliin ang pagsagot ni trixie, maghihintay po ako..” ngiwi ang naging reaksyon ko sa isinabat ni ashong, nakakasuka ang grandma na binanggit niya. Ngayon pa lang ay naiinis na ako kung mapapabilang siya sa amin.
”Ikaw ba ay isang mabuting lalake?”
”Yes, grandma. I am..”
”Ayoko sa malok*ng lalake, ang nais ko ay may respeto siya sa mga babae!”
Natawa na ako ng tuluyan, reject iyan! isa siyang malok*ng lalake at isang hindi marespeto sa babae, dahil kung marespeto siya ay hindi nito ako isasali sa grupong iyon. Malok*ng lalake!
”I respect all of woman, grandma. Specially your grandaughter..”
tumango tango si lola. ”May isang apo pa akong narito, tatawagin ko lamang siya..”
”Baka aalis na po ako, I have a dinner schedule tonight..” hindi na tumayo si lola sa sinabi ni ashong, dapat lang na umalis na siya. Pinepeste nito ang araw ko at hindi ako makapag-pahinga, kainis.
”Ikaw ang bahala..”
”Thankyou, Maybe i'll be back on the other day..”
”Mas mabuting dito ka nga pumupunta at hindi maaaring nilalabas si trixie kung saan..” malaki ang pagtutol ko kay lola sa sinabi niyang iyon, dito siya pupunta? Ang swerte naman ng asungot na yan kung araw-araw ay may libreng miryenda siya kay lola!
”Ofcourse, thankyou.”
Napapahilamos ako sa eksenang ito, bakit ba ako nagtatago dito! Dapat lang na malaman niyang kabilang ako sa pamilyang rerespetuhin niya!
Lumabas ako sa gilid ng ref, babalakin ko ng tumungo sa sala ngunit eksaktong nakapag-paalam na si ashong at nakalabas na ng tumungo ako ng sala.
Tanaw ko pa ang pagpapaandar niya sa kotse bago ito lumisan, kaimbyerna.
”Saan ka nanggaling?” nilingon ko si lola bago hagilapin ang alcohol spray sa tabi ng tv.
”Diyan lang po..” in-sprayan ko ang buong paligid, maging ang buong sala ay inulan ng alcohol para mawala ang bacteria ni ashong.
”Narito ang manliligaw ni trixie kanina, sana'y nakilala mo siya para mabantayan mo itong pinsan mo..”
Nilingon ko si trixie. ”Kilala ko na po siya, la. Kilalang-kilala..”
”Talaga? Aba't mabuti naman..” nais kong ipaalam na hindi maganda ang ugali ng lalakeng iyon, ngunit nahihiya lamang ako kay trixie kaya't ipinagsawalang bahala ko na lamang.
”May gagawin ba kayong dalawa?” lola asked again, madaling tumango si trixie bago buksan ang dala niyang bag na ngayon ko lang nakita.
”Aayusan ko po si winter..” napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa hawak niyang pag-ipit ng uling.
”Bakit nagdala ka pa ng tong?” tanong ko, mabilis siyang natawa sa sinabi ko.
”This is not a tong, it's straightening iron. Para maging bagsak ang buhok mo..”
Napabuntong hininga na lamang ako bago siya tumayo at lumapit sa akin.
”Let's go, lets do the make over!”
****
to be continued...
Next chapter na mahuhulog si ashong, HAHHA. Paano kaya maging possessive ang dating haters ni winter? Nakaka-excite ba. Pero bet kong magsuntukan talaga si calix at ashong, matira matibay! ?