Chapter 13

4524 Words
Third Person Pov. (Meet Trixie cousin) Tahimik ang malaking bahay ng mga falcon habang abala ang kasambahay sa paglilinis, naghahanda ng makakain ang mayordoma na si manang corazon. Inaayos nito ang kakainin ng kanyang alaga bago ito bumaba, nasa kumpanya ang mga magulang ni philip kaya't muli ay siya ang mag-isang kakain ng agahan. Dipende na lamang kung sasabayan siya ng kanyang yaya. Mula sa dulo ng hagdan ay bumaba roon ang masiglang binata, malaki ang kanyang ngiti bago tumungo sa mesa at umupo sa pwesto nito. Nagtataka si manang corazon sa inakto ng alaga, nakangiti si philip kahit wala ang kanyang mga magulang. ”Mukhang maganda ang gising mo?” inilapag ng ginang ang mainit na gatas sa harapan nito, hindi siya nakatanggap ng reklamo bagkus ay sumsimsim pa ng nakangiti ang binata. ”Maganda ang tulog at gising ko, yaya corazon.” hindi mapawi-pawi ang ngiti ni philip, iniisip nito ang nangyari sa dalawang araw ng lumipas. ”Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?” ”Hindi pa, but i meet her lola last day, hangga ngayon natutuwa ako dahil feel ko nagustuhan ako ng kanyang lola.” tumango-tango ang ginang sa sinabi nito. ”Mabuti naman at nakilala mo ang isang miyembro ng kanyang pamilya, maganda iyon dahil hindi nito iisipin na sa labas mo lamang nililigawan ang apo niya.” Nakangiti si philip ng sumandal sa upuan. ”Pagkatapos ng event ay didiretso kami sa bahay ng kanyang lola, doon kami kakain dahil nasabi nitong magluluto ang kanyang pinsan.” ”Talaga ba? kung ganon, baka gabihin ka na?” ”Maybe yes, I really want to spend my time with her, gusto ko rin makilala ang pinsan niya at makabonding ang lola nito.” ”Tama ang ginagawa mo.” ”Ano ba ang karaniwang pasalubong ang nagugustuhan ng mga lola?” napaisip bigla ang ginang sa tanong ni philip. ”Kung para sa'kin, mas gugustuhin ko ang pagkain, ngunit dipendi iyon sa hilig ng kanyang lola.” ”I want to give her a gift, pero hindi ko alam kung anong ibibigay ko.” ”Bigyan mo ng kwintas, o kaya naman damit.” ”Mas gusto ko ang kwintas, yaya corazon.” nakangiti si philip ng umayos ng upo, nananabik siyang matapos na ang event sa fatima upang makasama na nito si trixie. Kaya't minadali niya ang kanyang pagkain, sinabayan siya ng ginang habang pinag-uusapan pa rin ang tungkol sa plano ni philip. Natapos siya kasabay ang ginang, madali itong nagpa-alam na tutungo ng unibersidad upang hindi mahuli sa laban. Today is foundation day of fatima, kumpyansa siya sa sarili na maipapanalo nila ang laban sa basketball. Ilang araw din silang nag-ensayo, at dahil may inspirasyon ito ay lalong nabubuhayan ang lakas ng kanyang loob. ”Mag-uumpisa ang cheering bago ang laban.” nilingon ni philip si stanlee habang prenteng nakasandal, maraming tao sa gym. Habang siya ay nagwawarm up upang makapag-handa sa laban. ”Saan gaganapin iyon?” ”Dito sa gym.” umayos ng upo si stanlee ng tumabi sa kanya si apollo, madaling kumunot ang noo ni philip ng makita ito. ”Pinopormahan mo pa rin ba si trixie?” nag-angat ng tingin si apollo, walang ekspresyon at tamad na tamad na nakatingin rito. ”Hindi, mukhang ikaw naman ang gusto niya.” ”Ofcourse, Ako ang gusto ni trixie, dapat lang na tinigilan mo na ang kakaporma sa kanya.” ”Gusto ko pa rin si trixie, hindi dahil sa huminto ako ay hindi ko na muli siyang liligawan pa.” Madaling naghimutok si philip sa sinabi nito. ”Manligaw ka hangga sa gusto mo, iiwasan at iiwasan ka rin naman niya! Pero sa oras na maging kami ay hindi ka na maaaring lumapit pa sa kanya!” ”Tsk, today is battle of basketball, not a competition about love! Pwedi bang tumigil kayo!” nilingon nila si stanlee na naiirita sa kanilang pagtatalo, ngunit hindi rin naman sila umimik dahil tamang laban nila ngayon at kailangan magkasundo sila. ”Babae lang ang pinagtatalunan niyo!” namamangha silang dalawa sa sinabi ni stanlee. ”Palibhasa'y hindi ka marunong makuntento sa isang babae.” apollo hissed an answer, naiiling na nakangisi si stanlee dahil kailanman ay hindi pa siya nahumaling ng husto kahit kanino. ”Just let the woman chase for your attention, put it on your mind.” Tumayo si stanlee at hindi pinansin ang dalawang binatang may kunot ang noo, kalaunan ay nailing sila bago malingunan ang isang grupo ng cheering squad. Sila ang CS2 sa kursong architect, pinangungunahan iyon ni samantha vargas na siyang lider ng squad. Maganda ang kanilang kasuotan sa unipormeng dilaw habang naglalakad patungo sa kanilang pwesto. Kasunod nila ang cheering squad group 3 na kinabibilangan ng holy cross university. Tatlong squad lang naman silang maglalaban upang magkaroon ng puntos sa kanilang grado. Iyon rin ang partisipasyon nila sa anibersaryo ng fatima. Ngunit ang kanyang pagmamasid sa mga nagdaraang miyembro ng grupo ay may isang dalagang umagaw sa kanyang atensyon. Wala itong magawa kundi mapatitig ng matagal sa babaeng madalas niyang kainisan, ngunit ang iritasyon nararamdaman niya noon at tila humupa na parang baha, hindi nito masabi ang kung anong bumalot bigla habang naglalakad ang grupo nila winter. Katabi nito sa calix na may magandang ngiting nakatingin sa dalaga, nang mapansin nila si apollo ay doon tumungo si calix buhat ang bag nilang dalawa ni winter. ”Is that you, winter?” maging si apollo ay nagtatakang nakatingin sa dalaga, ganun din ang reakyon ni philip na tila nawalan ng imik sa pagbabagong anyo bigla ng dalaga. ”Si winter lang yan, don't praise her new look, baka mahiya 'yan.” nailing lamang ang dalaga sa sinabi ni calix, kapag kuwan ay lumingon ito kay philip na hangga ngayon ay walang masabi. Sa kagandahan ni winter ay hindi nito maisip na matutulala siya, maayos ang mahabang straight nitong buhok habang may simpleng kolorete sa mukha, idagdag mo pa na nagsisilabasan ang mapuputi niyang hita sa suot nitong uniform. Noong una'y nahihiya ang dalagang isuot iyon, ngunit dahil pinalakas ni trixie at calix ang kanyang loob ay pilit nitong nilabanan ang hiyang bumabalot sa kanya. Nais rin nitong ipamukha kay philip na hindi siya susuko, na hindi siya magpapatalo at gusto nitong siya mismo ang mapahiya sa sarili niyang ginawa. ”Pupuntahan ko na ang mga ka-grupo ko..” iyon ang sinabi ni winter kay calix habang bahagya siyang lumilinga sa paligid, maraming tao dahil matapos nito ay basketball ang siyang maglalaban. ”Okay, goodluck..” ngumiti si winter kay calix, gaya ni philip ay namamangha rin si calix sa anyo ng kaibigan, ngunit mas malubha ang reaksyon ni philip lalo na ng sulyapan siyang muli ni winter. Napalunok siya bago mag-iwas ng tingin. ”Gagalingan ko para sa mga taong inaakala nilang mahina ako..” isinambit iyon ni winter habang nakatitig sa binata, hindi maiwasang tumingin muli ni philip dahil kusang gumagawi ang mata niya sa dalaga. Kumurap siya bago magsalita. ”Why are you looking at me!” he asked, trying to eased what his suddenly feel. ”Ikaw ang nakatingin sa akin, ashong..” it was winter answered, full of confident and she wants to teased ashong truely. ”Are you s-saying that im looking at you!” ”Tsk..” bumaling sa gilid ang dalaga, hindi na nais patulan pa si philip kaya't kay calix na lang ito tumingin. ”Doon na ako, manonood ako mamaya..” ”Sure..” calix trying to calm for what philip did, hindi nito nais singhalan ang binata sa harapan ni winter. Kaya ng tumalikod ang dalaga ay doon lamang niya kinompronta ang binatang masamang nakatingin kay winter. ”Why do you treated winter like that!” philip glanced at calix, kunot ang noo na tila iritable sa binata. ”How do i treat someone arrogant as her?” ”You should not talking her in that way, philip. I know what you did and I got over it!” natawa si philip sa sinabi ni calix. ”Sa akin ba alam mo kung anong ginawa niya?” hindi kumibo si calix kundi masamang tingin lamang ang pinukol nito sa binata”Nang dahil sa kanya nasuspendi ako, because of her daddy came here to face the dean's office, It's also her fault because she hide my license!” ”Ang babaw masyado ng dahilan mo, philip!” ”Tsk, deserve niya rin naman tumungo ng dean office, ayaw ba niya sa mga regalo ko? Kasalanan niya kung bakit kami tumungo ng dean!” kunot na kunot ang noo ni calix sa pinagsasabi ni philip, sa totoo lang ay limitado lamang ang nalalaman ni calix, hindi nito alam kung anong regalo ang pinagsasabi niya. ...”Nagagalit ka dahil isinali ko si winter dito? Mukhang enjoy naman niya, nagpaganda pa!” Madaling hinablot ni calix ang kwelyo ni philip, masama ang tingin at hindi nito inaasahang siya ang dahilan kung bakit narito si winter. ”You are the reason why she entered the cheering squad! You're d*mbass!” ”Akala ko ba alam mo?” ”That's not what i'm talking about, philip. I saw the video, you kissed her!” ”E ano ngayon?” Natatarantang pumagitna si apollo ng aakmang sumuntok si calix, nakaawat din si stanlee ng mapansing nagkakagulo na ang dalawa. ”What is this again Philip!” stanlee yelled at philip, masama ang tingin habang pinaghihiwalay na ang dalawa. ”Why are you blaming me, he started it!” nakaduro si philip kay calix, masama ang tingin niya at nais nitong gulpihin ang binata dahil sa nalaman. ”Pinalagpas ko ang ginawa mo kay winter, pero sumusobra ka na!” ”We're just playing calix, mukhang sports naman ang kaibigan mo dahil may gusto siya sakin!” Calix suddenly laughed for what Philip said. Naiiling ito bago tingnan ang binata. ”Winter won't like someone like you, dream on!” hinawi ni calix ang kamay ni stanlee bago tumungo sa harapan kung saan mag-uumpisang sumayaw ang grupo nila samantha. Ngunit itong si philip ay hindi humuhupa ang kainisan sa kanyang sistema, tila madaling napawi ang masayang nararamdaman niya kanina dahil lamang sa dalawang iyon, binitawan siya ni apollo bago singhalan. ”Alam ko ang ginagawa mo kay winter, tama si calix. Sumobra ka, hindi sapat na basehan ang nangyari sa inyo para lamang tratuhin mo ng ganito si winter.” "Pwedi bang huwag ka ng makisali pa!” ”Tsk, Palibhasay hindi mo kilala si winter, you should make a move to get close to her, malay mo sagutin ka ni trixie..” nilagpasan siya ni apollo na naiiling, naguguluhan siya sa sinabi ng binata habang papaumpisa na ang maingay na musika. Paano siya sasagutin ni trixie sa tulong ni winter? Natawa siya bigla bago tumungo sa pwesto ni jacob na walang imik na nakapandekwatro. Halatang naiinip ang binata kaya hindi na niya ito kinausap pa, nais niyang magtanong kung paano nito napasagot si shaira. Ngunit alam niyang pwersahan ang nangyari kaya't hindi na lamang ito kumibo. Nagsisimula na rin pumwesto ang grupo ni samantha sa gitna, magaganda at sexy ang grupong nangunguna kaya hindi nito maiwasang matawa. ”Anong akala niya? Mananalo siya dahil nag-iba ang kanyang dating?” nilingon siya ni jacob ng magsalita ito, kunot ang noo. ”Are you reffering to your crush?” ”W-what crush!” ”Did you like her?” ”A-anong l-like, s-sino!” ”Tsk.” umirap si jacob at hindi na nito sinagot pa ang kaibigan, ngunit hindi siya maka-get over at nais nitong iklaro kung sino talaga ang gusto niya. ”I like trixie, yeah. I really like her.” ”I thought its winter.” ”What the f*ck are you saying!” ”I saw you earlier, you was amazed by her looks, she's beautiful compare when were last i saw her..” ”HAHAHAHA!” natawa si philip, pilit pinapahupa ang sitwasyon. ”Hind ako namangha, nagulat lamang ako na pwedi palang mag-ivolved ang gaya niya!” ”She's definitely fit on you, just stop arguing if you don't like her, your too deffensive..” ”H-hindi ako dipensado, kung ikaw kaya. Bagay kayo ni samantha!” Masama siyang tiningnan ni jacob. ”Do you really want to make this worst?” ”Ang pikon mo!” Umayos ng upo si philip at hindi na nakipagtalo sa kaibigan dahil nag-uumpisa na rin namang mag-ingay ang cheering squad sa gitna, magaling sila sa kanilang steps, dalawa ang sumisigaw sa itaas bago sila paikutin. Ngunit umiikot ang kanyang paningin at doon sa grupo ni winter dumapo ang kanyang mata, focus lamang ang dalaga sa panonood. Tila walang bakas na pangamba sa kanyang mukha habang prente lang siyang nakatayo. Napailing si philip bago sumandal, iniisip nito na baka magaling talagang sumayaw si winter o di kaya naman ay naranasan niya ng maging cheer leader. Pero hindi, isa lang siyang loser nerd, Isang babaeng manang manamit at kung titingnan ay parang hinukay ng manok ang kanyang buhok noon, paano niya maiisip na marunong siya sa ganito at may itinatago siyang ganda sa katawan. Napahilamos siya sa mukha. ”Anong maganda, she'll never been beautiful!” nilingon siyang muli ni jacob, salubong ang kilay sa kaibigan na parang nasiraan bigla. ”That's what im pointing, philip. She really shoot your heart..” ”SHUT UP SHUT THE F*CK UP JACOB!” Natatawa ang kaibigan nito bago muling magfocus, ngunit siya'y tila sinilaban at hindi mapakali. Pinilit na lamang nitong kumalma sa pamamagitan ng pagbuntong hininga. Mahigit kalahating oras yata siyang ganoon bago isigaw ng representative host ang huling grupo, at walang iba kundi sila winter. They're all preffer ready, nakatali na ang buhok ni winter habang nangunguna ito sa linya. Nakangiti na hindi niya madalas makita sa dalaga, kitang kita nito ang mukha ng dalaga dahil wala itong bangs, ang kanyang mata'y todo kung kumislap dahil wala na itong suot na salamin pa. Kumunot ang kanyang noo at pumaling ang ulo, mariin ang titig nito sa dalaga habang hinahagod ang kanyang kabuuan. Napaisip siya ng sandaling iyon, bakit makinis ang kanyang binti? May igaganda pala ang kanyang katawan? Muli siyang nag-iwas ng tingin, kunot ang noo at hindi na sinuri pa ang dalaga. Nakikiramdam siya sa kanyang paligid kung siya lang ba ang nakakapansin kay winter, ngunit agaw atensyon masyado ang tugtog na kanilang ipeperform sa gitna, maingay ang drum ng musika at doon na nag-umpisang sumayaw ang huling grupo. Hindi nito nais mamangha, ngunit kahit hindi mahilig sa cheering competition ay makukuha talaga nito ang atensyon mo dahil sa galing ng kanilang bawat kilos, napapalunok siya sa bawat indayog at ngiti ni winter, kakaiba ang dating nito ngayon kumpara sa madalas niyang ayos, ayaw man nitong aminin ay bigla siyang namangha. Sa kahuli-hulihang performance nila winter ay pumalakpak si jacob, nakangiti itong nilingon si philip na may pang-aasar na tingin. ”They're good..” jacob commented, but philip ignore what he said. Hindi niya pinansin ang kaibigan dahil masayang masaya ang grupo nila winter sa gitna dahil sa pagtatapos ng kanilang performance. ”I know what have you done to her, Giovanni told me about that..” he glanced at jacob who still have a teasing look. ”You join her in the group, ikaw ang nagpasok sa kanya rito..” ”Because i want to make her pissed, ang daming atraso sakin ng babaeng iyan!” ”Tsk, babae pa rin yan. You don't need to feel pity on yourself if she's fooling you..” Umismid si philip, hindi kumbinsido sa sinabi ni jacob lalo na ngayon. Bakit hindi sinabi ng dalaga na marunog siya dito? Gusto ba nitong ipamukha sa akin na nagkamali ako? masyado siyang mayabang, akala mo kung sino. ”Where are you going?” jacob asked when philip trying to walk away. ”The game will going to start” ”Tatawagan ko lang si trixie..” bumaba siya sa kanilang pwesto, kinukuha nito ang cellphone sa bulsa at balak sanang tawagan si trixie ng makita niya na ito. Ngunit hindi niya malaman kung bakit si winter ang kinakausap niya, they know each other? o baka naman nais lang magpapansin ni winter kay trixie. Hindi na nito tinangka pang lumapit, naiinis siya at feeling nito'y ngingisian siya ni winter sa oras na magkita sila, sa huli ay bumalik siya sa pwesto habang hinihintay ang result bago mag-umpisa ang laro ng basketball. Nagtagal ng kalahating oras ng mag-announce ang head ng fatima, and he won't believed for what the results take. The CS1 has won, at iyon ang grupo nila winter na gustong-gusto ng karamihan, they're all shouting on her jersey number 27. Hindi maiwasang matawa ni philip bago sila tawagin ng kanilang coach. The cheering squad one is their cheerer for todays game. At si winter ang nangunguna roon, naiinis siya na di nito mapangalanan. Hangga sa mag-umpisa ang laro ngunit sablay karamihan ang kanyang hulog, kung hindi lamang bihasa si jacob ay baka nawalan na sila ng puntos dahil sa kalutangan niya. ”Ipasa mo naman sakin ang bola!” calix is almost shouting after the 3rd quarter game, hindi niya ito pinansin dahil damay siya sa init ng kanyang ulo. ”Tama si montemayor, philip! Marunong kang magpasa kung hindi mo malusutan ang dumedepensa sayo!” mainit ang ulo ng karamihan sa kanya, ngunit hindi ito nagbigay sagot kundi uminom lang siya sa kanyang mineral water. ”Huling quarter na ng laro, huwag naman sana na halos si jacob lang ang nakakapuntos at si calix!” kunot ang noo niya sa kanilang coach, nakapuntos naman ito ngunit mabibilang lamang. Mas angat din naman ang kanilang score kumpara sa Holy cross team. Ngunit nawalan na ito ng gana kaya't nais na niyang matapos ang laro. Gusto na nitong umalis at magpahangin sa labas, kaya sa umpisa ng 4th quarter ay hindi na ito nag-paapekto pa, dire-diretso na ang laban hangga sa maipanalo nila ang unang laro, agaran itong tumungo sa kanilang pwesto at walang ganang kinuha ang kanyang bag, nagsasaya ang karamihan habang silang dalawa ni jacob ay walang pakialam. ”Are you going to the booth?” jacob asked, pinupunasan niya ang kanyang pawis ng abutan siya ng isang babae ng tubig, hindi tinanggap ni jacob iyon kaya napapahiya ang dalagang umalis. ”Tsk, pupuntahan ko si trixie, may laro sila sa field..” ”Your not going to join on their booth, hindi ba nagprisinta kang sumali?” ”Ikaw na lang, ayoko na doon kung naroon siya..” hindi siya maintindihan ni jacob, ngunit hindi na nag-usisa pa hangga sa lumisan siya sa loob ng gym, tila kinukulong siya kung hindi pa ito lalabas doon, nais niyang lumanghap ng sariwang hangin at huminga ng malalim. Napadpad ito sa field na may naglalarong soccer at volleyball, pumuntos si trixie ng makita niya ito. Hindi na nanuod si trixie na cheering dahil na rin may laban pa sila sa volleyball, kaya ng makita niya si philip ay daglian niya itong nginitian, pilit na ngiti naman ang isinukli ng binata bago ito maupo sa lilim ng puno. Ngunit sa sistema niya ay hindi nito nilulubayan ang dalagang gumulo sa kanyang araw, napapasinghal siyang lumingon sa gilid. Napahilamos ito bago bumuntong hininga. Sa huli, nagfocus na lamang siya sa dalagang naglalaro upang mawala ang pag-iisip niya kay winter. Itanggi man niya ay wala siyang magagawa, naiinis siya hangga ngayon kaya't kahit tapos na ang laro nila trixie ay lutang siyang nakatulala sa malayo. ”May lakad kami ng mga ka-grupo ko, pweding mamaya na lang tayo magkita?” himala na hindi siya nainis sa sinabi ng dalaga, hindi rin naman siya makakaharap sa lola nito kung sakaling ganito ang kanyang pag-iisip. ”Sure, magtext ka na lang sakin..” ”Sige, thankyou. By the way, congrats pala sa laro niyo, panalo kayo..” ngumiti si philip. ”Thankyou, congrats too. Your good..” ”We can celebrate later, pero hindi ko kasi matanggihan ang mga group mates ko, see you later?” ”Hm, it's okay. take your time, just text me..” ”Thankyou, talaga..” nag-ngitian sila bago mag-paalam si trixie upang sumama sa kanyang grupo at coach. Nanatili namang nakatayo ang binata at hindi nito nais umalis kung nasaan man siya. Iniisip nito na kung tutungo siya sa booth ay baka naroon si winter, naiinis siya bigla dahil naisip niyang bakit kailangan nitong iwasan ang dalaga? Napahagod siya sa kanyang buhok bago ito mahiga sa ilalim ng puno, maaliwalas at mahangin kumpara sa lugar na kinaroroonan niya kanina, tahimik na rin dahil wala ng naglalaro. Ngunit masyado talaga siyang apektado sa bagong anyo ni winter sa pagpikit niya. HAPON na ng tumungo si philip sa booth nila shaira, tapos na ang event kaya't naabutan na lamang niyang nagliligpit na ang grupo ni shaira. Lumilinga ito upang tingnan kung naroon man si winter, ngunit wala siya. Siguro'y hindi na ito nakapag-participate dahil nagyayabang na siya, iyon ang nasa isip ni philip habang naiiling. ”Palibahasa, magpapasikat!” bumubulong ito bago matapos ang pagliligpit, tinulungan nilang magpasa si shaira at bago sila lumabas ng fatima ay kanya-kanya sila ng pamamahinga sa hardin malapit sa library. ”Panalo ang grupo niyo, may finals ba?” nagtanong si noah habang nakapalibot sila sa mesang bato na may mapulang burda. Tumango si philip. ”Sa holy cross iyon gaganapin..” tumango-tango si noah sa sagot ni philip, ngunit dahil pansin niyang wala sa kundisyon ang kaibigan ay si shaira na lamang ang nilingon nito. ”Nilagay ko ang number ko doon kung sakaling may makakuha ay tatawagan niya ako..” iyon ang ibinigkas ni noah, tinutukoy iyong ticket na may sticker na puso. ”Pero wala pa?” sumabat si philip, nais niyang malibang upang mawaglit sa kaisipan niya ang nangyari ngayon. ”Wala pa..” tugon ni noah habang iniikot niya ang kanyang cellphone, hindi nila maiwasang manahimik sa pag-iingay ng mga player na dumaan, they're all cheering group ang volleyball representative, hindi iyon pinansin ni philip dahil tutok na tutok siya sa kanyang harapan. Hindi nito nakitang lumapit si winter dahil kabilang siya sa mga grupong dumaan kanina. ”Pasensya na at hindi ako nakapag-cooperate kanina..” nag-angat ng tingin si philip at doon muling nairita, nais niyang iwaglit sa isipan ang dalaga ngunit eto siya at magpapakita na lang bigla. ”Mabenta naman kahit wala ka..” ani philip, pilit pinaparamdam ang iritasyon sa dalaga. ”Hindi ko hinihingi ang sagot mo..” natawa ang mga kaibigan ni philip sa sinabing iyon ni winter, lalo siyang nainis. ”Kaya wag kang sumabat..” "Feel mo ba sikat ka na niyan dahil nanalo kayo?” ”Hindi iyon ang nararamdaman ko, ikaw ba?” hindi nagpatalo si winter sa binata, lalo lamang naiinis si philip lalo na at pinagtatawanan siya ni giovanni. ”Ang yabang mo talaga.” ”Wag kang mag-alala ashong, mas mayabang ka..” Tumalikod ang dalaga matapos sabihin iyon, nagkukumahog ang galit niya sa patuloy na pag-aasar sa kanya ng kaibigan. Ngunit maa matindi ang inis na bumabalot sa kanya dahil madali lamang siyang mapikon ng dalaga. Sa paglisan ng dalaga ay tumayo rin ito, madaling nakasunod sa kanya si giovanni dahil balak pa niyang asarin ang kaibigan. “If i were you, I will court her instead of pissing and playing around with her..” ”Shut up vans, shut up!” Giovanni laugh. ”Sasabay ka sakin?” bumuntong hininga si philip bago hugutin ang kanyang cellphone, laking pasasalamat niya ng makitang may message na si trixie at naroon sa parkinglot naghihintay. ”Ihatid mo kami ni trixie sa bahay nila..” ”Woah, ginawa niyo pa akong third wheel!” ”Para mawala ang init ng ulo ko sayo, ihatid mo na kami..” naiiling si giovanni dahil sa inasta ni philip, ngunit wala din naman siyang nagawa dahil hindi nito matiis ang kaibigan. ”Kailan mo ba mababawi ang kotse mo?” nagkibit balikat si philip habang tinatahak nila ang daan patungong parkinglot. ”Hindi ko alam kay daddy..” ”Kausapin mo kasi ng maayos..” ”Tsk, maayos naman ang paki-usap ko, pero susubukan ko, ayoko lang na may masabi na naman siya..” muling nailing si giovanni dahil sa ugali ng kaibigan, mataas ang pride at ayaw magpakumbaba. ”Try to down your pride, ashong.” sinamaan ni philip ang nang-aasar ng kaibigan, bakit ba pilit na lang nilang pinapaalala ang babaeng iyon! ”Stop mentioning that!” ”Oh, ayan na pala..” natatawa si giovanni dahil ang bilis mag-init ng ulo nito, nilingon ni philip ang tinutukoy ng kaibigan at doon nakita na nito si trixie na naghihintay nga sa kanya. ”Kanina ka pa?” philip asked her, nais niyang mapawi ang init ng ulo sa paraan ng pakikipag-usap niya kay trixie. Ngumiti ang dalaga. ”Hm, pasensya na kung natagalan..” ”Ayos lang, shall we go?” ”Sure, naghihintay na si lola at baka nakauwi na rin ang pinsan ko..” tuluyan ng nanabik si philip dahil sa sinabi ng dalaga, paniguradong makakalimutan na nito ang nangyari ngayong araw dahil uubusin nito ang oras sa babaeng nililigawan niya. Lulan ng kotse ni giovanni ay tinahak nila ang village kung saan nakatira ang lola ni trixie, inimbitahang pumasok ni trixie si giovanni ngunit hindi na ito pumayag dahil baka mainip lang siya at istorbo sa balak ni philip. Sa huli ay nakatanggap siya ng masamang tingin sa kaibigan bago lumisan. ”May bisita ka pa ba bukod sa akin?” pansin ni philip ang kotseng nakaparada sa harapan, tumango si trixie. ”Maybe my cousin suitor, tara pasok tayo..” Humakbang si trixie at nagpaunang pumasok, gaya dati ay dumiretso ito sa kanyang lola upang magmano. Nakasunod naman si philip rito at gaya ng dalaga ay ganun rin ang kanyang ginawa. Ngunit sa mesang kinaroroonan ng dalawang bultong nagtatawanan ay doon napalingon si philip, hindi ito makapaniwalang makikita niyang muli ang babaeng gumugulo buhat kanina sa kanya. ”Oh, hi!” trixie greet her cousin, hindi makapag-bigay reaksyon si philip dahil nahihiya siyang gumawa ng eksena sa harapan ng lola ni trixie. ”By the way, this is Ashton Philip Falcon. Maybe you know her, specially calix..” tumango si calix habang nasa tabi ni winter, abala sila sa ginagawa ngunit hindi nakatakas sa paningin ni philip ang pag-ngisi ni winter. ”Kilala ko siya, kilalang-kilala..” winter exposed her answered, she's totally smirking for what philip reaction. ”Y-you know her?” doon lang naglakas loob magtanong si philip kay trixie, inosenteng tumango ang dalaga bago ipakilala ang pinsan. ”She's my cousin that i told you before, winter dominguez villapania..” ”C-cousin?” Matunog ang pag-ngisi ni winter kaya't napalinga roon ang paningin ni philip. ”Nice to see you again, Ashton Philip..” **** to be continued.. sorry slow update, busy lang po talaga ako pero di ako mag-leleave sa pagsusulat. Peace of mind ko na'to, kaya sa mga nakakaintidi sa akin salamat ng bongga. ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD