Winter Pov.
(Letter)
Patapos ang buwan ng july ngayong araw, ang bilis ng panahon pero tila'y walang pagbabago pa rin ang pakikitungo ng lahat sa'kin. Tatahakin na ng augusto bukas ang araw ngunit heto't ako ay wala pang pormal na uniporme. Naki-usap ako sa ilang professor na sana'y bigyan pa ako hangga sa katapusan ng augusto, baka doon pa ako magkapera at hindi ko rin naman nais mang-hiram kay tita raquel, ayaw iyon ni papa.
”Si trixie unipormado na, ikaw wala pa ba?” inaayos ko ang aking salamin na nabili ko lamang malapit doon sa bagong bukas na store, isang araw ay hindi ko nasuot ang luma ko'ng salamin dahil bumigay na at nasira.
”Hindi po libre ang uniform sa fatima, lola..” tumango tango si lola, mahal ang uniform. Ngunit balak ko lang kumuha ng dalawa at iyon ang pagsasalitan ko sa buong linggo, saka ko na siguro daragdagdan kung umapak na ako ng 4th year.
”Ang mahal naman pala sa skwelahang iyan, bihasa naman ba ang mga iyong guro?”
”Opo, la. Marunong po sila sa pagtuturo..” totoo ang sinabi ko, lahat ng guro doon ay may ibubuga. Hindi kulang sa kagamitan ang fatima, kumpleto sila at bawat silid ay may sariling aircon.
”Kailan ka ba padadalhan ni henry?” she's reffering my father, naka-usap ko naman na si papa at mama noong isang gabi. Iyon ang sabi nila, sa augusto ng katapusan pa nila ako mabibigyan ng pera kaya kailangan pagkasyahin ko ang pera na meron ako ngayon
”Sa katapusan pa, la. Wag niyo na pong masyadong isipin 'yon. Naki-usap naman ako sa mga proffessor at ayos lang sa kanila..” tumango si lola, nakakalungkot man na madalas siyang maiwan dito ay wala akong magagawa. Hindi naman din pweding huminto ako habang sinasamahan siya sa bahay, kinumbinsi siya ni mama na umuwi na roon sa probinsya ngunit hindi nito nais iwan ang bahay ni lolo.
Inawanan ko ng makaka-kain si lola bago umalis, at saka. Maraming pagkain sa ref at prutas na madalas dalhin ni trixie, noong isang gabi ay nakitulog siya sa bahay dahil biglang nagka-problema doon sa kuryente ng transformer malapit sa kanila, dalawa naman na ang kwarto dito at magkasama kami ni trixie sa kwarto.
Natural ay hindi ko piniling magkatabi kami, ang sabi nito ay ayos lang na magtabi kami sa kama. But i refuse, naglatag ako ng makapal na comforter sa lapag at doon namahinga. Payapa naman sana ang gabing iyon ngunit biglang nagising ang diwa ko sa pagtunog ng cellphone ni trixie.
Natutulog siya ng tumawag ang ashong na 'yon, sa inis ko dahil istorbo siya sa tulog ko'y sinagot ko iyon at pinagsalitaan siya ng nais ko. Binaba ko ang tawag at pinatay ang cellphone ni trixie ng gabing 'yon, sino ba ang matinong lalake na tatawag sa dis-oras ng gabi?
”Wen!” it's was calix voice again, kaya't ayokong nagpapahuling pumasok ay malamang makikita ko siya, hindi kasi ako ready pag umagang ganito. Hindi pa yata maayos ang mukha ko kahit bihis na at patungo na ng fatima.
”Sakay na!” lumakad ako palapit at agad ng binuksan ang pinto, wala din naman akong magagawa kung tatanggi pa ako, mapilit ang isang 'to.
”Bago na naman 'yang salamin mo, hm?”
”Oo, binili ko kahapon..” nilingon niya ako habang nagmamaneho, alas siete na at ang klase namin ay alas siete y'media pa. Hindi pa ako late.
”Mas gusto ko 'yung ayos mo noong isang araw, hindi mo suot ang salamin mo..”
”Hindi ako sanay, cal..” natawa siya at panandalian akong binalingan bago mag-focus muli sa daan, lumiko siya sa kalsada patungo ng fatima.
"Sanayin mo kasi ang sarili mo, ang ganda mo kaya..” feel ko ang pag-iinit ng aking pisngi, ang nararamdaman ko sa aking dibdib ay hindi na husto sa tamang proseso, simpleng salita mula sa kanya ay tila iyon ang susi para maging buo ang araw ko.
”B-binobola mo ba ako?” hindi ko maaaring tanggapin ang kanyang sinabi, lahat ay hindi sinasabi sa'kin 'yon. At baka pinapalakas lang ni calix ang loob ko.
”I'm saying the truth wen, maganda ka talaga. Simple lang ang 'yong ayos pero kung magiging gaya ka ni trixie sa pag-aayos, mas maganda ka pa sa kanya..”
I pouted my lips, ni wala akong kolorete sa mukha o ano mang bagay na dapat ay ipahid doon. Hindi gaya ni trixie na kumpleto ang gamit pagdating sa pag-papaganda.
”May bagong bukas na coffee shop malapit dito, gusto mo bang bisitahin mamayang breaktime?”
Ipinarada niya ang kotse sa parkinglot, nasa fatima na kami at halos ang dami ng studyante.
”Alas diyes ang vaccant ko ngayon..” pinatay niya ang makina bago lumingon sa'kin.
”Ganun ba? T'wing lunes pala ay iba ang sched. mo?”
Tumango ako. ”Lunes lang naman.”
”Sayang, maybe after class?” tipid akong ngumiti, hindi nais ipakita na ang laki ng epekto niya sa'kin.
”S-sige..” ngunit ang tinig ko'y hindi na naitago, sa gwapo ni calix ay nagtataka ako kung bakit hangga ngayon ay wala pa siyang girlfriend, madalas ko siyang kasama dito. At kung minsan ay may mga babae ng kusang lumalapit sa kanya ngunit hindi siya interesado.
Kasabay ko ang advicer naming dumating, nginitian ako nito bago ako tumuloy sa upuan ko malapit sa bintana, nasa ikatlong row ako sa silid. 27 classmate at nasa pang 28 ako, karamihan ay babae at ang ilan ay medyo may pagka-babae. My advicer check the attendance, walang absent at present ngayong lunes. Ngunit may surprise resitation ito bigla sa t'wing tinatawag niya ang pangalan namin.
”Deborah Millari..”
”Present, sir..” katabi ko siya sa gilid ko, may isang space na upuan at hindi kami tuluyang nagkakatabi. She's beautiful, ngunit gaya ko ay hindi siya pala-imik sa klase.
”Why did you choose BSED major in science?” iyon ang tanong ng advicer, tumayo si deborah ngunit hindi agad nakasagot.
”Because, I love science..” it's that her answer, singkit ang mata nito at wavy ang buhok. Iyon lagi ang sagot ng mga classmate ko bago matawag ang kahulihang pangalan.
And it's me, villapania.
”Same question, Winter villapania..”
Tumayo ako, hindi naman na ako nahihiya dahil sanay ako sa recitation. I'm top student on nueva ecija before, at itong science ang paborito ko. Karamihan ay gusto ko, ngunit mas sabik ako sa mga formula at bawat table of contents.
”Because i saw my capabilities on the field of science, sir..” tumango tango siya, nakangiti sa'kin.
”I see, you have a high average based on your record. Dean lister ka sa nakaraan mong university?”
Simple akong tumango. ”Yes sir..”
”Oh, magaling. Next week we need a class officer bago mag-umpisa ang foundation day..” natutuwa ang ilang studyante sa loob dahil need na namin ng officer, it's not a pleasure for me. Ayos lang sa'kin kung mapabilang ako muli sa officer dahil sanay naman na ako noon pa man.
Maraming discussion ang naganap sa dalawang subject na nagdaan, ang advicer namin ay nag-iwan ng assignment ukol sa research about history of science.
At dahil nakuha ko na ang librong iyon sa library dahil alam ko'ng magagamit ko iyon soon ay hindi na ako mag-iisip pa.
Naalala ko na naman ang araw ng kunin ko'yon, dahil may kakapalan ang libro ng mga science ay nasa mataas na bahagi pa, nahulog tuloy ako dahil biglang nagsalita si ashong sa likuran ko, ang asungot na'yon ay madalas magpakita sa'kin.
Ngunit natutuwa ako sa reaksyon niya noon, hindi ko iyon intensyon sabihin ngunit tila'y naging tensyonado siya bigla, ang sarap talagang asarin ng lalakeng 'yon.
”Excuse me?” nag-angat ako ng tingin sa tinig ng isang babae, mataray, nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin.
Sa likuran niya ay may apat na babaeng gaya niya ay nakataas din ang kilay na nakatingin sakin.
”This is our place, who told you to sit here?” bumuntong hininga ako bago mag-iwas ng tingin, nasa cafeteria na ako at eto'y pinapaalis yata nila ako sa pwesto daw nila kuno.
Tumayo ako, dinala ko ang tray ngunit hinarang niya ang kamay sa daraanan ko upang mahinto ako.
”Akala ko mo kung sino ka, huh..” hindi ko siya inimikan, nakatingin lang ako dito habang nagtataray na ang mga kampon niya sa likuran. ”Sa susunod na makita pa kitang naka-upo sa pwesto ko, hindi ka na makaka-kain pa dito!”
Iniwas ko ang aking paningin, sino ba siya? Pag mamay-ari ba nito ang cafeteria?
”Alisin mo na ang kamay mo..” banayad lamang ang aking pagkakasabi, hindi ko nais maging marahas gaya niya. Kapwa lang kami studyante dito ay lahat kami'y may karapatang maupo kung saan namin nanaisin, ngunit dahil sapat ang kaisipan ko ay hindi ko na siya papatulan pa.
”Hindi mo ba ako kilala?”
”Hindi tayo magkakilala..” iyon ang sagot ko na tinawanan ng mga kaibigan niya.
”Sumasagot pa talaga..”
”Bigyan mo nga ng aral iyan, samantha!”
”Ang panget lang, ang tapang!”
At ayon na ang mga aso sa likuran niya ay tumatahol na, nagrereklamo yata dahil sila'y gutom na.
”No, not now. Let's give her a chance because she's just a new student..” iyon ang sagot ng tinawag nilang samantha. ”But, i'm warning you. Don't you dare cross my way again and remember my place, get out!”
Hindi na lamang ako nagbigay komento, siguro ganyan lang talaga ang mga aso.Tumatahol naman sila kung hindi nila kilala ang tao, tsked. Immaturity hits them.
Inilapag ko na lamang sa tabing counter ang tray na may lamang pagkain na halos kalahati lang ang nabawas, wala na akong gana. At mas gugustuhin ko ng bumalik sa silid kesa tumambay pa sa cafeteria na halos pagtaasan lamang ako nila ng kilay.
Sa exit ako dumaan, sa likuran upang hindi ko na muling makita ang babaeng iyon. Ang ganda sana ngunit tumataliwas ang kagandahan niya sa kanyang ugali.
Kung sino pa ang pinagpala, ay sila pa ang nang-aapi.
Lumiko ako patungong gusali kung saan ang silid namin, sa paghakbang ko ay may papel akong natapakan. Dumikit iyon sa sapatos ko habang naglalakad ako, huminto ako panandalian at inalis iyon sa sapatos ko na tila'y may tape kaya't kumapit doon.
Ngunit ng makita ang nakasulat ay halos mapangiwi ako bago matawa.
I LOVE FOREVER, PHILIP FALCON❤️❤️❤️
Tinadtad ng puso ang papel ang lumikha dito, akalain 'mong may ligaw na love letter ang sigarilyo na 'yon. Ibang klase din ang epekto niya sa mga babae.
Ngunit, gwapo siya. Gwapo talaga at hindi ko iyon itatanggi, ngunit gaya ng ilan ay masama ang ugali, isip bata at mahilig sa laro.
Ang sarap isubsob sa ashtray.
Naiiling ako bago magpatuloy sa paglalakad, ang ihip ng hangin ay tumutungo sa destinasyon ko, tinangay ang buhok ko kasabay ng papel na hawak ko na naglalaman ng ilove you philip.
Nilingon ko ang direksyon kung saan iyon dumapo, at sa kasamaang palad ay minalas ako.
Sa dami ng tao ay bakit siya pa ang masasapulan ng papel na 'yon.
Sakto sa mukha ni ashong ang papel habang tila'y natigilan sila ni giovanni sa paglalakad.
At ng basahin niya ang papel na 'yon ay halos mapapikit na lamang ako.
May mangangarap na namang gising mamaya.
***
to be continued....
I love you, forever. Philip Falcon.
Yari ka talaga winter, wait mo ang response niya. ?