Chapter Sixteen Pigilan niyo 'ko, handa akong kalimutan ang poise ko para lang ihagis ang duguang katawan ng kung sino mang babaeng 'yon na nakapulupot sa all-around sauce ko! Kasi naman ang bagal nitong cashier na 'to, 'no. Nang sa wakas ay nakuha ko rin ang pinamili ko, nagmartsa ako palabas ng store. Kung pwede lang sanang tatakan ko na lang si Thomas ng pagkalaki-laking AKIN SIYA para wala nang lumapit sa kanya. Ang kaso hindi pwede. Grr! "Ang laki na talaga ng pinagbago mo, Tom. Muntikan na kitang hindi makilala kanina." sabi pa nung mujer. Tinawag niyang 'Tom' si Thomas ko, ha? Meh ganun? Sobrang close nila? "Hindi totoo 'yan,ah," ani Thomas na--shocks--nakangiti! Tumikhim ako tapos napatingin sila. Ayos, napansin nila 'ko kaagad. "Friend mo, Thomas?" casual kong tanong. "Ah

