Chapter Seventeen "ALAM mo, Jen, hindi ako sigurado kung matutuwa si Jeric kapag nalaman niyang kinokonsente kita sa ganito," alanganing sabi ni Sandy. Ganito kasi 'yon, itinakas ko siya sa House of Fifi para samahan akong magstalk kay Thomas at dun sa childhood sweetheart niyang mukhang langgam. May nagsuggest na reader na mangstalk daw ako. Sino ba sa inyo? Nandito kami sa mall. Malakas kasi ang kutob ko na dito lang naman sila magkikita. Ikaw na Thomas ka, pagnahuli kitang gumagawa ng pagtataksil basag 'yang salamin mo sa 'kin. Tingnan lang natin kung sino ang gagapang pauwi! Hindi kita iningatan sa puso ko nang matagal na panahon para lang ganituhin mo! Nanggigil na 'ko sa'yo ngayon pa lang! "Don't worry, Sandy. Hindi ito makakarating kay Kuya. Tsaka kahit malaman niya, hindi ka

