Chapter Eighteen "Hi, Thomas. Kamusta ang date niyo ni Corrine?" "Pardon?" Birthday na ng kung sino mang anak ng mga magulang niya. Nasa isang mamahaling hotel ang venue and good thing is pumunta din doon si Thomas but seriously, nasasaktan talaga ako kapag nakikita ko siya. Hindi kasi maalis-alis sa isip ko 'yong moment nilang 'yong ng babaeng langgam. Bakit nga ba ako nag-come up sa langgam? "Yong date niyo ni Carlene." "Celine," pagtatama niya. "Psh. Carlene, Corrine, whatever," I said and rolled my eyes. "Bakit mo naman gustong malaman?" At talaga namang nakukuha pa niyang pormalan ang tono niya, ha. Thomas, hari ka na rin ng pagka-consistent! "Masama ba? Siguro nag-enjoy kayo, 'no? Nag-mall ba kayo, nagmovie at pumunta sa isang coffeeshop?" He gave me an amused look. "How

