Ilang linggo na ang nakalilipas simula nung may nagpadala ng package si Danica. Alam kong siya iyon dahil siya lang naman ang gustong sumira ng pamilya namin. Kutob ko din na siya yung nagpapamanman ng mga kilos namin.
Habang naglalaro kami ni Daneyel sa may playground sa likod ng bahay ay may natanggap akong text.
Unknown:
Wag ka mag alala Zea, hindi ko kayo sasaktan. Kukunin ko kang ang dapat sakin at iyon ay si Ivan.
Nang nabasa ko nireplyan ko kaagad
Ako:
Ano bang gusto mo pa? Ang kapal din ng muka no. At anong sayo? Walang sayo akin lang si Ashton!
Unknown:
Alam kong alam mo kung sino ako, alam mo pag gusto ko gumagawa ako ng paraan upang makuha iyon kahit makasakit pa ako ng mga tao makuha ko lang ang akin!
Hindi ko na siya ni replyan at alam kong si Danica iyon.
Maganda nga siya at alam niyo na ugali niya pero yun lang ang ayaw ko sa kanya. Pag gusto niya ginagawa niya at kahit na may masira siya basta makuha ang gusto.
Hindi ko na lang sinabi kay Ash ang tungkol sa message ni Danica dahil alam kong papatulan niya lamang iyon para sa akin.
Ilang linggo pa ang lumipas at pagnalabas kami wala ng nagmamanman pero may kasama pa din kaming mga tauhan. Lalo na ngayon paglipas ng araw, linggo at buwan ay paglaki ng din ng aking tiyan.
Naging mapayapa ang ilang buwan pa namin. Medyo bumaba na din ang security namin dahil hindi na muling nag paramdam si Danica. Ang mga matang nanonood ay nawala na din.
Nag pa imbestiga kami at ang sabi ay bahay at mall lamang daw ang galawan ni Danica. She looks contented and happy kaya nag bawas na ng tao sa bahay.
Naglalakad lakad kami ni Daneyel at kasama ang dalawang body guard ng may babaeng humarang sa harap ko pagtingin ko si Danica.
"Long time no see, Zea." Inalis niya ang sunglasses.
"What do you want?" Mataray kong sabi sa kanya.
Nilingon ko ang mga body guard na di naman kalayuan sa amin ngunit naka masid. Sinenyasan ko na mag ready sa kung ano mang gagawin ni Danica.
"Taray mo naman.. Oh! Hi Daneyel, remember me?" Tumango si Daneyel sa kanya.
Nilayo ko si Daneyel sa kanya. Pinwesto ko ito sa aking gilid upang matago kay Danica. Lalapit na sana yung mga tauhan pero sinenyasan kong wag muna.
"What do you want?"
"Ow! Nalaki na ang tiyan mo." Hahawakan niya sana pero umatras ako.
Ayokong lumantay ang kamay niya sa aking tiyan.
"Okay fine, I'll go straight to the point.. Pinatigil ko na ang pagman man sa inyo, natatawa nga ako pag sinasabi ng mga tauhan ko na natatakot kayo." Humalaklak siya ng parang baliw.
"We are not scared of you. You're just a crazy b***h who's trying to steal my husband."
"Binantaan na kita, Zea. Sisirain ko pamilya mo at kukunin ko si Ivan-" Hindi niya pa natatapos ang sinasabi niya at nasampal ko na siya ng pagkakalakas.
Matagal ko na itong gustong gawin at ang sarap niya sa pakiramdam.
Sinenyasan ko ang mga tauhan namin na kunin muna si Daneyel. He shouldn't have seen any of this.
"How dare you!?" Sasampalin na niya sana ako pero napigilan ko siya.
"I swear too you! Sa oras yang kamay mo ay lumapat sa muka ko! Hinding hindi mo magugustuhan!" Makalas at marahas kong binitawan ang kamay niya.
Hindi niya expect iyon kaya medyo napa swing ang kamay niya dahilan ng pag sakit sa braso.
"Ouch!"
Tinulak niya ako ng pagkakalakas kaya tumama ako sa poste ng street namin. Hindi ko nakita iyon. Tumama ang balakang ko at ramdam ko ang sakit. Bigla siyang tumakbo ngunit hinabol siya ng isa naming body guard.
Napayuko ako at may dugo sa hita ko nakita ko din si Daneyel na naiyak. Masakit din ang likod ng ulo ko hinawakan ko at may dugo din.
"Ma'am!"
Binuhata ako nung isang tauhan at yung isa pang tauhan kinuha ang sasakyan dahil malapit na kami sa bahay. Hinayaan na nilang makatakas si Danica ngunit narinig kong nag tawag sila ng back up.
Nang dumating na ang sasakyan sinakay nila ako at si Daneyel na iyak na iyak.
"Shh! Baby.. Stop crying.. Mommy's okay."
Hiwakan ko ang kanyang muka kahit naliliyo ko. Nagdilim ang paningin ko at hindi ko na tanda mga nangyayari..
Paputol ang naalala ko.. Nakita kong nasa hospital na kami at nandun si Ashton nagsasalita pero hindi ko marinig. Sunod kong naalala nasa emergency room na ako at madaming nurse at doctor. Ang last kong naaalala ay nuong pinasok na ako sa isang kwarto at may ginagawa sila sa tyan ko.
Nagising akong nandun si Ashton, Daneyel, Kaye at Laila.
"Mommy." Si Daneyel ang unang nakakita sa pag mulat ko.
Mabilis nila akong nilingon at nagsilapitan.
"How's your feeling?" Sabay sabay nilang tanong kaya natawa ako.
"I'm fine guys." Nagusap usap kami at galit na galit sila kay Danica.
Hindi pa nag tagal ay may dumating ng doctor, dalawa sila isa hindi ko kilala at yung isa ay ob-gyne ko.
"Doc, how's my baby?" Yun agad tanong ko. I am so worried to my baby baka napaano na siya. Wag naman sana.
"How is she?" Tanong naman ni Ashton.
"Mrs. Madrid is fine actually she's now better, no other injuries."
Parang nabunutan ng tinik si Ashton sa dibdib. He held my hand and kiss it. I know Daneyel doesn't understand any of this ngunit nginitian ko siya na hawak ni Laila.
"Thanks, God." Anila.
Nilingon ko ang ob-gyne ko. "How about my baby?"
She looks sad. Don't tell me.
"Sorry to say but the other baby didn't survive. The baby is too weak. "
Naguguluhan ako. "O-other baby?" Gulat na tanong ko at namumuo ang luha ko.
"Yes, Zea. Your baby is twins but the other baby didn't survive. Nalaglagan ka ng isa dahil sa pag kakatama ng likod mo."
Hindi na ako nakapagsalita at umiyak na lang ako. "My baby." Niyakap ako ni Ashton habang kinakalma.
We lost one child just because of Danica's obsession to Ashton. This is all because of her! She'll pay for this. I want an eye for an eye.