"Steph, ano nga ulit ang tungkol sa pagwasak sa sumpa mo?" tanong ni Leah. Narito sila ngayon sa silid nina Steph. Naroon sina Leigh, Lav, Leah, Blue at Atlas. "Kailangan ang tatlong makapangyarihang sandata mula sa Big Three," sagot ni Steph. "Teka... paano naman nila gagawing wasakin ang sumpa mo? Titirahin ka gamit ng tatlong makapangyarihang sandatang 'yon? Paano mo kakayanin 'yon?" tanong ni Leigh sa kaniya. "Di ka ba magiging abo pagkatapos no'n? Hindi mo makakaya 'yon kahit demigod ka pa. Tao ka pa rin." Napahugot ng malalim na hinga si Steph. "Gagawin daw muna nila akong imortal bago gamitin sa akin ang tatlong makapangyarihang sandata." "Makikipagtulungan ba si Hades sa kanila?" Napaupo sa sofa si Lav, nangalay sa pagkakasandig sa pader. "Ang mensahero daw ni Zeus ang bahala

