Nakatanaw si Luis sa ampunan mula sa siwang ng mga rehas na bakal na tarangkahan. Wala halos pinagbago ang ampunan na kinalakihan niya. Hindi pa napipinturahan ang kremang kulay ng malaking bahay na may dalawang palapag, at nababakbak na ang ilang bahagi nito na tila nababad sa ulan. May mga bulaklak pa rin na tanim sa palibot ng playground sa looban. Naroon pa rin ang padulasan, duyan at play house na hindi niya nilaro ni minsan. May kalumaan na rin ang mga ito. Mas nais niya sa likod ng ampunan maglaro, sa mas lumang padulasan at duyan. Napabuntong hininga siya. Tingin niya ay inalis na ang mga iyon dahil tiyak na mas luma na. Akma nang pipindot sa door bell si Luis nang mapansin siya ng isang binatilyo sa hardin ng ampunan, mah hawak itong hose at nagdidilig ng mga halaman. Lumapit i

