CHAPTER 40

1059 Words

"L-Luis..." sambit ni Mother Superior sa pangalan ng binata. "Mother Superior!" Agad na lumapit si Luis sa higahan ng madre saka inalalayan itong bumangon. Naupo ito saka sumandig sa headboard ng kams. "Kumusta po ang pakiramdam n'yo? May masakit ba sa inyo? Ano ang nararamdaman n'yo?" sunud-sunod na tanong nito. "Ayos lang ako, Luis. Pakiramdam ko'y bumata ako ng sampung taon." Isinuntok pa nito sa hangin ang mga kamao. Napanganga si Luis saka lumingon sa gawi ni Steph. Nagkibit-balikat ang dalaga. Nagpasalamat ang binata gamit ang bibig nang walang tinig, at bakas sa mga mata ang katapatan ng pasasalamat nito. Tumango si Steph bilang pagtanggap sa pasasalamat nito. Muling bumaling ang tingin ni Luis kay Mother Superior Teresa. Bumata ang itsura nito, tila nasa limampung taong gulang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD