CHAPTER 41

1111 Words

"Sasama rin ako," sambit ni Apollo. Tumayo ito at nagpalit anyo sa laki ng isang tao. Lumapit kay Stephanie saka ngumiti rito. Nakasuot ito ng asul na polo shirt at pantalong may mga sira sa tuhod, habang nakasuot pa rin ang malaking bluetooth headset sa ulo niya. Iba ang suot niya ngayon kumpara kaninang galing sila sa ampunan, naka puting polo shirt ito at itim na pantalon. "Salamat, Apollo." Pasasalamat niya rito nang nakangiti. Napakalaking tulong ni Apollo para sa kaniya, napakabuti rin ng pakikitungo nito. Magaan ang loob niya sa Greek god na ito. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi siya komportable na si Zeus lang ang kasama niya sa pagtungo sa bahay ng kaniyang ama. Isang hari ng Olympus, sasamahan siya para umuwi sa kaniya? Napangiwi siya sa naisip niya. Nagpalit anyo rin si Zeus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD