Agad na tinawag ni Apollo ang mag-ama mula sa loob ng bahay para ayain nang bumalik sa Olympus. "Steph, kailangan na nating bumalik." "P-pwede ko bang makasama pa ang tatay ko kahit ilang minuto pa?" tanong niya na tila nagmamakaawa. "Huwag kang mag-alala, isasama natin siya roon." Ngumiti si Apollo sa kaniya bilang paniniyak na totoo ang sinasabi niya. "Seryoso?" manghang tanong ni Steph. "Malalaman mo rin mamaya. Ipaliliwanag ko sa 'yo." "Sandali," singit ni Hernan. "Hindi ko maintindihan. Isasama ninyo ako sa inyo?" "Opo, 'Tay, sasama ka na raw po sa amin," masayang sambit ni Steph habang hawak ang kamay ng ama. "P-pero paano ang kabuhayan ko? Saka saan ba kayo nakatira? Malayo ba rito?" nag-aalangang tanong ng kaniyang ama. "'Tay, huwag kang mag-alala. Kasama mo naman ako. M-me

