Lumapit si Blue kay Steph at hiningi ang palad nito para maisayaw. Nais sana niyang tumutol dahil nag-aalangan siyang maligawan ng mga kaibigan niya, subalit ayaw niyang sumama ang loob nito. Tinanggap niya ang palad nito saka tumayo mula sa kinauupuan. Nagpatianod siya patungo sa gitna kung saan nagsasayaw ang magkakapareha. "You look so stunning tonight," papuri ni Blue. "You're the brightest and the most beautiful girl in Cytheria." "S-salamat," alanganing sagot niya. "Ano ba ang gagawin ko kung lahat sila ay manliligaw?" tanong niya sa kaniyang sarili. "Steph..." sambit ni Blue sa pangalan niya habang sumasabay sila sa malamyos na tugtuging para sa magkasintahan. "May gusto sana akong sabihin... I mean... gusto ko sanang magpaalam sa 'yo." Heto na. Feeling ko magsasabi rin siya. Na

