Mahabang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Jared. "Salamat, Steph!" "Hindi pa kita sinasagot, pumapayag pa lang akong magpaligaw," natatawang sagot ni Steph. "Manligaw ka muna at subukang buksan ang puso ko. Sa totoo lang, hindi ko pa naiisip ang mga bagay na iyan sa ngayon. Marami pa akong kailangang ayusin at harapin sa buhay ko at sa nakaraan ko." "Natutuwa lang akong mabigyan ng pagkakataong mapakita sa 'yo na tapat ang hangarin ko, at kahit ano'ng maging resulta, tatanggapin ko nang maluwag sa dibdib ko." "Mabuti naman. Ayokong magkasira tayo balang araw nang dahil sa hindi ko naibalik ang pagmamahal na inaalay mo sa akin. Mahalaga ka sa akin bilang kaibigan ko. Ikaw ang unang tumanggap sa akin bilang ako, at unang nagpakita sa akin ng kabutihan. Masasaktan ako kapag nawala ka sa ak

