Chapter 27 Ibang klase ang pagkakaibigan na mayroon ang kaniyang ina at ang mga miyembro ng seziro. Iyon ang kaniyang nakikita. “Nang gabing iyon ginupitan ko si Uzni, inayos ko ang kaniyang buhok at nakita kong muli iyong ngiti niya sa mga labi. Sinabi ko sa kaniya nang gabi na iyon na kung ano man ang marinig niya kay Jika ay huwag na lang pansinin dahil dakilang papansin talaga ang isang iyon. Pero ang hindi ko makakalimutan nang gabi na iyon na sinabi ni Uzni ay nang hawaka niya ang kaniyang buhok at magtama ang mga mata namin sa salamin.” “Sinabi niya na humingi si Jika ng tawad sa kaniya, sinabi nito na mas bagay sa kaniya ang mahabang buhok at nagsisisi ito sa mga biro na sinabi nito.” “Noon pa man alam kong mayroon nang nararamdaman si Jika kay Uzni. Iba ang klase ng kaniyang

