Chapter 26 Naupo si Sayah sa pang isahang bangko at ang kaniyang ina naman ay iginagayak ang mga gagamitin nito upang putulin ang kaniyang buhok. Nakatingin siya ngayon sa salamin habang hawak-hawak ang may kahabaan na niyang buhok. Mabilis iyon humaba at dahil madalas nakatali ay hindi niya noon na pansin ang haba non. Madalas din kasi na ang ibang tao ang pumapansin na humahaba na ang kaniyang buhok, lalo na si Uzni. Ngunit nang madalas niyang itali ay hindi na iyon nababanggit ng iba sa kaniya. “Alam mo ba na gusto kang makilala ni Meredith?” tanong ng kaniyang ina Nang makabalik ito ay may dala na itong panggupit at pang-spray sa kaniyang buhok. Ibinaba nito ang mga dala sa maliit na lamesa sa gilid nito. “Po?” sagot niya rito. “Ang ina ni Xandro, siya si Meredith—ang asawa ng

