Chapter 29 Kaharap ni Sayah si Bari habang tinitingnan ito ang kaniyang palad. Sila lamang dalawa sa silid nito sa ikatlong palapag ng headquarters ng vantress. Kasama niya ang kaniyang ina kanina at si Fenris ngunit sinabi ni Bari sa mga ito na siya lamang ang kailangan sa loob. Sinabi naman sa kaniya ni Ilina na maghihintay ito sa ibaba. “Sinubukan mo na palabasin ang katana?” tanong ni Bari sa kaniya. Nakatingin ito ng maigi sa kaniyang palad habang salubong ang mga kilay nito. Mukhang sinusuri nitong maigi ang kaniyang palad kung nasaan ang marka ng krus. “Oo, nais ko na malaman kung paano ito mapapalabas at magagamit kung sakaling atakihin ako ng isang itim na wizard o pureblooded x vampire. Ngunit nang subukan ko ay hindi ko magawa. Inisip ko na na nasa trahedya ang aking bu

