Chapter 30 Nang makatanggap ng tawag ang kaniyang mga magulang ay kaagad na nagpaalam ang mga ito sa kaniya at sa mga kaibigan nito. Isang kahina-hinalang nilalang ang namataan ng isang bampira sa lugar ng pevus kaya’t madali na umalis ang kaniyang mga magulang. Maaaring dahil na rin sa nangyari sa kanilang bayan kaya alerto ang lahat. Bumalik naman sa kaniya-kaniyang mga gawain ang bawat-isa at si Fenris ay nasa ibaba at pinapanood ang mga estudyante sa pagsasanay ng mga atake. Siya naman ay pumunta sa kaniyang silid at nag-ayos ng mga gamit sa baogng misyon. Habang nasa kaniyang silid si Sayah at nag-aayos ng kaniyang mga gamit ay nakita niya ang laso na gawa ng kaniyang ina. Hinimas niya iyon at itinali sa kaniyang kauna-unahang katana. Iyon ang laso na galing pa kay Zico. Tanda

