Chapter 32 “Hindi mo dapat pairalin lagi ang awa sa buong pagkatao mo, Sayah.” Sabi ng lalake. “W-Wixii?” tanong niya. Humalukipkip ito at lumapit sa kaniya pagkatapos ay pinitik nito ang kaniyang noo. “A-Aray, bakit mo ginawa iyon?” tanong niya. Pero ang gusto niya talagang tanungin bakit ganoon ang itsura nito? Kaya nitong magpabago-bago ng anyo. “Nawawala ka sa pokus. Paano kung kalaban ang batang babae na nakita mo? Naawa ka, pero hindi mo alam na baka isa siyang kalaban na handa ka nang sakmalin ano mang oras.” Sabi nito. Napayuko siya sa sinabi ni Wixii. Para tuloy niyang naririnig si Zico dito habang nagsasalita ito ngayon. Naalala niya si Zico noong nagsisimula pa lang siya bilang isang vampire hunter. Madalas ipaalala sa kaniya ni Zico na magpokus siya sa kaniyang mga kalab

