Chapter 13 “Ano ang ginagawa ng isang Alexandro Marzelle sa vantress?” Nasa labas sila ngayon ng vantress habang nakatingin sa mga nagsasanay. Kasama niya si Kizo at pati na rin si Xandro na bigla na lamang sumulpot kanina. Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit bigla na lang itong nagpakita kanina nang sinasabi sa kaniya ni Fenris ang tungkol sa kung paano magkaroon ng mahika. Napanguso siya habang nakatingin kay Xandro na kausap ngayon si Kizo. Naglakad ang mga ito papunta sa grupo ni Uzni habang siya ay hindi na sumunod. Nakatingin lamang siya kay Xandro na nakangiti at nakikipag-usap kay Kizo. Ni hindi manlang nito sinabi sa kaniya ang dahilan kung bakit ito narito. Pero dapat bang itanong ko pa ulit sa kaniya? kung sa unang tanong ko nga ay hindi naman niya ako sinagot. Humaluk

