bc

Her Father's Last Will (Completed)

book_age18+
5.0K
FOLLOW
21.4K
READ
billionaire
family
love after marriage
CEO
drama
others
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

⚠️Warning⚠️ MATURE CONTENT‼️

"Nobody owns me,not even you,

my husband"

Isang bagong laruan ang kapalit upang mailigtas ni Angelo Sky Samaniego ang kanyang ina.

Laruan ng tagapagmana ng kanyang yumaong boss.He knew her as spoiled brat,stubborn and a heartless daughter.

Ngunit wala naman siyang pagpipilian kaya pikit-mata niyang tinanggap ang alok nito.Maging ang paulit-ulit nitong pagtapak hindi lang sa kanyang pagkatao kungdi maging sa kanyang p*********i.

Paano kaya siya makakatakas sa malabakal nitong kamay?Kung ang pagiging isang laruan ay nauwi sa pagiging asawa nito.

Handa niya bang talikuran ang paniniwala na ang kasal ay sagrado.

Handa niya bang ipakisapalaran ang pusong unti-unti nitong sinasakop.

Paano,kung sumiwalat sa kanya ang isang katototohanan,sa likod ng pagpapakasal nito.

Katotohanang dudurog hindi lamang sa kanyang pagkatao kungdi maging sa kanyang puso.

Hindi nga ba niya nasakop ang puso ng isang Maria Belleza Vazquez?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Break-up
Angelo Sky "NO!" malakas kong sigaw sa gustong mangyari ng aking girlfriend. Nandito kami ngayon sa may maliit na kubo malapit sa aking di kalakihan lupain sa Pampanga. Napauwi ako ng biglaan ng tumawag ito at sinabing may mahalagang sasabihin. Pero hindi ko akalain na makikipaghiwalay siya sa akin. "Tama na sky! Ayoko na maghintay!Tapusin na natin ito," sabi ni Loren na ngayon ay nakatayo na sa may pintuan ng kubo. Naikuyom ko ang aking mga kamao habang nagtatagis ang aking mga panga. Hindi ko matanggap na basta-basta na lang niya itatapon ang mahigit dalawang taon naming relasyon. Tumayo ako at humarap sa kanya. Pinakatitigan ko ang babaeng mahal ko. Parang wala lang sa kanya ang mga sinabi, parang wala lang sa kanya na makipaghiwalay samantala ako halos gusto ko na magwala. "Sinabi ko naman, konti na lang. Makakatapos na ang dalawa kong kapatid. Tapos pwede na tayo magpakasal. Konting tiis na lang, mahal." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Sabihin mo nagbibiro ka lang." Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya at tumingin sa akin. "Sky, ayoko na. Ayoko na maghintay kung kelan ako naman ang priority mo! Wala na tayong pupuntahan. Hanggang salita ka lang buti pa si Renato lahat ng gusto ko binibigay niya," sabi niya na nagpakunot sa aking noo. "Anong sabi mo? Paano nasali si Renato rito?" malakas ang boses kong tanong rito at kita ko na nagulat siya. Hindi ko pa ito nasigawan sa halos dalawang taon naming magkarelasyon. "May dapat ba akong malaman, Loren?" Nakita kong natigilan siya at ilang beses na napalunok na tila inaalis ang bara sa lalamunan niya. "Sa-sasama na ako sa kanya. Kaya pakiusap layuan mo na a-ako," nauutal niyang sabi. Naningkit ang aking mga mata at hindi ko napigilan mapasuntok na ikinasigaw niya. Dahil lumipad ang kamao ko sa may gilid niya at tumagos ito sa pintuan ng kubo. Sira ang kahoy dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko. Matalim ang mga mata kong tinignan siya habang siya ay nakayuko na tila takot na takot. "Pag-usapan natin ito. Itatapon mo na lang ba ang halos dalawang taon nating relasyon?" sabi ko sa kanya. Hindi ko basta kayang bitawan ito. Nasasaktan ako pero nilalabanan ko pa ang sakit. Inangat niya ang ulo at diretsong tumingin sa aking mga mata. Takot, determinasyon, pagkalito halo-halo ang nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata na ngayon ay may luha ng pumapatak. "Patawarin mo ako. Pero desidido na ako, maghiwalay na tayo." Mabilis siyang tumalikod sa akin at lumabas ng kubo. Kanina pa nakaalis si Loren pero para akong tangang nanatiling nakatayo sa may bukana ng pintuan habang nakatingin sa daang tinahak niya. Marahan akong napapikit kasabay ng pagtulo ng aking luha. Masakit na basta-basta ka na lang sinukuan ng taong mahal mo. Nasasaktan ako dahil wala man lang akong magawa para panatilihin ito. Siguro nga napagod na siya kakahintay. Pero kung mahal niya ako, hindi ba dapat nagtiis pa ito. Hinayaan kong lumandas pa ang mga luha ko. Nang maramdamang kong kumakalma na ako ay nagdesisyon na akong umuwi sa bahay. Dumaan muna ako sa isang tindahan at bumili ng pulang kabayo. Kailangan ko ito upang maging manhid ang puso ko. Mabuti na lang at wala ang mga tsismoso kong mga kaibigan. Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako sa may parteng likod ng bahay kung saan may kahoy na bakod at tanaw ang lupaing naitaguyod ng aming ama. Umupo ako sa kahoy na upuang naroroon at isinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan. Kinuha ko ang isang bote at binuksan lamang gamit ang aking ngipin. Mabilis ko itong tinungga. Dalawang taon kami magkarelasyon ni Loren. Nakilala ko ito sa palengke ng may magtangka bumastos dito. Nasundan pa ang aming pagkikita hanggang sa niligawan ko ito. Mataas ang pangarap nito. Laking hirap din kasi at nais itaguyod ang pamilya. Handa ko naman siyang tulungan. Handa ko siyang sustentuhan sa pag-aaral pero tumanggi ito. Bakit pa raw kailangan mag-aral, aksaya lang sa pera at panahon. Gusto ni Loren na magpakasal kami nang mag-isang taon ang relasyon namin. Hindi ko na siya nakuhang birhen, pero ayos lang. Alam ko kasi na mahal ko siya at tanggap ko ang bagay na yun. Lahat naman ng kaya ko ibinibigay ko sa kanya. Kahit minsan ay napagtatalunan naming magkakapatid dahil hindi sila boto kay Loren. Pero hindi ko akalain na sa lahat ng sakripisyo ko para sa kanya ay iiwanan niya ako. Konti na lang sana, handa ko na siyang pakasalan. "T*ngna!" mura ko sabay hagis sa wala ng laman na bote ng alak. Mabilis kong kinuha ang isa pang bote at binuksan muli gamit ang aking ngipin at tinungga. Tinigil ko lang ang pagtungga ng nasa kalahati na ang laman. Napangiwi ako sa pait na bumalatay sa aking lalamunan. Nagulat ako sa pagbagsak ng isang bagay sa lamesa sa harapan ko. Nang tignan ko ito ay nakatayo ang aking kapatid na lalaki na si Jayden habang ang isang kamay ay nakahawak sa bagay na ibinagsak sa lamesa. "Ito inumin mo, sigurado hindi lang magmamanhid yang puso mo kungdi makakalimot ka pa!" nakangisi niyang sabi. Nang masilayan ko ang hawak niya ay napamura ako ng malakas. "P*tang Ina mo, Jayden!" Tumawa lang siya ng malakas. Sarap sipain palabas ng bahay! Alam naman niyang hindi ako umiinom ng emperador dahil may masama akong karanasan sa alak na yun. Sinamaan ko siya ng tingin ng hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Imbes damayan ako, mukhang pagtatawanan pa ako. "Salamat, kapatid. Napakabuti mong kapatid sa akin," sarkastiko kong sabi sa kanya. Muli kong tinungga ang bote ng alak na hawak ko. Gusto ko magpakalasing hanggang sa wala na akong maramdaman. Tumigil na si Jayden sa pagtawa ng lingunin ko ay seryoso siyang nakatingin sa akin. "Sana naman natauhan ka na, kuya. I told you, she is not worth fighting for," sabi pa niya na tila pinag-aralan pa yata ang english na yun. "Saan mo naman napulot 'yang english mo, himala gumagaling ka na." Nagawa ko pang biruin siya sa kabila ng pinagdadaanan ko. Trying hard kasi itong matutong mag-english. Inirapan niya ako. "Wala kang pakialam!Ang isipin mo ang sarili mo at 'yang puso mong nagmamahal sa babaeng pakawala!" "Stop it, Jayden!" bulyaw ko sa kanya. Para kasing nagpanting ang tenga ko sa narinig sa kanya. Kahit na nakipaghiwalay si Loren sa akin hindi dahilan iyon para bastusin niya. "Ano? Pagtatanggol mo pa siya pagkatapos ka niyang iwanan at sumama sa ibang lalaki?" sagot niya. Bigla ay natigilan ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman, wala naman akong sinasabi sa kanya. Mukhang nabasa niya ang aking iniisip. "Noon pa naman namin sinasabi sayo na pakawala 'yang babaeng gusto mong pakasalan. Pero hindi ka nakikinig sa amin mas pinapakinggan mo siya." Nagulat ako sa seryosong boses niya. Minsan lang magseryoso kasi si Jayden. Kilala ito bilang masayahin, pilyo at magiliw sa lahat ng tao. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya pero nag-iwan ako ng ilang hakbang pagitan. "Stop it, Jayden. Wala kang karapatang insultuhin si Loren ng ganyan. Oo, alam ko ayaw niyo sa kanya pero siya ang mahal ko at alam kong maaayos pa namin ito," sabi ko sa kanya. Nakita kong nanlalaki ang mga mata niya at napapailing. "Grabe kuya! Talaga bang nabaliw ka na!Pagkatapos ka niyang hiwalayan, hahabulin mo pa rin? Hindi pa ba sapat ang dahilan na ang babaeng sinasamba mo ay pinagsasawaan na ng ibang lala-" Mabilis na tumama ang kamao ko sa mukha niya dahilan para maputol ang sasabihin niya at humandusay rin siya sa lupa. Hindi ko alam pero biglang nagdilim ang paningin ko. Tila naman ako nahimasmasan ng makita kong dumudugo ang gilid ng labi niya. "Jayden, so-sorry hindi ko sinasadya," nauutal kong sabi. Akmang tutulungan ko siyang bumangon ng itinaas niya ang isang kamay tanda na pinapahinto niya akong lumapit. Pinanood ko itong dahan-dahan tumatayo habang pinupunasan ang gilid ng labi na may dugo. Tumingin siya sa akin na may luha sa mga mata. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita. Kahit kelan hindi ko pa napagbuhatan ng kamay ni isa sa mga kapatid ko. Mahal na mahal ko sila. "Dahil sa kanya nagawa mo akong saktan? Dahil sa kanya handa mo rin ba kaming talikuran? Siguro napapagod ka na sa amin, noh! Siguro nagsisisi ka na hindi mo pa siya pinakasalan noon. Siguro nagsasawa ka na sa amin, kuya!" humihikbi niyang sabi. Sunod-sunod naman akong umiling. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo Jayden!Kahit kelan hindi ako mapapagod sa inyo, dahil pamilya ko kayo. Pa-pasensya na kung nasuntok kita, hindi naman kasi tama ang lumalabas sa bibig mo," pahayag ko rito. "Hindi tama!" Nagulat ako dahil sa pagtaas ng boses niya na hindi ko nagustuhan. "At ano ang tama? Ang magpakatanga ka sa babaeng kung kani-kanino na lang bumubukaka! Na maging ako ay muntik ko na rin mai-" Mabilis kong hinablot ang damit niya dahilan para matigil ito. Naggagalaiti ako sa galit at nagpupuyos ang aking kalooban sa lumalabas sa bibig niya. Kinwelyuhan ko siya at matalim na tinitigan. "Kelan ka pa naging bastos ng ganito? 'Yan ba ang ginagawa mo sa ekswelahan? 'Yan ba ang tinuturo, huh?Wala ka ng respeto. Bakit? May ipagmamalaki ka na ba? Pati girlfriend ko balak mo ahasin! Kulang pa ba ang ibinigay ko para sa inyo?" Sinalubong niya ang aking mga mata. Kita ko ang patuloy na paglandas ng mga luha niya. "Di inamin mo rin at ngayon isinusumbat mo na ang mga ginawa mo para sa amin! Paano pa kaya kung makapagtapos pa kami, ano pa kaya ang isusumbat mo pagdating ng araw!" malakas rin niyang sagot. Akmang susuntukin ko ulit ito dahil sa bastos niyang bibig ng marinig ko ang sabay na tinig. "Angelo!" si nanay "kuya!" si Gina ang bunso naming babaeng kapatid. "Diyos ko! Ano ba nangyayari sa inyo?" Natatarantang lumapit sa amin si nanay at inihiwalay ako kay Jayden habang si Gina ay yumakap naman kay Jayden. Hinihingal akong tumingin kay jayden na hanggang ngayon ay patuloy sa pagluha. "Hindi na kita kilala, kuya! Ang laki ng pinagbago mo simula ng dumating ang babaeng 'yun! Ayos lang sana kung karapat-dapat siya pero hindi! Mas paniniwalaan mo pa siya kesa sa amin na pamilya mo!" Umalis siya sa pagkakayakap kay Gina at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay. Ako naman ay nanghihinang napaupo sa may buhanginan. Unti-unti rin dumaloy ang luha sa aking mga mata. Kalalaki kong tao pero heto ako parang basang-sisiw. Naramdaman ko ang pagyakap ni nanay at ni Gina na hindi ko namalayan nakalapit na pala sa akin. "Pa-pasensya na anak kung nabibigatan ka na sa amin," sabi ni nanay. "Kuya, maghahanap na lang ako ng trabaho pwede naman pagsabayin yun lalo na graduating na rin ako, diba?" singit ni Gina na mas lalong nagpasakit sa aking loob. Kahit kelan hindi ako nagsisisi na tumayong haligi ng pamilya namin simula mamatay si tatay. "Pa-pasensya ka na anak. Dahil sa amin hindi mo na magawang maging masaya. Kailangan mo pa isakripisyo si Loren," umiiyak na rin sabi ni nanay. Para tuloy may sampung kutsilyo ang sunod-sunod na sumasaksak sa aking dibdib. Anong klase akong anak at kapatid para saktan ang mga ito. Ginantihan ko ng yakap ang dalawa. "Nay.....kahit kelan po hindi ako nagsisisi sa lahat. At kahit kelan mas lalong hindi ko po kayo sinisisi sa kung anuman nangyayari sa relasyon namin ni Loren. Aaminin ko po na nasaktan ako dahil pinagpalit niya ako. Masakit nay, kasi mahal ko siya. May pangarap na kami, nay." Dun ay tuluyan na akong humagulhol ng iyak. Real men do cry, too! "Kuya," mahinang sambit ni gina at mas niyakap pa ako. "Anak, kung talagang mahal ka niya dapat maiintindihan ka niya. Saka tama naman si Jayden kahit ako ilang beses ko na rin nakita iba-iba lalaki kasama niya pero ayaw lang kitang pangunahan. Mahal ka ng kapatid mo kaya mas nasasaktan siyang makita ang kuya nila na nasasaktan sa isang taong hindi naman karapat-dapat," pahayag ni nanay. "Kuya, alam mo ba na lagi inaaway ni kuya Jayden ang mga lalaki lumalapit kay ate Loren. Sabi niya na may boyfriend na nga raw ito at ikaw 'yun. Pe-pero.." Natigil si Gina na tila nagdadalawang-isip kung itutuloy ba o hindi. Sumisinghot-singhot pa akong nagsalita, "Pero ano, Lyn?" Ginalyn kasi ang buong pangalan nito at kapag tinawag ko na itong Lyn alam niyang seryoso na ako. Isinubsob niya ang ulo sa dibdib ko. "Bi-binalak niyang a-akitin rin si kuya Jayden." Napapikit ako sa sinabi ni Gina. Anong klaseng babae ba ang minahal ko na handa kong saktan ang pamilya ko. Naramdaman ko ang mas mahigpit na yakap nila sa akin. "Mag-usap kayo ni jayden. Ayoko magka-away kayo. Ngayon lang nangyari ito na napagbuhatan mo pa siya ng kamay. Mababawasan ang kapogian nun," biro pa ni nanay na ikinatawa ko ng bahagya pati na rin ni Gina. Masyado kasi maselan sa katawan si jayden lalo na sa mukha niya. Dinaig pa si Gina na babae. "Pumasok na tayo sa loob at mahamog na dito sa labas," aya ni nanay. "Ano 'yun, parang bata lang? Nay naman matigas na po kaya bumbunan namin," nakangusong sabi ni Gina. Natatawa na lang akong ginulo ang buhok niya. "Tara na at silipin ko pa kung nabawasan ba ang kapogian ng kuya Jayden mo," sabi ko na ikinatawa nila. Imbes na ako umalalay sa kanila ay ako ang inalalayan dahil muntik na ako matumba. Nakainom lang ako hindi pa ako lasing. Paano mo nga ba pagsisisihan magkaroon ng ganitong pamilya. Kayang-kayang pagaanin ang napakabigat mong dinadala. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Hindi kalakihan ang bahay namin may pangalawang palapag ito na may limang kwarto. Isa ito sa mga naitaguyod ni tatay kasama ang isang medyo kalakihang lupain na may mga taniman ng palay at mais. Inalalayan nila ako umakyat sa di naman kataasang hagdanan upang makarating sa ikalawang palapag. Sinamahan nila ako sa may pintuan ng silid ni jayden. Ayaw ko matapos ang gabi na hindi kami nagkakaayos. Si nanay na ang kumatok. "Jayden, anak, pwede bang pumasok?" sabi ni nanay. "Bukas po 'yan, nay," rinig naming sagot mula sa loob. Pinihit ni nanay ang seraduhan. Nauna si nanay pumasok kasunod si Gina at panghuli ako. Naabutan namin si Jayden na nakatutok sa may salamain habang may hawak na maliit na towel na palagay ko ay may yelo sa loob dahil idinadampi ni jayden ito sa kanyang labi habang dumadaing. "T*ngna, masakit. My handsome face," kausap ni Jayden sa repleksyon niya sa salamin. "Ala naman megbayu, Jayden!" sabi ni nanay na ang ibig sabihin niya ay wala naman daw nagbago. Kapampangan kami pero bihasa rin kami sa pagtatagalog na mas ginagamit namin pero minsan hindi maiwasan. Nakita naming sumimangot ito. Humarap ito sa amin at napakunot noo ng makita niya ako. Alanganin pa siyang ngumiti. "It's still hurt, ayoko na ng another one, kuya. Maawa ka naman sa magandang mukha ko," maarte nitong sabi. Minsan hindi ko maiwasang pagdudahan ito kung lalaki ba o binabae sa sobrang arte. Umupo sina nanay at Gina sa may gilid ng kama ni jayden. Mukhang ayaw kaming iwanan at baka magkaround two pa. Lumapit ako kay Jayden at kinuha ang hawak nitong tuwalyang maliit. Walang babala idinampi ko ito sa gilid ng labi niya. "Aray!" malakas niyang daing at inagaw ang tuwalya sa akin. Pigil naman ang tawa ng dalawa. Habang ako ay kinuha ang isang plastic na upuan at tumabi rito. Inakbayan ko ito at pareho kami nakaharap sa salamin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Pasensya ka na, kapatid. Kung napingasan ko ang kagwapuhan mo," puno ng sinseridad na sambit ko rito pero may biro sa huling sinabi ko. Kita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya na tila ayaw pang ituloy sa pagngiti. "I was wrong for hurting you. Siguro nga diko lang kasi matanggap pa na hiwalay na kami. Masakit kapatid, alam mo naman na minahal ko siya....Pero pamilya tayo diba? Kahit kelan walang pamilyang nang-iiwan," nakangiti kong sabi sa kanya. Dahil kapwa kami nakatingin sa salamin kaya kitang-kita namin ang ekspresyon ng bawat isa. Kita ko ang pagngiti nito pero napangiwi. Dahil siguro sa sugat nito. "Ayos lang naman yun, kuya. Pasensya na rin kung nasagot kita kanina at nakapagbitaw ako ng masasakit na salita. But I respect you a lot. Pero huwag mo na ulit puntiryahin ang mukha ko, it's really hurt...ang magmahal ng ganito," mahina ko siyang binatukan dahil nagawa pang kumanta. Naramdaman namin ang pagyakap ng dalawang babae sa buhay namin mula sa likuran. "Mahal na mahal kayo ni nanay, kaya huwag kayo mag-aaway-away. Tandaan niyo ang magkakapamilya dapat nagmamahalan. Baka bigla akong dalawin ng tatay niyo dahil sa pag-aaway niyo," mahabang pahayag ni nanay na may halong biro. "Mahal din kayo ng prinsesa niyo," singit naman ni Gina na siyang nakayakap kay Jayden. Nagpacute pa ito sa may salamin. Sabay kami napangiti ni jayden. Ako si Angelo Sky Samaniego isang ulirang anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook