Chapter 2 Death

2193 Words
Angelo Sky Pabagsak na umupo ako sa aking sofa. Kakarating ko lamang galing sa mansion ng aking boss. Nandito ako ngayon sa aking condo sa Makati. Isa ito sa mga ibinigay ng napakabuting si Don Arnulfo Vazquez. Napakaswerte ko at nakilala ko ang Don. Nung mga panahong gulong-gulo ako at tila wala na akong pag-asa ay siyang pagdating niya sa buhay ko. Nagtrabaho ako sa kanya bilang personal assistant nito. May-ari si Don Arnulfo ng nangungunang pinakamalaking shipment company sa bansa at maging sa ibang bansa. Dahan-dahan akong humiga dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Maaga kasi ako umalis sa Pampanga upang lumuwas dito sa manila. Masakit pa ang aking ulo dahil sa pag-inom ko kagabi. Napabuntung-hininga ako ng maalala na naman ang nangyari kagabi lalo na sa amin ni Loren. Sunod-sunod na pagring ng aking cellphone ang nagpagising sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa nang makita kong si attorney Guerero ang tumatawag ay mabilis ko itong sinagot. "Hello, attorney." Si Attorney Guerero ang family lawyer ng mga Vazquez. "Angelo, you need to come here in the hospital," sabi niya sa kabilang linya. "Why? What happened?" naguguluhan kong tanong. "Don Arnulfo is here, just come here now!" maawtoridad niyang utos kasabay ng pagputol niya sa tawag. Mabilis naman akong kumilos. Sinuot ko lamang ang aking sapatos at hinila ang aking black na leather jacket. Mabilis akong lumabas at nagtungo sa parking lot kung nasaan ang aking kotse na isa rin sa regalo ng Don nung kaarawan ko. Ayoko pa ngang tanggapin dahil alam kong sobrang mahal ng isang Bmw x8 na model. Pero wala akong nagawa dahil kapag sinabi ng Don ay walang makakahindi. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa hospital na sigurado ako kung saan ang Don dinala kahit hindi sa akin nabanggit ay alam ko. Sobrang kaba ang aking nararamdaman. Anong nangyari? Maayos naman ang Don ng iwanan ko ito kanina. Halos dalawang oras lang ang nakakalipas. Inabot ako ng halos kalahating oras bago nakarating sa hospital dahil trapik. Mabilis akong bumaba at dumiretso sa may emergency room. Agad kong natanaw si Attorney Guerero na nasa labas. "What happened attorney?" agad kong tanong pagkalapit sa kanya. Nakita ko pang nagulat siya dahil siguro sa lalim ng iniisip. Lumingon siya sa akin at bakas ang kalungkutan sa mukha niya na mas lalong nagpakaba sa akin. Hinintay ko siyang magsalita pero bago pa niya maibukas ang bibig ay ang pagbukas ng emergency room at paglabas ng isang doktor. Lumapit ang doktor sa amin, inalis niya ang kanyang face mask kaya nakilala ko siya, ang family doctor rin ng mga Vazquez. Malungkot ang bakas ng mukha niya at halata ang pagod na tila dumaan sa mahabang operasyon, umiling siya. "I'm sorry, we did everything to saved him. Pero wala na talaga " Tinapik niya ang balikat namin ni attorney bago umalis. Nanatili akong nakatulala na hindi ko pa yata nauunawaan ang ibig sabihin ng doctor. "You want to see him for the last time before they bring him to the morgue?" tanong ni attorney na nagpabalik sa akin sa realidad. Lumingon ako sa kanya at kita ko ang pinipigilan niyang luha pero sadyang tumulo iyon. Hindi na ako magtataka dahil halos kapamilya na rin siya ng Don. Nauna siyang humakbang papasok sa loob. Nang bigla kong marealized ang nangyayari ay mabilis akong sumunod sa kanya. Pagpasok namin sa loob ay saktong tatakpan na ang katawan ng Don ng malakas akong sumigaw, "Sandali!" Nagulat ang dalawang taong naroroon at lumingon sa amin. Lumapit ako sa katawan ng Don. "Sa-sandali lang, please," pakiusap ko sa kanila. Tumango naman sila at humakbang paatras. Dahan-dahan kong nilingon ang katawan ng Don. Kasabay ng pagdako ng aking mga mata sa kanyang mukha ay ang pagpatak ng aking mga luha. Dahan-dahan kong tinaas ang aking isang kamay at inilapit sa kanyang mukha na tila natutulog lamang. Naririnig ko rin ang paghikbi ni attorney na nasa kabilang gilid at alam kong nakatingin rin sa mukha ng Don. Bigla ay sumubsob ako sa may dibdib ng Don habang pilit kong iniyayakap ang aking mga kamay sa kanya. Malakas akong humagulhol. "Ba-bakit ka naman nang-iwan? Sa-sabi mo hihintayin mo pa akong magkaanak, diba? Excited ka nga magka-apo sa akin ka-kahit hindi naman tayo magka-ano-ano," nauutal kong sabi sa kanya. Sa loob ng halos limang taon kong paninilbihan sa kanya ay hindi niya ipinaramdam sa akin na isa lamang akong empleyado. He treated me like his own son. Kaya hindi ako nangulila sa aking tatay dahil sa kanya. Pero ngayon, wala na siya. Wala ng tatawag sa aking son, wala na akong kaagaw sa pagkain at mas lalong wala na akong mapagsasabihan ng mga hinaing ko sa buhay. Dahil sa mga naalala ko ay mas lalo akong napaiyak. Masakit mawalan ng isang ama sa ikalawang pagkakataon. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni attorney. "Iho, sige na kailangan na nilang dalhin ang bangka ni Arnulfo." Pumikit muna ako at dinama ang huling yakap ko sa kanya. Dahan-dahan akong bumangon at pinilit ang sarili kong lumayo sa kanya upang maidala na siya sa morgue. Nakatingin lamang kami ni attorney habang inililipat ang katawan ng Don sa kabilang stretcher upang dalhin sa morgue. Kapwa kami sumunod ni attorney sa kanila habang tulak-tulak ang stretcher ng Don. Alam kong maga na ang aking mga mata dahil halos kakaiyak ko lang kagabi tapos ito na naman. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit parang pinaparusahan ako ng Diyos? Mabuti naman akong anak. Hanggang sa may pintuan lang kami ni attorney dahil hindi na kami pinayagan pumasok sa loob dahil lilinisin na ang katawan ng Don. Narinig ko ang marahas na pagbuga ng hangin ni attorney bago bumaling sa akin. "Natawagan ko na si Elle at bukas ay nandito na siya. Nasa Spain siya ngayon. Inihabilin na rin niyang ayusin na ang lahat sa lamay ng Don. Gusto niya na sa mansion ito iburol," mahaba niyang pahayag na ikinatango ko. "How she is?" Wala sa sariling taong ko. Pilit na ngumiti si attorney. "For sure, she is hurting. She don't even showed it when I called her but I know deep inside she is in pain. She lost her father," bakas ang kalungkutan sa boses niya. "I will settle all the bills. I go ahead." Tinapik pa niya ang aking braso bago umalis. Itinuon ko ang aking mga mata sa pintong nakasara. Bakit ganun? Kung sino pa ang mga may mabubuting kalooban ay sila pa ang madalas nawawala. Limang taon kong nakasama ang Don. Sa limang taon ay sapat na para masabi ko kung gaano kaswerte ang kaisa-isa niyang anak. Saksi ako kung paano niya ibigay ang lahat sa nag-iisa niyang prinsesa. Kung paano niya kunsintihin ito sa lahat ng kalokohan na minsan ako pa ang nauutusan umayos. Tatlong taon ko na rin palang hindi nakikita ang nag-iisang anak niya. May nagbago kaya rito o ganun pa rin ito. Ang saklap pala ng muli naming pagkikita, sa araw pa ng pagkamatay ng Don. Mabilis lumipas ang oras hanggang sa nakaayos na ang kabaong ng Don sa mansion niya. Alas-siyete ng gabi ng magsimulang dumating ang mga nakikiramay. Nagtataka ako kung bakit hindi dumating sa hospital ang kapatid ng Don at anak nito. Napag-alaman ko na nasa probinsya daw sila at pauwi pa lamang ng mabalitaan ang nangyari. "Iho, magpahinga ka na muna. Akyat ka na muna sa inuokupa mong kwarto," sabi ni nanay felisa sa akin pagkaabot sa panglimang tasa ko na yatang kape. Siya ang mayordoma sa mansion at talagang may nakalaan akong kwarto dahil minsan ay dito ako pinapagstay ng Don kapag ginagabi kami sa mga lakad namin. Nginitian ko siya pagkaabot ko sa tasa ng kape. "Ayos lang po ako nay, kayo po magpahinga na po kayo. Marami naman po ang nagsisilbi sa mga bisita." Sumimsim ako sa tasa ng kape bago itinuon ang aking paningin sa may harapan kung nasaan ang kabaong ng Don. Narinig ko kasi ang malakas na pag-iyak, dumating na pala ang kapatid ng Don. "Maiwan na muna kita, iho." Tumango lamang ako kay Nanay Felisa bago siya umalis. "You left as too early, brother!" Humahagulhol habang nagsasalita si Donya Juda. Ang pagkakaalam ko ay magkapatid lamang sila ng Don sa ama. Pinanood ko lamang kung paano sila mag-ina umiyak sa harapan ng kabaong ng Don. Nang mapagod na siguro sa kakaiyak ay umupo na ang mag-ina sa may harapan. Nakita kong nilapitan sila ni attorney at maging ang ibang mga nakikiramay. Nagpasya na akong tumayo at lumabas muna upang makasagap ng sariwang hangin. Pakiramdam ko kasi ay nasasakal ako habang tinitignan ko ang kabaong ng Don. Pagkalabas ko ay nagtungo ako sa may hardin at umupo sa isang bench na gawa sa marmol. Isa ito sa paboritong pwesto ng Don. Pinasadya niya ang malawak na hardin na puno ng mga bulaklak at ibat-ibang mga halaman. Mahilig raw kasi ang asawa niya sa mga halaman kaya para sa kanya sa tuwing naririto siya ay parang kasama niya ang yumaong asawa. Bilib ako sa pagmamahal ng Don sa asawa niya. Kahit kaya niya pang mag-asawa ng mga panahong namatay ang asawa niya ay mas pinili niyang mag-isa. Para sa kanya daw ay nag-iisa lamang ang babaeng mamahalin niya hanggang sa kanyang huling hininga. Mapait akong napangiti. Ganun rin sana ang pangarap ko pero siguro hindi pa si Loren ang babaeng mamahalin ko katulad ng pagmamahal ng Don sa asawa niya. "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," tinig mula sa aking likuran ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nilingon ko ito at nakita ko ang papalapit na si Jonard Vazquez. "Condolence, Sir jonard," sabi ko rito ng tuluyan itong nakalapit sa harapan ko. Umupo siya sa isa sa mga bakanteng upuan na nasa harapan ko. May apat na upuan na nakapalibot sa isang lamesa sa gitna. Lahat ay gawa sa marmol. "Thank you," tipid niyang sagot. Naglabas siya ng isang kahon ng sigarilyo at lighter. Kumuha siya ng isa at sinindihan pagkatapos inihagis niya ang kahon at lighter sa akin na mabilis ko naman nasalo. Nagsimula siyang hithitin ang sigarilyo habang ako ay inilapag sa lamesa ang inihagis niya. Napalingon siya sa akin. "You don't smoke?" "No," tipid kong sagot. Tumango-tango naman siya. "Ano ikinamatay ni tito? Malakas pa siya ng huli ko siyang makausap?" usisa niya pero tila may gustong iparating na hindi ko lang matukoy. "Heart attack." "May sakit si tito? Bakit hindi namin alam?" gulat niyang sabi na ikinatayo pa niya sa pagkakaupo. "Alam mo naman ang Don, masyado malihim," sabi ko. Isa kasi sa mga ugali ng Don ay ang pagiging malihim nito sa mga bagay-bagay. Kung hindi naman daw kailangan malaman ng iba o kung ikakasakit lang ng iba mas maganda na raw na sarilinin. Pero ang sakit nito sa puso ay alam ko. Dahil ako ang madalas kasama niya sa pagpapacheck up. Pero ang pagkakaalam ko ay hindi naman ito malala. Pwera na lang kung meron magtrigger sa kanya para atakehin pero maaagapan pa lalo na kung first attack ito. Isa pa 'yun sa gumugulo sa aking isipan. Hindi ko pa kasi nakakausap ulit si attorney sa kung ano ba talaga ang nangyari. "Pero ikaw ang personal assistant ni tito, you must know everything!" bulyaw ni Sir Jonard sa akin na ikinagulat ko. Bago pa man ako makapagsalita ay sabay kami napalingon sa nagsalita. "What is happening here?" Papalapit si Donya Juda sa kinaroroonan namin. Nang tuluyan makalapit ay namaywang siya sa harapan namin. "I'm asking both of you, what is happening here?" ulit niya sa naunang tanong. "Nothing mom." Si Sir jonard ang sumagot. Bumaling si Donya Juda sa akin na nakataas ang kilay. "And you, what are you doing here? You must be there and helping others to serve the visitors? If my brother is treating you like his own family and letting you do anything you want in this mansion, then forget about it. Because you are just an employee! Stop dreaming that my brother will give you anything in his last will! Pare-pareho lang kayo nila attorney mga sipsip!" mahabang pahayag ng Donya na nagpakulo sa aking dugo. Kahit kelan ay hindi ko hinangad ang kayamanan ng Don. Kahit kelan ay hindi ako lumapit sa Don para magpasipsip. Alam ko naman na noon pa man ay ayaw na sa akin ng mag-ina dahil pakiramdam nila ay inuuto ko ang Don. Ano tingin nila sa Don, bobo! "Get up!" malakas na sigaw ng donya sa akin. Pinili ko na lamang na huwag siyang patulan dahil kapatid pa rin siya ng Don at malaki ang respeto ko sa Don. Tumayo na ako at walang lingon-likod na iniwanan ang mag-ina sa hardin. "Bastard!" Narinig ko pang sigaw ng donya. Pinipilit ko pakalmahin ang sarili ko. Respeto man lang sa burol ng Don. Kung makaasta ang mag-ina akala mo naman sila ang tagapagmana. Masaklap pa ay kamamatay lang ng Don, last will na agad ang nasa isip nila. Minsan naitatanong ko kung kapatid ba talaga ng Don ito dahil napakalayo ng ugali kungsabagay sa ama lang pala magkapatid ang mga ito. Pinili kong tumulong na lamang sa mga bisita kaysa isipin pa ang mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD