Chapter 3 Welcome home

2059 Words
Angelo Sky Hindi ako natulog sa buong magdamag. Nanatili ako sa burol ng Don. Gusto kong namnamin ang bawat oras na nasisilayan ko pa ang kanyang mukha. Dahil alam ko hindi ko na ito muling makikita. Napabuntung-hininga ako habang nakaupo sa aking kama dito sa kwartong nakalaan para sa akin sa mansion. Pumasok lang ako sa silid upang makapagpalit ng damit. Ngayon ang dating ng nag-iisang anak ng Don. Nung ipatawag ako ng Don sa bahay niya ay kakarating lang din niya mula sa pagbisita sa anak niya. Isinasama nga niya ako pero tumanggi ako. Alam ko gaano kamahal ng Don ang anak kahit puro sakit ng ulo ang binibigay nito sa Don. Ang katwiran ng Don, anak niya ito at nag-iisang alaala ng yumaong asawa. Nakarinig ako ng katok kaya tumayo na ako at binuksan ang pintuan. "Magandang umaga po, sir," bati ni Camille. Anak ito ni nanay Felisa, nasa labing-limang taong gulang ito kung di siya nagkakamali. "Maganda umaga rin, Camille. Anong kailangan mo?" "Pinapatawag na po kayo ni nanay, parating na raw po si senyorita Belleza," imporma niya. "Sige sunod na ako." Isinara ko na ang pintuan at bumalik sa aking kama. Hindi ko alam kung bakit bigla ay kinabahan ako. Ano naman ngayon kung nandito na siya? Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako at nagpasyang bumaba. Tanging black t-shirt at maong pants ang aking suot at ang aking snickers na kulay itim din. Sinuklay ko pa ang aking magulong buhok gamit ang isang kamay ko. May chapel sa labas ng mansion. Pinasadya rin ito ng Don dahil minsan daw ay hindi na nakakapunta sa simbahan. Dito nakaburol ngayon ang butihing Don. Napahinto ako sa may b****a ng chapel ng mahagip ng aking mga mata ang isang matangkad na babae sa harap ng kabaong ng Don. She was wearing a color black long sleeve maxi dress na hanggang talampakan. Nakapusod ang kulay blonde niyang buhok. Napakaperpekto ng katawan nito. Sabi nga nila perfect body figure looks like a coca-cola bottle pero hindi 'yung sakto, 'yung talagang bote dati. Naipilig ko ang aking ulo sa kalokohan naisip. Nagdesisyon ako magtungo sa may gilid at sumandal sa may posteng naroon habang nakatingin pa rin sa babaeng nasa harapan. Kung pagmamasdan ito para ito isang napakakonserbatibong babae pero kabaligtaran 'yun. Ofcourse, he knew her more than others. Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ng kabaong ng Don. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pero sigurado akong nasasaktan siya. Sino ba hindi masasaktan mawala ang nag-iisang magulang na lang. "She can't even cry in her father death. What kind of daughter she is?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. May dalawang lalaking nakaupo sa may pinakadulo ng mga upuan malapit ako sa mga ito pero mukhang di nila alintana ang aking presensya. Nagpatuloy sila mag-usap. "I wonder how the Vazquez Shipment company survive if that's spoiled brat handle it," sabi naman ng katabi nitong lalaki. Palagay ko ay mga empleyado ito sa kumpanya ng Don. Hindi naman kasi mukhang mga businessman sadyang mga mukhang kulang sa pansin at pati panghuhusga ay pinatulan na. Bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa harapan. Ayoko siyang husgahan, siguro kilala ko siya pero kilala ko nga ba? Wala naman sigurong anak ang hindi masasaktan kapag nawalan ng magulang. Maybe she don't cry like a kid but she has her own reason. I knew that this woman is in pain inside. Bigla akong natulos sa aking pagkakatayo ng dumako ang tingin niya sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Kahit nakasuot siya ng salamin ay ramdam ko ang pagtititigan namin. 'Yun nga lang ako diko makita kung ano ang nilalaman ng mga tinging ibinato niya sa akin. Naputol ang pagtititigan namin ng marinig namin ang malakas na boses ni Donya Juda. "Your here, iha," sabi ng donya habang naglalakad palapit sa anak ng Don. Nakita kong nakipagbeso siya sa Donya at sa pinsan niya. Pero laki pagtataka ko ng iwanan niya ang Donya at pinsan niya. Naglakad siya palabas. "Such a stubborn niece!" Napalingon ako sa kinaroroonan ng Donya dahil sa sinabi nito. Hindi pa ba ito sanay sa pamangkin. Dati pa naman ay malamig ang pakikitungo ng dalaga sa mag-ina na akala mo ay hindi niya kapamilya. Nagdesisyon akong tumulong na lang sa pag-aasikaso sa mga bisita. Lalo na at halos mga kilalang tao sa industriya ng negosyo. Ang iba ay kilala ako bilang personal assistant ng Don kaya ako halos ang humaharap. Pagkalipas ng halos dalawang oras sa pag-aasikaso sa mga bisita ay nilapitan ako ni attorney Guerero. "Angelo,"tawag niya sa akin. Nandito ako sa may kusina kung saan nagpapahinga ako saglit. Wala rin kasi akong tulog kaya siguro nakaramdam din ako ng hilo. Lumapit siya sa akin habang ako ay nanatiling nakaupo. "Ayos ka lang ba?Mukhang hindi ka pa natutulog simula kahapon. Kahit ilang oras lang dapat magpahinga ka." Bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Maayos lang po ako, attorney. Bakit niyo nga po pala ako hinahanap?" tanong ko. Humila siya ng isang upuan at umupo sa aking tabi. Isinandal niya ang likod sa sandalan ng upuan. Alam kong isa rin siya sa nahihirapan sa maagang pagkawala ng Don. Namayani ang katahimikan ng ilang minuto bago siya muli nagsalita." Gusto na ni Elle na ilibing ang ama ngayong araw." Nagulat ako sa aking narinig kaya liningon ko siya at walang bakas na nagbibiro siya sa sinabi. "This af-afternoon?" gulat kong tanong sa kanya. Tumango siya sabay pilit na ngumiti. Umayos rin siya ng upo at humarap sa akin. "That's what she said. Actually she's already took everything. By 4pm the ceremony will start. Tama naman siya wala ng ibang hinihintay kaya bakit pa raw kailangan patagalin," pahayag niya. Ganun lang yun? Bakit nagmamadali ito? Kahit sana tatlong araw man lang ay hayaan nito. "I will talk to her. Where she is?" 'Yun ang lumabas sa aking bibig na maging ako ay ikinagulat ko. Kita ko rin ang pagkunot noo ni attorney. "Are you sure? Why?" Nalunok ko ang sarili kong laway dahil tila may bumara rito. Bakit ko nga ba siya kakausapin? Siya ang anak kaya siya ang may karapatang magdesisyon. "Why do you want to talk to me?" Kapwa kaming nagulat ni attorney dahil sa biglang nagsalita mula sa aming likod. Kahit hindi pa kami lumingon ay kilalang-kilala ko sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Follow me in the library if you want to talk to me. I wait you there," sabi nito at ang palayong mga yabag na lamang ang aming narinig. Masyado ba seryoso ang usapan namin ni attorney at ni hindi man lang namin narinig ang pagdating nito. "Follow her, alam mo naman mainitin ulo ng batang 'yun," naiiling na sabi ni attorney. Tumayo na ako at nagsimula na ngang sundan ito sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid-aklatan. "Ang bilis naman maglakad ng babaeng 'yun," bulong ko sa aking sarili ng hindi ko na ito matanaw. Mas binilisan ko ang aking paghakbang dahil isa sa ugali nito ay ang pagiging mainipin. Pagkatapat ko sa pintuan ng silid-aklatan ay kumatok muna ako ng tatlong beses. "Come in," boses mula sa loob. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at binuksan ang pintuan. Tuluyan na akong nakapasok at nakita ko ang dalagang nakaupo sa swivel chair na nakasandal sa sandalan at naka dewatro ng upo habang ang mga kamay ay may nilalarong ballpen. Dumako ang mga mata niya sa akin mula sa pagkakatingin niya sa ballpen na pinaglalaruan. "Lock the door and sit down." Iminuwestra niya pa ang isang kamay sa visitor chair na nasa harapan niya. Sinunod ko muna ang sinabi niyang i-lock ang pintuan. Bago naglakad papunta sa bakanteng upuan sa harapan niya. Mabilis akong umupo at muling tumingin sa kanya. Muling nagsalubong ang aming mga mata, this time I can clearly see her hazel eyes. Pero blangko ito ni isang emosyon ay wala akong makita. Ngunit halata ang pamamaga ng mga mata niya, halatang galing sa pag-iyak. Sinabi ko naman na hindi ito manhid, siguradong nasasaktan rin siya sa pagkawala ng ama. "Done memorizing my face?" Nabalik ako sa aking sarili sa sinabi niya. Nakataas na ang kilay niyang nakatingin sa akin. Mabilis kong binawi ang aking tingin mula sa kanya. "Now, Mr.Samaniego. Why do you want to talk me?" tanong niya. Napakaprangka talaga ng babaeng ito. Ang layo-layo ng ugali sa ama nito. Tumikhim muna ako para alisin ang tila barado sa lalamunan ko. Her presence really makes me shiver inside. Kalalaki kong tao pero iba talaga ang dating ng babaeng ito. Bumaling ako sa kanya at nakataas pa rin ang kilay niya habang nanatiling nakasandal sa upuan. "Attorney told me that you want to do the burial of Don Arnulfo today? Why not do it tomorrow? You just arrived, don't you want to be with him a little longer?" sabi ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin at ibinalik sa ballpen na hawak-hawak. Ilang minuto siyang nanahimik. Habang ako ay malayang napagmamasdan ang kanyang napakaamong mukha. If you will look at her, she has the feature of an angelic face. But don't let yourself be deceive, because behind that angelic face is hiding a heartless woman. Narinig kong bumuntung-hininga siya bago tumayo at lumapit sa mini bar na naroon sa silid-aklatan. Kumuha siya ng isang kopita at nagsalin ng alak. Napailing na lang ako. Iba talaga pag-iisip ng babaeng ito. Nagawa pang uminom sa burol ng ama. "If your done, you may go out," mababa pero madiin niyang sabi habang nanatiling nakatalikod sa akin. Tumayo ako at nagsalita, "Itutuloy mo pa ba? Isang araw lang." Narinig kong tumawa ito. Tawang nakakainsulto. "Don't act like you care Mr.Samaniego. Maybe you are the favorite of my father but I'm still the daughter, only daughter. So, now get out!" malakas niyang sigaw. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Pero ayoko muna patulan siya dahil mukhang nasasapian na naman ng masamang espirito. Humakbang na ako palapit sa pintuan nang nasa tapat na ako ay muli akong nagsalita. "Think whatever you want to think, but you can't deny the fact that Don arnulfo don't just treat me like his favorite but also his son," pagkasabi ko nun ay mabilis akong lumabas at nagtungo sa aking silid upang ayusin ang mga gamit ko. Wala ng rason para manatili pa rito. Kaya isa-isa ko ng ililigpit ang mga gamit ko. Pati na rin ang nasa opisina dahil alam ko naman isa ako sa unang mawawalan ng trabaho, panigurado. Nakatayo ako sa harapan ng puntod ni Don Arnulfo Vazquez.Itinuloy pa rin ni Belleza ang pagpapalibing sa ama nito ng araw na yun. Nakaalis na lahat ng tao nakipaglibing tanging ako na lamang ang nanatili. "Regret?"napapitlag ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. I will never forget that sweet but dangerous voice. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.Kapwa na kaming nakatayo sa puntod ng mag-asawang Vazquez. "Tell me that you know about his condition,"basag niya sa katahimikan namayani sa amin. "What condition?" "Stop acting innocent,Mr.Samaniego!"bakas ang tinitimping galit sa boses niya. "I don't know what your talking about,"matigas kong sabi. Pagak siyang tumawa."Keep denying!Kung hindi mo kinunsiti si papa na itago sana may tumutok sa kanya!" I stilled,trying to understand what she just said.Is she blaming me? "Are you blaming me?" "Yes!"diretsong niyang sagot na dahilan para lingunin ko siya. Nakababa ang tingin niya sa puntod ng mga magulang niya. I can feel in her voice the sadness but she's keeping it,hiding it. "You know your father than I do.That is his decision and you know that once your father decide no one can't stop him.So,why blaming me?Just like you said before,you are the only daughter.But you don't know anything,"mapakla kong pahayag sa kanya. Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao niya at umangat ang tingin sa akin.I can't see her emotion because of the sunglasses she is wearing,but I know I hurt her feelings.Pasensyahan na lang,pero truth hurts. "Pack all your things and leave in the mansion and in the company!"matigas niyang sabi. I chuckled,"Don't worry I already did.You don't need to push me away!"pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya.Alam kong maling pinatulan ko siya pero ang sisihin ako sa pagkamatay ng Don ay hindi naman tama. Ilang beses ko naman pinilit kumbisihin ang Don na kumuha ng private nurse na laging nasa tabi niya pero ayaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD