Belleza NAKATUTOK AKO sa aking laptop upang tapusin ang ginagawa kong presentation para sa paparating na thirty anniversary ng kumpanya ni papa. Ayaw pa nga akong papasukin ni Gelo keso masama pa raw pakiramdam ko. Pero nagpumilit ako dahil kailangan kong pumasok. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Bigla siya nag-iba. I mean, sobrang asikaso niya ako. Tulad kanina ng nag-aalmusal kami. Halos siya lahat kumilos, sabay rin kaming pumasok. Hindi ako sanay sa ipinapakita niya pero iniisip ko na lang na ginagawa niya 'yun bilang asawa ko. Napahinto ako sa ginagawa ko ng bumukas ang pinto ng opisina ko. Hindi ko na kailangan tignan kung sino ang pumasok. "What are you doing here?" malamig kong tanong sa tatlong pumasok. "What a warm welcome, Maria. Nawawalan ka na talaga ng good manners. It

