Angelo Sky Pagkapasok ko sa silid ay hindi ko nakita ang aking asawa. Baka nasa banyo pa siya. Nilapitan ko ang aking bag na nasa may working table, kinuha ko ang aking laptop at dinala ito sa may kama. Pasalampak ako umupo sa ibabaw ng kama habang nakapatong ang laptop sa aking kandungan. Binuksan ko ito at sinimulan mag-check ng mga e-mail. Mas dumami pa ang naging transaction namin dahil sa maling paratang. Mukhang mas pinaboran pa kami keso sinisiraan daw kami. Wala pa rin nakukuhang impormasyon si Timothy tungkol sa set-up na nangyari. Malinis ang pagkakagawa at mukhang nag-lie-low muna kung sino man ang gustong sumira sa kumpanya. Napapaisip naman ako kung isa sa mga shareholders, imposible naman dahil maging sila ay tatamaan kapag nasira ang reputasyon ng kumpanya. Narinig ko

