CHAPTER 1
Isang buwan na ang nakakalipas ng grumaduate sya sa kursong Bachelor of Science in Business administration. Na isipan niya munang magpahinga ng isang buwan bago maghanap ng trabaho para naman makapag pahinga kahit papano bago sumabak sa trabaho.
"Ella balak mo na bang mag hanap ng trabaho bukas dito satin? Parang may nakita akong hiring sa isang fast food, Gusto mo apply tayo?" Sabi sa kanya ng kababata nyang si Roy na kakagraduate lang din kagaya nya sa kursong BSBA.
"Sige ba! aplayan natin bukas para naman makatulong na ako kayla tatay at inay sa pagpapaaral kay Enzo sa susunod na pasukan" Tukoy nya sa bunsong kapatid na si Enso.
Ang nanay nya kasi ay nagtratrabaho bilang isang katulong sa maynila. Matagal narin ito doon at ginagawa ng katiwa pag wala ang mga amo nito. Mababait ang mga amo ng kanyang ina at malaki pa magpasahod. Pinapayagan pa itong every month umuwi sa kanila kaya naman sa edad na 55 ay ayaw parin nitong mag resign. Kahit pa naka graduate na sya ng kolehiyo.
Ang Tatay nya naman ay andito sa Laguna at syang namamahala sa kanilang bukirin. Ito rin ang nagbabantay sa kanila lalong lalo na sa nakababata nyang kapatid na si Enzo.
12 years old na si Enso at mag 1st year high school na ngayon darating na pasukan. Ako naman ay mag 22 ngayong taon.
"Yown! Anong oras tayo bukas?" Na putol pag iisip nya ng biglang magsalita si Roy.
"8am siguro, dapat maaga tayo" Sabi nya.
"Cge kitakits nalang bukas! Alis na muna ako at may pinapabili si inay sakin sa mall." Sabi ni roy sabay tayo at umalis
Tinawag naman sya ng kanyan tatay na kadarating lang galing sa bukid at pina kuwa ng inumin.
Nong pagabi na ay nagsaing na sya at nagluto ng sinigang na baboy para sa hapunan nila.
Ang kapatid naman na si Enzo ay nanonood ng TV.
Habang ang tatay nya naman ay nasa balkonahe at may kausap sa cellphone nito.
Hula nya ay ang inay nya. Kasi walang araw ito na hindi na tawag sa kanila o sa tatay nya para mangumusta.
Nong matapus syang magluto tinawag nya na ang mga ito para kumain na sila. Sakto namang kakatatapus lang ng pag uusap ng tatay nya at ng inay nya.
Umupo sila at na pansin nyang tumitig ang tatay nya sa kanya. "Tay anong mayron? Bakit nakatitig ka sakin may dumi ba ako sa muka?" Sabi nya na naka ngiti.
"kumusta pag-uusap nyo ni inay?" Tanong pa nya.
"Inatake daw ng rhauma nya ang inay nyo anak! At sinabayan pa ng trangkaso. Di daw sya maka tayo at ng hihina sya." Sabi naman ng kanyan tatay na halatang nag-aalala sa inay nila.
Na gulat naman sya at biglang nag-alala din sa kalagayan ng kanyang inay. Maging ang kapatid nyang si Enzo ay kita din ang pagaalala sa muka nito.
"Tatawag daw sayo inay mo bukas ng umaga Ella anak at may sasabihin sayo." Sabi pa ng tatay nya na bigla namang nagpakaba sa kanya
"Cge po tay at aabangan ko po ang tawag ni inay bukas." Sagot naman nya sa tatay nya.
Habang kumakain d maiwasan na mag-alala sya sa kanyang inay. Napapadalas na kasi ang pag atake ng rhauma nito sa paa at kapag inaatake ay d na talaga maka tayo o maka lakad tapus sinabayan pa ngayon ng trangkaso.
Tapus nila kumain ay si Enzoo na ang pinaghugas nya ng mga kinainan nila.
Dumiretso sya sa kwarto nya at umupo sa kama.
Tatlong kwarto lang ang mayron sila sa bahay isa sa kanya, isa sa tatay at sa inay nila at yong isa naman kay Enzo. Saktong sakto lang bahay nila sa maliit nilang pamilya.
Tapus kumain dumiretso naman ang tatay nya sa sala at nanood ng balita habang nagpapatunaw ng kinain. Di parin ma alis ang pag aalala para sa asawa.
Dahil sa pag iisip nya sa inay at sa pag aalala dito ay di nagtagal nakatulogan nya na ito.