Kinabukasan ay na gising sya sa lakas ng vibrate ng kanyan cellphone. Di nya namalayan na nailagay nya pala ito sa gilid ng kama nya bago sya naka tulog kagabi.
Tiningnan nya ito at kinuwa para makita kong anong oras na at kong sino ang tumatawag.
Nakita nya sa orasan ng kanyan cellphone na 6am palang ng umaga at nakita nyang ang inay nya ang tumatawag sa kanya.
Na aalala nya na tatawag pala ito ngayong umaga pero d nya alam na ganito kaaga.
Sinagot nya naman ito agad.
"Good morning inay! Kumusta kana? Sabi ni tatay kagabi na inatake ka daw ng rhauma mo at d ka makalakad tapus nagkatrangkaso ka pa daw. Kumusta na po pakiramdam mo ngayon inay? Uminom kana po ba ng gamot mo?" bungad nya dito na d na napigilan ang sunod sunod na pagtatanong nong maalala nyang may sakit ito.
"Hello anak magandang umaga din, Pasensya kana at na patawag ako sayo ng ganito ka aga. Hanggang ngayon ay d parin ako maka tayo at may trangkaso parin. Kakainom kulang rin ng gamot ngayong umaga bago ako tumawag sa iyo anak." Pahayag naman ng inay nya.
"May e papakiusap sana ako sayo anak Ella."
dugtong pa ng kanyan inay na halatang may iniindang sakit.
"Ano po yon inay?" Tanong nya sa kanyang inay. D nya pinahalata na kinakabahan sya.
"Gusto ko sana anak na lumuwas ka muna dito sa maynila. Ikaw muna ang pumalit sakin dito habang nagpapagaling ako. Kahit ilang linggo lang anak hanggang sa gumaling lang ako. Nakakaheya na kasi sa mga amo ko anak na d ako nakapagtrabaho." Sabi ng kanyang ina.
"Ayaw mo pa po bang umuwi dito inay at dito nalang po magpagaling? nag-aalala narin po kame dito sa kalagayan mo inay. Ok lang naman po sakin ako muna pumalit sayo inay, wala pa naman po akong nahahanap na trababo." Sabi nya sa kanyang ina.
Na isip din sya na kong sakaling gumaling na ang kanyang ina ay balak nyang doon nalang maghanap ng trabaho sa maynila. Malaki kasi daw sahod doon kaysa dito sa Probinsya na provincial rate lang.
Pag magkatrabaho kasi sya ay balak nyang pahintuin na ito sa pagtatrabaho at manatili nalang dito sa laguna. Matanda narin kasi ito at lage ng inaatake ng rhauma nito. Nais nyang bigyan ito ng kabuhayan or maliit na tindahan dito sa laguna para manatili na ito dito kasama ang kapatid at ang tatay nya.
Pero d muna nya dito sinabi ang balak nya. Balak nyang sabihin dito kapag gumaling na ito. Pinagdadasan nya nalang na sana maka hanap sya agad ng trabaho sa maynila pagbumuti na ang lagay nito at sana rin ay mapapayag nya ito sa gusto nya.
"Totoo ba anak? pumapayag ka?" tanong ng kanyang ina na d maka paniwala sa sinabi nya." Pasensya na anak, Dahil nga sa d ako makalakad at masama rin pakiramdam ko ay d ko rin kakayaning makauwi dyan satin. Dito nalang siguro ako magpapagaling. Wag kayong mag-alala d naman rin to mag tatagal at magiging ok na din ako." Sabi pa ng inay nya
" Opo inay, Payag po ako. Para makapag pahinga karin at para bumilis ang pagbuti ng pakiramdam mo." Sagot nya naman rito.
Napa isip sya sa sinabi nya kanina sa kanyang ina na gusto nyang pauwiin ito at dito nalang sa kanila magpagaling. Nakalimutan nyang d pala rin talaga ito makakauwi kong sakali, Dahil nga sa d nga ito makalakad at nanghihina pa ito. Hula nya ay dirin ito papayagan ng mga amo nito na umuwi sa ganon lagay.
Medyo na sabaw sya doon sa part nayon. Anya sa sarili at napailing.
"Cge po inay. Ako narin po ang magbabantay sayo dyan pag andyan na ako. Bukas na bukas rin ay luluwas ako ng manila. Sasabihin kurin mamaya kayla tatay ang pinag usapan natin. " Dugtong nya sa sinabi
"Salamat anak! Sasabihin kurin mamaya sa mga amo ko na ikaw muna ang proxy ko habang nagpapagaling ako. Aalalayan at tuturuan ka naman dito ni mel sa mga gagawin. Nakakaheya na kasi at naka higa lang ako dito simula nong isang araw at hinahatiran lang ako ng gamot at pagkain ni melinda" Tukoy nito sa isang katulong doon na nakilala nya din dahil sa kanyang ina.
Dalawa lang silang katulong doon at yong mama nya ang tumatayong mayordoma sa bahay na iyon.
"Cge inay at magpahinga kana muna lalabas narin ako ng kwarto at magluluto ng umagahan namin at para masabi ko narin kay tatay ang mga pinag usapan natin." Paalam nya sa kanyang ina.
Nagpaalam narin ito sa kabilang linya at sinabing magpapahinga na.