Ng hapon ay nag txt sya kay Roy na d na sya tutuloy sa pagaapply at paghahanap nila ng trabaho dahil nga sa nangyare sa ina.
Na intindihan naman nito iyon at sinabing sya muna daw ang magaapply mag isa kasi kaylangan na nga daw rin nito ng trabaho.
Nasabihan narin nya ang kanyang tatay at kapatid sa nais ng ina at ok lang daman daw sa mga ito iyon. Kaya bukas na bukas din ay pupunta sya sa maynila.
Sa ngayon ay nag e impake na sya sa mga dadalhin nyang gamit. Sumakto sa isang backpack at sa isang maliit na malita ang kanyang mga damit at iba pang gamit na dadalhin. Sinigurado nya na kayang kaya nya itong ma bitbit mag isa.
***
Kinabukasan ay maaga syang na gising.
6:30am palang ay naka bihis na sya at naka oag breakfast na din. 7:30am kasi ang first trip ng bus. Gusto nyang maaga umalis para makarating din sya ng maaga sa maynila. Nasabihan narin nya ang inay nya na 7:30am sya aalis ngayon.
Lumabas na sya sa kanyan kwarto bitbit ang bag at malita nya. Pagtingin nya sa sala ay nandon na ang kanyang tatay at bagkakape. Sakto namang lumabas din si Enzo sa kwarto nito.
"Oh, anak aalis kana ba? kumain kaba muna?"
Bongad sa kanya ng kanyang tatay.
Umupo naman sya sa sala sa tabi ng kanyan tatay bago magsalita "Oo tay, para maaga din ako makarating. Okay lang ba kayo dito ni Enzo?" Sagot naman nya.
"Sabagay, magtxt ka sa inay mo kapag nakarating kana don. Wag muna kame alalahanin dito ni Enzo. Pag andon kame sa bukid or kong wala kame dito sa bahay ay pwede naman namin e lock ang bahay." Sabi naman sa kanya ng kanyang itay.
Nakita nyang tumabi si Enzo sa kanya at biglang yumakap. " Ate mag iingat ka don sa maynila ha? At ikaw na bahala kay inay, tawagan mo rin kame dito lage. Mamimiss kita! kayo ni inay." Biglang sabi ng kapatid nya na parang paluha na.
Sweet naman kasi itong kapatid nya at magkasundong makasundo talaga sila.
kaya naman ay napayakap na din sya dito
"Kayo rin dito, ikaw na bahala kay itay ha? wagkang pasaway kay tatay. Mamimiss kudin kayo."
****
Maya maya ay umalis na din sya sa bahay nila. D na sya nagpahatid sa mga ito dahil malapit lang naman sa kanila ang sakayan ng bus isang trike lang.
Pagkarating nya sa bus station ay hinanap nya agad sakayan papuntang maynila. Pumwesto sya sa may bintana.
First time nyang makakapunta sa maynila kaya naman ay halong excitement at kaba ang nadarama nya.
Sa pagmumuni muni nya ay d nya namalayang nakatulog sya sa buong byahe.
Nagising sya sa ingay at tapik sa kanya braso.
"Miss andito na tayo sa terminal, Maynila na to miss gising na at bumaba na po."
Bigla naman syang na alimpungatan at dumilat. Nakita nya ang kundoktor na syang tumatapik pala sa kanya. Nakita nya rin na nagsibabaan narin ang ibang pasahero.
"Ay, pasensya na po kuya. Salamat po sa pag gising." Sabi naman nya sa mabait na kundoktor.
Tumalima narin sya at bumaba na ng bus.
Don nya palang nakita ang nagsisitaasang gusali at rame ng mga tao sa paligid.
D nya napigilan magpalinga linga ulit at titigan ang nagsisitaasan gusali. Para syang tanga na wow ng wow sa isip nya.
Nong natauhan ay inalala nya ang address na binigay sa kanya ng kanyang ina kagabi. Tinuro din nito kong ano ang dapat na sakyan papunta doon.
Pumara sya ng Taxi at sinabi nya sa taxi driver ang address na pupuntahan nya.
Mahal ang pamasahe pero ok kang kaysa magkaligaw ligaw pa sya. Yon din ang gusto ng kanyang ina para daw rekta na sya doon.
Pinara naman sya ng taxi sa mismong harap ng gate na pupuntahan nya. Tapus magbayad at makababa ay na pa wow sya bigla.
Nakita nya ang malaki at na pakagandang bahay. Ito na ata ang ang pinaka magandang bahay na nakita nya sa subdivision na ito.
Kanina kasi pagpasok nila sa subdivision ay d nya mapigilan ang mapahanga sa mga bahay na nakikita nya. Makikita mo talagang mayayaman ang nakatera sa subdivision na ito. Abay kay gaganda ng bahay. Gate at Labas palang ang gaganda na ano pa kaya sa loob.