Chapter 31 - Breaking Point

2021 Words

“KAILAN ka uuwi, anak?” Wala sa sariling nakagat ni Ira ang ibabang labi sa tanong na iyon ng kanyang ina. Kausap niya ito sa cellphone. Halos ang mommy na lang niya ang tumatawag sa kanya. Minsan lang niya ito tinawagan. Iyon ay noong unang unang linggo lang niya sa bahay nina Xyrus. Pagkatapos n’yon, hindi na siya uli tumawag. Hinihintay na lang niyang tumawag ang kanyang ina. Halos wala na rin kasi siyang time na tumawag. Isa pa’y baka mapaiyak lang siya kapag lagi niya itong tatawagan. Mabuti na lang at gabi na nang tumawag ang mommy niya. Hindi na siya busy sa mga gawaing bahay. Oras na nang pamamahinga niya. Sa dami nang nilabhan niya kanina, gusto na lang niyang humiga at magpahinga. Pero dahil tumawag ang mommy niya, napilitan siyang lumabas ng kuwarto. Tumuloy siya sa likuran

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD