"Ang yabang no'n," alburuto ni Anthony pagkatapos naming magpack up at bumyahe.
Tumitig ng masama sa kanya si Glory, naiinis sa sinabi ni Anthony. Ako nga rin at gano'n. Ayaw kong maniwala sa sinasabi ni Anthony na mayabang ito gayong sa nakikita ko, malayong magkaiba nga talaga sila ng ugali no'ng Alex.
"Anong mayabang?! Hindi naman, ah!" iritadong naisatinig ni Glory.
"Oo nga." Na sinugundahan pa ni Riza.
"Kayo... nakakita nga lang ng gwapo, naging bulag na." si Rommel.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa bangayan ng mga katrabaho. Gusto ko nga ring sabihin na hindi naman gano'n si Ulysses, alam ko, dahil nga tinulungan ako nito noon. Masyado lang talagang bulag at bitter ang mga lalaki kaya ayaw nilang maniwala na mabait naman si Ulysses. Maswerte nga ang anak at asawa nito.
"Okay ka lang?" gagap ni Ana sa noo ko nang umuwi ito kinaumagahan at nakita akong nakahilig sa sink. Pakiramdam ko nanunuot sa balat ko ang sobrang init na nararamdaman. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba mamaya o hindi. Bigla na lang kasi akong dinapuan ng sakit.
Tumango ako kay Ana at umiling siya, "Hindi, e. Tingnan mo nga at namumula pati leeg at mukha mo."
Ngumiti na lang ako at umiling saka kinuha ang pagbibihisan. Kakayanin ko naman siguro.
Ngunit nang lumabas ako ay gano'n na lang ang gulat ng mga katrabaho at halata ang pag-aalala habang kinakumusta ako. Gayong nakikita ko pa naman ang mga bagay na klaro at hindi gumagalaw sa aking paningin. Sadyang mainit lang ang katawan ko ngayon.
"Alam mo, magpahinga ka muna." Suhestyon ni Glory.
Umiling ako, at umiling din siya na parang disappointed na inaasal ko. Kaya ko pa naman. Kaya ko pa.
"Namumula ka na..." paalala sa akin ulit ni Anthony. Napaangat ako mula sa pagbibilang ngumiti sa kanya.
"Pag naman kasi nilalagnat ako ay talagang namumula ako. Okay lang naman ako, Anthony."
Tumango ito at naglakad palayo para salubungin ang kakapasok lamang na mga customer. Sadyang natulala ako sa taong pumasok, apat na araw na magkakasunod at walang humpay, paano ako makakalma nito?
Ngunit gano'n na lang ang pagkakatulala ko rin sa kasama niya. Nakauniporme silang pareho, napakurap nga ako. At mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Kaso biglang tumaas naman ang lagnat ko dahil sa nararamdamang kaba.
Naalala ko iyang babaeng kasama niya, iyan yong kumaway sa kanya noon. Maganda rin... di ko inakala na pulis din pala iyon. Napalunok na lang ako sa hiya dahil sa nararamdamang pagkamangha.
Yuyuko na sana ako nang nakita siyang direktang nakangiti sa akin. May sinabi ito sandali sa katabing babae at naglakad na silang pareho patungo sa counter. Kung saan halos mabuwal ako sa kaba... mas lalong nag-iinit ang mukha ko dahil sa nangyayari.
Halata rin sa mukha ni Anthony ang pagtataka at nakasunod ang mga mata sa mga panauhin na naglalakad patungo rito.
"Hi, Nia." Bati niya.
Napalunok ko bago ngumiti sa kanilang dalawa. Napatitig ako sa kasama niyang babae at gusto kong makompirma kung ito ba ang asawa niya. Ibinaba ko ng kaonti ang mga mata patungo sa mga daliri niya. At tama nga ako, ito yon. Itong yong nanay ng anak niya.
"Good morning po. Ano pong sa inyo?" tanong ko at bahagyang yumuko. Nahihiya ako nararamdamang pagkakagusto sa pulis. Gayong nasa harapan ko mismo ang nagmamay-ari ng apelyido niya. Parang pinapamukha sa akin na hanggang crush na lang ako. Bawal makisawsaw.
"Anong sa'yo?"
Napaangat ako mula sa ambang paglilista. Mas lalo tuloy uminit ang batok ko at nanlalabo na ang mga mata. Napaka-gentleman niya para sa isang asawa. Napakaswerte nitong kasama niya.
"Sir, tulad na lang no'ng kinwento ko sa'yo."
'Sir?!' gulat na gulat ako sa address ng babae. Agad nga akong napayuko dahil sa pagbaling sa akin ni Ulysses. Baka kasi makita niya sa mukha ko ang gulat. Hindi pwede, at baka mahalata niyang may gusto ako sa kanya.
Inangat ko naman ang mukha ko at tumitig sa counter kung saan nakalagay ang kamay niya. Tinitigan ko ng isa-isa ang mga daliri niya na baka sakaling may mahanap akong singsing. Napahinga ako ng malalim na wala naman... o baka nga nasa kabila. Ngunit gano'n din ang gulat ko ng pinalitan niya ang kamay na nando'n ng isa pa. At kahit isang singsing ay wala rin.
Narinig ko na tumawa siya. Napaangat ako at tinitigan siya na ipinakita sa akin ang dalawang kamay.
"Nia, I am not married. Don't worry."
Natawa iyong katabi niyang babae. Mas lalong nag-init ang pakiramdam ko at napaatras. Nahahalata niya na ako! Gusto kong magtago sa hiya. Nahihiya ako.
"Sir, type niyo po?" hindi nahihiyang tanong ng babae sa harap ko.
Parang gusto ko ng tumakbo palayo. Ayaw kong marinig ito. Nahihiya na nga ako. Parang gusto ko na lang patulan iyong sinabi ng mga katrabaho na kailangan ko ng pahinga. Mas lalong lumalala ang sakit ko ngayon.
"Ah, nakakahiya sa bata, Lea."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nag-init na mukha. Ang sama na talaga ng pakiramdam ko. Parang gustong-gusto ko ng magpahinga. Nasusuka ako.
Sumenyas ako kay Glory na nasa kabilang mesa at nakatitig dito. Gusto kong sabihin na palitan niya ako rito kasi hindi ko na kaya. Parang mabubuwal na ako sa panginginig ng katawan ko. Sa sinabi ni Ulysses, pakiramdam ko hindi lang matatapos do'n ang kaonti kong pag-asa. Apat na araw pa lang? Posible ba yon?
"Kung okay lang sa kanyang may extra baggage ako... okay---"
Natutop ko ang bibig at tinawag na ng tuluyan si Glory. Halata sa mukha niya ang pagkakataranta. Sumenyas naman ako na kailangan kong umalis at naduduwal na ako.
Tumakbo pa ako palayo at narinig ko ang paghingi ng pasensya ni Glory dahil sa biglang pag-alis ko.
Hinahapo ako sa likod habang nagsusuka. Naluluha na rin ako sa sama ng nararamdaman. Sakto naman ang dating ni Ma'am Elsie at tinanong ako kung kaya ko pa ba talagang magtrabaho gayong ang sama na raw ng timpla ng mukha ko. Kailangan ko ng pahinga. At pati si Ma'am Elsie ay nag-aalala na rin sa akin. Mas lumala pa kinabukasan.
Pinag-leave na ako ni Ma'am Elsie at pinatingin sa clinic na malapit lang din dito. Simpleng lagnat lang daw naman iyon ngunit inabot na ng tatlong araw. Halata na ang pag-aalala ng mga kaibigan ko at hinatid na ako sa hospital. Simpleng lagnat nga lang daw. Ngunit nagdesisyon na silang e-admit ako for health purposes.
Naiiyak ako, dahil kailangan ko pa tuloy magpahinga at gumastos ng kaonti na dapat binibigay ko na lang kina Papa. Nalaman na nga rin nina Papa na may sakit ako, at gusto pa sanang lumuwas kaso malapit na ang pasukan ng mga bata.
"Labas tayo?" aya ni Ma'am Elsie.
Pati ang may-ari ay naiistorbo ko na dahil sa sakit kong 'to. Wala namang ibang magbabantay sa akin kundi siya lang. Kung gabi naman ay si Glory ang humahalili rito. Dito na rin natutulog ang huli at nag-i-in lang ng late sa trabaho. Dalawang gabi na at gusto ko nang lumabas. Gayong okay na okay na naman ang pakiramdam ko. Gano'n nga siguro sa pinas, alam na ngang okay na ay pinapanatili pa. Para ano?
"Ikaw yon..." rinig ko na sabi ng batang babae sa tabi ko.
Nagulat na naman ako ng nakita ang anak ni Ulysses. Nakatayo sa tabi ko at nakapyjama pa. May sakit din ba ito?
"Kilala mo?" tanong ni Ma'am Elsie sa tabi ko na nakaupo rin sa bench, dito sa garden ng Hospital.
"Anak po ng client natin Ma'am,"
Tumango lang ito at nagpaalam sandali dahil may nakitang kakilala mula sa malayo. Tumabi rin sa akin iyong magandang bata at tumitig ng malalim sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit mabigat ang loob nito sa akin. Gayong mabait naman ako sa bata.
"I don't like you..." tahasan nitong sinabi.
Napanganga ako at magsasalita na sana kung hindi ko lang narinig ang hinahapong matanda habang pinapagalitan ang bata.
Sumama lang ang mukha nito at bumaba saka tumitig muli sa akin.
"I don't want you for my Dad."
Nang umalis ito ay natawa na lang ako. Paano ba ako magiging okay sa Tatay niya? E hindi naman kami nagkakamabutihan ng loob. Saka isa pa, ang layo ng mundo ko sa mundo niya. Paano ko ipipilit iyon? Kahit sabihin pang hindi naman ito kasal... aba malay ko ba sa set up nila no'ng nanay ng bata?
Ayaw ko ng gulo at saka ang dami ko pang kailangan tapusin. Mag-aaral pa naman ang mga kapatid ko at kailangan kong mag-ipon ng mabuti.
"May trabaho na ako, anak..." sabi ni Papa ng tumawag ako sa kanya.
Kumunot naman ang noo ko, at naupo sa kama. Paano naman ang mga kapatid ko?
"Half day lang naman, sa umaga iyon. Saka ihahatid ko ang mga kapatid mo sa eskwela sa umaga saka kukunin sa tanghali. Dadalhin ko sa trabaho at hindi naman mahirap iyon."
"Pa... kaya ko naman." Sabi ko.
Tumawa ito ng mahina, "Anak, dapat nga nag-aaral ka na lang."
Umiling ako sa sinabi niya. Gusto na talaga nitong magtrabaho. Ang laki na raw ng utang niya sa amin. Kailangan niyang bumawi para sa amin.
Kinabukasan ay nakabalik na ako sa pagtatrabaho pagkatapos makauwi mula sa hospital. Natuwa naman sina Glory sa pag-aakalang hanggang ngayon ay magpapahinga pa rin ako.
Ngumiti nga si Anthony at gusto sanang lumapit kaso may dumating na unang customer sa umagang yon. Napasilip din ako sa likod ng kusina at nakitang nando'n ang dalawang Chef at naghahanda sa mga ingredients.
"Alam mo, pabalik-balik iyong pulis dito. No'ng isang araw nga at napatanong na kung nasa'n ka. May something ba kayo?"
Gulat ako sa ibinalita sa akin ni Glory. Malisyusa ang mga titig nito. Nakatitig ng pabalik-balik ang titig niya sa akin at sa kay Anthony. Hindi ko alam kung bakit lahat ng mga titig ni Glory ay may kakaibang kahulugan. Gayong wala lang naman sa akin iyon.
"A-anong sabi?" kinakabahang tanong ko. Binalewala ang huli niyang tanong.
"Gusto mo yon?" simangot niya, nakalimutan ko na nga crush din pala niya iyon. "Pero okay lang, kung kayo muna ang mag-fling-fling."
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi nga siguro ako halata. Ngunit tulad niya ay may gusto rin ako sa lalaking yon. Sino naman ang hindi. Gwapo na nga, mabait pa.
"Anong sinabi?" tanong ko ulit.
Ngumisi ito at may binigay sa akin mula sa bulsa.
"Text mo na lang."
Nanginig kaagad ang kamay ko ng tinanggap ang pirasong papel na iyon. Dito pa talaga binigay gayong nasa iisang quarter lang naman kami.
Nakatitig ako ng matagal doon sa papel bago binulsa. Naging magaan tuloy sa akin ang buong araw. Alas siete yata ng gabi ng nagdesisyon akong subukan na etext ang numerong nando'n. Nagpakilala lamang na si Nia. At agad itong nagreply. Magrereply pa nga lang ako at nagring na kaagad ang cellphone.
"H-hello?" kinakabahang bati ko.
Narinig ko na tumawa siya sa kabilang linya. Parang nasiyahan pa sa narinig mula sa akin. Samantalang ako rito, parang magkakaroon pa ulit ng sakit.
"Nia, how are you feeling now?"
"Okay na po, nakalabas na ng Hospital." Kagat labing sagot ko sa tanong niya.
"Bibisita ako riyan bukas, pasensya na at hindi kita nabisita. Naging abala lang sa trabaho."
Bakit ito humihingi ng pasensya?! Para akong matutunaw habang tumatatak sa isipan ko ang sinabi niya. At bibisita raw siya bukas?! Goodness, ano naman ang gagawin ko? Kay bilis ng panahon. Isang linggo o higit pa lang kaming magkakilala. Gano'n ba talaga iyon? Halos hindi ako makatulog dahil sa tawagan namin. Nasa trabaho pala siya noon, isiningit niya lang ang tawag noon sa akin.
"Ang laki ng eyebags mo, may katawagan ka ba?" natatawang tanong ni Glory. Mukhang may ideya naman kung sino ang kausap ko kagabi.
Umiling na nga lang ako at nag-ayos na. Excited pa naman ako ngayong araw, bibisita raw siya. Kakain na naman siguro kasama ang isa sa mga katrabaho niya. Sisilipin ko nga mamaya.
Kaso nang mag-alas tres ay gano'n na lang ang lungkot ko ng hindi man lang nasilayan ang mukha niya. Naging abala na siguro, mahirap pa naman na gano'n ang trabaho. Baka isisingit lang din nito ang pagbisita sa akin.
"Ney!" masayang balik sa akin ni Glory, mag-aalas siete na at pasara na kami.
"Nasa labas siya..." bulong niya pa.
Kinabahan na naman ako at sinilid ang perang kinita namin ngayong araw. Natataranta pa ako ng binigay sa kanya ang supot. Tawang-tawa naman ito at tinulak ako para lumabas.
Nagdadasal na nga ako sa isipan na sana hindi ako madapa mamaya, mamaya niyan baka naging katawa-tawa ako.
"Good evening, Nia." Halata sa mukha niya ang pagiging seryoso ng binati ako.
At gano'n na lang ang gulat ko nang may lumabas mula sa gilid niya. Iyong bata.
"Daddy! Ayaw ko nga sa kanya!" alburuto nito.
Napahinga na lang ako ng malalim. Okay lang ba talaga na may extra baggage?