Nakipagkita lang siya sandali sa akin at umalis din sila. Nag-aalburuto na kasi iyong anak niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa bata na wala naman akong ibang masamang intensyon. At saka hindi naman ako umaasa na magiging okay kami ng Tatay niya. Alam ko naman kung anong responsibilidad meron siya, at alam ko rin kung ano ang responsibilidad ko sa pamilya. Kaya malabo, malabo na may patutunguhan.
Isang Linggo ko yata siyang hindi nakita. Maliban na lang do'n sa Alex na minsan ay kumakain ng mag-isa rito. Kahit tadhana naging mailap sa amin... sadyang may mga landas na nagkakatagpo ngunit imposibleng magkakatuluyan. Gano'n nga siguro.
Hanggang sa nakauwi na ako sa bahay ay hindi ko na siyang muling nakita pa. Ayaw kong umasa na meron, kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na wala naman talaga. Yong saya ko noon parang bulang naglaho. Nawala na lang ang lahat ng kaonting pag-asa ko. Umasa ako sa isang bagay na ako mismo ay alam na wala talagang pag-asa.
"Sama ka na..." pamimilit pa rin ni Glory ng bumalik ako sa restaurant. May camping daw ngayong gabi, sakto at holiday bukas kaya ako na naman ang inaaya nila. Ayaw kong sumama, maliban sa nagtitipid ako ay alam ko naman na hindi ako adventurous na tao.
Kaya lang, kinahapunan ay hindi ko maintindihan kung bakit napa-oo nila ako. Wala na akong nagawa nang nambulabog sina Ana, Riza at Glory sa loob ng silid ko at nangialam ng mga gamit. Napangiti na lang ako ng kaonti bago sumunod sa kanila palabas ng quarter. May naghihintay ng sasakyan sa labas, at iyon ang maghahakot ng mga dadalhin namin. May isang van din para sa mga kasali. May iba pa akong napansin na hindi kakilala. Siguro mga kakilala rin ng mga katrabaho ko.
"Wag... wag iyan." Narinig ko na sabi ni Anthony mula sa likod.
Lumingon si Glory at ngumisi bago tumitig sa akin. Kumunot naman ang noo ko at nagtatakang binalingan siya ng titig din.
"Wag ka raw..." tukso nito, na nagpipigil ng ngisi.
Kumunot naman ang noo ko at napatitig sa unahan. May checkpoint kaya kailangan naming bumaba at i-checheck pati loob ng van. Pumila kami kasama ng mga naunang bumaba. Narinig ko na lang na nagbubulungan sina Riza at Glory at bahagyang tumitili. Mas lalo lang kumunot ang noo ko ng nakitang bumalik ang titig sa akin ni Glory.
"Your lucky night," tuwang tuwang sabi nito, o patukoy sa akin.
Hindi naman ako nakaimik at nagtataka na rin kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ng dalawa. At hindi iilang minuto ay nasagot kung bakit gano'n na lang ang panunukso sa akin ni Glory. Halos ayaw ko ngang umusad dahil mula sa unahan ay nakita ko ang taong dalawang buwan ko ng hindi napapansin doon sa restaurant. Napaawang sandali ang bibig ko bago naglakad para sumunod kina Glory. Napalunok na lang ako at humarap sa likod kaso nakita ko ang titig ni Anthony na hindi ko naman maintindihan.
Mabilis akong naglakad hanggang sa tumigil ako sa harap niya at ipinakita ang hawak na ID, may kinausap pa ito sandali mula sa likod bago lumingon sa akin. Napalunok pa ako, at siya nama'y nabigla. Parang gusto niyang magsalit ngunit pinili nito ang manahimik bago ako minuwestro kasama ang mga kaibigan.
Napalunok kaagad ako at lumingon sa kanya na napalingon din sa akin. Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng pag-iinit ng batok ko habang nakatitig sa kanyang nakauniporme ng camouflage at gwapong-gwapong nakatayo roon. Mas malayo ang agwat niya sa mga taong nando'n. Hindi na nakakapagtaka.
"Naks, yong titigan niyong dalawa." Tukso na naman ni Glory bago umakyat sa van.
Hindi na lang ako umimik at sumakay na rin. Nanginginig pa ang kamay ko habang nilalabas ang cellphone. Hindi ko na maalala kung kailan ang saktong date no'ng huling text niya na hindi ko naman nireplyan. Ngayon, napapaisip na ako habang tumitipa sa cellphone. Hindi ko alam kung mababasa niya ito, kung sakali. Pero dahil na-e-excite ako ay hindi ko na napigilan na e-text siya. Nagbabakasakali.
Parang lutang ako habang nakasunod sa mga kaibigan, nakapagpatayo na ng tent ang ilang boys. Ako naman ay makikishare mamaya kina Glory, at mukhang masasabon pa ako dahil sa nangyari kanina sa Checkpoint. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero ayaw ko namang magsalita na at baka kung ano na naman ang masabi ko.
Naupo ako sa lilim ng puno habang nakatanaw na mumunting ilaw na nando'n sa palibot ng mga tent na itinayo kanina. Sinilip ko nga muli ang hawak na cellphone, nagbabakasali na may text galing sa kanya. At napaupo ako ng maayos nang nakita na may isa nga... galing sa kanya. May dalawang miscalls pa, na hindi ko napansin kanina.
Parang nagsisisi naman ako kung bakit pinili ko sa lahat ng araw ay itong gabi para i-silent ang cellphone. Hindi ko tuloy narinig.
Bumati lang naman ito pabalik at sinabing kakatapos lang ng duty niya. Nagtanong pa ito kung malapit lang ba kami sa Corridor o malayo pa roon. Hindi ako nakatiis at nasabi ko sa kanya ang eksaktong address nito. At tatlumpong minuto pa bago ko nabasa muli ang bago niyang text. At napatalon ako sa gulat!
Nasa labas lang siya ng gate, at ilang minuto lang ang lakad nito mula rito.
"H-hello..." kinakabahang sagot ko sa tawag.
"Nasa labas ako..." pang-iimporma niya ng isang beses pa.
Napatayo na ako ng tuluyan at sumilip sa ibaba, saka naglakad palayo.
"Pupuntahan kita." Paalam ko, at napakagat labi bago binaybay ang daan patungo sa makalawang na gate.
Hindi pa malayo at may nakita na akong dalawang ilaw, at mula sa liwanag ng buwan ay nakita kong may nakatayo na tao roon. Hindi ko naman mapigilan ang kabang nararamdaman ko. Halos panawan na ako ng ulirat habang papalapit sa akin. Para akong minamagnet ng hindi ko mapipigilan.
Napatigil lang ako noong malapit na ako roon, kumaway siya ng kaonti. At kita ko nga na nakauniporme pa siya. Ang gwapo nga talaga nitong lalo sa sout na uniporme. Nakakatunaw.
"Pupuntahan kita." Sabi niya sa tawag.
Dumaan siya sa gilid at walang sabing nilakbangan ang mga halaman. Gano'n na lang ang pagsinghap ko nang nasa harapan ko na siya. Matangkad, at ilang dipa lang ang layo sa akin.
"Pwede ba kitang mayakap, Nia?"
Tumango ako at nagulat na lang noong niyakap niya ako, para akong tanga na tumango kaso hindi naman talaga naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng tanong niya.
"Pasensya ka na, hindi na kita nabibisita. Lagi lang abala sa trabaho." Bulong niya at niyakap pa ako ng mahigpit.
Napalunok ako at namumula saka inangat ang mga braso para yakapin din siya ng mahigpit. Mas lalo tuloy uminit ang pisngi ko habang dinarama ang init ng katawan niya. Para akong nanaginip ng gising.
Hindi naman ako umaasa, pero nasisiyahan ako na kayakap ko siya. Mainit at matikas.
"And about my daughter, I'm sorry for that."
Tumango lang ako at bahagyang pumikit para amuyin siya at nagising din kasi nagiging lapastangan na ako sa ginagawa.
"I have an offer." Maya'y sabi niya sa mahabang yakap na yon.
Hindi ako umimik at hinayaan siyang magsalita muna. Gusto ko ring malaman kung ano ang offer na yon. Pakiramdam ko, mapapa-oo ako nito.
"Malungkot ang bahay pag kami lang ni Saphire at ni Manang, pwede kang tumira sa amin."
Napadilat ako sa sinabi niya at napakalas sa yakap bago tumitig sa kanya. Medyo napalayo ako ng kaonti. Hindi sa ayaw ko, kaso...
"Ibabahay niyo po ako?" gulat na tanong ko.
Parang nanigas ito sa tanong ko. Ilang segundo lang ay tumawa rin ito at bahagya akong inabot.
"That sounds tempting but... lagi akong wala sa bahay, Nia. Si Manang lang at si Saphire. Ibabahay? Gusto mo?"
Napaatras ako at natigil sa ere ang pag-abot niya sa akin. Mas lalong lumakas ang tawa niya. Napalunok ako. Nasa matinong desisyon ba siya? Kasi sa pagkakaalam ko hindi naman normal pag may gano'ng offer gayong hindi ko naman siya boyfriend at hindi pa nagtatagal no'ng nagkakilala kami.
"Nia, hindi naman sa ibabahay kita. Iba iyon sa iniisip ko. No... physical thing." Sabi niya pa.
Kumunot naman ang noo ko at gets ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Gano'n na ba kalalim ang tiwala niya sa akin para hayaan akong tumira sa kanila? O dahil gusto niyang mapalapit ako sa anak niya na masyadong mailap. At halata ang pagkakadisgusto sa akin.
"Nia... by now, dapat alam mo na, na gusto kita."
Napasinghap ako sa gulat... teka! Napakabilis naman yata at parang naduduwag ako sa narinig. Crush ko siya... pero, ang sabihin niya sa akin na gusto niya ako? Parang napakabilis naman yata.
"G-g-gusto niyo po ako?"
Tumango lang ito at saka siya lumapit sa akin para hapitin ako. Kaya ang labas ay nakatingala ako sa kanya habang yakap niya ako ng mahigpit.
"Di pa ba halata, Nia? Hindi lang kita masyadong nabibisita dahil sa trabaho ko pero gusto talaga kita. Kahit ang bata mo pa." halakhak niya.
Napalunok lang ako at namumula na ang batok sa hiya. Parang mentol na nananalaytay sa ugat ko ang kilabot. Hindi pa rin ako makapaniwala. Pwede ba iyon?
"Sweet..." haplos niya sa gilid ng noo ko, "And very pretty, Nia. You got me in your charm."
Napalunok lang ako at napalingon sa pinanggalingan ko kanina. Medyo kumalas ako, at pilit na sinilip ang cellphone. Maiintindihan naman siguro nina Glory kung aalis ako ngayon.
"D-dalhin mo'ko kahit saan, Ulysses." Sabi ko at sabay tipa ng text.
Narinig ko na suminghap siya kaya kumunot ang noo ko at tumingala sa kanya.
"Nakakaengganyo ang offer niyo po, pero kailangan ko na makausap kayo ng mabuti." Sabi ko sabay lunok.
"Ah..." natawa na lang din ito. Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko at hindi ko naman gets kung bakit may nakikita akong amusement sa tawa at boses niya.
Sumakay kami sa sasakyan niya at ilang minuto lang ay nasa ituktok na kami ng isang public hill na wala namang katao. Naupo kami sa isang bench at nilatag ko kaagad sa kanya ang mga tanong.
"I'll pay for you..."
"Ha?" gulat na tanong ko sa kanya. Bakit niya naman ako babayaran e makikitira lang naman ako?
"Kung ayaw mo no'n, pwede kang tumulong kay Manang." Ngiti niya.
Mas lalong lumalim ang pag-iisip ko. Hindi ko pa rin maintindihan. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan naman siya, ngunit kailangan ko pa ring mag-isip ng mabuti. Hindi lang sa dahil gusto ko siya ay pwede na. Nakakaengganyo naman talaga, makikita ko na siya minsan kung hindi man araw-araw.
"Bakit naman po ako?" takang tanong ko.
"Malungkot ang bahay, Nia. Pakiramdam ko kahit nandiyan si Saphire, kulang pa rin."
Napanganga ako, bakit nga ako?
"Kailangan ko ng asawa, Nia. I'm getting old. And my daughter, I think she needs a mother figure. Hindi ko siya masyadong naaalagaan, si Manang naman ay masyado ng matanda para tutukan pa ang anak ko."
Mas lalo lang akong napanganga dahil sa mga sinabi niya.
"Ayaw ng anak niyo sa akin." Matter of fact na sabi ko.
"Hm..." tumango ito at nilingon ako, "Magugustuhan ka rin niya."
Ayaw ko pa ring maniwala na magugustuhan nga ako ng anak niya. Parang tinubuan kasi ito ng buntot at sungay sa tahasan nitong pagpapakita sa akin ng inis.
"She'll like you, don't worry." Assurance niya.
"Pag-iisipan ko ho muna." Sabi ko na lang, at hindi pa naman talaga ako sigurado sa desisyon. Kung kailangan kung mag-isip ng mabuti para rito, gagawin ko. Kasi yon naman talaga ang kailangan.
At saka si Papa, ano na lang ang sasabihin niya pag nalaman niyang binabahay ako ng isang pulis na higit na mas matanda sa akin? Parang Tito ko na 'to e... alam ko na magagalit si Papa. Pero ewan ko ba, at may isang parte sa puso ko na gustong sumama sa bahay niya. Gusto ko pa siyang makilala. Gusto ko pang malaman lahat ng gusto niya. At saka, alam ko, mabait itong si Ulysses.
No physical naman. Sabi niya, at magtitiwala ako roon. Walang mawawala sa akin. Iyon nga lang at hindi ako sigurado sa puso ko kung kaya ko bang pigilan na wag mahulog ng tuluyan.
"Sabi niyo kailangan niyo ng asawa..." sabi ko at napakagat labi.
Sabi ko pag-iisipan ko muna. Pero mukhang itong puso ko ang nagdedesisyon. Nabobo ako rito... para akong tanga na sinasabi na lang ang kung ano.
"Ipapakilala kita kay Papa..." tumatahip ng sobrang malakas ang puso ko.
Para akong tanga... natatanga tulad ng pag-ibig ni Papa kay Mama.
"Saka tayo magpapaalam na... n-na... gusto mo'kong iuwi."
Napasinghap siya sa gulat. Pati nga ako ay nagulat sa sinabi ko. Hindi ko alam, pero parang may nakain akong kakaiba habang nagsasalita.
Gusto ko naman talaga... gusto kong sumama sa kanya. Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya. Gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam na binabahay ng nagugustuhan. Syempre, walang pisikalan.