"Are you sure?" kita ko ang bigla pa rin sa mga mata niya. Parang ayaw niyang maniwala na agad na lang akong nagdesisyon pagkatapos kong sabihin na pag-iisipan ko muna. Gayong hindi ako sigurado kung tama ba iyon o hindi. E hindi ko rin alam kung nasa matinong pag-iisip pa ba ako.
"Ipapakilala muna kita kay Papa..." lunok ko.
Ang lalim na ng mga iniisip ko. At tulad lang din no'ng una, hindi ako sigurado kung papayag si Papa. Na alam ko na may maliit lamang na porsyento ng pag-asa.
Iniisip ko na nga ang magiging reaksyon ni Papa... na siguradong magagalit. Yong panganay niya, mukhang mag-aasawa na, kahit ang bata pa.
"Nia, I'm happy." Sabi niya.
Lumingon ako sa kanya na nakatitig pala sa akin at biglang kinapa ang batok ko at hinapit palapit sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat, alam ko na hahalikan niya ako ngunit gano'n na lang din ang gulat ko ng tumigil siya na namumungay pa rin ang mga mata. Kita ko kahit sa dilim, salamat sa kaonting ilaw na nanggagaling sa buwan, na nag-alangan siya.
"Right time." Ngiti niya at binitawan ang batok ko.
Napalunok na lang ako ng sunod-sunod at parang ayaw pa rin ma-proseso sa isipan ko na may ganito kaming pag-uusap. Napakabilis.
Hinatid niya naman ako kalaunan, at saktong nasa labas si Glory nang bumalik ako sa camp site. Nagulat nga ito sa pagdating ko at ngumiti lang ng kaonti bago lumapit sa akin at sinabing matutulog na kami.
Kinabukasan, nasiyahan ako ng nabasa ang isang text galing kay Ulysses. Sabi niya, ngayon siya babalik ng office at baka sa susunod na araw ay bibisita siya ulit sa restaurant. Kung maaari nga raw ay mag-usap din kami pagkatapos ng trabaho ko. Alam ko naman kung ano ang pag-uusapan namin. At tulad lang din kagabi, kailangan naming magplano kung kailan kami pupunta sa bahay. Iniisip ko pa lang ang reaksyon ni Papa, para na akong maiihi sa pag-iisip kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na doon na ako kina Ulysses.
Masyado akong nadadala sa emosyon kaya hindi na nakakapag-isip ng maayos.
Tinunton lang namin ang bukal malapit sa bundok at naligo roon bago umuwi kinahapunan. Gusto nga sana nilang isama ako sa susunod kaso may plano na ako para doon. Nasabi ko na rin kay Ulysses na sa susunod na rest day ay doon na kami pwedeng umuwi para makausap si Papa.
Ilang araw pa pero parang sinisiliban na ako sa kaba. Napakaimposible nga na magiging okay ang lahat, ngunit umaasa pa rin ako.
"Lalabas ka?" nagtatakang tanong ni Glory nang nagkaabutan kami sa sala ng quarter.
Tumango ako at hinapit ang sout na jacket para hindi maramdaman ang lamig ng gabi.
"Sasamahan na kita."
Agad akong umiling at sinabing sandali lang ako.
"Gabi na!" nag-aalalang sabi niya.
"Sandali lang naman." Pilit ko pa.
"Itext mo'ko."
Agad na akong tumango at mabilis na lumabas ng quarter. Nakita ko si Ulysses na nakaangkas sa big bike niya. May dalawang dalang helmet na inabot niya sa akin ang isa.
"Nice seeing you again, Nia." Ngiti niya.
Ngumiti rin ako at tumango, isusuot ko na sana ang helmet kung hindi niya lang ako pinigilan at saka siya lumapit sa akin para halikan ako. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko sa gulat at sa bilis ng pangyayari. Ngumiti rin siya at dumukwang muli para halikan ako, ng mas matagal. Nanginginig tuloy ang mga tuhod ko habang natatangay sa hagod ng labi niya.
Sa isang iglap naramdaman ko na lang na gumagalugad ang dila niya sa loob ng dila ko na naging dahilan kung bakit umungol ako ng mahina. Sinubukan kung humabol, at gayahin lahat ng ikinikilos ng labi niya. Ang lambot... ang sarap sa pakiramdam. Para akong hinihila habang unti-unti ng nawawala sa mundo.
Panay din ang ungol ko ng mahihina. Na naging dahilan siguro para hapitin niya ako ng mahigpit at diinan pa ang paghalik sa akin. Inaapoy na tuloy ako. Ang lambot. Ang bilis. At nangangalugad. Ramdam ko ang pagiging sanay niya.
"I can't get enough." Sabi niya na pareho ko ay hinihingal din.
Mas lalong nag-init ang pisngi ko sa naririnig. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko sa kilabot. Nakapisil na rin ang kamay ko sa braso niya na binabaan niya ng titig.
"Nia..." tawag niya sa pangalan ko at hinigpitan pa ang pagkapit sa akin. Ang tangkad niya, kailangan ko pa tuloy tumingala para tingnan kung tama ba na siya itong nasa harapan ko. Makisig at matipuno. Para akong mapipisat sa sobrang liit ko.
"Isa na lang." paalam niya.
Nanlalaki na lang ang mga mata ko nang tulad no'ng pangalawa ay naging agresibo ang mga halik niya. Na kalaunan ay naging dahilan pa kung bakit nanghihina ang mga kalamnan ko habang sinusubukan na makisabay. Panay na rin ang daing ko at nakalimutan na nasa gilid lang kami ng restaurant. Na anytime pwedeng may dumaan.
"Ang lambot ng labi mo, Nia..." bulong niya sa tenga ko ng niyakap niya ako.
Namumungay ang mga mata ko at ramdam ko na parang namumutok ang pisngi ko sa init noon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Na hinalikan niya ako. Hindi tulad noong nasa ituktok kami ng hill at kita ang pag-aalangan niya. Ngayon, parang ewan.
"Tara na." aya niya at muling inabot sa akin ang helmet na nabitawan ko sa itaas ng big bike niya.
Nanginginig pa ako ng hinintay niya akong sumakay sa likod niya.
Rinig ko nga ang paglunok niya pero hindi na nagsalita. Basta niya na lang akong hinila at pinayakap sa kanya. Para akong sasabog habang tumatagal ay mas lalong umiinit ang pisngi ko. At dinala niya ako sa bahay nila. Hindi ko napigilan at nanlalaki ang mga mata ko, napatitig nga ako ng matagal sa kanya na nginisihan niya lang.
"Tulog na sina Saphire saka Manang."
Nakatanga pa rin ako habang nakasunod sa likod niya na papasok sa loob ng kanilang bahay. Namangha naman ako sa sobrang simple noon, sa loob. Ito yong venue kung saan ginanap ang birthday party ng anak niya. Spacious sa loob maliban sa mga gamit na halatang pinag-isipan kung saan ipuwpwesto. Nagkatitigan kami ni Ulysses nang tumigil sa tapat ng telebisyon. At kalaunan ay hinila niya naman ako sa loob ng kusina nila at may kinuha siyang pagkain sa loob ng ref.
"Let's eat." Aya niya at kumuha ng paglalagyan.
Tinuro niya naman ang highstool at sinunod ko ang pag-upo roon. Na agad niyang pinaghandaan ng makakain namin. Nagkakatitigan pa kami ng isang beses. Siya na nakahilig ang braso sa hapag, at ako na nakaupo ng maayos doon. Para akong matutunaw sa klasi ng pagkakatitig niya, parang walang balak na lubayan ako.
At nabibigla pa rin ako sa tuwing nagnanakaw siya ng halik. Iyong halik na mababaw lamang at wala namang malalim na gustong mangyari. Hindi ako makahinga pagkatapos noon. Nakatitig na lang ako sa kanya na nagpipigil ng ngisi at siya na nakakagat labi habang naghahanda ng pagkain.
Napalunok pa ako ng isang beses bago sumubo. Ngunit halos mabulunan naman nang nahuli niya ako sa akto. Tumawa ito ng mahina bago lumipat ng mauupuan malapit o katabi ng akin. Itinuko niya ang kamay sa gilid ng stool ko at dinukwang ako ng kaonti. Saka inayos ang buhok ko.
Namumungay pa rin ang mga mata niya. Parang nakikiusap at hindi ko naman maintindihan iyon.
Nabitawan ko ang kutsara nang bumaba siya at hinila ang kamay ko habang hinihila sa kabilang pinto... extension patungo sa kabilang bahay pa. Napanganga na ako ng tuluyan habang nangangapa sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan niya. Ngunit meron na akong ideya, kompirmasyon na lang talaga ang kailangan. Kundi... ewan ko na lang.
At tama nga ako... nanghina ako bigla habang papasok sa loob ng isang silid na malawak na kamang puti. Hindi naman ako makahinga ng maayos habang nagpapatianod na lang.
"I'm sorry, Nia. Had to break some promise." Malalim at boung boses na sabi niya.
Napasinghap ako sa gulat at ramdam ko ang panghihina ng bou kong katawan lalo na nang pumwesto siya sa likod ko at dumaosdos ang isang kamay niya mula sa braso ko hanggang kamay. Napasinghap nga ako nang naramdaman ang hininga niya sa mismong batok ko. Saka may dumamping maliliit at malalamig na bagay... o halik.
Namumutla ako sa gulat. Ngunit ayaw ding magprotesta ng katawan at isipan ko sa mangyayari. Ewan, nanghihina na ako... at pakiramdam ko ay namanhid na ako ng tuluyan doon.
"Hm?" bulong nito at kinintilan ang gilid ng tenga ko.
Napakagat labi ako at parang kinukuryente ang kamay sa panlalamig. Umiinit lamang pag sinasalikop ng isang kamay niya iyong isang kamay ko.
Pumikit ako ng mariin at ilang ulit na napapalunok habang nangingilabot sa klasi ng paghalik niya mula tenga hanggang ilalim ng aking leeg.
Nanginginig at naninigas nga ang kamay ko nang hinila niya ako sa kama at kinababawan. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya, na matikas na nakapatong sa akin. Halatang ang init niyang titigan, dahil sa sariling pagnanasa na hindi naaapula.
"Nia..." tawag niya ng isang beses bago tuluyang bumaba ang mukha.
Pumikit ako ng mariin, na naging dahilan kung bakit may kaonting luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi dahil nasasaktan ako... kundi dahil kinakabahan ako sa mangyayari.
"Ga~" napatikom ang bibig ko ng nabigla ako noong sinipsip niya ang leeg ko. Narinig ko na tumawa siya ng kaonti bago tinuloy ang ginagawa.
Napakagat labi lamang ako at pinikit pa lalo ang mga mata... saka nagising nang naramdaman ang kamay niyang kumakalas sa sout kong jacket. Saka itinabi at nilapat niya ang sariling kamay sa gitna ng dibdib ko, habang unti-unti ng dumadaosdaos... pababa sa laylayan ng aking t-shirt at gano'n na lang ang pag-iinit ng puson ko ng naramdaman ang magaspang niyang kamay na humahagod sa aking tiyan, paitaas. Abala pa rin naman siya sa paghalik o pagdila sa aking leeg at tenga. Para bang tinitikman niya ang balat kong nando'n.
At napaangat ako noong naramdaman ang kamay niyang gumagapang sa ilalim ng aking mga dibdib... parang gustong sumingit. Gayong mahirap dahil masikip saka nakahiga pa ako... kaso wala namang imposible sa taong pursigido.
Kinakapa niya na ang dibdib ko na kahit kailan ay hindi ko pinahawak kaninuman... dinadama niya ang lambot... ang init... pati ako ay napapadaing na rin sa kilabot.
"Nia..." tawag niya ulit ng tumigil siya sa paghalik sa aking leeg.
Saka siya dumaosdos at pinirmi ang isang hita ko. Gano'n na lang din ang gulat ko nang kinalas niya ang zipper ng sout kong pantalon. Napalayo na ako ngunit pinigilan niya ang mga hita ko at hinila ang dulo ng sout kong pantalon hanggang tuhod.
"U-Uly... t-teka." Pigil ko ngunit huli na yata nang ipinatong sa likod ng mga balikat niya ang dalawa kong hita pagkatapos na hilahin ang sout kong pang-ibaba paalis sa paanan ko.
Para akong nauupos sa nararamdamang hiya. Malaya na kasi... malaya niya akong napapanood doon kahit hindi naman gaanong maliwanag ang gabi. Gusto kong lumubog sa hiya... nahihiya ako sa pangit na itsura noon.
"Ulysses... w-wag... wag diyan please." Pakiusap ko pa, pero ibinuka niya ng todo ang mga hita ko at medyo napaatras ako noong umakyat siya. Ang awkward ng posisyon ko.
Para akong palaka.
"Ah~" natutop ko kaagad ang bibig ng napaungol ako sa unang beses na naramdaman ang init ng hagod ng dila niya.
Sunod-sunod. Kaya dumiin ang pagtakip ko sa sariling bibig. Nanginginig ang mga hita ko sa ginagawa niya. At napapaluha ako ng kaonti dahil sa pagpipigil na wag umungol. Gayong napakaimposible... imposible sa akin.
"Oh~~ Y-Yul..." tawag ko.
Napabuka ako noong naramdaman ang pagsipsip niya na parang gusto niya akong ubusin.
"U-Ulyseeess~"
Nanginginig na ang buong katawan ko, nangingilabot ako habang naririnig ang klasi ng pagsipsip niya. Rinig na rinig ko, at naaawkward ako sa gano'n. Hindi ko na nga mapigilan ang panginginig ng katawan ko habang nakatitig sa kisame.
"Ah~~ G-goodness..." napatingala na ako ng tuluyan, at nag-iinit ang mukha nang nagdesisyon akong kumapit sa buhok niya. Humigpit ang paghingi ko ng lakas doon... nanginginig na rin kasi ako. At parang bulkan na unti-unti na akong binabaha... ramdam ko ang lagkit. Rinig ko rin ang lakas ng paghigop niya. Naninigas ang mga daliri ko sa paa.
Hanggang sa humigpit ang kapit ko sa buhok niya na mukhang mauubos ko sa paghila, at napairap ako kawalan habang kinukulbusyon ang katawan ko... na noo'y unang beses kong manginig habang nagdadasal sa sarap na naramdaman.