Ngumiti siya ng pumantay sa akin. Kita ko na naman iyong saya niya noong hinalikan niya ako. Ako nama'y parang masusunog ang mukha sa hiya. Hindi ko alam na maliban sa gano'ng pakiramdam ay iba nga talaga pag nasa sitwasyon na. Kailangan ko na yatang magdasal para sa kasalanan na 'to. Masusunog na yata ako ng tuluyan sa pagpapaubaya ko.
"Nia..." tawag niya ulit at hinaplos ang kabilang pisngi ko, ako na mismo ang umiwas at nahihiyang ibinaba ang mukha. Ngunit nang akmang dadaganan niya ako ay tumunog naman ang cellphone ko nasa loob ng bulsa ng aking sout na jacket.
Nagkatitigan pa kami sandali bago siya umalis at nahiga ng patagilid sa tabi ko. Nakatitig pa rin sa akin.
Naninigas yata ang pisngi ko dahil sa nararamdamang hiya, halos hindi ko na maramdaman iyon. Ngunit parang tinakasan ako ng animo ng narinig ang boses ni Glory--- ang nag-aalalang boses ni Glory. Na rinig na rinig ko ang pagpipigil niyang wag akong sigawan.
Agad akong napaupo at hinila ang kung anong damit na maaabot ko saka itinakip sa kandungan. Sinilip ko muna si Ulysses na matamang nakatitig ang mga mata sa akin. Para bang naghihintay kung kailan ako matatapos, ngunit kita rin ang amusement nito sa mga ginagawa ko.
Kaya nanginig ang boses ko ng sinagot si Glory at mas lalo tuloy itong nagalit.
"Nasa'n ka ba?!"
Napatikhim ako at lumingon kay Ulysses na nakatuko ang isang siko habang nakahilig ang ulo niya roon. Ngumisi ito at lihim na napaiwas sa ibang direksyon. Nagmamakaawa na nga iyong mga mata ko, takot naman akong magsinungaling at baka sa huli ay pagsisisihan ko rin. Sabi ng marami, walang lihim na hindi nabubunyag.
"Nia..." halata na ang inis nito, mula sa boses niya at sa lalim ng tanong niya.
"U-uuwi naman ako... maya-maya." Kagat labing sagot ko at muling lumingon kay Ulysses na mas naging depina ang muscles sa katawan dahil sa pagkakatagilid.
"Nia..."
"S-Sorry, Glory. Pero hindi ko kasi masasabi kung nasaan ako."
Narinig ko ang pagmumura niya sa background. May kausap yata ito... at hindi lang ako sigurado kung sino ang kausap niya roon. Baka naman katrabaho lang din namin. O sino ba.
"Hello... Nia." Narinig ko na ang boses ni Riza na parang natatawa na ewan, hindi ko alam kung para ba sa akin iyong tawa niya o kaninuman na nasa background niya.
"Riza..." kagat labing tawag ko sa bagong kausap.
"Bukas ka na umuwi... ako na kakausap kay Glory. Nasa safe place ka naman di'ba?" paninigurado nito ngunit rinig ko pa rin ang tawa niya sa ibang banda.
"O-oo, nasa maayos naman ako. P-pero, ano... uuwi ako mamaya diyan."
"Sus..." nagkagulo yata sa kabilang linya ng hindi ko masyadong narinig ang boses niya.
"Nakita kaya kita kanina nakaangkas do'n sa big bike no'ng pulis."
Napanganga ako nang naging klaro na lahat, at muli akong tumitig kay Ulysses na sinasalat ang dulo ng kumot.
"Hindi naman sa binebenta kita, Nia. Pero sa tingin ko matanda ka na para malaman mo lahat ng ginagawa mo. Kaya... ano, pasok na ako.... Nag-aalburuto na kasi si Glory." Malakas na tawa nito at nawala na lang ang linya.
Nahihiyang inabot ko ang hinubad niya kanina at palihim na nagsout doon bago tumayo. Nawala siya sa konsentrasyon at muling tumitig sa akin. Saka mabilis na naupo.
"Uuwi na ho ako..." namumulang paalam ko at nagmamadaling tumayo.
Tumayo rin siya at sumunod sa akin... ni hindi man nagprotesta sa biglaan kong desisyon. Mukhang naiintindihan niya naman at seryosong kailangan ko ng umuwi. Kundi ewan ko kung titigil nga ng isang beses lang sa pagtawag si Glory. Kilala ko iyon...
"Ihahatid na kita..." maginoong pag-aaya nito sa akin.
Tumango na lang din ako at alam ko na mahihirapan ako pauwi kung magmamatigas pa ako ngayon.
Nakakapit ako mula sa likod niya at ramdam ko ang init ng likod niya na naging dahilan pa kung bakit nag-init pati kaloob-looban ko sa naiisip na nangyari kanina. Akala ko ba walang pisikalan? Tuloy, parang nag-aalangan na ako sa padalos-dalos ko na desisyon na iyon. Dapat kasi nag-isip muna ako bago nakapagbitaw ng mga salita. Ni wala man lang utak na umayaw na lumabas sa bibig ko. Nagpadala ako sa sariling damdamin.
"Salamat..." bahagyang nakayukong paalam ko.
"See you next time, Nia." Paalam niya, at inangat ang aking mukha para halikan na may tunog. Napamaang na lang ako sa hanggang sa pag-alis niya. Hanggang sa nagdesisyon na akong pumasok at tumungo sa quarter.
Muntik nang napaso sa hawak na cup si Riza nang nagkagulatan kami sa kusina. Para bang nakakita siya ng multo kung makatitig sa akin hanggang sa natawa na lang din ito kalaunan.
"Ipinagpaalam na kita kay Glory, Nia. Ayon, at parang mangangain ng tao. Akala ko pa naman doon ka matutulog."
Umiling ako at nagkamot ng mukha dahil sa hiya, saka tumungo para kumuha ng malamig na tubig.
"Hot no'ng pulis, kung wala lang akong boyfriend... baka ginahasa ko na iyon."
Napatikhim ako bago nagpakawala ng kaonting tawa... kung alam lang din nito kung ano ang ginawa namin ng pulis na iyon. Baka pinalayas na ako nito at pinabalik doon. Medyo ewan din kasi ang takbo ng isipan nitong si Riza. Masyadong malumot.
Kinabukasan ay maaga akong naghanda para magtrabaho. Tinulungan ko si Glory sa paghahanda ng mga mesa at upuan, ngunit halata ang pagiging badtrip niya hanggang sa nagkrus ang landas namin sa CR. Para naman akong malulumpo nang sinamaan niya ako ng titig.
"Halata naman na tipo ka noong pulis, Nia. Pero di ko akalain na papatulan mo kaagad. I saw your convo with him no'ng isang araw... anong sabi mo---?" irap niya, "--- bubukod ka kasama niya? Magpapabahay ka, Nia?"
Napasinghap ako sa gulat, halos matulos ako sa tinatayuan. Hindi makapagsalita. Pinakailaman niya ba ang cellphone ko? Mukhang oo kasi hindi niya malalaman iyan kung hindi.
"Ikaw ang pinakabata rito, Nia. Pero ikaw naman ang pinakamarupok. Ano na lang kaya ang mararamdaman ni Ma'am Elsie at ng Papa mo kung nalaman kaagad nila 'to? Makakatulog ka kaya habang iniisip mo ang mangyayari sa buhay mo dahil diyan sa kalandian mo?"
Napasinghap na ako ng tuluyan, hindi ko akalain na sa likod noong mga kaonting panunukso niya sa akin noon ay may ganito pala siyang galit... ramdam ko, at galit talaga ito. Parang sa isang iglap nag-iba ang ihip ng hangin.
"H-hindi naman sa ga---"
"Crush ko yong pulis, Nia. Mas matanda ako sa'yo ng limang taon. Sa tingin mo, sino ang mas bagay para sa kanya? Saka Nia, kaka-18 mo lang! Yong mga tukso-tukso ko sa'yo, wala lang naman iyon. Pero ikaw, masyado mong sineseryoso. Nabigla na lang ako na may usapan na pala kayo." Litanya pa nito.
Napipilan na ako ng tuluyan, nasasamid ang dila ko sa pag-iisip ng dahilan... tama naman siya, kaka-18 ko lang pero nando'n na kaagad sa isiping yon ang mga desisyon ko. Magpapabahay ako, sa edad na 18? Parang unti-unti na akong natatauhan. Tinatamaan sa mga pasaring niya.
"Glor---"
"Disappointed ako, Nia." Iling lang nito at tuluyan ng umalis.
Hindi kaagad ako nakakilos at natauhan lang noong nakita ko si Riza mula sa malayo na nakangiti sa akin at papunta rito sa banyo. Ngumiti na lang din ako bago pumasok at napahilamos sa mukha.
Guilty'ng guilty ako... hindi lang dahil sa mga sinabi ni Glory kundi pati na rin para kay Papa. Tama ba talagang ipapakilala ko siya kay Papa? Pagkatapos, ano? Makikipaglive in ako? Gano'n na ba talaga ako karupok para lang masunod ang gusto?
Kinakabahang kinuha ko ang simpack at flinash sa bowl bago lumabas ng CR. Naguiguilty ako sa feelings ni Glory... kaya siguro ginawa ko 'to para mawala ang konsensya na nararamdaman ko. Kailangan ko siyang alisin sa Sistema ko.
Nagiging masama na ito... tulad lang din ng kagabi, tama bang maranasan kaagad ng isang teenager na katulad ko ang bagay na yon? Si Ulysses, matured siya at may karanasan na. Pero ako? Kaka-eighteen ko lang this year... pero ano itong ginagawa ko?
"Sabihin mo may pinuntahan." Bulong ko kay Riza, nang namataan ko si Ulysses na bumababa sa kanyang big bike.
Nagmamadali na akong naghubad ng apron at umalis sa counter para tumungo sa likod. Dalawampung minuto na man lang ang duty ko at pwede na akong umalis. Wala naman na masyadong customer at alam ko na hindi naman pagkain ang habol ni Ulysses dito... ako.
Siguro gusto niya lang akong magiging nanay kay Sapphire kaya sa isang iglap ay naging iba ang ihip ng hangin sa aming dalawa. Kung sana mas tumanda lang ako ng kaonti, di sana'y hindi ako nag-iisip ng tungkol sa edad. Malayong-malayo kami... siya na higit o doble ang laki ng katawan kesa sa akin. At ako na isang petite girl, na hindi naman katangkaran, ay nakikipagrelasyon sa isang mas higit na mas matanda sa akin.
Ano na lang kaya ang iisipin ni Papa... ang iisipin ng mga kapatid ko pag nalaman nila ang ibig sabihin ng pakikipagrelasyon ko sa isang matured na lalaki? Alam ko na hindi matutuwa si Papa nito.
"Kailan po ang uwi niyo ate?" tanong ni Clarisse nang nagising ako umaga ng Linggo. Uuwi dapat ako ngayon, kaso naisip ko na malapit na ang pasukan ng mga kapatid ko kaya kailangan ng magtipid. Sa malayo pa naman ang susunod na sweldo kaya dapat lang.
"Pag nagbehave na kayo ni Andolf."
Sumimangot lang ito at natawa lang ako sa itsura niya na parang iiyak. Kumaway si Papa mula sa likod noon at lumapit para makausap ako ng maayos.
"Papa..." saway ng kapatid ko ng may narinig mula sa sinabi ni Papa, na dahil sa mahinang signal ay hindi ko naman maintindihan.
"May pumunta rito, Ate." Biglang sabi ni Andolf.
Kumunot naman ang noo ko, nakita ko ang pag-amba ni Clarisse na parang sinasaway ang sariling kapatid.
"Dapat niya kayang malaman..." baling niya kay Clarisse.
Lumapit na ng tuluyan si Papa at malungkot na tumitig sa akin. Kinabahan na naman ako. Pag ganito ang mga mukha nila, alam ko na may malaking problema na naman. Mula ng namatay si Mama ay mas naging mahirap sa amin ang mabuhay. Sa dami ng babayaran, kailangan pa naming ibenta lahat ng parte ng lupat nina Mama't Papa para na rin mairaos ang pagpapalibing kay Mama.
Kaya alam ko na malaking problema na naman ang naghihintay sa akin. At tama nga ako... parang gumuho ang mundo ko ng narinig mula sa bibig ni Papa na kinukuha na ang aming bahay ng bangkong pinag-utangan nina Mama't Papa noon bago pa nagkasakit si Mama.
"Paano na yan?" naiiyak na tanong ko.
"Gagawan ko ng paraan..." sabi ni Papa.
Ibinaba ko naman ang mukha at inisip na sandali lang ito... at magiging okay lang ang lahat. Maisasalba pa namin ang bahay, kahit yon na lang sa lahat ng ari-arian nina Mama't Papa.
"Hindi kita matyempuhan."
Napatalon ako sa gulat ng may tumabi sa akin habang bumibili ako ng food supplies para sa bahay. Dalawang Linggo ang makalipas pagkatapos kong malaman na kukunin na sa susunod na buwan ang bahay namin. Kailangan ko muna umuwi at sumahod naman ako nitong Linggo.
"S-sorry..." nahihiyang yuko ko. At mabilis na naglakad, na kahit subukan ko man na tumakas ay imposible gayong alam ko ang liksi ng katawan niya sa pagsunod sa akin.
"Tinatawagan kita, pero hindi na kita ma-contact. Did you block me or did you change your number?" akusa niya.
Napalunok na lang ako at simpleng ngumiti sa cashier na nasa harapan at nakatitig sa'ming dalawa.
Hindi naman ito nagpumilit na magtanong pa hanggang nga lang sa paglabas ng supermarket. Hindi ako tinantanan ni Ulysses hanggang sa napaamin ako sa mga dahilan.
"I was right... or was I?" buntong hininga niya.
"Bata pa ako, Ulysses... at ang dami kong problema ngayon." Naiiyak na naisatinig ko.
"Nia... alam ko. Pero---"
Natigilan ito at napalunok bago nag-iwas ng titig. Mas lalo tuloy naging kaakit-akit sa akin ang paglunok niya, at pagiging toned niya sa katawan na iyan.
"I can help you... Nia, pwede kitang tulungan. Basta, gawin mo lang iyong hiling ko." Suhestyon niya.
Napanganga ako sa mga sinasabi niya... Yon, kapalit ng tulong niya? Napaisip kaagad ako kina Papa at sa mga kapatid ko. Saan ako dadalhin ng pride ko kung sakaling umayaw ako? Saan titira sina Papa at saan kami titira?
"K-kapalit ng alin?"
Ngumiti ito ng malumanay at bahagya akong hinila sa malayo, may dumaan kasing naggrocery din.
"Maging Nanay kay Sapphire...Nia... at saka, iyong ginawa natin no'ng unang pumunta tayo sa bahay. Kaya mo naman di'ba?"
Napanganga pa ako lalo... may nadagdag?
"I'm having blue balls these past few days, Nia. I can't deny that. Ayaw ko ring magkunwari-kunwarian, Nia. Alam ko sa oras na tumira ka sa puder ko, may gano'ng bagay ng madadagdag. s*x. Passion. And love... Nia."
Namumulang umiwas ako at tumitig muna sa pinanggaliangan ko kanina. Sa tuwina, pumapasok pa rin sa isipan ko ang pamilya na mawawalan ng bahay.
"K-kaya... kaya mo bang bayaran iyong utang namin sa bangko? H-higit... higit isang milyon iyon!" nahihiyang sigaw ko kahit hindi pa rin nakatitig doon.
"Iyon lang ba, Nia?"
Ang yabang!