BINALIKAN NI JESSIE ANG mural kung saan nakasalin ang Saint George sa iba’t ibang lenggwahe at kinuhanan iyon ng litrato. Iyon lang at tuluyan na niyang iniwan ang daloy ng mga tao. Sumaglit siya sa mall at tumingin-tingin ng swimsuit. Wala siyang natipuhan at pawang mahal ang mga naka-display. Susuotin na lang niya ang isa sa mga luma niyang banyera. Wala naman siyang pamamalasan ng katawan niya.
Sa bahay ay agad niyang binuksan ang laptop.
Walang inaksayang panahon si Sergi at agad siyang tinawagan sa Skype.
“Serg, guess what,” bungad niya.
Nangalumbaba ito. “Spill.”
“I’m loving this city,” masaya niyang pahayag.
“That’s good to hear.”
“Yes. And…”
“Yeah?”
“...”
“Jessica, is everything alright?”
“I’m afraid, I think. Of what, I’m not sure.”
Sergi chuckled. “Better than nothing, sweetheart. What happened?”
Siya naman ang nangalumbaba sa mesa. “I wish I wasn’t destined to lose you. You know, I wish you’re that sari-sari store near our house that whoever resides in your old house, they will always build a*****e. I wish you could be the Sant Jordi fiesta that everyone wants to celebrate in this little paradise. I wish you are permanent as this permanent ache that I am bound to lose someone. I just miss you, Sergi. It’s been hard since you moved to Bicol. No one was there for me, not as close as you and I. You and I… sounds so fu/cking distant when I say it.”
Sergi sighed and looked away. “You dumb fu/ck.”
Ilang beses siyang napakurap.
“Pinapadede ni Emerald ang anak namin. She’s turning red now. Am I in trouble?” anito.
Siya naman ang napabuntong-hininga. “Well, Emerald, get over your high horse. I’m sure you had a friend like me for once in your life. Kidding. I’m a shitty friend. Hey, is she angry?”
Sergi is smiling now. “She’s saying that it’s one of the best things she heard. And she’s gonna cry happy tears in five… four… three…”
“Talk to you later, Serg. Mag-ingat kayo. Bye.”
***
JESSIE DIDN’T KNOW what to expect, how the night would go on, but she was left alone in a corner. There’s a universal understanding between the three friends and she couldn’t crack it, let alone met with warm welcome inside that circle.
Hawak niya ang plastic cup ng inumin niya at nakikisayaw sa tugtugin. Pero kahit gano’n, sobrang na-a-out-of-place siya. Hindi niya alam kung paano makikipag-chika-han sa tatlo lalo na at kalaban niya ang malakas na musika at panay rin ang paroo’t parito ng mga tao. Panaka-naka lang siya kung umimik. Sumasabat na nga rin siya at ipinipilit ang sarili sa usapan. Iimbatahin siya sabay hahayaan lang siya ng mga ito? Her friends wouldn’t do that. Her group of friends are the weird kids who have issues and have been dragged in all sorts of fatality of life, and they would never leave a person who you just met in a concert festival, making that person feel like an intruder in their little circle.
Unti-unti na siyang nagngingitngit.
She emptied her cup and walked away and went to a kiosk. Ordered another drink and never came back to that group. Being near the stage is a far cry, so she stayed near the kiosk. At least there, she could just hand over her cup for another drink and voila, piss galore.
Speaking of which, naghanap na siya ng maiihian.
Someone grabbed her arm while she was finding her way to the nearest portable toilet. It was the dashing Lucas with the wettest locks of hair. He brushed it upward. “I’m sweating. Sorry about this mess,” anito habang patuloy sa pagpunas ng pawis sa buhok.
She shrugged her shoulders and went on her business.
“Saan ka pupunta?” habol sa kanya ni Lucas.
Nilingon niya ito saglit at nagpatuloy sa paglalakad. “Naiihi ako!” sigaw niya.
“No, wait, this is the best part!” ganting sigaw ni Lucas. Hinatak siya nito at tinuro ang stage. People were coming out of the stage holding water guns, and from all sides of the place, too.
They braced themselves as splashes of water hit them hard. She’s cold and holding her pee and now have a watered-down beer.
The place was roaring with a plethora of alcohol, noise, drunkenness, and just about the weirdest fashion sense.
Inalog siya ng katabi niya. “Are you having fun?” tanong nito malapit sa tainga niya. “You look like you’re not enjoying!”
Tiningala niya ito. “It means beer sucks!”
Sinenyasan siya nito at niyakag na lumabas. Nagpatangay na lang siya rito. Natagpuan nila ang mga sarili sa isang street food corner. Hindi sila bumili o kumain, nakatayo lang sila malapit doon, at sabay na nanigarilyo. Tinapon na niya ang baso niya at hinubad ang kamisang wala nang panlaban sa lamig ng hangin. Naka-bralette siya pero hindi na lang niya pinansin ang mga tingin na itinatapon ng mga tao sa kanya. Kesa naman magbabad siya sa basang damit. Lucas did the same thing. With guys, half-naked is okay. Her bralette is decent enough.
She shot down everyone who whistled and winked at her with her middle finger. “Tangina niyo,” she cursed under her breath and took a long drag on her cigar.
Muli ay sinenyasan siya ni Lucas. What is it with this guy and him pointing his head in a direction. “Suotin mo muna iyan at maghanap tayo ng mabibilhan ng damit,” ang sabi nito.
Mabilis siyang sumunod at siya na ang nanguna sa paglalakad. “May nakita yata akong malapit na bilihan dito,” aniya.
Sa pagliko nila ay tumambad sa kanila ang tindahan na nadaanan niya kanina papuntang concert ground. Isang tingin lang ng tindera sa kanila ay agad silang itinuro nito sa mga panindang damit. Simpleng puting kamisa lang ang binili niya, ganoon din si Lucas. Nang makabayad ay saka lang niya naisip na maghanap ng bra. Hindi siya nangimi na magsukat sa harap ni Lucas, ipinapatong niya lang naman ang mga isikusukat niya sa ibabaw ng bralette. Hindi na lang niya ito pinansin. Tahimik naman ito at laging tumatalikod kaya wala siyang problema rito.
“Ate, may bihisan ba kayo rito?” tanong niya nang mabayaran ang bagong binili.
Tinawanan siya ng ale. “Teka, doon na lang sa dulo, patayin ko na lang ang ilaw,” anito.
Hinarap nito si Lucas. “Hijo, baka pwedeng sa harap ka muna at tingnan-tingnan ang tindahan?”
“Sige po, walang problema sa akin,” mabilis na sabi nito.
Wala siyang inaksayang panahon para hindi na maabala ang tindera at nilisan na nila ang lugar na iyon at muling tumambay sa hilera ng mga street foods. Kumuha sila ng pwesto at si Lucas na ang namili para sa kanilang dalawa.
Naglaway siya nang ilatag na ni Lucas ang mga pagkain nila. “Grabe, ramdam ko na ang food coma,” sabi niya at sabik na kumain ng siomai. Pati ang paborito niyang s**o’t gulaman ay meron din. “Paborito ko ito!” excited na turan niya at itinabi ang isang baso niyon.
Nagulantang siya nang bigyan siya ng buong-buong ngiti ni Lucas. Hindi lang naman iyon ang nakapagpagulat sa kanya kundi dumagdag din ang basa nitong buhok, malapad na balikat, tumatagos na tingin, at pamatay na biceps. Lahat ng iyon ay kinumpleto ng ngiti nito. Nahawa na siya at napangiti na rin.
“I see. Noted,” si Lucas na lalong lumapad ang ngiti. Lalo lang siyang kinilig kaya yumuko na siya at sumubo ng siomai.
Inilapit pa ni Lucas ang fishballs sa kanya. “Magpakabusog tayo. Kanina pa tayo nakatayo roon at puro beer ang laman ng tiyan natin.”
“I-text mo sila para alam nila kung nasaan tayo,” sabi niya rito.
Umiling ito. “Hayaan mo sila.”
“What do you mean?” usisa niya.
“They’re dating.”
Napamulagat siya. “If I take your word that your first book was based on your life story and your friends, then what happened with Sara?”
Muli ay umiling-iling ito. “Hooking up is the appropriate term, I guess. And to think that they have a kid. Fu/ck, hearing it makes me feel terrible.” Ibinaba nito ang kinakain at tumingin sa malayo.
He meant that Cielo had a kid with their friend Sara, another friend turned character in his book.
Again with the lies. It made her furious that she felt her hands trembling. She kept her lips tight as hard as she could and hoped for the best. Tumingin din siya sa malayo at kinalma ang sarili. Flashbacks of Dominic and Mel and Ignasi on a trip opened like a floodgate.
Floodgates of hell.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatingin sa malayo. Ang alam niya nang mga sandaling iyon, wala na siyang ganang kumain. Inubos na lang niya ang inumin niya at inabala ang sarili sa cell phone.
Nang magsawa sa ginagawa ay nagpaalam na siya rito. “How much do I owe you? I’m gonna head home. Early night. One of those days. Sobrang pagod na ako.”
“How was the beach, by the way?” anito. “Saw your tan line kanina.” Turo nito sa balikat nito.
“Magnificent. So, magkano nga?”
“Ayos ka lang ba?” anito.
“I was.”
Nangunot ang noo nito. “Did I say something wrong?”
Her face remained blank. “Huwag mong kunsintihin ang kaibigan mo sa mali. Kung totoo mo nga siyang kaibigan, hindi mo siya hahayaang makipagkalantari kay Lois.”
“Woah,” anito at mataman siyang tiningnan. “Don’t… You know what. You don’t have to pay. Let’s just make sure we get home safe.” Tumayo na ito at nakita niyang nanghinayang ito sa mga pagkain na hindi nagalaw.
“Humingi ka na lang ng plastik,” sabi niya sabay talikod.
“Ihahatid na kita!” pahabol ni Lucas. Nilingon niya ito at nakitang tumakbo ito saglit upang humingi ng plastik at saka binalikan ang mesa at inilagay ang mga pagkain sa loob ng plastik. Patakbo siya nitong nilapitan at iniabot ang pagkain.
“Thank you, but no. I’m good. And I insist on paying you so take this.” Iniabot niya ang bayad niya.
“I’m gonna pretend you didn’t say that. Ihatid na kita.” Hindi nito kinuha ang iniaabot niya kahit ipagpilitan niya at kahit isinisiksik na niya ang pera sa bulsa ng pantalon nito.
“Isipin mo, ha,” ani Jessie. “Kung nasaan man si Sara ngayon, o kung Sara nga ang tunay niyang pangalan, nag-aalaga siya ng anak nila ngayon ni Cielo, while Cielo is out there with Lois and Sara doesn’t know s**t about it.” Jess can’t stop herself from assuming things, she better shut her mouth.
“She knows,” tahimik na tugon nito.
Napatingin ulit siya rito.
“But she loves him to a fault. I told her, multiple fu/cking times, to leave the guy. Leave the fu/cking guy, Sar! Goddammit.” Nagtangis na ang mga bagang nito. “Hindi marunong makinig. What good is life with a fu/cking cheater?”
Umurong ang dila niya nang may mapagtanto. “Oh, stupid me…” Ito naman ang humarap sa kanya.
“What?” He sounds like he’s about to snap at her.
“I’m a hypocrite,” ang sabi niya, pagak na tumawa. “I’m judging you for letting that man cheat while I was like Sara with my ex. Wow, look at you, self. Pakabuti mo,” nanggigigil na sabi niya.
Si Lucas naman ang pagak na tumawa. “Glad you realized that,” he said sarcastically.
She welcomed and embraced his sarcasm.
They decided to just walk and not acknowledge the chemistry between them and let the rage take over. Hers is realizing that she was and still, and forever will be a major hypocrite, while Lucas is mad about the helplessness that is washing over him for being reminded of Sara and the kid and Calil having an affair with Lois.
Hinatak at pinigilan ni Jessie si Lucas sa paglalakad nang makarating na sila sa tapat ng maliit niyang tinutuluyan. “Dito na ako,” aniya at binuksan ang gate. “Nightcap?” tanong niya rito.
Lucas, worn down from his emotions, felt the urge to kiss the woman. He went for it and said a silent whisper of yes through French.